1.2

APPLE

MABILIS kong nililigpit ang gamit ko na nakakalat sa table ko. Katatapos lang ng klase namin at excited akong pumunta sa office ng publication namin para makita ang aking mga frennies. Super napuyat ako kagabi na isulat 'yong article regarding sa recent school event, natagalan nha ako tapusin dahil ang daming chika ni Sheena at Sam.

Parang walang mga hinahabol na deadline, eh.

"Apple, sama ka sa amin? Karaoke?" Tanong ng classmate kong si Lovely.

I pouted. "Gusto ko sumama kaso pupuntahan ko sila Xavier. Try ko humabol sa inyo later kapag may time!"

"Expect ka namin, baby Apple!" Lovely said to me.

"Yup, do not drink guys, ha! We are still in school!" I reminded them dahil nakakahiya kung may viral pictures na kumalat tapos nakasuot pa ng uniform. I don't want Northford have a bad image in public. Love-love ko 'tong school namin.

Lumabas na sila Lovely. Pagkalabas ko ng room ay umupo muna ako sa isa sa mga bleachers. In-open ko ang GC namin sa Courier at ang dami agad chat from my friends!

The Courier GC
4:04PM

Apple:

Anong mayroon mga badeeengg? Bakit ninyo ako hinahanap?

Sheena:
Sabi ko sa inyo perfect siya for the interview. Tingnan mo, kakarating pa lang ang palong palo nang tanong.

Apple:
Ay wow ha! Bawal maging curious?

Jacob:
Bawal.

Apple:

Sana hindi masarap hapunan ninyo. Buwisit ka.

Xavier:
Lol. Puwera biro, Apple, kaya mo ba gawin yung interview kay August? For next issue ng newspaper natin this sem.

Apple:
Halaaa! Kakapasa ko lang ng articles ko kagabi.

Samantha:
Kaya ikaw na nga gurl. Ikaw lang bakante satin. Haha!

Apple:

Samantha:
Ay @Xavier. Nagrereklamo oh.

Apple:
Joke lang EIC. Di naman kayo mabiro.

Kailan ba? Hehe.

Jacob:
Ay baka next year mo na gawin para laos na yung balita. 🙄

Apple:
Okii okii.

Kayo minamadali ninyo ako, next year pa pala.

Xavier:

Ibang klase ka, Apple.

Apple:
Halaaa bakit?! May mali ba? Next year pa raw e.

Sheena:
Jusqo. Ganda lang talaga. Walang tak-u.

Sarcastic 'yon.

Xavier:
You need to interview August, Apple. Sa wednesday balik niya na rito sa school natin.

Chat mo na lang din siya kung pwede mo siyang ma-interview.

Apple:
Sino 'yon?

Sheena:
What?

Jacob:
Pota seryoso ba to?

Samantha:
Dito ka ba talaga nag-aaral sa Northford?!!

Apple:
OMG artista ba siya? Taga-anong channel?

Xavier:

Sumasakit ulo ko sa 'yo.

Samantha:
Tennis player. Taga-COE.

Nanalo siya against sa Merton kanina lang. Champion.

Xavier:
Kaya need mo siya ma-interview. Kailangan maunahan mo yung ibang college!!!

Apple:
Di ko siya knows. Wag na lang ako people.

Xavier:
Gawan mo na lang nang paraan. Ikaw lang bakante satin e.

Magpu-proofread pa ko nang mga ginawa ninyo eh.

Apple:
Sigi na ngaaa.

Ano ba hitsura niya?

May pic kayo?

Ano facebook niya? Para ma-chat ko na.

Sheena:
Oh diba daming tanong di pa man din interview.

Wait check ko kamera ko, alam ko may picture ako niya nung nagpa-practice siya e.

Tadaaa!!!

Samantha:
Name: August Jimenez
Year: Third year, mechanical engineering
Twittah: @Augustus07
IG: August007

Hindi ako stalker ah. Alam ko lang.

Jacob:
Landi.

Samantha:

Apple:
Search ko na people. Makakaasa kayo sa isang magandang scoop.

Xavier:

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top