Kabanata 2
"NANANAGINIP ba ako, Gon?" Hinawakan ni Logan ang braso ni Gonietta at bahagyang inalog. "Siguro kakasulat ko 'to ng Fantasy kaya hindi na rin kapani-paniwala mga nakikita ko."
"Siguro nga. Kakapuyat ko rin siguro 'to kaya kung ano-ano na rin nakikita ko." Pilit siyang ngumiti habang kinukumbinsi ang sarili na hindi totoo ang nangyari kanina. Na walang umaapoy na libro at mas lalong walang lalaking nakahiga sa sahig ng kaniyang kuwarto ngayon.
Sabay silang tumalikod ni Logan habang siya ay hinila ang kumot at sinaklob sa kanilang dalawa. Pinikit niya ang mga mata at huminga nang malalim. Rinig din niya ang katabi niyang bumubulong ng kung ano-ano, hindi niya maintindihan kung nagdadasal ba ito o kinukumbinsi rin ang sariling wala silang nakitang kakaiba.
"Hoy, Lolo." Siniko niya ito. "Lingunin mo nga kung mayroon pa."
"Ayoko. Ikaw na," naiiyak nitong sabi habang umiiling.
"Sabay na lang tayo."
Nagdalawang-isip naman ito pero ilang minuto ang lumipas, tumango ang lalaki. "Sige."
Tinaas niya ang isa niyang kamay at nagbilang gamit ang mga daliri. Parehas silang nakatutok dalawa sa mga daliri niyang isa-isang tumataas. Nang tumaas ang kaniyang ring finger, sabay nilang winaksi ang kumot at nilingon ang direksyon ng sahig.
"Oh, no. I'm not dreaming." Binagsak ni Logan ang mukha sa unan habang siya naman ay nagitla. Ang isa niyang kamay ay nanatiling nakahawak sa dulo ng kumot.
Nandoon pa rin ang lalaki. Nakahiga ito at hindi gumagalaw.
Napahilamos siya sa kaniyang mukha bago naglakas-loob na tumayo sa kama. Nanginginig pa ang kaniyang tuhod pero pinili niyang maglakad at lumapit sa lalaki. Hindi niya binitawan ang kumot dahil baka sakaling bigla itong bumangon, masasampal niya kaagad ito ng kumot.
Dahan-dahan, sinilip niya ang kabuohan nito. Katabi nito ang libro kung saan nanggaling ang lalaki. Hindi niya magawang makita ang mukha nito dahil sa nakatakip na itim na veil. Kumunot ang kaniyang noo dahil sa suot nitong itim na roba ngunit may corset na nakapaligid sa bandang tiyan.
Bakit ang pamilyar ng kasuotan ng lalaki sa kaniya?
The villain with a corset?
Kaagad naman siyang napailing. That was impossible. How could a fictional character be in this place? Baka cosplayer itong nasa harapan niya.
Napunta ang kaniyang tingin sa buhok nito. Lumampas ang haba nito sa veil. Nang makita ang kulay puti na dulo ng buhok nitong matuwid, doon niya napagtantong isa nga itong cosplayer.
"Logan, tignan mo, dali. Cosplayer yata 'to ni Adamas. Kuhang-kuha iyong outfit pati buhok," saad niya. Tugmang-tugma ang deskripsiyon nito sa libro.
"Huh?"
"Bilisan mo dali!" sigaw niya at lumuhod. Hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki dahil sa veil na nakatakip. Hinawakan niya ang dulo ng black veil at aalisin na sana ngunit isang kamay ang mabilis na hinawakan ang kaniyang pulso.
"Ah!" Napasigaw siya at malakas na winaksi ang kamay para mabitiwan siya ng lalaki.
Dali-dali siyang napaatras nang dahan-dahang bumangon ang kaninang walang malay na katawan.
"S-sino ka?" nauutal niyang tanong.
But the man paid no attention to her. Kinapa nito ang black veil sa ulo pati ang buo nitong katawan.
"Huh? I'm still in one piece," saad nito habang kinakapa pa rin ang sarili. "Tapos na ba ang restart? Hey! System, talk to me!"
Gonietta tilted her head while looking at the man. Para itong may kausap subalit wala naman siyang makitang kasama nito.
"Hey! Show yourself!" May dinuro ito sa harapan na animo'y naghahamon ng away.
'Baliw ba ito?' Ang tanong na kanina pa nagpaulit-ulit sa tanong niya. Mukhang may saltik yata ito sa ulo.
Lilingunin na niya sana si Logan pero napaigtad siya sa gulat nang biglang lumingon sa kaniya ang lalaking cosplayer ni Adamas.
Although she couldn't see his eyes, she was sure that he was staring right through her soul. Napalunok siya at walang ibang nagawa kundi ang mabato sa kinatatayuan. For some reason, she felt a growing uneasiness, like her body was warning her not to do something stupid. That it was better for her to stay still.
"Who are you?" malalim ang boses nitong pagkasabi. Tumayo ito at napunta ang tingin sa direksyon ng kama kung saan naroroon si Logan. "And you too? What types of characters are you? I never once saw you in Fictosa."
"Ha?" taka niyang saad at nilingon niya si Logan. Nakatingin din pala ito sa kaniya.
He was saying something through his eyes which she immediately understood. 'Ano ang pinagsasabi ng baliw na 'yan?' ang ibig sabihin ng mga tingin nito kung ililimbag niya sa mga salita.
Nagkibit-balikat siya bago binalik ang tingin sa lalaki. "K-kami dapat ang nagtatanong sa 'yo niyan. Sino ka ba? Papaano ka lumabas sa libro?"
Pinilig nito ang ulo dahil sa kaniyang sinabi. "Lumabas ako sa libro? What do you mean?"
Tinuro niya ang Odds of Tribes. "Diyan ka lumabas."
Sinundan nito ang kaniyang tinuro. Wala pang isang segundo ay bigla itong napasinghap. "It's my Noa's book! My wordy Noa!" Mabilis nitong inabot ang libro at niyakap nang sobrang higpit. Umikot pa ito nang ilang beses na animo'y sinasayaw ang libro habang paulit-ulit na sinasabi ang pangalan ng manunulat ng libro.
Baliw nga.
Tumigil ito sa pag-ikot at tiningnan ang libro. "But why is this here? Why is the structure of Fictosa felt a little different?"
"Ano bang pinagsasabi mo? Anong Fictosa? Nasa kuwarto kita and you're trespassing!" sigaw niya.
Hindi naman ito sumagot sa kaniya. Nanatili ang atensyon nito sa libro pero hindi nagtagal inikot nito ang tingin sa buong kuwarto. Naglakad ito papunta sa kaniyang bintana.
Muntik nang malaglag ang kaniyang puso sa gulat nang bigla nitong suntukin ang glass window. Nawasak at nagkapira-piraso ang glass pero wala man lang siyang nakitang dugong tumulo sa kamao ng lalaki.
"Hey, dude! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" sigaw ni Logan habang yakap-yakap ang unan. Bakas pa rin sa boses nito ang panginginig.
"I want to see the outside," kalmadong sagot nito at sinilip ang kalangitan.
Nainis naman siya. Hindi naman nakasara ang bintana at klarong-klaro naman ang labas kahit na hindi pa nito sirain ang bintana.
"Destruction of property ka na kung sino ka mang tao ka!" Dinuro niya ito. Nakatalikod ito ngayon sa kaniya. "Isusumbong kita sa pulis!"
Bigla itong napaatras at nabitawan ang librong hawak-hawak. Ang akala niya'y natakot ito sa kaniyang sinabi pero ilang saglit pa, tumalon ito sa tuwa. Kinuha nito ang librong nahulog at muling umikot-ikot na para bang kasayaw nito ang libro.
"Shit! My Noa! I am here! I am in your world. I am in the real dimension!" Umalingawngaw ang malakas nitong boses sa loob ng kuwarto. Para bang nakalimutan na nitong nandito sila at nakatingin sa ginagawa nitong kahibangan.
"Baliw ka ba?!" Hindi na niya napigilan ang sarili at inis na sinigawan ang lalaki. "Hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay pero please lang, lumabas ka sa kuwarto ko! Tinatakot mo kami sa ginagawa mo!"
She was honestly creeped out. Well, who wouldn't? This guy had been saying things she couldn't comprehend. And the way he moved, Gonietta saw how it was a little exaggerating. She didn't need to see his face to understand his expression because his expressive movements were more than enough for her to understand that he was a lunatic.
Napatigil ang lalaki sa pagsayaw at hinarap siya. "Hmm. Your annoyance and fear are too strong, human."
"Ewan ko. Hindi kita maintindihan." She rolled her eyes. Sesenyasahan na niya sana si Logan na abutin ang kaniyang cellphone na nasa kama para tumawag ng pulis pero napatigil siya nang muling magsalita ang lalaki.
"Your fear I can understand because who wouldn't fear me?" The guy chuckled. He crossed his arms. "But the annoyance? Bakit ka naiinis sa akin, my reddy readsy?"
"Reddy readsy?" kunot-noo niyang tanong.
Tumango ito at tinaas ang libro ng Odds of Tribes. "Yes. You having this book means that you are a reader who had read my Noa's book. I am glad to meet you, human."
Naglakad ito papalapit sa kaniya kaya napaatras siya. "Huwag kang lumapit!"
Tumakbo rin papalapit si Logan at pinagitnaan sila. "Don't you dare do something."
Napahawak si Gon sa braso ng kaibigan habang nakasilip ang mukha sa lalaking cosplayer. "Sino ka ba kasi? Ang creepy mo!"
"Me?" He chuckled again.
Sira talaga utak nito.
He cleared his throat. "I mostly condemn those who dare to ask my name, but since you are one of my reddy readsy's, you are on my good side. And as a reward for your support, I am going to introduce myself." Nilapat nito ang kanang kamay sa dibdib at bahagyang yumuko. Ang tono ng boses nito ay nag-iba. Ang kaninang malamig ay naging mahinahon at magaan. "I am the villain with a corset, the murderous protector and the author's favorite, Adamas Vondrov Riscarte."
Napangiwi naman siya. "Alam na namin iyon. Obvious naman sa cosplay mo. Ang tinatanong ko kung sino ka talaga?"
"Huh? Cosplay? What are you saying?" taka nitong tanong. "What is a cosplay?"
"Stop pretending," asik ni Logan. May kinuha ito sa bulsa. "I am going to call the police."
Right after Logan let go of those words, the room suddenly felt cold. Napahigpit siya sa pagkakahawak kay Logan. Mukhang naramdaman din ni Logan ang panlalamig dahil napatigil ito sa pagtitipa.
"The police? Do you think the police can handle me?"
Napabalik ang tingin niya sa cosplayer. Halos hindi na siya makakurap nang biglang umilaw ang kamao nitong nakakuyom.
"How dare you call me a pretender?" The warm voice suddenly turned into a frozen nightmare--rough and threatening. An incredible pressure started to surround the guy, making his long black hair gradated with white glide along the air. "How dare a human like you call me--Noa's favorite--a pretender? She never once wrote me that way!"
Napapikit si Gonietta nang bigla itong magpakawala ng isang malaipuipong hangin. Nabitiwan niya ang kumot at sumabay itong lumipad sa ere kasama ang kurtina sa kaniyang bintana. Ang mga libro naman sa bookshelf pati na ang kaniyang drawing tablet na nasa lamesa ay nahulog sa lakas ng presyon. Muntikan na siyang matumba buti na lang ay nakahawak siya sa braso ng kaibigan.
"That word is an insult to me, therefore, I will execute judgement on you!" He opened his palms, and a thick, black thread started to creep like snakes toward them. It was fast that it was already encircling and stranggling their body before she could even realize.
Napasigaw siya at pilit na kumakawala sa sinulid. Umakyat ang kaba sa puso niya nang unti-unti itong humihigpit ito sa kaniyang katawan. Masakit. Sobrang sakit na parang hinihiwa nito ang kaniyang balat.
"Gon!" sigaw ni Logan. Lumingon ito sa kaniya pero natumba dahil nawala ito sa balanse. Kagaya niya nakatali rin ang buo nitong katawan sa itim na sinulid.
"Do I still look like a pretender?"
Napunta ang tingin niya sa lalaking may nakakikilabot na aura. Tumulo ang pawis niya sa noo nang makita ang palad nito, doon nanggaling ang mga sinulid na nakakonekta sa kanila. Sa bawat paghila ng mga daliri nito, humihigpit din ang kanilang pagkakagapos.
The guy who claimed to be Adamas Riscarte held his veil with his right hand. Dahan-dahan nitong inalis dahilan para masilayan ni Gonietta ang mukha ng lalaki.
She gulped.
As innocent-looking as the flower of baby blue, the man's face spoke with many volumes. But as his eyes revealed the condemning sense of murder intent, it was all then became a facade. His orb of white on the left, and his right eye black, it portrayed how balance of good and right manifested his personality.
But then again, it was a facade. His true essence could be seen through the colors of his hair where darkness dominated the strands and only the tips were white. It was as if the epitome of his character, that whatever good he could think of, it would always end up becoming bad. And terrible. And murderous.
Gonietta was now finally convinced. The man in front of them was the villain from Odds of Tribes.
Adamas Riscarte.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top