Kabanata 21

Warning: This chapter contains bullying. This may be uncomfortable for some readers so please, be advised. Prioritize one's state of mind all the time. Thank you.

THE event changed once again and he was now inside a house.

A house he knew.

Ito ang bahay na pinuntahan niya upang hanapin si Noa at nasa loob siya ng kuwarto ngayon kung saan nahanap niya ang sulat nito.

"My Noa?" He slowly walked toward the woman in the wheelchair. Nakatunganga ito sa kawalan.

Lumuhod siya sa harapan nito at sinubukang hawakan ang kamay ng babae.

"Be strong, my wordy Noa." He kissed the back of her hand before standing up and looking around the room.

Wala pang kahit anong nakakabit sa pader ng kuwarto. Ang mga gamit ng babae ay nasa isang maleta pa lang na nakapatong sa kama. Mukhang kakalipat lang ni Noa at wala itong planong galawin o bigyang buhay man lang ang kuwarto nitong walang kulay.

Naupo siya sa kama at pinagmasdan ang kaisa-isang bagay na nakapatong sa lamesa. Isang calendar.

August 21, 2015

Muling nagdilim ang paligid niya. Pagmulat niya, nakaupo pa rin siya sa kama, nasa loob ng kuwarto ni Noa na ngayo'y nakaupo na isang upuan. Nag-iba ang kulay sa damit nito subalit hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ng mukha ng babae.

Wala pa ring buhay.

He looked at the calendar on the table which was now surrounded by other things. Mayroon ng notebook na nakapatong at mga papel.

August 21, 2016

The event changed again with him not changing his position. But the beauty of the room and his Noa were gradually changing. Every time the place switched off, he was greeted by the progress of her Noa. Her expression became less and less similar to death.

On August 21, 2018, she started to live again.

The room became colorful as the shades of life reflected Noa's emotions. Kinabit nito ang mga litrato kasama ang asawa. Ang walang buhay na kuwarto ay naging maaliwalas dahil sa bago nitong pinta na kulay asul.

The dark clouded emotions were now gone as well. He couldn't find any traces of it anymore.

Adamas couldn't help but slide a smile while looking at her author who was busy jotting words in her notebook. Patalon siyang bumaba sa kama at patakbong lumapit sa kaniyang manunulat.

"My wordy Noa! You are finally back!" Niyakap niya ito at kahit lumusot lang ang kaniyang katawan, hindi na niya ito pinansin. "You did great, my brave Noa! This character of yours is more than proud."

Hindi mawala-wala ang ngiti niya habang pinagmamasdan ang mukha ng kaniyang manunulat. She was the best piece he preferred looking at. Her teary, angry, longing and smiling face were all his favorites. Even though sometimes it pained him, he was willing to strike himself with misery if it meant seeing her author.

"Are you writing?" Sinilip niya ang sinulat ito. Nagningning ang kaniyang mga mata nang makita kung ano ang nakasulat.

It was the Odds of Tribes' concept map.

Kita niya roon ang plotline at main theme ng kuwento. Sa ibaba nakasulat ang arcs, setting at pangalan ng mga karakter.

Napahiyaw siya nang makita ang kaniyang pangalan. "Oh, my wordy Noa, you are now writing me!"

Caressing his own cheeks, he ran and threw himself on the bed. Hindi niya mapigilan ang saya sa tuwing iniisip pa lang niyang sinusulat na siya ng kaniyang manunulat. She wasn't only writing him, but she was also thinking of him!

Siya ang laman ng utak ng kaniyang manunulat ngayon.

"Adamas Vondrov Riscarte . . . how should I design your hair?"

Muli siyang napahiyaw nang marinig ang kaniyang pangalan. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at pinakinggan ang bilis ng pintig ng puso. "Ah, shit. My Noa, don't do this to me. I never realized that you uttering my name is the only thing I needed. Puwede na akong mamatay."

He loved the sweet gentleness in her voice. The way she pronounced his name felt like she was singing. It was a lullaby he was willing to get addicted to.

"I think I fell in love with you again." Nagpagulong-gulong siya sa kama habang patuloy pa ring humihiyaw.

"Adamas."

Wala pang isang segundo, bumangon kaagad siya at sumagot. "Yes, my love?"

Hindi nakatingin sa kaniya si Noa at doon sa notebook. May kinuha ito sa bulsa na isang barya dahilan para magtaka siya.

"What is that for?" He tilted his head.

"Head for main character. Tail for villain." Hinagis nito sa ere ang barya.

Muli siyang napangiti nang mapagtanto niya kung para saan iyon. Tinaas niya ang dalawang kamay. "It's a tail! I'll be a villain. I am your villain, my love. Your favorite villain!"

Noa smiled. "A tail."

Kikiligin na sana ulit siya pero muli na namang dumilim ang paligid. Pagmulat niya, isa nang patok na storya ang Odds of Tribes. Noa published the book traditionally and digitally. Ang kuwento kung saan siya ang kalaban. Ang kuwento kung saan magdedepende sa perspektibo kung masama ba o mabuti ang mga karakter.

Nakilala si Noa bilang Noa Green. Ilang booksigning na ang nagawa nito at ilang interviews na rin ang tinanggap ng babae. Pero kahit sandamakmak na tanong na ang natanggap nito patungkol sa personal na buhay, hindi nito kailanman binanggit ang mga mabigat nitong nakaraan. Wala ni isa ang nakakaalam ng ugnayan nito sa mga Laurien o kung may sariling pamilya na ba ang babae o wala.

"I'm proud of you, my wordy Noa."

Napuno ng kasiyahan ang mga pangyayari na pati siya ay nadala. Tuwang-tuwa siyang makita ang kaniyang manunulat na natutupad na ang pangarap nitong maging isang sikat na manunulat at makilala ang gawa.

Nasa sementaryo sila ngayon at nakasunod lang siya sa babae na abalang kausapin ang namayapa na nitong asawa.

"We did it, love. We've reached our dreams." She smiled. "Nakikilala na tayo pero ayon nga lang, kilala ka nila bilang isang villain." At mahinang natawa.

Napasimangot naman siya. He crossed his arms and looked away. "It's me, though. That crybaby is a Laurien. I am Riscarte, the villain! Hmp. Whatever."

Bumalik na sila sa bahay. Nakangiti niyang sinabayan si Noa habang naglalakad papunta ng gate pero sabay rin silang napatigil nang may kotse na nakaparada.

Nagbukas ang pinto at inuluwa roon ang mukha ng lalaking una niyang pinatay.

Si Aivan. Nakangisi itong sumandal sa kotse. Bakas sa mukha nito ang pagkamangha habang nakatingin kay Noa.

"Hey there, woman. It's been a long time. I thought patay ka na." Humalakhak ito. "But it turns out may lungga ka pala rito."

Hindi sumagot si Noa at nagtungo sa gate.

"Oh, iba talaga kapag sikat na. Hindi na namamansin," napapailing nitong dagdag.

Inis naman itong nilingon ng kaniyang manunulat. "What do you want?"

"Wala naman."

"Then, get lost." Binuksan na ni Noa ang gate at papasok na sana nang muling sumagot si Aivan.

"After all that happened, I can't believe you still got the nerve to live. Mukhang nakalimutan mo na kaya dumaan lang ako rito para ipaalala sa 'yo ang ginawa mo." He paused before opening the door of his car. "I wanted to remind you of what you did to my precious little brother."

She rolled her eyes. "Whatever your downgrading words are, say it fast. I have no time for you."

Ngumisi ito. "You killed him. You are his murderer."

Pumasok na ito sa kotse at pinaharurot palayo habang si Noa ay natigilan sa sinabi nito.

"Oh, no. No, my Noa. Don't listen to him," he said, trying to comfort his author. "I already killed him for you. He's worthless."

Napunta ang tingin niya sa kamay nitong  nakakuyom. Nanginginig ito. Muli niyang tiningnan ang mukha ng manunulat nang buong pag-aalala pero iba ang nakakuha sa atensyon niya.

He was taken aback when a trace of her dark clouded emotion showed up on her shoulders.

"N-Noa?"

Adamas was too drowned by the happy sequences that he forgot about what happened to her in the present.

Noa would not end up happy.

After that day, someone rang the doorbell early in the morning. Napabalikwas sa kama si Noa at inaantok pang nagtungo sa gate. Binuksan niya ito at isang delivery boy ang sumalubong sa kaniya.

"Good morning po. Delivery po, ma'am."

Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa box na dala-dala ng delivery. "Sino po nagdala?"

"Ayaw raw po nitong magpakilala," sagot ng delivery boy. Pinapirma muna nito si Noa bago tuluyang umalis.

While walking back inside the house, Adamas was as curious as Noa. Naupo sila sa sofa na nasa salas at binuksan ang kulay pulang box. Sabay silang natigilan nang makita ang laman.

It was a Lycoris flower, the Red Spider Lily. The flower of death.

Apat na Red Spider Lily ang nakatali at sa tali ay may sulat na nakakabit. Kaagad na nagsalubong ang kilay niya nang mabasa ang nakasulat.

'A flower for a murderer.'

Nabitiwan ni Noa ang bulaklak. Napatayo ito at tumalikod. Kita niya kung paano nanginig ang kamay nito habang unti-unting bumibigat ang mga binibitiwan nitong paghinga.

"Calm down. Calm down," bulong nito sa sarili. "It's all inside your head. You've been through this. Do not go back."

He looked at his author full of worry. Unti-unti na rin siyang kinakabahan. Lalo na't unti-unting lumalaki ang itim na emosyong nakakabit sa balikat nito.

"Noa--" He was about to reach for her when the place switched off again.

When he blinked, he was still sitting on the sofa with Noa carrying a box.

But it was a different box. Nangangahulugang, ibang araw na rin ito.

Binuksan ito ng kaniyang manunulat.

"Ah!" Napasigaw ito at kaagad na tinapon ang box nang makita sa loob ang tatlong ulo ng pusa. Wala na itong katawan at tumutulo pa ang dugo nito sa leeg.

Noa continued screaming while hugging her knees. Takot na takot ito sa nakita.

Tiningnan ni Adamas ang natapong box. May sulat na namang nakadikit at sa ulo iyon ng pusa.

'A perfect gift for a murderer.'

He clenched his fist as he thought of the people who caused Noa's misery. This doing was definitely from the Laurien.

Dumating ang gabi at hindi makatulog si Noa. Panay ang paglilikot nito sa kama habang paulit-ulit na bumubulong sa sarili.

"It's all inside your head. You're fine. You're fine now. Don't get affected. It's not your fault. It's not your fault."

Habang patuloy itong sinasambit ng babae, unti-unti ring lumalaki ang itim nitong emosyon. Napalunok si Adamas. Natatakot siya sa mga sunod na mangyayari.

Hindi niya yata ito kakayanin.

But even before he could prepare himself, the event changed again and it was already morning. A loud and impatient doorbell woke his author up. Dali-dali itong nagtungo sa gate at binuksan kung sino mang nilalang ang nanggambala sa maagang umaga.

"Who--"

"Hi, Noa!"

Natigilan si Noa nang makita ang dalawang Laurien na nakangisi nang nakakaloko sa kaniya. It was Asnael and Azaliah.

"What are you doing here?"

"Well, we got bored so we decided to visit you, right, brother?" Azaliah said while not removing her gaze from Noa.

"Yup. We also got something to show to you," sagot naman ni Asnael at kinuha ang phone sa bulsa. "I know you will like it."

"I'm not interested. Get lost." Isasara na sana ni Noa ang pinto ng gate pero bigla siyang hinila ni Azaliah.

Sa gulat ng kaniyang manunulat at sa lakas ng pagkakahila, nasubsob ang mukha ni Noa sa gilid ng kotse ni Azaliah. Napadaing ito nang tumama ang ilong sa bintana.

"I didn't tell you to leave, Noa." Hinila nito ang buhok ni Noa at hinarap. "We are yet to start pa nga tapos tatalikuran mo na kami? That's a no-no."

Lumapit si Asnael sa kanila habang tumatawa. Hinarap niyo ang screen ng phone sa mukha ni Noa. "Still remember this, Noa? We found this yesterday and wow, my brother really got no mercy."

Namilog ang mga mata ni Noa nang makita ang video. It was a video of Azure from a CCTV pushing her down the stairs. And because of that, she was reminded of that day when she helplessly lost her baby.

"Noa, no . . ." Adamas was helpless too. Hindi niya kayang tulungan si Noa at ialis sa mga kamay ng dalawang Laurien.

Wala siyang nagawa kundi panoorin na naman na mahirapan ang manunulat. Saksi siya kung paano pagtawanan ng dalawa ang umiiyak nang si Noa.

"W-why are you doing this to me?" Noa sobbed. "I already got out of your sight."

"But you showed up again. You should've remained silent and didn't write para hindi mo makuha ang atensyon namin. And you even make Adamas a villain, huh?" Azaliah chuckled. "I tried reading your crappy book and I can't believe you will name the villain after your husband's name. So pathetic! How can you make him a villain when you are the real antagonist of his life? Murderer!"

"Let go of me!" Hinawakan ni Noa ang braso nito pero kaagad namang winaksi iyon ni Asnael.

"Don't use that dirty hands to touch us."

"I'm not a murderer!"

"You are!" sigaw ni Azaliah. Dinuro nito ang noo ni Noa. "You killed Adamas. You are the reason he's dead. It's your fault why he's not here anymore. It's all your fault, Noa."

Adamas started to panic as he saw Noa's growing emotion. Unti-unti itong kumakapal at lumalaki habang patuloy na nagsasalita si Azaliah.

No. Please, anyone. Please. He pleaded inside his head that somebody would come to help her.

"I doubt Adamas would be glad seeing you happy without him, so we did the job of reminding you of your fault. You should be--"

"Get away from her!"

Tumilapon si Azaliah nang may babaeng malakas siyang tinulak. Kaagad na nagliwanag ang mukha niya nang makita si Anais.

"Anais, human! You are indeed a savior!" Nakahinga siya nang maluwag dahil sa pagdating ng babae.

"A-ate?" Natigilan naman si Asnael at halatang hindi inaasahan ang pagdating ng kapatid.

Anais glared at him. "Give me that!"

Inagaw ni Anais ang phone at tinapon ito sa kalsada. "What do you think are you two doing? Umalis kayo ngayon din!"

"Pero, Ate--"

"I said leave! Now!" nanlilisik na mga mata nitong sigaw at tinuro ang sasakyan.

Hindi na nakasagot pa ang dalawa at dali-daling umalis.

Kaagad na nilapitan ni Anais si Noa at tiningnan ang sitwasyon nito. "Hey, Noa. Are you okay?"

Ngunit nanatili lang nakatunganga si Noa. Hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan.

"Noa? Noa, hey." Marahan nitong niyugyog ang balikat subalit hindi pa rin ito sumasagot.

"I don't know what they told you but please don't listen to them."

Noa still didn't respond. Hindi na ito nakikinig.

Napaatras si Adamas nang bigla siyang makaramdam ng kilabot. Nagtayuan ang balahibo niya sa katawan habang pinagmamasdan ang bagay na pumapalibot sa kaniyang manunulat ngayon.

Masiyado na itong malaki. Hindi na ito nakakapit pa sa balikat ni Noa kundi sa buo na nitong katawan, naghihintay lang ng tamang oras kung kailan handa na nitong lamunin ang manunulat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top