Kabanata 30
"AKO na nga ang bahala." Napakamot sa ulo si Gonietta dahil ayaw manahimik ni Adamas.
Kagigising niya lang at sumobra na naman tulog niya. It was almost afternoon when somebody knocked on her door earlier. Pagbukas niya, si Adamas kaagad ang bumungad sa kaniya at pakaladkad siyang hinila papunta sa kuwarto ni Logan. Akala niya kung ano na ang nangyari sa lalaki, nilagnat lang pala.
"Tinakot mo 'ko sa expression mo. Akala ko nag-aagaw buhay na kaibigan ko!" inis niyang saad habang nilalabhan ang towel bago ito nilagay sa noo ni Logan. Nasa kama ito ngayon at natutulog.
"I told him not to panic but he already went out to get you," sagot naman ni Anais. Naupo ito sa paanan ng kama.
Pinagkrus naman ni Adamas ang mga braso. Nakatayo ito habang 'di inaalis ang tingin kay Logan. "How could I not? Look at. his face, he's looking dead than the deceased."
Totoo nga na sobrang putla ng mukha nito. Naninilim din ang ilalim ng mga mata at halatang puyat.
Tinapat niya ang likod ng palad sa leeg nito. Sobrang init pa rin. She checked his temperature earlier and it was almost thirty-eight degrees.
"Magiging okay rin siya. Ako na bahala." Inalis niya ang tingin kay Logan at binalik kina Anais. Nagulat pa siya kanina dahil hindi niya inakalang makikita ang babae sa loob ng kuwarto ni Logan. "Mukhang may lakad yata kayo."
"Ah, yeah. We're going to a hospital."
"Bakit? Papa-check up mo si Adamas?" Turo niya sa lalaki.
"Do I look like I'm sick, my reddy readsy? We should bring Logan!" protesta nito. Kanina pa nito pinipilit na ipadala ang lalaki sa hospital.
Wala naman siyang problema ro'n pero nagdadalawang-isip siya dahil baka hindi matuwa si Logan pagkagising. Knowing him, he wouldn't want to waste money for himself even if it meant getting sick. He'd probably going to say he prefers to be out of the hospital.
"We can keep Logan here for now and observe him," sagot ni Anais. "Just make sure to watch his temperature. Kapag hindi 'yan bumaba at tumaas hanggang thirty-nine, we need to take him to the hospital." Tumayo na ito. Tiningnan nito si Adamas at sinenyasahang aalis na sila.
Nagdalawang-isip naman si Adamas. "Will he really be okay?"
Bahagya siyang napatawa dahil sa nag-aalala nitong mukha. "First time mo ba makakita ng may nilalagnat?"
"I never got sick, so I don't really know what it feels like."
"It's tiresome. You'll feel cold tapos sasakit ulo mo. But most of the time, they don't really last long. You can take care of someone who has a fever just inside your home," paliwanag ni Anais.
Tumango naman siya. "At isa pa, hindi naman 'to unang beses na nilagnat si Logan at mas lalong hindi ito ang unang beses na inalagaan ko siya. You can leave him to me. Okay ba?" She put her thumbs up.
Adamas sighed with his lips slowly smiling. "All right. I will hold on to your words."
Naglakad na si Anais palabas ng kuwarto. Sumunod din si Adamas pero bago pa ito tuluyang lumabas, lumingon muna ito sa kaniya. Ngumiti ito sa kaniya nang nakakaloko dahilan para kumunot ang kaniyang noo.
"Take good care of your husband."
Natigilan naman siya. Hindi siya nakasagot at pinanood lang itong umalis na habang tumatawa.
Nanukso pa talaga ang gago.
Binalik niya na lang ang atensyon kay Logan. Kinuha niya ang towel at muli itong nilabhan. Nilagay niya ito sa noo ng lalaki bago lumabas para magluto ng lugaw.
Habang nagluluto siya, maya't mayang ginugulo ng mga salita ni Adamas ang isipan niya. Hindi mapigilang mamula ng magkabila niyang pisngi. Hindi na naman bago sa kaniya na may manukso sa kanila pero pagdating kay Adamas, nakakaramdam siya ng kakaiba. Para kasing may alam itong hindi niya alam at may nakikitang hindi niya kayang makita. Para bang mas kilala pa siya ni Adamas kaysa sa sarili niya.
Nagkibit-balikat na lang siya. Pagkatapos niyang magluto, bumalik na siya sa kuwarto ng kaibigan.
Naabutan niya itong kagigising lang at tinatanggal ang towel sa noo.
"Huwag ka munang bumangon," pigil niya. Umupo siya sa tabi nito.
Napatingin naman ito sa kaniya. Matamlay ang mga mata nitong paborito niyang iguhit. "Did I pass out?"
She nodded. "Si Adamas ang nakakita sa 'yo. Nako, Lolo. Matatawa ka sa mukha niya kanina. Akala mo nakakita ng multo."
"Really? Kinakabahan din pala ang mga villain?" Mahina itong natawa. Pinikit nito ang mga mata.
"Nalilito na nga rin ako, e. Adamas knows how to treat people, but at the same time, he can really be so devious." Sumagi sa kaniya ang nobelang Odds of Tribes. "I guess ganoon lang talaga siya. His role is to protect the Gem of Treaty. He only kills people who will go against him. Other than that, he is actually very human."
"'Di lang marunong mag-lock ng pinto." Bumuntonghininga si Logan kaya napatawa siya.
Kinuha niya ulit ang towel at nilabhan.
"Nga pala, Gon."
"Hmm?"
"I already submitted the synopsis for the contest yesterday."
"Nice!" Binitiwan niya ang towel at nag-thumbs up. "Pasok na kaagad tayo n'yan."
"Can you at least have some doubts? Kinakabahan tuloy ako sa 'yo." Inabot nito si Nana na nasa gilid lang ng unan at niyakap.
"Sus! Kapag ikaw na gumawa, for sure, pasok na pasok na tayo. Ang galing mo, e." Aabutin niya na sana ang towel na nasa basin nang biglang mag-ring ang phone ni Logan na nasa study table.
Inabot niya iyon. Sinilip muna niya kung sino ang nag-text bago binigay kay Logan.
Kumunot ang kaniyang noo dahil hindi niya ito kilala. "Sino si Samara?"
"My co-instructor. She's a newly hired teacher at kagaya ko nag-pa-part time lang din siya. We somehow get along because of that," sabi nito habang nagtitipa sa phone.
"Ah. Ganoon ba." Kinuha na niya ulit ang towel. Hindi na siya nagtanong pa ulit at pinokus na lang ang atensyon sa basin. Sa lakas ng pagkakapiga niya tumalsik ang iilang butil ng tubig sa mukha ni Logan.
"Ay, sorry." Kaagad niyang pinahiran ang pisngi nito.
Tumango lang ito bilang sagot habang ang mga tingin ay nasa phone pa rin. Hindi pa rin ito tapos na magtipa.
Gaano ba kahaba ang reply nito at bakit ang tagal?
Bigla siyang nainis kaya napalakas ang paglagay niya ng towel sa noo nito. Nagulat si Logan at ganoon din siya.
"Ay, sorry ulit," paumanhin niya.
"Iyong totoo, Gon, may galit ka ba sa akin?" natatawa nitong sabi. Tiningnan siya nito at mapang-asar na ngumiti.
'Does he smile like that too with Samara?' she thought and she didn't know where did her curiosity come from. Napaiwas na lang siya ng tingin dahil hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya.
Tinuon niya ang atensyon sa niluto niyang lugaw. Iaabot niya na sana iyon kay Logan nang bigla na namang nag-ring ang phone nito. Akala niya si Samara ang tumawag pero ang ina pala nito.
"Yes, Ma?"
"Nasaan na ang pera na hiningi ko sa 'yo kahapon? Sabi mo magpapadala ka ngayon?" Isang matinis at galit na tono ang umalingangaw sa phone. Malakas ang boses nito kaya kahit hindi naka-loud speaker naririnig niya pa rin ang sinasabi.
"May lagnat ako, Ma. Bukas ko na lang siguro ipadala. Hindi ko pa kayang bumangon, ang sakit pa ng ulo ko," mahina at kalmadong sagot ni Logan.
"Jusko naman, Logan! Huwag ka ngang mangako nang hindi mo naman pala kayang tuparin! Palagi ka na lang ganiyan. Hindi mo naisip na umaasa kami rito. Ano na lang kakainin namin kung hindi ka magpapadala ngayon, ha?! Tumayo ka r'yan!"
Napalingon siya dahil sa sinabi ng ina nito. Kita niyang napabuntonghininga si Logan.
"Nagpadala ako sa 'yo no'ng nakaraang araw, Ma. Imposible namang naubos niyo kaagad 'yon."
"Huwag mo nga akong kuwestiyunin. Malamang dahil hindi lang ako ang pinapakain mo. Lintek ka! May gana ka pang sumagot, e, wala ka namang naabot sa buhay."
Natahimik si Logan habang patuloy pa rin sa pagsasalita ang ina.
"Bakit kasi 'yang walang silbing kurso na 'yan ang kinuha mo? Ano bang napala mo r'yan sa pagsusulat mo, 'di ba wala? Bakit ayaw mo pang tumigil d'yan?!"
"Ma, napag-usapan na natin 'to. Ito ang gusto ko."
"Putangina mo! Masiyado kang makasarili! Hindi mo na kami inisip. Alam mo, hindi ka dapat nagkakaganito kung hindi dahil d'yan sa kaibigan mo. Ba't ka pa sumasama-sama r'yan?! Wala kang mapatutunguhan kung bubuntot ka lang sa kaniya at sa walang kuwenta niyong pangarap."
Napakurap si Gon sa kaniyang narinig. Muntik na niyang mabitiwan ang bowl.
"Ma!" sita ni Logan. "Let's talk some other time. Magpapadala ako ngayon kaya huwag ka nang tumawag."
Kaagad nitong pinatay ang tawag at saka tiningnan siya. "I'm sorry, Gon. I--"
"No. It's okay." Kaagad siyang umiling at pilit na tumawa upang alisin sa mukha ng kaibigan ang pag-aalala. "I'm fine. My point din naman si tita."
Napakamot siya sa kaniyang pisngi. Siya ang nag-alok kay Logan na mag-aral sa parehong unibersidad at manatili rin sa siyudad na ito. Siya ang nagtulak sa lalaking sundin nito ang pangarap kaya kung iisipin, kasalanan niya rin kung bakit galit ang pamilya ni Logan sa kaniya.
She sighed. "I'm sorry, Lolo. Sorry pinilit kita rito."
"Of course not," mabilis nitong sagot. "Ginusto ko 'to, Gon. And I'm happy that you pushed me to pursue what I want." Kinuha nito ang bowl at nilagay sa kama bago hinawakan ang kaniyang kamay. He squeezed her hand. "You are the very first person who believed in me, so please don't be sorry. That's the last thing I want you to feel."
She let out a small smile and held his hand too. "I hope you'll not regret being with me."
"I would never." Bumitaw ito at inabot sa kaniya ang plushie na yakap-yakap kanina. "Naghihintay pa si Nana sa mga pangako natin."
Napatawa naman siya.
"Oo nga pala." Way back in grade school, Nana and Botox were the plushies they got from a claw machine. Sabay silang nangako sa araw na iyon na kahit na anong mangyari, walang titigil sa kanilang dalawa na abutin ang mga pangrap nila.
Kinurot niya ang tainga ng plushie bago sinalubong ang mga tingin ni Logan. "We'll make it big soon."
"We will."
GAMIT ang sasakyan ni Anais, tinungo nila Adamas ang hospital kung saan nagtratrabaho ang doctor ni Adamas Laurien. Umabot sila ng isang oras sa biyahe dahil nasa kabilang siyudad pa ito.
"Ahm, aren't you going to change your clothes?" tanong ni Anais sa kaniya matapos pinarada ang sasakyan sa parking lot ng hospital.
He was wearing his villain outfit. He crossed his arms and said. "No. This is my comfort. This is what my Noa give me. And I don't have any extra cloth."
"I can buy some for you," mabilis nitong sagot. Maaliwalas itong nakangiti sa kaniya.
"No. Like I said, I'm not your brother. So don't treat me one." Nauna siyang lumabas sa kotse.
Hinintay niyang makalabas si Anais at sumunod sa babae. Pumasok na sila sa loob ng hospital. Bawat hallway na madadaanan nila, tumitingin sa kaniya ang mga nakakasalubong nila.
My wordy Noa really made me so noticeable. He smiled with that thought.
Lumiko sila sa kaliwang pasilyo kung saan naroroon ang office ng mga doctor. Kinatok ni Anais ang pangalawang pinto. Kaagad na may nagbukas n'yon kaya pumasok na sila.
Sumalubong sa kanila ang isang doktor na may katandaan na at panot ang ulo. Nakaupo ito sa swivel chair habang may pinepirmahang mga papeles.
"Good morning, doc."
The doctor turned to look at them when Anais spoke. Kaagad na nakilala ng doktor ang babae.
"Miss Laurien," he greeted. His gaze shifted to his. "And this is?"
"I am Ada--"
"He's Vondrov Riscarte," Anais cut him off which made him frown. How dare she cut him off? She even forgot her first name.
"Oh, ahm . . . " Tinitigan muna siya ng doktor mula ulo hanggang paa bago nagsalita. "Have a seat."
Naupo sila sa dalawang upuan na nasa harapan ng table nito. He leaned against the back of the chair while reading the name encrypted in the name plaque.
'Dr. Rowaldo McKinsron, Medical Director'
"So, sino sa inyong dalawa ang magpapakonsulta?"
"Actually, doc, we're here to ask you for the medical record of my brother, Adamas," Anais said.
Natigilan ang doktor. Tinitigang maigi ni Adamas kung paano nagbago ang emosyon nito. The calm blue suddenly turned into a nervous purple.
"Bakit? May problema ba?"
"I just want to see."
"What is there to see? You already know what was the cause of his death. You'll just make it harder for yourself to move on if you keep digging about him." Umiwas ito ng tingin at pinokus sa ballpen na hawak-hawak.
"Stop your pointless reasons and show them to us." Binagsak niya ang kamay sa lamesa dahilan para mapaigtad ito. "I don't have much time to waste. Hurry up, doctor."
"I a-already throw it away."
"That's impossible. It hasn't been ten years since Adamas died. You can't just throw it away," angal ni Anais.
"But--"
Hindi niya ito pinatapos ang doktor at kinuwelyuhan. He clenched his fist and made him look at his sharp nails. "Listen here, doctor. I'm already agitated. Don't make me wait for too long or else I'll bury my fist over this old face of yours."
"Sir, what do you think you're doing?" pumalag ang lalaking nagbukas ng pinto kanina. Sinugod siya nito pero kaagad niya itong sinipa nang malakas. Kasabay ng paghiyaw ni Anais, ang paglipad din ng katawan nito. Bumangga ito sa pader.
"Now . . ." Binalik niya ang tingin sa doktor. "Give me the medical record."
"Wait. L-let's talk this--"
Tumilapon ang doktor sa sahig nang sinuntok niya ang mukha nito.
"That is not the answer I want!" he growled. Mabigat ang mga yabag niyang naglakad papunta sa doktor upang bigyan pa ulit ito ng isa pang suntok.
Sinubukan siyang pigilan ni Anais pero hindi siya nakinig. He held the doctor's coat with his hands shaking in anger. "Give me the medical record. Now!"
Nataranta ito at kaagad na tumango. "O-okay. Okay." Dali-dali nitong kinuha ang phone sa bulsa. May tinawagan ito bago binalik ang tingin sa kaniya."M-my secretary is coming, so please wait for a moment."
Binitiwan na niya ito. Naghintay sila ng ilang minuto at kagaya ng sinabi nito, may dumating nga na lalaking may dala na tablet at mga papeles sa kamay.
"Good morning, Miss Laurien." Habol-habol nito ang hininga habang nagsasalita. "Here's Adamas Laurien's medical record from the first he was admitted to the hospital up to the latest. And this one is the hard copy of his medical records."
Tinanggap iyon ni Anais at sabay nilang tiningnan ang pinakahuling medical record ni Adamas. Kaagad niyang inagaw iyon matapos makita ang nakasulat, sinisiguradong hindi mali ang nababasa niya.
"Bruises, lacerations, internal bleeding, and a high dose of Epinephrine?" Napakuyom ang kaniyang kamao. He almost tore the paper as he turned to look at the frightened doctor. "You better explain this."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top