Kabanata 3
Kabanata 3
Thought
“Saan ba talaga tayo pupunta, Khianno?” tanong ko habang nakadungaw sa labas ng bintana ng kaniyang sasakyan.
Saglit ko siyang nilingon na seryoso lamang na nagmamaneho.
“Secret, just stay there and relax.”
Napaismid ako sa kawalan at ibinalik ang tingin sa daanan. Palabas pa lang kami ng subdivision kaya medyo malayo pa ang distansya dahil nasa unahan pa ang gate.
“Tsk, alam mong naghahanap pa ako nang malilipatan, eh,” sabi ko.
“Bakit kapa maghahanap kung puwede ka naman tumira sa bahay ko?”
My eyes immediately widened by his words but I didn't let him notice it. Agad akong nag-react ng hindi lumilingon sa kaniya.
“Haler, Khianno? Hindi ba't sinabi mo na manliligaw ka? Siyempre hindi puwedeng ganoon lang. Kailangan mo akong paghirapan kung talagang gusto mo ako.”
“Ganoon ba talaga?” duda niya.
“Oh yeah. Sa bahay ko ikaw manliligaw. Bakit hindi mo kaya?” tawa ko.
“Of course not. I will do anything you say.”
“Talaga lang, huh?” ngumisi ako.
“Try me, Janella.”
“Will you please stop calling me Janella? It’s long though…”
“So what do you want me to call you? Jane?”
I shook my head. “Hindi rin. I preferred Nella. It sounds unique and refreshing.”
“Why not Jane?”
Natahimik ako saglit dahil iyon ang tawag sa akin ni Tita at nakasanayan ko na rin. Kaya sa tuwing may tumatawag sa akin ng Jane ay pakiramdam ko nasa tabi ko lang si Tita.
“Nella.”
“Let me guess…” aniya kaya nilingon ko siya. “Is there’s someone calling you that name?”
Lumingon ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin ngunit mabilis niyang iniwas ang mga mata nang nagkasalubong ang tingin namin.
“Yeah, someone special… Khian!” napasigaw ako dahil bigla siyang pumreno ng malakas kaya halos tumalbog ang pang-upo ko sa kinauupuan.
Nilingon ko siya at umalim ang tingin ko sa kaniya sabay sumimangot, nagtataka.
“Who’s better?”
“Huh?”
Marahas siyang bumuntong hininga at seryoso akong tinitigan. “Even… he is your special someone, I’m sure I am still better than him… when it comes to pleasuring you.”
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at lihim na napangisi. Maybe he was thinking that I am seeing someone aside from him.
Mananahimik na sana ako ngunit umaatake na naman ang kapilyuhan ko.
“‘Di mo sure,” ngumisi ako lalo.
“Huwag mo sabihin na mas magaling siya-”
“Will you please stop that topic. It's nonsense. Baka nakakalimutan mo nanliligaw ka?”
“Right. And sooner or later, I will become your special someone. Only one.”
Binalik ko ang tingin sa kalsada at nagkunwari na hindi naapektuhan sa kabila ng malakas na kabog ng dibdib ko.
Napakagat labi ako upang pigilan ang matawa sa reaksyon niya ngunit hindi iyon nakatakas sa kaniya.
“Stop smiling, tsk,” suplado niyang sinabi at muling pinaandar ang sasakyan subalit muli na naman siyang pumreno.
Nilingon ko siya na madilim ang mukha habang umiigting ang panga, lumipat ang mata ko sa kamay niya at napansin ko ang mahigpit niyang hawak sa manibela.
“Mag da-drive ka ba o hindi?”
“Tell me now, Nella. Sinong mas magaling sa amin?”
Hindi ko na napigilan ang mapahalakhak dahil iyon pa rin ang iniisip niya. Hindi ko siya masagot dahil wala naman talaga akong someone especial maliban sa kapatid kong lalaki.
“Magmaneho kana para makarating na tayo sa pupuntahan natin.”
“Sinong mas guwapo sa amin?”
Napangisi ako. “Siyempre siya.”
Sumimangot siya lalo.
“Sinong mas mabango sa amin?”
“Edi siya,” tugon ko muli at pigil ang ngumiti dahil sobrang dilim na ng kaniyang mukha.
Napailing ako at ibinaba ang tingin.
“Last question, who's a good kisser?”
Napatampal ako sa sariling noo dahil sa mga tanong niyang iyon. Napabuntong hininga ako kalaunan sabay lingon sa kaniya at hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa akin.
“Don’t ask me those things Khianno. Walang nangyayari sa amin ng someone special ko-”
“Then stop calling him your someone special. It's annoying.”
“Bakit hindi, 'di hamak na mas nauna ko siyang nakilala kaysa sa'yo—”
“Kasi ang pangit niya, tsk,” suplado niyang putol sa akin at muling pinaandar ng mabilis paalis ang sasakyan.
“Hindi kaya siya pangit, Khianno. Ang bango-bango niya tapos ang guwapo at cute pa. Ang sarap-sarap niya pang yakapin,” kaswal kong sinabi.
Napabalik tingin ako sa daanan at pigil ang matawa.
Natahimik siya bigla kaya nagtaka ako.
Nang lumingon ako sa kaniya ay halos hindi na maipinta ang kaniyang mukha. Naramdaman kong bumibilis pa lalo ang pagpapatakbo niya ng sasakyan at nabalot ng katahimikan ang bawat sulok nito.
Napadiretso ako ng upo at hindi na rin umimik pa. Isinandal ko na lamang ang ulo sa likod ng upuan. Pumikit ako at hinayaan siyang bilisan pa ang pagmamaneho.
I also miss riding a car so fast. Sana matapos ko na ang misyon ko sa kaniya para makabalik na ako sa kung sino talaga ako.
I'm tired of acting like this, hiding my real identity. Where in fact, I love partying, hanging out with friends and racing a motorcycle.
Darn, I miss my happy go lucky life!
I slowly opened my eyes and deliberately lifted my gaze to him. His aura was still the same, dark. And I could feel how silently dangerous he was. I don't know what he could do when he found out my real intention.
Pumilig ang ulo ko at umangat ang kamay. Hinilot ko ang aking sentido habang iniisip kung saan niya maaaring tinatago ang black attache case na naglalaman ng ebidensya tungkol sa mga magulang ko.
“What happened, are you okay?”
The ambiance suddenly turns to bright.
Parang may biglang humaplos sa puso ko nang narinig ang boses niyang puno ng pag-aalala. But no, I can't let myself get too attached to him.
“Nothing, I just feel sleepy.”
“Then take a nap, I will wake you up when we arrive at my Tito's house.”
“Huh?”
“We are going to attend my Tito's engagement party.”
“Tito?”
“Yeah.”
Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Bumalik ako sa pagkakapikit ng mga mata at hindi mapigilan ang kaba sa dibdib na may halong tuwa.
Mas magiging madali nga siguro kung makikilala ko unti-unti ang angkan niya para mapabagsak namin sila ni Tita pagdating ng tamang panahon.
Kusang nagising ang diwa ko nang naramdaman ang paghinto ng sasakyan. Agad akong nagmulat ng mga mata at sa hindi inaasahan ay nabungaran ko ang presko niyang awra.
He suddenly chuckled. “Gigisingin sana kita kaso gising kana pala.”
Mabilis siyang gumalaw at inilayo ang mukha sa akin.
I know there are many times that already happened to us kaya hindi na bago sa akin ang ganito. Ngunit simula nang sabihin niyang liligawan niya ako at seryoso siya ay… madalas akong hindi makampante.
There's something strange in my inner self that bothered me. And it's more dangerous than my mission to him.
“Uhm, let's go inside. My Tito is waiting for us,” aniya sabay bukas sa pintuan ng sasakyan.
Hindi na ako nagsalita pa at mabilis na tinanggal ang seatbelt at lumabas ng kotse. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako kagaya ng madalas niyang gawin noon pa man.
Nang isarado ko ang pintuan ay agad kong nilingon ang harapan ko at sa hindi inaasahan ay halos malaglag ang panga ko sa nasaksihan.
I blinked my eyes repeatedly while intently staring at the house in front of me— no, it's not just a house… it's a fucking mansion!
Hindi ako ignorante dahil may mansion din si Tita pero kung ikukumpara ang nasa harapan ko ay 'di hamak na mas malaki ito o mas doble ang laki kaysa sa amin.
I can't believe it! Ganito sila kayaman? I was feeling amazed when suddenly my mind remembered what they did to my parents.
Unti-unting napawi ang ngiti ko sa labi at nanatiling nakatitig sa kaharap na mansiyon. Siguro nga ganito talaga kayaman ang mga kriminal na kagaya nila.
“Let's go inside. We have to change our clothes. The event will start in a few minutes,” aniya sabay hawak sa kamay ko.
I just let him hold my hands while walking toward the huge main door. Pero sa kabila ng mga kasalanan nila ay hindi ko talaga mapigilan ang sariling humanga lalo na nang nakita ang disensyo sa loob.
Moderno at talagang magaling na architecture ang humulma. Gusto ko pa sanang magmasdan ang buong mansyon ngunit bigla niya na akong hinila sa kung saan.
“Ano kayang bagay sa'yo?”
Tahimik lamang ako habang nasa harap ng salamin at inaayusan ng makeup artist. Titig na titig ako sa sariling repleksiyon sa salamin dahil hindi ko inaasahan na may ganda pa akong tinatago.
Alam ko sa sarili kong maganda na ako pero hindi ko maisip na may mas igaganda pa pala ako. The makeup artist is indeed expert on this. He puts light makeup on my face yet looks so fabulous.
“Kahit ano na lang siguro,” sabi ko.
“No, I can't do that madam. Kailangan ibagay natin sa maganda at maliit mong mukha,” paliwanag nito.
Hindi na ako nagsalita pa at pinaubaya sa kaniya ang pag-aayos.
Panay ang sulyap ko sa cellphone kong nakapatong sa makeup set table sa gilid at umaasang tatawag o magti-text si Khian subalit wala.
Nang makapasok kami sa loob ng mansiyon ay hindi ko na masiyadong napagmasdan ang paligid dahil sa mga bisita na nagkalat. Basta diretso akong hinila ni Khianno patungo sa elevator at namalayan ko na lang na dinala niya ako sa makeup room at bigla na lang siyang nawala at iniwan ako.
“Uhm, si Khianno?”
“Sabi na hindi mo matiis, e,” hagikhik niya.
Agad na nag-init ang mukha ko.
“H-Hindi naman sa ganoon. Bigla na lang kasi siya nawala kanina nang ihatid niya ako rito,” depensa ko.
Lalong humagikgik ang bading at sinimulan nang galawin ang buhok ko.
“Nandiyan lang iyan si Sir. Baka nagpapayos din sa male dressing room.”
“Bukod pa ang sa mga lalaki?” kaswal kong tanong kahit na muli na naman akong namangha sa narinig.
“Tama ka diyan, Madam. Hindi naman nakakapagtaka iyon dahil ang laki-laki ng mansiyon na ito,” anito.
Tumango na lang din ako bilang pag sang-ayon ngunit maya-maya lang ay naisipan kong magtanong muli.
“Matagal na ba kayong nagtatrabaho rito?” usisa ko.
“It's almost like that. Pero tinatawagan lang nila ako kapag may mga importante na event kagaya ngayon at ako talaga ang kinukuha nila para mag-ayos sa kanila o sa mga guest,” tugon niya.
“Edi matagal mo na siyang kilala?” ulit kong tanong.
Bigla siyang natahimik. Nataranta ako at akmang babawiin ang tanong sa kaniya ng bigla siyang bumuntong hininga.
Napatitig ako sa kaniyang repleksyon sa harap salamin at mababakas ang magkahalong saya at lungkot sa kaniyang itim at bilugan na mga mata.
“Simula bata magkasama na kami. Magkasabay na naglalaro at nag-aaral,” wika niya kaya nakuha niya ang buo kong atensiyon.
Natahimik ako at nakinig.
“Nagtatrabaho rito ang Tatay ko bilang driver ng pamilya nila kaya madalas ako noon dito hanggang sa napalapit na rin sa pamilya nila.”
I don't know what should I react. Sa tono ng pananalita niya ay halata ang saya ngunit may kalakip na lungkot.
Nanatili akong tahimik.
“Sabay kaming nag-aral hanggang elementary at classmates pa dahil pinaaral din ako ng mga magulang niya. Utang na loob ko iyon sa pamilya nila, ngunit nabago ang lahat nang…”
Saglit siyang natigilan sa pagkukwento kaya't unti-unting nangunot ang noo ko.
Napalunok ako.
H'wag niya sabihing… nalaman nila na masama ang pamilyang ito?
He sighed heavily and smiled bitterly. “Hanggang sa nalaman ni Tatay ang totoo kong kasarian,” pagpapatuloy niya sabay malungkot na tumawa. “He thoughts I'm a real boy but I was not. Noon pa man alam ko na ang gusto ko.”
“You mean your—”
“Yes, Madam. Simula bata alam kong binabae na ako. At iyon ang bagay na hindi matanggap ni Tatay dahil nag-iisa akong anak. Naintindihan ko si Tatay dahil alam kong mahal niya lang ako pero sa ganitong pagkatao ako masaya,” paglalaban niya.
Hindi ko maalis ang mata sa salamin habang titig na titig sa kaniyang mukha.
“Akala ko hindi ako tatanggapin ng mga tao sa paligid ko dahil baluktot ako pero nagkamali ako. Khian is the first person who accepted me for who I really am. He didn't judge me, he didn't avoid me after knowing the truth, he still respects me and also treats me the same way,” bigla siyang ngumiti na bakas ang labis na saya.
Malakas na pumintig ang puso ko sa nalaman.
“Pero nang umalis siya ay para akong nawalan ng karamay.”
“Karamay?”
“Yup. Kailangan nilang umalis pagkatapos namin sa elementary dahil gusto ng magulang niya na pag-aralin siya sa abroad pero iyon na pala ang huling araw na makikita ko ang kaniyang mga magulang at ang Tatay ko…” pumiyok ang boses niya sa bandang huli at bahagyang nabitawan ang inaayos na buhok.
Napalingon ako sa kaniya na pigil ang maluha.
“What do you mean?”
“Sa araw ng pag-alis nila ay na-ambush ang kanilang sinasakyan at si Tatay ang driver. Hindi ko alam ang buong pangyayari pero nalaman na lang namin na wala sila Senyora, Senyor Zuniga at si Tatay.”
Nabigla ako sa nalaman ngunit hindi ko iyon ipinahalata.
“Si Khian?” singit ko.
“Ang akala ko ay kasama siya nasawi ngunit makalipas ang ilang taon ay nalaman na lang namin na bumalik na siya… ibang-iba sa kababata ko noon.”
So he survived.
“I'm sorry, Madam. Nagdrama pa ako. Sige na tatapusin ko na ang pag-aayos sa'yo baka katukin na tayo ni Khian,” mahina itong tumawa. “Basta secret lang natin iyon ah? Binalaan kasi ako ni Khian na huwag maglalabas ng information na malapit ako sa pamilya nila.”
Tumango ako.
Maybe because he might be endanger kapag may nakaalam na malapit siya sa pamilyang ito kaya sinabi niya iyon.
Hindi na siya nagkuwento pa at tinuloy na ang pag-aayos sa akin.
After knowing about Khian's childhood experience, parang nagkaroon ng palaisipan sa utak ko.
Who ambushed them that time? And how could he only survive in that situation if his parents weren't?
I was deeply upset when we suddenly heard a loud knock from outside the make up room.
“Baka sinusundo kana ng iyong…”
“Hey, are you guys done?”
Napapikit na lamang ako dahil sa pag-alingawngaw ng baritono at kalmado niyang boses sa buong apat sa sulok ng silid.
“Yes, Sir!”
Sino ka ba talaga Khianno? Bakit parang may mali sa mga impormasyon na nalalaman ko tungkol sa'yo.
Tita said, your parents are living peacefully somewhere… alive and still breathing.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top