Kabanata 32

A DAY had passed and Logan was ready to work in the café. Bumaba na ang kaniyang lagnat kagabi. Kahit may sinat pa, hindi na naman masakit ang buo niyang katawan.

Tinapos niya munang i-check ang mga essay ng kaniyang mga estudyante bago naghanda para sa trabaho niya mamaya. Pagpatak ng alas singko, lumabas na siya sa kaniyang kuwarto at nagtungo sa banyo para maligo.

Pagkatapos, nagpunta na siya sa kusina para magluto. May ingay na nagmumula sa kusina kaya binilisan niya ang paglalakad. Bahagya siyang napaigtad nang maabutan si Adamas na nakaupo sa upuan ng lamesa, hindi gumagalaw at nakakrus ang mga kamay. Nakalabas ang mga sinulid nito sa kamay kaya sinundan niya kung saan ito patungo. Muntik nang malaglag ang kaniyang panga nang makitang ito ang nagsasaing at nagpriprito ng itlog.

"Oh, you're awake," Adamas said and looked at him. Tinanggal nito ang veil. "Have a seat."

"Why are you cooking--ah no." He shook his head and rephrase what he was about to say. "Why are the threads playing chef?"

"You're sick, so I took charge in the kitchen." Taas-noo siya nitong tiningnan. His smile was full of pride as if what he did was something praiseworthy.

Pinanood niya ang mga sinulid na ihain ang niluto nitong itlog, kumuha ng kanin, plato at mga kutsara. Although he once dreamed to be served, he never wished to have threads as his servers.

"Lazy villain. Is this how you do your food?" tanong niya. Kinuha niya ang kutsara at tinidor para magsimula nang kumain.

"Who the hell are you calling lazy, human? What you see is not laziness but an act of using one's mind to make work easier." He hissed. Kumuha ito ng isang piraso ng itlog. "I have a power that will do something for me, so why the need to tire myself?"

"Tamad ka nga," bulong niya na lang at kumain na.

"By the way, why are you dressed? Are you going to work again?"

Tumango siya. "Magpapadala rin ako ng pera kasi 'di ko nagawa kahapon."

Pinaningkitan siya nito. "But you're still sick."

"I'm fine now. I can now move. Hindi na rin masakit ang ulo ko--"

"But you're still sick!" Binagsak nito ang mga kamay sa lamesa dahilan para mapaigtad siya. Gamit ang tinidor, dinuro siya nito. "Look at your face. You may be feeling good but your face is saying otherwise. You're still looking like someone who rose up from the dead!"

"Thanks for the insult, I guess," sarkastiko niyang sagot pagkatapos marinig ang huli nitong sinabi.

"You took my words wrong. I don't insult people. I only tell what's true," balik nito. "Don't go to work."

"Yeah, no. I'm going." Hindi niya ito tiningnan at tinuloy ang pagkain.

"Don't defy me, idiot."

"Papasok pa rin ako. Hindi puwedeng um-absent ako. Absent na nga ako sa school kahapon, tapos hindi pa ako papasok sa café. Sayang ang araw."

Adamas groaned as a protest. "You're seriously doing this for your damn family?"

"Don't say that. They have all the rights to be angry with me anyway. Kaya kailangan kong kumayod to make it up for them."

"No, they don't!" angal nito. Nagsalubong ang mga kilay nito habang nagpatuloy. "You are their son. Not a slave, not a source for money and not a regret glass they could just fill to satisfy their insufficiency and shortcomings."

Natahimik naman siya. Seconds later, he chuckled. "Regret glass? Ngayon ko lang 'yan narinig. Puwede hiramin para sa isusulat ko?"

"Yes, you can. But don't change the topic." Nanatiling nakakunot ang noo nitong nakatingnan sa kaniya. "Don't allow them to throw their failures at you, human. It's not your fault why all of you are struggling. Stop being a pushover."

"Alam ko. Ilang beses na rin namang pumasok sa utak ko na hindi ko na sila papakinggan pero na-g-guilty ako kapag naiisip kong papabayaan ko sila." He sighed. "I'm the eldest. Nakaasa sa akin ang mga kapatid ko kaya hindi ko sila puwedeng basta na lang talikuran."

"Have them do some work, then!"

"Elementary pa ang isa. Ang isa high school. Ang sumunod naman sa akin ay college na pero masiyadong mahiyain."

"Your parents then."

"Well . . ." He sighed again. "Mom don't want to do anything after we lost Dad."

"I see. So you have a very useless and unreliable family." Napailing ito at tinapos na ang pagkain. Bakas sa mukha nito ang dismaya.

Hindi na rin siya sumagot pa. Tinapos niya na rin ang pagkain at nagtungo na papuntang café.

ISANG malakas na dighay ang lumabas sa bibig ni Gonietta matapos niyang laklakin ang isang 300 ml na soft drink. Sumandal siya sa kaniyang swivel at bahagya itong inikot para humarap sa kama.

Tinapon niya ang sarili doon sabay unat ng sarili. Tatlong oras siyang nakaupo lang sa swivel habang gumuguhit kaya naman naninigas na ang kaniyang likod.

"Ah. Ang sarap." She felt a sudden relief as she stretch her back.

Inabot niya ang phone at tiningnan ang oras. Alas dose na ng hapon. May kikitain pa siyang client mamayang ala-una para sa ipapagawa nitong banner at logo lay-out dahil magbubukas daw ito ng store.

Babangon na sana siya pero parang ang bigat ng katawan niya. Tinatamad siyang bumangon. Ayaw niya munang gumawa ng kahit na ano.

"Five minutes, babangon na ako." Pumikit siya upang magpahinga. Wala naman siyang planong matulog pero dahil sa pagod, 'di niya napansin ang sariling nakatulog na pala.

Paggising niya 12:45 na. Kaagad siyang napamura at dali-daling tumayo. Nahihilo pa siya pero 'di niya iyon pinansin at nagbihis na. Kinuha niya ang phone sa kama at patakbong lumabas ng kuwarto.

Saktong ala-una nakarating kaagad siya sa Ice and Freeze Café. Nakita niya si Logan na abalang mag-serve ng mga order kaya hindi niya ito inistorbo at naghanap ng bakanteng upuan. Nang makaupo, binuksan niya ang phone para mag-iwan ng mensahe sa client na nandito na siya.

Nag-reply itong papunta na raw ito kaya nag-scroll muna siya sa kaniyang social media account habang naghihintay. Napatigil siya sa isang post nang makita ang litrato ng kaniyang ina, ama at nakababata niyang kapatid. Nasa ibabaw ng bundok ang tatlo. Base sa mga suot nila, mukhang nag-hiking sila.

24 hours ago pa ang post.

"Ba't hindi ko 'to alam?" Napasimangot siya. Pinindot niya ang icon ng nag-post at nagpunta sa profile nito. Ang nakababatang kapatid niya ang nag-post kaya nag-iwan siya ng private message.

Gonietta Ran:
Ang daya niyo! Hindi niyo 'ko in-invite.

Ilang sandali pa bago ito nag-reply.

Grace Ran:
Bleh! Mainggit ka. HAHAHAHAHAHA
Mom bought me a new laptop too. Look!

At may s-in-end itong imahe. Ito ang brand ng laptop na hiningi niya no'ng nakaraang taon pero hindi nabigay dahil napunta ang lahat ng gastuhin sa kapatid niya dahil sa kurso nitong Nursing. Ngayong taon ito gr-um-aduate at last month, nag-take ito ng licensure exam. Okay lang din naman sa kaniya dahil mas mahalaga ito.

Gonietta Ran:
Edi wow! Congrats! Pahiram ako niyan pag-uwi ko.

Grace Ran:
Sige, tapos laro ulit tayo ng Feeding Frenzy HAHAHAHAHA

Napatawa siya sa message nito. Palagi nila itong nilalaro dati no'ng hindi pa siya bumukod. Na-miss niya tuloy bigla ang mga araw na 'yon.

Magtitipa na sana siya nang reply pero nabaling ang tingin niya sa babaeng nakaupo sa table na nasa kaniyang unahan. Malawak ang ngiti nitong nakatingin sa lalaking nag-se-serve ng ice cream.

"Sigurado ka bang okay ka na? Pagod na pagod pa ang mukha mo. You should've rest," ani nito habang hindi inaalis ang tingin kay Logan.

"I'm good," sagot din ni Logan at ginantihan din ito ng ngiti. "By the way, have you selected a student that will represent all your sections sa subject na hawak mo?"

"Yup. Ikaw?"

"Hindi pa. But I'm done checking their essays."

The girl let out a laugh. "Ang sipag mo talaga."

Nakalimutan na niyang mag-reply sa kaniyang kapatid dahil napunta na ang atensyon niya sa dalawa. They seemed close. And the way the woman stared at Logan, like he was some kind of a great art, made her look so obvious that she liked him.

Who is she?

Kay Logan naman, hindi siya sigurado. Hindi siya sigurado kung may pagtingin din ba ito para sa babae. Pero sigurado siyang ilang beses na nitong pinakita sa babae ang maganda at mapang-akit na ngiti.

Binigay na ni Logan ang in-order nitong ice cream. Napunta ang tingin nito sa kaniya kaya napakurap siya. He smiled at her while walking toward her table.

"Here. My treat. Thank you ko na rin sa 'yo kahapon dahil inalagaan mo 'ko." Nilapag nito ang Frozen Strawberry Yogurt. Umupo ito sa katapat niyang upuan. "What are you doing here? Are you looking out for me?"

"Why would I?"

"Because I was sick? Hindi ka ba concern sa akin? Hindi mo 'ko tatanungin kung okay na ba ako?" He tilted his head while still wearing a smile. His smile like that of a teaser. Nang-aasar na naman kaya inirapan niya ito.

"Hindi na. May nagtanong na sa 'yo, e." Inabot niya ang Frozen Strawberry Yogurt.

Nagtaka naman ang mga tingin nito kaya ngumuso siya upang ituro ang babae na nasa katabing upuan nila. Lumingon si Logan para tingnan ang tinutukoy niya bago binalik sa kaniya.

"Oh, you mean Samara?"

"Ah, siya pala si Samara." Kinagat niya ang yogurt.

Tumango naman si Logan. "Narinig mo kami?"

"Oo. Lapit niyo lang, e. Makangiti pa kayo sa isa't isa wagas," mahina niyang sabi habang tinuon ang tingin sa kinakain.

"I don't have any feelings for her." Logan chuckled. "Hindi naman kasi puwede na sumimangot ako sa kaniya, e, wala namang ginawang masama iyong tao."

"Okay." She avoided his gaze and looked at the window.

"Why are you acting like that?"

"What?" Sinulyapan niya ito.

Pinaningkitan siya nito. "Are you jealous, Gon?"

Isang segundong natigilan siya. Kaagad siyang umiling at dali-daling sumagot. "Hindi 'no. Ba't naman ako magseselos? Hindi naman kita gusto."

Hindi niya alam kung anong naging reaksyon ni Logan dahil kaagad siyang umiwas matapos sabihin ang mga kataga. Hindi niya rin maintindihan ang sarili dahil pakiramdam niya'y may sinabi siyang mali na siya mismo ay hindi niya ikinatuwa. Bakit niya nga ba sinabi 'yon? At bakit iyon ang tinanong ng lalaki sa kaniya?

Hindi sumagot si Logan. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ito sumasagot. Silence don't actually make things awkward for them, but right at the moment, she felt a troublesome uncomfort between them.

"Right. Anyway, I'm going to work now. Enjoy your yogurt."

Doon lang siya lumingon nang tumayo na ito at tumalikod na sa kaniya. Pinagmasdan niya ang likuran nitong naglalakad na palayo. Napabuntonghininga na lang siya at binalik ang atensyon sa pagkain.

Mayamaya pa, dumating na ang kaniyang client. Isang oras ang tinagal ng kanilang meeting at sa isang oras na iyon, nakatunganga lang siya. Naririnig naman niya ang mga pinagsasabi ng client pero labas-pasok lang ito sa kaniyang tainga.

Hindi siya makapagpokus.

Bawat sandali niyang sinusulyapan si Logan habang nag-aasam na titingin din ito sa kaniya. Pero kahit isang sulyap man lang, hindi nito ginawa.

Ano ba 'yan. Kainis.

Hanggang sa makauwi siya, hindi nawala ang nangyaring pag-uusap nila. Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo at binilisan ang paglalakad dahil gusto na niyang humilata sa kama.

Paakyat na siya sa hagdan nang maabutan si Adamas na nasa hagdanan at nakasandal sa handrail. Hindi nito suot ang veil, corset at robe. Isang normal na kasuotan lang ang sinuot nito at duda niya'y kay Logan galing ang mga damit. Nakakunot ang noo ng lalaki na para bang may malalim na iniisip.

"Hoy, sino kaaway mo?" Bahagya niyang sinundot ang braso nito.

"Hmm? Enemy?" Nilingon siya nito. "I don't have an enemy. What I have right now is a debtor, and I am going to let him pay the price of killing my Noa."

She scratched her head. "Please lang, huwag mong ichika sa akin ang murderous thinking mo."

Hindi naman sumagot si Adamas at nanatiling nakatitig sa kaniya. Nagtaka siya nang bigla siya nitong pinaningkitan habang ang mga labi ay unti-unting umaangat.

"What?" taka niyang tanong.

"The color of your emotion is quite in chaos. Do you have something in mind?"

"Ha? Ah . . ." Napaiwas siya ng tingin. "Wala naman. Iniisip ko lang request ng client ko. Alis na ako. Ba-bye!"

Nilampasan na niya ang lalaki at nagpatuloy na sa pag-akyat. Pero bago pa niya maabot ang huling hagdan, narinig niya itong natawa. Sinulyapan siya nito.

"You better figure it out soon before it's too late."

Napasimangot siya sa sinabi nito. Isa na naman sa mga kataga nitong hindi niya maintindihan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top