Kabanata 25

UMAKYAT sa seventh floor si Gonietta habang pinagmamasdan ang manipis at itim na sinulid na dahan-dahan nang nawawala. Palagi na lang siyang napapakamot sa buhok niya sa tuwing bibitiw ng mga salita si Adamas. Ang labo. Hindi niya maintindihan.

Nang makarating sa kaniyang room number, kaagad siyang pumasok sa kuwarto. Hinanda niya ang drawing tablet, stylus at drawing glove. Pinuno niya muna ang kaniyang tumbler ng tubig bago umupo sa swivel chair at nagsimulang mag-drawing.

Plano niyang tapusin ang fan art ni Adamas ngayong araw. Tiningnan niya ang mga litratong nakuha niya. Nagtatalo ang isip niya kung anong pose ang magandang i-draw kasi sa lahat ng kaniyang naiisip, alam niyang bagay lahat kay Adamas.

Napunta siya sa photo kung saan nakasandal si Adamas, nakaangat ang mukha at bahagyang nakangiti. Ito ang pose na pinagawa niya sa lalaki.

May ideya na pumasok sa isipan niya kaya iyon ang ginawa niyang reference sa magiging pose ng kaniyang drawing.

She started sketching Adamas Riscarte with his villain outfit. Half body lang ang request ng client kaya hanggang sa corset lang ang kaniyang drawing. Bahagyang nakatingin sa ibabaw ang ulo ni Adamas habang ang isang kamay ay inaangat ang black veil.

Nakailang ulit siyang iguhit ang ngiti nito dahil gusto niyang kuhang-kuha mismo kung paano ngumiti si Adamas. He had an innocent face, and so was his smile. Hindi mahahalata na isa itong delikadong nilalang na kayang kumitil ng buhay nang walang pag-aalinlangan.

"Hmm." Napatigil muna siya sa pag-s-sketch at tinignan ang kabuohan ng drawing. Nang makuntento, sinimulan na niyang mag-line art kung saan mas malinis at finalized ang bawat linya at hugis ng kaniyang drawing.

Tumagal siya ng ilang oras na hindi niya namalayang alas nuwebe na pala ng gabi. Saka niya lang naramdaman ang pagkulo ng kaniyang tiyan nang matapos niya ang commission. She sent an overview of the art to know her thoughts and if there were still things she needed to change.

Nagtungo siya sa kusina para magluto ng pagkain.

"Aray," napadaing siya nang maramdaman ang sakit ng kaniyang likod. She stretched her body while waiting for her noodles to be cooked.

Kaagad niya itong nilantakan matapos maluto dahil sa gutom. Sinulyapan niya ang phone sa ibabaw ng lamesa nang may notification. It was from her client. Wala na raw itong pababaguhin, nagbayad na rin ito sa kaniya kaya s-in-end na niya ang product.

Pumasok na ulit siya sa kaniyang kuwarto para matulog. May mga pending commission pa siya pero malayo pa naman ang deadline kaya hindi muna niya gagawin.

Ilang minuto muna siyang nag-scroll sa kaniyang social media account at nang makita na online ang kaniyang ina, iniwanan niya ito ng mensahe.

Gonietta Ran:
Ma, sumali kami ni Logan ng contest International

Naghintay muna siya ng ilang minuto bago nag-reply ang ina. Napangiwi siya dahil isang thumbs up lang ang mensahe nito.

Baka busy pa rin sila.

Palaging abala ang parents niya sa kanilang restaurant lalo na sa mga ganitong oras dahil maraming nag-d-dine in. Hindi niya na lang ito pinansin at natulog na.

Nagising si Gonietta na malapit nang mag-alas diyes ng umaga.

"Gago, I overslept." Napakamot siya sa kaniyang ulo. Maaga naman siyang natulog pero ang tagal niya pa ring nagigising.

Humihikab siyang bumangon sa kama. Nagtungo siya sa kusina para magluto ng kaniyang pagkain pero pagbukas niya sa freezer ng refrigerator, matigas na matigas pa ang manok na binili niya no'ng nakaraan.

Muli siyang napakamot. "Makikikain na lang ako."

Naligo muna siya bago nagtungo sa room number ni Logan sa second floor. Naabutan niya si Adamas sa salas na tumutungga ng soft drink habang may kinakausap na hindi niya alam kung sino o ano. Mukhang nagagawa na nitong tumayo. Hindi na rin ganoon kapagod ang mukha nito kagaya kahapon.

"Pumunta na sa café si Logan?"

Tumango naman si Adamas.

"May pagkain pa kayo? Nagugutom na ako, e."

Tinuro naman ni Adamas ang kusina habang may kinakausap pa rin. Pagkatapos niyang kumain tumambay lang din siya sa room number ni Logan. Wala pa siya sa mood na gawin ang iba niya pang commissions.

Naglalaro siya sa kaniyang phone nang may nag-chat sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo habang binubuksan ito. Mabilis na namilog ang mga mata niya at napabangon sa sofa nang makita kung sino ang nag-chat.

It was Anais Laurien, the owner of Laurien Clothing Line.

Anais Murikawa Laurien:
Hello, Gonietta! My friend commissioned fan art from you as a gift for my birthday. Na-receive ko siya kani-kanina lang and I really like it. Mind if I meet you later at lunch? I also have things to ask you about the drawing.

"Ano naman kaya itatanong nito?" Napakamot siya sa kaniyang ulo. Tiningnan niya ang oras at malapit nang mag-twelve P.M.

"What's wrong, my reddy readsy?" tanong ni Adamas na nasa kaniyang tabi.

"Si Anais Laurien gusto raw ako ma-meet."

"Anais, huh?" He hissed. "Well, go meet her then."

"Kinakabahan ako. Siya pala ang friend ng client ko na binigyan niya ng fan art mo."

"I see." Tumango naman si Adamas.

"Ano gagawin ko, Adamas? Baka hindi pala 'to natuwa sa drawing ko at bigla akong sakalin."

Napatawa naman ito. "You're overthinking. She won't do anything to you."

"How can you be so sure? Last time, alam mo ba? Nakabangga ko mama niya at grabe ang sungit," saad niya habang inaalala ang mukha ni Anica.

"She's not like her mother, don't worry. Go on and have fun with her."

Kumunot naman ang kaniyang noo. Bakit parang panatag na panatag ito sa pinagsasasabi na animo'y kilala si Anais?

Well, likas nga pala sa lalaking 'to ang maging confident.

"Hala, Adamas, what if!" Hinawakan niya ang magkabila nitong braso nang may mapagtanto. "What if alam niya pala ang ginawa mo sa mga kapatid niya? Tapos akto lang niya ang makipagkita sa akin para gawin akong hostage. Tapos i-b-blackmail ka niya. Tapos--"

"Again, you're overthinking." Nilapat ni Adamas ang palad nito sa kaniyang noo kaya natahimik siya. "She's not going to harm you. And in case she will, pull this thread so that I'll know."

Isang manipis na sinulid ang pumulupot sa kaniyang hintuturo. Bigla itong nawala kaya nagtaka siya. "Ba't nawala? Paano ko na hihilahin."

"Just balled your hand as tight as you can." Pinakita nito ang nakakuyom kamao. "And then act like you pulled something. And the thread will show up."

Napatango naman siya at tiningnan ang kaniyang kamay.

"Do you still need more reassurance?"

Umiling naman siya at ngumiti. "Okay na 'to. Sige, alis na ako para maghanda."

Naglakad na siya palabas. Nilingon niya muna si Adamas at tinuro ang lalaki. "Iligtas mo 'ko kapag may nangyari, ah?"

"Expect my arrival, my reddy readsy."

Tuluyan na siyang nagtungo sa kaniyang kuwarto para magbihis. Dumiretso kaagad siya sa sinabi nitong café at sakto na doon din nagtratrabaho si Logan.

Pagkarating niya, wala pa si Anais kaya nilapitan niya si Logan na nasa counter. Pansin niya na may iniisip ito dahil sa nababagabag nitong ekspresyon.

"Hoy, Lolo. Ayos ka lang?"

Bahagya itong napaigtad sa gulat. "Gon? What are you doing here?"

"May kikitain ako."

"A date?"

"Anong date? Isang Laurien kikitain ko."

"Ah, ganoon ba. Akala ko may date na naman kayo ni Zaren. Ang suot mo kasi," sagot nito.

"Bakit? Masiyado bang OA ang suot ko, Lo?" Bigla siyang kinabahan. Baka napasobra pala ang pananamit niya at magmukha na siyang clown. Siyempre, ayaw naman kasi niyang mapahiya at gusto niyang presentable siyang tingnan kay Anais lalo na't maalam pa naman ito pagdating sa mga damit.

"Nope. You're gorgeous." Ngumiti si Logan sa kaniya habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Napangiti rin siya. Kaagad na nawala ang pag-pa-panic ng isipan niya.

"Sige, ha. Sabi mo 'yan."

Naglakad na siya sa isang bakanteng table na nakatabi ng glass wall. Saktong kakapasok lang din ni Anais kaya kaagad siyang napaupo nang tuwid.

"Ahm, excuse me. Are you Gonietta Ran?" tanong nito. Tinanggal nito ang shades at pinasok sa maliit nitong bag na paniguradong higit pa sa buhay niya ang presyo. Nakasuot ng black trouser at cardigan si Anais. Simple lang pero kung paano nito dalhin ang damit, masasabi siyang napakaelegante ng babae.

"Yes po."

Ngumiti ito sa kaniya at umupo sa kaharap na upuan. Nagpakilala ito sa kaniya at ganoon din siya. Ilang beses siyang tumanggi nang sagutin nito ang kaniyang order pero wala rin siyang nagawa sa huli dahil ayaw magpatalo ng babae.

"I really like what you drew, Gon," she said while scooping the Cookies and Cream Ice cream. "Saktong-sakto sa kung anong naiisip ko kay Adamas. I'm just curious how did you do it?"

She tilted her head because she couldn't seem to understand her question. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

"How did you draw him? Galing lang ba siya sa imagination mo?"

"Ah . . ." Napakamot naman siya sa kaniyang ulo. Hindi naman niya puwedeng sabihin na galing mismo kay Adamas Riscarte dahil malamang hindi siya paniniwalaan nito. "Let's just say, I got a very reliable reference. I am also a reader of Odds of Tribes kaya alam ko po mismo kung anong klaseng karakter si Adamas. I based the overall vibe of my art through his character."

"Hmm. Ganoon ba?" Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi nito. "May I see your reference?"

Natigilan siya. "Bakit?"

"Well, I know it's kind of weird to say this but . . ." Napayuko si Anais. "That fan art of yours really looks like my brother."

Kumunot naman ang noo niya at inisip ang mga mukha ng kapatid ni Anais. Sa pagkakaalam niya, lima silang magkakapatid. Si Azure na panganay, sunod si Anais, ang middle child na si Azaliah, si Aivan na second youngest at si Asnael na bunso. Lahat sa kanila ay hindi kamukha si Adamas kaya papaano nito nasasabi na kamukha ang drawing niya sa kapatid?

"Sure po kayo? Parang malayo naman po yata." Napakamot siya sa kaniyang ulo.

Anais chuckled. "Yup. Sure ako."

MAYA'T maya na sinusulyapan ni Logan si Gon at Anais na nag-uusap, nagtataka kung bakit nagkita ang dalawa. Hanggang sa lumipas ang ilang oras at nagpaalam na si Gon sa kaniya, nagtatanong pa rin ang isipan niya. Bukod sa kaniyang kuryosidad sa dalawa, may isa pang bagay na bumabagabag sa kaniya. Iyon ay ang kaniyang workmate na si Ash.

"Hey, this is for table eight, mister writer. Paki-serve ito."

Tumango siya bago tinanggap ang inabot nitong tray. Nakangiti si Ash sa kaniya. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang maaliwalas ang mukha ng kaniyang workmate. Palagi kasi itong nakasimangot at tipid na magsalita pero ngayon, parang ang bait. He even called him a writer when he never once opened up about him being someone who weaved words.

"What is happening?" bulong niya sa sarili habang nagtungo na sa table eight.

Kaagad siyang bumalik sa counter nang may nagbayad. Sila lang dalawa ni Ash at abalang magprepara ng mga order ang kasama kaya siya muna ang nakatuka sa counter pati na sa pag-s-serve.

Matapos niyang ibigay ang sukli, ngumiti siya sa customer. Magsasalita na sana ngunit biglang dumating si Ash sa kaniyang tabi.

"Thank you, ma'am. I hope you enjoy our café. Do come again."

Isa pa ang diction nito sa pagsasalita na napakaklaro, masarap pakinggan sa tainga dahil naririnig talagang mabuti ang bawat tunog ng mga letra. Mabilis niyang tiningnan mula ulo hanggang paa si Ash baka sakaling may mapansin siyang kakaiba pero wala.

Anong nangyari sa workmate niya at bigla na lang naging ganito?

Nilingon siya nito habang nakangiti pa rin. "Yes? Do you want to say something to me?"

"Ha? Ah. Wala. Wala naman." Kaagad niyang iniwas ang tingin.

Pinilig nito ang ulo. Ramdam niya ang mga titig nito sa kaniya. "Your eyes are heavier than usual, mister writer. Something's bothering you? Work? A friend? A loved one? Or a family?"

"Ahm . . ."

Bago pa siya makasagot, nagsalita ulit ito. "Do you have a family, mister writer?"

His eyebrows furrowed because of an unexpected question. Hindi niya alam kung saan iyon nanggaling. Nalilito siya kung sasagot ba siya o hindi.

"Cut your crap, Rasheed."

Napunta ang tingin niya sa unahan pati na si Ash nang may dumating. It was Adamas. At matalim itong nakatingin sa kasama niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top