Kabanata 10
Warning: This chapter contains mature themes like death and mention of suicide. This may be uncomfortable for some readers, so please be advised. Prioritize one's state of mind all the time. Thank you.
"SIR, Vice President Laurien would like to talk to you."
Kakalabas pa lang ni Asnael Laurien sa airport, bumungad na kaagad sa kaniya ang call ng ina. Kinuha niya ang phone na inabot ng kaniyang secretary at sinagot ang tawag.
"What, Mom? I'm still not in the car." Bahagya siyang napapikit dahil sa mga flash ng camera na kanina pa sinisilaw ang mga mata. Maraming mga reporters ang nagkukumahog na makakuha ng kaniyang statement tungkol sa sponsorship na ginawa niya sa Olympics na gaganapin sa 2024. Ang iba naman ay ang kaniyang mga fan na gusto lang makakuha ng litrato.
"Mr. Laurien, the Laurien is a family known to never accept any sponsorship, so why did you agree on the Olympics? Why did you choose to give support for our athletes?" One female reporter asked.
"What's your father's opinion about this?" singit naman ng isa.
"Mr. Laurien, what can you say to your brother who just went missing recently?"
Dinumog pa siya ng maraming tanong pero hindi niya iyon pinansin. Salamat sa mga bodyguard niyang nakapalibot, kaagad siyang nakapasok sa kotse nang hindi nalulunod ng mga tao.
"Argh. Finally." Pabagsak niyang sinandal ang sarili sa backseat. Kakauwi niya lang galing sa ibang bansa matapos siyang utusan ng kaniyang ina na dumalo sa isang afternoon meeting na kasama ang kanilang mga foreign investor.
Bago niya pa nga lang inasikaso ang sponsorship sa Olympics kaagad naman siyang tinulak nito sa afternoon meeting. Pagod na pagod siya. Nais na niyang magpahinga.
"Asnael, come to the house right now. Your sisters are here too," her mom said on the line.
"What for? Pagod ako. Hindi ba ako puwedeng magpahinga kahit saglit?" inis niyang sabi.
It was her mom's order to sponsor all the athletes joining in the Olympics 2024. Hindi niya alam kung bakit iyon ginawa ng kaniyang ina at wala rin siyang ganang malaman iyon.
After what happened two years ago, he had already lost the motivation to compete with his siblings and just became a high-level errand boy for his parents.
"Come here!" her mom insisted. Umalingawngaw ang matinis nitong boses. "Hindi ka ba nag-aalala para sa kapatid mo? Hanggang ngayon hindi pa rin siya nahahagilap!"
He rolled his eyes. "Do you even taught us to care about our siblings?"
"What? How da--"
"Fine. I'm coming." Hindi na niya ito pinatapos at pinatay ang tawag.
Inutusan niya ang driver na dumiretso na sa Laurien mansion. Wala dapat sa plano niya ang umuwi at makipagplastikan sa mga kapatid niya pero hindi naman siya titigilan ng kaniyang ina kapag humindi siya. He might as well deal with it.
Pinikit niya ang mga mata para umidlip dahil dalawang araw na siyang hindi pa nakakatulog. Susubukan niya ulit ngayong araw. Baka sakaling patatahimikin na siya ng utak niya. At baka sakaling maibsan nang kaunti ang eyebags niyang lumubo na sa laki.
Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin talaga siya nilulubayan ng mga memorya.
Nakakapagod. Gabi-gabi na lang dinadalaw siya ng mga bagay na ayaw na niyang maalala.
His phone beeped because of a notification.
It was from her sister.
Azaliah:
Hey! Can you hurry a little? Kanina pa kami naghihintay sa 'yo. Stop being so important as if you are someone special!
He didn't bother to reply and just leave his sister on read. But it didn't last a minute when she messaged him again.
Azaliah:
Don't leave me on read, loser! Huwag mo sabihing hindi ka pa rin nakaka-move on? My gosh, stop being a kid! We all wanted that to happen!
Umigting ang panga niya matapos iyong binasa. He was about to type something when she sent him another message.
Azaliah:
Pull your damn depressive ass. Kung gusto mo, sumali ka sa mga paandar ni Aivan tungkol sa mental issues o kung ano mang kaartehang tawag diyan nang umayos 'yang utak mo.
Asnael:
Not interested in his program.
Asnael knew that Aivan had been taking advantage of those people with mental illnesses. Imposibleng concern ito kasi kahit niisang beses, hindi sila naturuang magbigay ng simpatya sa mga taong mababa sa kanila. Baka pumuti na lang ang uwak at saka pa matutong maging sinsero ang kapatid niyang iyon na walang inisip kundi ang malamangan ang kanilang panganay.
Family wasn't the right word to describe them. Not even once he felt some care from his parents and siblings, too.
Well, not too long ago, he had. But not anymore.
Even though they were all blood-related, a group that had been brought together because of power and money was the better way to address them. They were all nothing but strangers without it.
Azaliah:
Oh, really? I suggest you start getting interested now dahil ayokong may baliw sa pamilyang ito. More than that, ayoko ring sumunod ka kay Noa.
He froze after reading it.
Tuluyang nanginig ang kaniyang kamay matapos mabasa ang pangalang iniiwisan niya. Nabitawan niya ang phone at kaagad na tinakpan ang kaniyang mukha.
Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Unti-unti na niyang nararamdaman ang pamamawis ng kaniyang katawan. "Breath . . . breath."
Don't think about it. Don't think about it. Don't think about it.
Ilang beses siyang umiling para lang tanggalin sa isip ang pangyayaring unti-unti na siyang kinakain. Gusto niyang mag-isip ng ibang bagay subalit parang nakalimutan lahat ng utak niya ang ibang pangyayari sa buhay niya. Nanatili na lang ang nakakasuklam na imahe ng isang babaeng naging rason ng kaniyang paghihirap.
He didn't want to break down, but the memories were hunting him to the point he felt suffocated. Hindi siya makahinga.
"Sir, are you okay?" Napansin ng kaniyang secretary ang kalagayan niya.
Umiling siya bilang sagot.
Hindi siya okay. Hindi siya kailanman magiging okay hangga't naalala niya ang mga katagang sinabi sa kaniya ni Noa.
Fuck. Why me? Of all people, why did you fucking say that to me?!
"Sir!" sigaw ng kaniyang secretary nang hilahin niya ang kaniyang buhok.
He wanted to hurt himself. He wanted to feel some pain because that was the only way for him to counter the memories. Nababaling sa sakit ang atensyon niya kaya ito ang palagi niyang ginagawa para kumalma.
"Don't think about it anymore. It's not my f-fault." Nanginginig ang mga labi niya at tagaktak na ang kaniyang mga pawis. Nakatitig siya sa kaniyang sapatos habang patuloy na kinukumbinse ang sarili.
It's not my fault. It's not my fault. It's not my fault. It's not my fault. It's not my fault. It's not my fault. It's not my fault. It's not my fault. It's not my fault. It's not my fault.
"It's your fault."
"Ah!" Kaagad siyang napapikit nang umalingawngaw sa kaniyang tainga ang boses ni Noa.
"Sir!"
Muntik nang tumama ang kaniyang mukha sa likod ng driver's seat sa biglaang pagpreno ng sasakyan. Dahil doon, nahila niya pabalik ang sarili sa reyalidad.
"Why d-did you stop?" malalim ang hininga niyang tanong sa driver.
"Sir, m-may nakaharang po kasi," sagot nito.
Tumingin siya sa unahan. May nakatayo nga sa harapan ng kotse. Ilang beses itong binusinahan pero ayaw gumalaw.
"Get out and talk to whoever that person is." Napahilamos siya sa upang tanggalin ang pawis sa namumutla niyang mukha.
Sumunod kaagad ang driver. Lumabas ito para kausapin ang lalaki habang sila naman ng kaniyang secretary ay nanonood lang sa dalawa. Hindi niya magawang makita ang mga mukha nila o marinig ang pinag-uusapan.
Ilang saglit, gumalaw ang mga braso ng nakaharang na lalaki. Hindi pa siya nakakakurap ay bigla na lang tumilapon ang katawan ng driver sa wind shield. Sa sobrang lakas, nawasak nito ang salamin at tumagos ang walang malay na katawan ng driver.
"Ah!" Napahiyaw ang kaniyang secretary dahil sa gulat nang dumikit ang ilang bubog sa mukha nito. Wala pang isang segundo, bigla itong nahimatay.
"Fuck," napamura siya.
He put back his attention to the man when he paced toward his tinted window. Napalunok siya nang kumatok ito.
Hindi siya gumalaw.
Muli siyang napamura nang kinuyom nito ang mga kamao at sinuntok ang tinted window. Natalsikan ng ilang bubog sa kaniyang mukha pero hindi niya pa nararamdaman ang sakit. Kaagad siyang umusog sa kabilang bahagi.
"Well, Asnael. It wasn't in my expectation that you will be clouded with such heavy emotions." A deep voice echoed.
Gamit lang ang isang kamay, nagawa nitong hablutin ang pinto ng kaniyang sasakyan at walang kahirap-hirap na binalibag sa kung saan.
Pumasok ito at naupo katabi niya na animo'y pagmamay-ari nito ang kotse.
He could escape. He could actually escape if he'd open the other door behind him, but he froze when he saw the face of the man.
"H-h-how?" Ilang beses siyang napakurap. Hindi ganoon kaliwanag ang loob ng sasakyan kaya baka nagkakamali lang ang mga mata niya.
Pero hindi.
Kahit ilang beses niyang ipikit at buksang muli ang mga mata, hindi pa rin nagbago ang mukha ng lalaki.
I must be crazy. I must be fucking crazy.
Mariin niyang hinila ang kaniyang buhok dahil nagsisimula na naman siyang atakihin ng alaala. Isang alaalang pilit niya ring kinakalimutan.
"W-who the fuck are you? I must be imagining things, right? I'm just imagining things." Nanginginig ang mga labi niya habang tumatango, kinukimbunsi ang sariling hindi totoo ang nakikita niya. "You're not real. You're not here. You're not real. You're--"
"Indeed. I'm not real but right now . . ." Ngumisi ito. "I am."
Nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan nang umilaw ang kakaiba nitong mga mata. Itim ang isa, habang ipininta naman sa puti ang kaliwa.
Bigla itong tumawa dahilan para mas lalo siyang kilabutan.
"I haven't done anything to you yet. Why are you sweating like you ran a mile?" Pinagmasdan siya nito. Kalmado lang ang boses nito subalit may pagdiin. Damang-dama ni Asnael na galit ang lalaki dahil sa ugat na lumalabas sa gilid ng panga nito.
"How was your life, Asnael? The color of your guilt is showing. May I know to whom is that emotion for?" Biglang nawala ang ngiti nito sa labi. Sinunggaban nito ang kuwelyo ng kaniyang damit. "Is it for my Noa?"
Natigilan siya.
"W-what are you trying to say? Lumayo ka sa akin!" Itutulak na sana niya ang lalaki subalit may mga kumabit na sinulid sa kaniyang mga pulso.
Mga itim na sinulid.
Tuluyan siyang nanghina nang makitang nanggaling ito sa mga kamay ng lalaki.
What is happening? What the hell is happening? Have I gone crazy? What the hell am I seeing?
"What you see is your karma, Asnael."
Napalunok siya. Binalik niya ang tingin sa mukha ng lalaki na kaagad niya ring pinagsisihan. Dahil sa mukha nito, tuluyan nang kinain ang kaniyang sistema ng mga alaalang pilit niyang inaalis sa isipan.
"Did you have fun after what you've done to my wordy Noa?" He squinted his eyes. "I suppose you didn't, because the color of your emotions are unlike from that man Aivan. You are full of regrets."
"Y-you know my brother?"
"I killed your brother." Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kaniyang kuwelyo. "Now, it's your turn. You, Asnael, hurt my Noa and it's your fault that she is not alive anymore. You're one of the people who pushed her to death."
"I-It's my fault? I k-killed her?"
"You did."
The moment he heard those words, he couldn't hear anything else in his mind but blame. It was his fault she died. It was his fault because he hurt her. It was her fault because he told her words that would trigger her. It was his fault for laughing at her in the moment she said she would kill herself.
It was all his fault.
"I'm sorry . . ." A tear fell from his eyes. "I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry. I'm so sorry."
His mind became blank and all he could thought of was to say those words he meant to say for quite some time now. The reason why he couldn't sleep every night was because of regret. If only he could turn back time, he wouldn't have done all those terribles things to her. If only he could change something, he might have chosen to be nice to her. If only he would be given a second chance . . .
"I can feel your sincerity, Asnael. But you're too late. I will not guarantee any redemption for you." Binitiwan nito ang kaniyang kuwelyo. "You're one of the people my Noa hated until she died, therefore, my judgement will remain. But as a token of your sincerity, I will hurt you no more and fasten your death."
Muli itong naupo. May binulong itong mga kataga at ilang saglit, kaagad itong sinundan ng mga naglalabasang itim na sinulid, higit na mas makapal kanina. Mabilis itong pumulupot sa kaniyang buong katawan.
"You will accept this, right, Asnael? You will die here because you deserve it."
Hindi na siya nagpumiglas pa. Hinayaan niya ang mga sinulid na angkinin ang kaniyang katawan. Dahil iniisip din niyang tama lang ito sa kaniya.
He deserved to die.
"Now, sleep forever."
Unti-unti na siyang kinakain ng mga sinulid. Ang bisyon niya ay unti-unti na ring nawawala subalit hindi niya inalis ang tingin sa lalaki.
Even though there were differences, he couldn't be mistaken. The face and how he looked at him . . . it was the same.
Muling tumulo ang mga luha niya pagkatapos niyang pumikit.
His another regret was him.
"I'm sorry, Adamas."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top