1.15
08-22-18
9:06am
Xavier:
Apple nabalitaan namin yung nangyari diyan sa main gate!!!
Nagkagulo raw?! Anong lagay mo?
Nag-aalala kaming lahat para sa 'yo.
Apple:
Apple:
Okay lang guys. Sumali rin ako sa gulo.
Samantha:
Luh gaga ka.
Hindi naman pala diyan dumaan si August. Sa second gate, wala tuloy nakapag-interview
Ano bang nangyari?
Apple:
Bigla na lang may nag-away e. Naka-earphones ako. So pinatay ko kasi may nagsusuntukan na e.
Maya-maya mamshi narinig ko "ganda lang naman yang si Apple."
Mamshi nagpantog tenga ko.
*Pantig
So nilapitan ko siya mamsh. Palaban lola ninyo.
Sheena:
So anong ginawa mo? Sinabunutan mo?
Apple:
Luh ba't ko sasabunutan parang tanga.
Nag-thank you ako. Ganda ko raw eh. Compliment mamsh.
Xavier:
Jacob:
Ganda lang...
Samantha:
Talaga
Sheena:
Talaga
Lawrence:
Talaga.
Apple:
Wow friends ha! 🙄
Alangan namang patulan ko pa.
Siya nga mukhang libag na nagkaroon ng mukha e. Di ko na lang sinabi.
Apple:
Pero mga mamsh
Hindi ko na-interview si August.
Sa ibang gate siya dumaan.
Samantha:
Vacant ko ngayon apple, saan ka? Baka may galos ka diyan gamutin natin.
Apple:
Apple:
Nasa kainan ako malapit sa CON.
Nasa loob ako mamsh para aircon. Um-order ako water tapos tambay ako 2 hours.
10:32am
Samantha:
Guys tingnan ninyo mukha ni Apple HAHHAAHAHHAA
Tinatakpan niya kalmot niya sa pisngi niya e. Laki. HAHAHAHA
Jacob:
Shit si Apple na 'yan?! Ang laki nga ng damage sa mukha niya. Napuruhan ka sa gulo, Apple.
Xavier:
Apple napuruhan na mukha mo. Retoke na kailangan mo HAHAHAHA
Apple:
NAKAKATAWA YON HA! NAKAKATAWA YON?!
IKAW NAMAN SAM BWISIT KA!
Sabi mo gagamutin mo ko nilagyan mo lang bandaid pisngi ko bruha ka.
Samantha:
Gaga anong malay ko sa firstaid, Architect nga course ko.
******
4:04pm
Apple:
Katatapos lang ng class ko.
Buti na lang hindi ka dumaan sa main gate kanina. Nagkaroon ng rumble eh.
Nawa'y naging matiwasay ang pagbabalik mo sa ating basurang paaralan.
*Magandang paaralan. Typo hehe.
Apple:
So anong ginawa mo pagkabalik mo sa school?
Pumasok akong klase
Ay talaga ba? How nice naman.
Apple:
Cute talaga ng convo natin. Sobrang nagka-catch up tayo sa isa't isa.
BTW may malaking sugat ako sa pisngi. Nakalmot ako ng libag na galing sa CCJE.
Apple:
Uy nag-alala siya sakiiiin.
Wag ka mag-alala okay naman ako.
Kailan nga ulit interview natin?
Seen 7:32pm
Apple:
Wow kahit pagsi-seen mabagal pa.
Seen 7:33pm
Apple:
Ayan much better. 1 minute lang yung pagitan ng pag-seen mo.
Sarap mo talaga ka-chat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top