Kabanata 24

Illustrated by iamchandraneel 💗

PINANOOD ni Gonietta na matulog si Adamas. Hindi pa rin nawawala sa utak niya ang huli nitong sinabi. Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo dahil hindi niya alam kung ano ang tamang i-re-react.

Binaling niya ang atensyon sa study table. Inabot niya ang plushie na si Nana at tinabi sa mukha ni Adamas bago kinuha ang notebook na naglalaman ng mga ideya ni Logan. Binuksan niya ito.

'Coffin Free Spin'

Ito ang title ng istoryang pinasok nila sa contest. Tungkol ito sa isang hari na nangungulila sa patay nang asawa. Tumakas ang hari sa sariling kaharian matapos aksidenteng mapatay ang sariling anak. Nagpunta ito sa isang kuweba. Doon nito nakita ang isang coffin na naglalaman ng sandamakmak na pinwheels. 

Ang mga pinwheel ay mga portal papunta sa sariling mga memorya. Sinubukan ng hari na pumasok sa pinwheel upang balikan ang mga alaala kung saan buhay pa ang asawa. Nais nitong sabihin ang mga katagang minahal niya ito. Na pinakasalan niya ang babae hindi dahil lang sa kapangyarihan kundi dahil sa sinserong nararamdaman. At nais rin nitong humingi ng tawad sa nagawa niyang krimen sa kanilang anak.

Sinandal ni Gonietta ang likuran sa headboard habang nakangiting binasa ang concept map. Napunta ang tingin niya sa salitang nasa loob ng bilog.

'Memory Monsters'

Ang paliwanag ni Logan sa kaniya dito magsisimula ang paghihirap ng hari. Hindi nito alam na sa bawat memoryang papasukin, may mga Memory Monster na mag-aabang. Ang mga Memory Monster ay emosyon ng hari, nakabase ito sa emosyong nararamdaman sa bawat memorya. Masaya man ito o malungkot, ang mga Memory Monster ay mananatili niyang kalaban. Isa lang ang misyon ng mga Memory Monster at iyon ay kainin ang mismomg may gawa nila--ang hari. If they succeed, the king would die and he would be laying in the coffin full of pinwheels.

Hindi makakalabas ang hari sa bawat pinwheel hangga't hindi nito nagagawang patayin lahat ng Memory Monster. Tataas nang tataas din ang level of difficulty sa bawat lipat niya ng pinwheel.

Marami pang ibang bagay na nakakabit sa concept map. Sinali rin ni Logan ang type of magic system nito, ang culture at belief sa mundo na ginagalawan ng hari, at ang do's and don't rule ng pinwheel portals.

"Excited na ako," ngiting-ngiti niyang sabi habang  nakatitig pa rin sa notebook. Sabik na sabik na siyang iguhit ang mga ideya ni Logan.

Simula nang mabasa niya ang tula nito no'ng elementary, ninais niyang bigyang mukha ang bawat maililimbag nitong salita. Dahil kay Logan, nagawa niya ring makita kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay.

Napatigil siya sa kaniyang isip nang biglang sumagi sa isipan ang mukha ng kaibigan habang kinukuwento nito ang Coffee Free Spin. Bakas sa mukha ang saya nito sa tuwing binabanggit ang pagmamahal ng hari sa asawa kaya nagtaka siya.

Hindi ugali ni Logan na maglagay ng romance sa mga Fantasy stories nito kaya naman hindi niya inaasahan na ang magiging drive ng main character nila ay pagmamahal.

Napunta ang tingin niya sa pintuan nang may marinig na mga yabag. Ilang saglit pa kumatok ito at tinulak pabukas ang pinto. Bumungad sa kaniya ang pagod na mukha ng kaibigang kanina pa sa kaniyang isip.

"Ang aga mo yata nakauwi? Wala ka nang classes?" Hindi pa nagtatanghali at sa pagkakaalam niya, hanggang hapon pa ang classes ni Logan.

"Classes are cancelled. Nag-send ng memorandum ang university na walang pasok mula nine in the morning hanggang five ng hapon. Magkakaroon ng general assembly ang bawat college," paliwanag nito. Nilagay nito ang bag sa dulo ng kama bago naupo. Tiningnan nito ang mga plato at walang lamang bowl. "Ubos na Adobo ko?"

Tumango siya at tinuro si Adamas. "At siya ang salarin."

"He already woke up?"

She nodded again.

"That's great." Napahinga ito nang maluwag. Bakas sa mukha nito ang saya. "Makakatulog na rin ulit ako sa kama ko."

Nilingon niya si Adamas. Bigla niyang naisip ang sinabi nito kaya binalik niya tingin kay Logan.

"Lolo."

"Hmm?"

"May nagugustuhan ka na ba?"

Napakurap naman ito. Sinulyapan nito si Adamas bago binalik sa kaniya. "B-bakit mo naman naitanong?"

"Ang story mo kasi parang in love na writer ang nagsulat." Winagayway niya ang notebook. "For the first time, ha, mag-d-draw ako ng story mo na may Romance."

"Ah. Akala ko kung ano na." Pilit itong tumawa. Napakamot ito sa likod ng leeg habang iniikot ang tingin sa paligid.

"So? Ano? Mayroon na ba?" curious niyang tanong.

"Ba't ko naman sasabihin sa 'yo?" Ngumisi ito at tumayo. Naglakad ito papunta sa cabinet habang tinatanggal ang neck tie.

"Mayroon o wala lang ang sagot, e, dami mo pang sinasabi. Sige na, sabihin mo na!" pamimilit niya.

Nakatalikod ang lalaki ngayon dahil nag-u-unbutton ito ng long sleeve polo. Napatigil muna ito sa ginagawa bago siya nilingon. "Bakit gusto mong malaman? Since when were you interested about my lovelife, huh?"

"Ngayon. Curious ako ngayon kaya sige na. Spill the chika. Mayroon o wala?" Pinagsaklop niya ang kamay at maamong tiningnan si Logan. Palagi naman itong bumibigay sa mga tingin niya. So she might as well use it at her advantage.

"There is." Pagkatapos nitong sabihin, kaagad itong tumalikod.

Natigilan siya sa sinagot nito. Bigla siyang kinabahan kaya muli siyang nagtanong.

"Sino?"

He turned to look at her again. His sharp eyes squinted when he smirk. "Tapos na interview session ko. Bawal na akong tanungin."

Ilang saglit pa siyang napatitig sa mga mata nito bago bumalik sa diwa. Muli niya itong kinulit pero ayaw talagang sabihin ni Logan sa kaniya.

"Walang clue?"

"Wala."

"Kilala ko?"

"Wala ngang clue tapos nagtatanong ka pa." Hinubad nito ang sleeve bago buksan ang cabinet para kumuha ng damit.

Kita niya ang tattoo nito sa kanang bahagi ng likod. Konektado ang tattoo nito sa clavicle. Isang Purple Lantana flower ang nasa clavicle nito subalit sa likuran ay puno ng mga thorn na umaabot sa tagiliran ng lalaki.

She wanted to draw his back with his tattoo so bad, but she was shy to ask for permission.

Iniwas niya ang tingin at tumikhim. "So sino nga?"

"Ayoko nga sabihin."

"Daya nito. Ang tagal na nating magkaibigan tapos magtatago ka sa akin ng sikreto?" Umakto siyang nadismaya. Malalim siyang bumuntonghininga sabay iling. "And here I thought we could trust each other without keeping anything. Mukhang ako lang yata ang nag-iisip ng ganoon sa ating dalawa."

"Oo, ikaw lang."

Sinamaan niya naman ito ng tingin. Nakangisi ito sa kaniya habang inaayos ang T-shirt na sinuot.

Inirapan niya ito. "Pangit mo talaga kapag dinadramahan."

"Anyway, how's Adamas? Okay naman ba siya?"

"Mukhang okay naman." Sinulyapan niya ang natutulog na lalaki. "Pero hindi pa siya nakakatayo. Pagod na pagod pa ang mukha niya kaya mukhang nagpapahinga pa siya."

"Okay. Mukhang okay nga lang siya."

"Ano bang nangyari sa kaniya?" tanong niya. Nagulat na lang din kasi siya sa sinabi ni Logan sa kaniya no'ng nakaraan na wala raw malay si Adamas.

"Hindi ko rin alam. Sinabi ko na sa 'yo na hinatid lang 'yan ni Zaratras na walang malay." Napakamot ito sa ulo.

"Okay. Since nandito ka na naman, balik na ako. May commission pa akong gagawin." Tumayo na siya.

Tumango naman si Logan bilang sagot.

Nilapitan niya muna ang kaibigan at marahang pinindot ang talukap ng mata nito. "Ikaw, magpahinga ka habang wala kang trabaho. Tingnan mo mata mo parang babagsak na anytime soon."

"Tutulog ako pagkatapos kong magpadala kay mama mamaya."

"Kakapadala mo lang last week, 'di ba?" kunot-noo niyang tanong.

Tumango si Logan. "Tuition daw ni Hina."

"'Di ba 'yan pinadala mo last week?"

"Yeah, kaya hindi ko maintindihan kung bakit nanghihingi na naman ngayon. Hindi naman kulang ang binigay ko pero 'di raw sapat." He sighed. "Now I'm doubting if they're really using the money I gave for their necessity."

"Aren't you being too lenient to them? I mean, they are clearly using you for granted." Bumuntonghininga rin siya. "Try mo manghingi ng receipt or proof sa susunod."

"I tried pero sermon lang ang nakuha ko." Mapakla itong tumawa. "Sinubukan ko ring makiusap na huwag ako maya't mayang hingan ng pera na parang niluluwa ko lang pero wala, puro mura lang natanggap ko. Hindi nakikinig si mama sa akin."

"What a terrible parent you got, human."

Sabay silang napaigtad nang magising si Adamas. Dahan-dahan itong bumangon. Nahihirapan ito kaya tinulungan nila itong makasandal.

"Chismoso talaga 'to," saad niya.

Napangisi naman si Adamas. "Kind of." Yumuko ito at ginalaw-galaw ang mga daliri.

Napunta rin ang tingin niya roon. Dahan-dahang may lumabas na itim na mga sinulid. Muli siyang napaigtad nang biglang sumigaw si Adamas sa tuwa.

"Yes! Thank you, system! Finally! I can use my power now!" Nagdidiwang ang mukha nito. Tinaas nito ang kamay at may binulong bago ito ihampas sa kama.

Nagtaka silang dalawa sa ginawa nito lalo na't biglang kumunot ang noo ni Adamas.

"Why isn't working?" tanong ni Adamas na para bang may kinakausap sa harapan. Bigla itong sumingot at bahagya pang pinadyak ang paa. "So I can't still use it yet? Ito pa lang ang puwede ko gawin? Argh!"

"Ingay mo, Adamas. Hinaan mo boses mo," reklamo niya bago tuluyang naglakad palabas. Bago siya umalis nilingon muna niya ang kaibigan at pahabol na nagtanong. "Hindi mo talaga sasabihin sa akin sino nagugustuhan mo? Kahit initial lang?"

He chuckled. "Not even an initial."

Inirapan niya naman ito at tumalikod na. Naglakad na siya palabas. Habang iniisip pa rin kung sino ang babaeng nagugustuhan ni Logan, bigla siyang napatigil nang may tumusok sa kaniyang kamay.

Sinulid ito ni Adamas. Ano naman kaya ang sasabihin nito ngayon?

'Do not be bothered, my reddy readsy. But do figure it out soon.'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top