Kabanata 13
NAGTAKA si Gonietta nang panay ang pag-usog ni Logan palayo kaya hinawakan niya nang mahigpit ang pulso nito. Hindi ito makatingin nang diretso sa kaniya. Nalilito tuloy siya kung may nasabi ba siyang hindi maganda patungkol sa ugnayan nito sa mga Laurien.
"Na-offend ba kita?"
"Hindi naman. Ano pala ginagawa mo rito?" Hinila nito ang kamay dahilan para mabitawan niya ang lalaki.
"Ay, bawal na ba ako rito? May chika kasi ako. Tingnan mo 'to." Kinuha niya ang phone sa bulsa. Nakangiting pinakita niya kay Logan ang announcement na nabasa niya kanina.
Tiningnan naman nito ang kaniyang pinakita. Ilang saglit bago ito napanganga at napatingin sa kaniya.
"Really? A comic contest?" 'di makapaniwalang saad nito.
Tumango naman siya.
The International Comic Industry, ang isa sa pinakamalaking publishing company sa buong mundo ay nag-announce kagabi ng isang contest kung saan ang mananalo ay mabibigyan ng pagkakataong ma-publish ang digital comic nila.
"Sabi rito, pasok daw ang collaboration pero kailangang gumamit lang ng isang screen name at account, so we need to make a new account for us. Sali tayo rito, ah? You write and I'll draw for you just like always!" Hinawakan niya ang magkabilang-balikat nito at niyugyog. "Chance na natin 'to, Lolo. Kapag nanalo tayo, matutupad na pangarap natin!"
"But it's international. For sure, maraming magagaling na sasali. Can we win against them?"
Nag-aalala ang mukha nito kaya napasimangot siya.
"Ang negative mo talaga! Who knows, 'di ba? Saka magaling din naman tayo, ah. We just lack the exposure."
She was confident in terms of her skills. May tiwala rin siya sa kakayahan ni Logan dahil alam niya kung gaano ito kagandang magsulat. Alam na alam niya dahil siya ang unang mambabasa nito. Simula pa elementary, napahanga na siya sa mga sinulat nito.
Grade four siya nang mag-transfer ng school dahil lumipat sila ng bahay. It was in Filipino class when their teacher ordered them to write a poem and read it in front.
Siya na hindi maalam pagdating sa ganiyang bagay ay sobrang hiyang-hiya kasi baka pagtawanan siya. Imbes na magsulat, ang ginawa niya ay nagpaalam siya sa teacher na mag-cr muna pero wala na talaga siyang planong bumalik. Handa na siyang lumabas sa classroom no'n nang may magboluntaryong mauna sa pagbabasa ng nagawang tula.
At iyon ay si Logan.
Nakuha siya sa ganda ng mga salita nito kaya ang ending, bumalik na lang siya sa loob ng classroom. No'ng araw din na 'yon, hindi niya nilubayan si Logan. Nag-request pa siya sa teacher niyang magbago ng seat at tumabi sa lalaki.
"Ang galing mo kayang magsulat." She poked his cheek. "Sa galing mo, hanggang ngayon naalala ko pa tula mo no'ng grade four."
Namula naman ang mukha nito. Dali-dali nitong inalis ang kaniyang kamay at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama kaya natawa siya.
"That was ugly. Ang corny no'ng tula kong 'yon."
"Sus. Ayaw mo pang tanggapin compliment ko." Muli niyang kinalikot ang phone at binasa ang mechanics ng contest. "May dalawang rounds ang contest. Una, submission of synopsis. Kukuha lang ng fifty ang company para sa final round."
"Fifty? Argh. Ang unti."
"Tapos sa final round, dito na papasok ang illustrations. We are going to make your story into a digital comic." Ngumiti siya. "Hanggang fifty episodes lang ang hinihingi nila. Kaya dapat sa fifty episodes na 'yan, dapat bonggahan na natin nang sobra!" Patalon siyang tumayo.
Bumuntonghininga naman si Logan. "Ang advance mo naman mag-isip. Shouldn't we think first about the first round?"
"Confident naman ako na makakapasok tayo. Ikaw pa! Kagaya ng sinabi ko kanina, magaling ka." Tinitigan niya ito. "May tiwala ako sa 'yo."
Hindi naman sumagot si Logan at sinalubong ang kaniyang tingin. The sharp edges of his eyes were a little droopy today, but despite the tiredness, his eyes remained her favorite part of him.
Kapag gumuguhit siya ng matang matalim, kay Logan ang palagi niyang ginagamit na reference. The slanted ends of his eyes and his double eyelid made it look so defined and detailed that she couldn't help but adore it. It was beautiful.
"Aren't you trusting me too much?"
"Ano naman?" Naglakad siya papalapit sa study table nito. Kinuha niya ang plushie na nakatuntong doon. Isang black cat plushie na kagaya ng sa kaniya. Logan's plushie's name is Nana. "Nakalimutan mo na ba pangako natin? I'll trust you as much as I take hold of the promise I made on this plushie and mine."
Dahan-dahan naman itong napangiti. She found it amazing how his sincere smile looked like a cheeky smirk, looking down on her as if she was some kind of a peasant.
Logan's appearance was the total opposite of his personality. Mukha siyang basagulero pero ang totoo, wala pa itong nasusuntok kahit isang tao.
"Oh, bago ko makalimutan." Bigla siyang napatili nang maalala ang nangyari sa kaniya kaninang umaga. Binitiwan niya si Nana at patakbong lumapit sa lalaki. Muli niyang niyugyog ang mga balikat nito bago pinakita ang conversation niya ng kaniyang crush. "Tingnan mo 'to. Ah! In-invite ako ni Zaren na mag-coffee ngayon."
Zaren was their co-worker. Nagtratrabaho rin si Gon bilang layout artist sa publishing company kung saan nagtratrabaho si Logan, at si Zaren ay senior layout artist niya. Mahigit isang buwan na matapos siyang magkagusto sa lalaki. Mabait ito at palaging inaasahan sa kanilang team kaya hindi lang siya ang may gusto sa lalaki, pati na rin ang iba niya pang kasamahan.
"Puwede na ba akong mag-assume na date ito? Ah!" She freaked out. Nagsisigaw pa siya at panay rin ang pagtalon niya. Hindi siya makapaniwala na gigising siya kaninang umaga na may mensahe mula sa senior niya. "Lolo, is this a sign na may pag-asa ako?"
Napatigil siya sa pagsigaw nang mapansing hindi sumagot si Logan.
"Lolo?" Pinagmasdan niya ang mukha nito.
Hindi ito nakangiti.
Nakatitig ito sa kawalan kaya pinindot niya ang pisngi nito. "Hoy!"
Nagising naman ito sa kaniyang sigaw at tipid na ngumiti. "Good for you then. W-will you be going to meet him now?"
Tumango siya. Bahagya siyang lumayo sa lalaki at pinakita ang suot niyang damit. "Okay lang ba 'tong suot ko?"
She wore pastel pink trousers and a crop top with long sleeves. Magsusuot sana siya ng dress dahil doon siya mas komportable pero dahil sa narinig niyang chika sa office na mas bet daw ni Zaren ang mga ganitong style, ito ang sinuot niya. Hindi siya sigurado kung bagay ba ito sa kaniya kaya kailangan niya ng opinyon mula sa kaibigan.
"You look stunning."
Napangiti naman siya sa sinabi nito. Pagdating sa mga salita ng lalaki, madali talaga siyang napapaniwala.
Maybe because he was trustworthy. Not once he broke her trust, so she always get a sense of assurance every time Logan let go of his words.
"Sabi mo 'yan, ah. Sige hindi na ako magpapalit."
Maglalakad na sana siya palabas ng kuwarto ni Logan ngunit napaigtad siya sa gulat dahil sa lalaking nakasandal sa pinto.
"Ano ba! Magsalita ka naman diyan, Adamas!" inis niyang sigaw.
Hindi naman sumagot si Adamas at pinagkrus ang mga braso. Nakasimangot ang mukha nitong nakatingin sa kaniya.
Was it because of what happened yesterday? Galit pa rin ba ito sa kanila?
"Why are you going out with another guy, my reddy readsy?" He pouted.
Kaagad na napakunot ang noo niya nang hindi niya inasahan ang mga salitang lumabas sa bibig nito. "Ano?"
"I said, why are you going out with another guy?" Nanatili pa rin itong nakanguso.
"Ano naman?" Napataas ang kilay niya. "Bakit? Nagseselos ka?"
Umiling ito. "Not me. But--"
"Mr. Adamas, gising ka na!" Dali-daling tumakbo si Logan palapit kay Adamas. "Hindi ka ba nagugutom? Nagluto na ako ng breakfast. Kumain na tayo, bilis! Gutom na ako."
"Wa--" Hindi natapos ni Adamas ang sasabihin nang itulak siya ni Logan nang malakas paalis ng pinto.
Pinanood lang ni Gon na mawala ang dalawa sa harapan niya at maiwan siya sa loob ng kuwarto.
What's with them?
Lumabas na rin siya sa kuwarto ni Logan at naglakad patungo sa pinto. Nagpaalam muna siya.
"Alis na ako!"
"Take care and enjoy your date!" sigaw ni Logan pabalik.
Naglakad na siya palabas. Handa na siyang bumaba ng hagdan subalit nagulat siya nang may maliit na bagay na tumusok sa kaniyang kamay. Hindi naman ito masakit ngunit malamig na parang hinaplos ng yelo ang kaniyang balat.
Tinaas niya ang kanang kamay at tinitigan ito nang mabuti. Nagulat siya nang may itim at manipis na sinulid ang nakakonekta sa kaniyang hintuturo.
'Don't go. You'll make Logan sad.'
Bigla niyang narinig ang boses ni Adamas kaya napalingon siya sa direksyon ng apartment ni Logan.
Napakamot siya sa kaniyang pisngi.
What kind of message was that? Hindi niya maintindihan.
"WHAT was that, Mr. Adamas?" Logan blurted out after securing that Gon had left. "Plano mo bang ilaglag ako? Dahil ba sa sinabi ko sa 'yo kahapon kaya mo ito ginagawa?"
"Of course not! I am with you, human." Umupo naman si Adamas sa upuan na nasa lamesa.
"You almost slipped." Pabagsak siyang umupo sa kaharap nitong upuan.
Hindi nito pinansin ang kaniyang pagrereklamo at iniba ang usapan. "I've heard you two will be joining a contest?"
"Nosy villain." Inismiran niya ito at nagsimula nang kumain. Naiinis pa rin siya rito. Hindi nito alam kung gaanong kaba ang naramdaman niya kanina matapos muntik nang lumabas sa bibig nito ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Kung hindi pa siya umeksena, baka ngayon sira na ang pagkakaibigan nila ni Gon.
"Do you have a soft drink?"
Tumayo naman siya. Binuksan ang refrigerator at kumuha ng isa. Pabagsak niya itong nilagay sa lamesa.
"Are you seriously sulking, human?" Binuksan nito ang inumin. "Why are you so afraid to confess? My wordy Noa taught me that we should always express what we feel until we still got the time to do it. You should do it, too."
"I don't want to. What if it will not turn out well? Masasakripisyo pa pagkakaibigan namin kaya hindi ko 'yon gagawin."
"Human, you're dumb. Awfully dumb." Adamas shook his head. He looked at him full of disappointment. "Whether you confess or not, if there is another person who will come into the picture, you two will never be the same again. If Gonietta will find herself a boyfriend, your friendship will still be sacrificed. She will not give the same amount of attention to you nor she will be willing to be with you. Remember that, human."
Natahimik naman siya. Hindi siya sumagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain dahil natamaan na naman siya sa pinagsasabi nito.
Hay. Bakit mas madami pa 'tong nalalaman sa buhay kaysa sa kaniya na totoong tao?
Natapos na siyang kumain at ganoon din si Adamas. Niligpit na nila ang pinagkainan bago siya bumalik sa kaniyang kuwarto para mag-brainstorming sa isusulat niya sa contest. Wala naman siyang pasok kaya gagamitin niya na lang ang oras na ito para gumawa ng concept.
Sumunod din si Adamas sa kaniya. Nahiga ito sa kaniyang kama habang siya naman ay naupo sa swivel chair niyang nakaharap sa study table.
"You will regret not confessing, human. Sige ka."
Salubong ang kilay niyang nilingon si Adamas. "Can you stop? And who says you can lay on my bed? Get off."
Ngumisi lang ito. "Go on. Think of a plot now. Think of a plot while your girlfriend is enjoying her time with another man."
Isang malalim na hininga na lang ang binitiwan niya at hindi na sumagot pa. The damn villain was enjoying teasing him. Inis niyang kinuha ang notebook sa drawer at mariing dinudutdot ang dulo ang ballpen doon habang nag-iisip.
Forte niya ang Fantasy genre kaya ang ipapasok niya sa contest ay ang genre kung saan siya gamay. Nalilito pa siya kung soft or hard ang gagamitin niyang magic system. Hindi rin siya makapag-decide kung anong tema ang gagamitin. At higit sa lahat, hindi siya makapag-focus dahil sa mga huling sinabi ni Adamas.
Nilingon niya ang lalaking prenteng nakahiga sa kaniyang higaan. May kinakausap ito kaya napaangat din ang tingin niya sa kisame.
Wala namang kakaibang bagay. Siguro ito ang system na sinasabi ng lalaki sa kaniya rati.
"Mr. Adamas."
"What is it, human?" sagot nito habang hindi siya nililingon.
Napahagod siya sa kaniyang leeg. "What should I write?"
He looked at him sideways. "Why are you asking me? Write what you want to write."
Napaisip naman siya. Ano ba ang gusto niyang isulat ngayon? Wala siyang maisip. Dati naman kaagad siyang nakapag-iisip ng plotline pero ngayon hirap na siyang magkaroon ng ideya. Ang sinusulat niya lang ngayon ay isang ongoing story niya na Broken Trench. At hirap din siyang sundan pa ang mga kabanata. Dapat magbibigay siya kay Gon ng panibagong kabanata ngayon pero wala pa siyang nagagawa.
What's happening to me?
Recently, he wasn't feeling like himself.
"Human, don't dwell on your thoughts too much."
Napabalik ang atensyon niya kay Adamas. Umupo ito mula sa pagkakahiga.
"My wordy Noa once told me that you don't need outstanding ideas when you plan out a story in the beginning. It doesn't have to be a blast because ideas start at very simple ones." He crossed his arms. "And it will then depend on the writer itself. Since writing is an art of conveying, ask yourself, what do you want to tell the world? Or just even to a single person? One at a time, Logan. What message do you want to deliver this time?"
Sa pangalawang pagkakataon, natigilan na naman siya. Ilang beses na siyang napahanga sa mga salitang binitiwan ng lalaki pero ito ang unang pagkakataon na gusto niyang purihin ang manunulat nito. Although he had already acknowledged how great Noa Green wrote the Odds of Tribes, because of Adamas, he could say, she really wrote him well.
Because of his firm words and how strong he would stand his ground, Logan now wanted to read the side of his story. Why was he written this way?
"I wish I could write a character like you," he whispered unconsciously.
Narinig iyon ni Adamas. "Why? Aren't you proud of the characters you have made?"
"I am. But . . ." Nagkibit-balikat siya. "I don't know, Mr. Adamas. I can't seem to remember how proud I am before when I was still creating them."
"Silly, human." He chuckled. Tumayo ito at lumapit sa kaniya. He patted his head. "Trust me. You have created a character more interesting than me. If my Noa was still alive, I know she will acknowledge you."
Adamas let out a small smile. Naglakad na ito palabas ng kaniyang kuwarto. "I'll leave you alone. You go think of something to write."
Pinagmasdan niya lang itong tumalikod at maglakad palayo sa kaniya. Sa pagtalikod nito, may napansin siyang kakaibang ekspresyon sa mukha ng lalaki matapos nitong banggitin ang manunulat.
Wala man siyang kakayahang makakita ng emosyon ngunit kaya niya namang umintindi ng ekspresyon. And what he saw from Adamas made him sigh.
He was still longing over his author's death.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top