Simula
Simula
"Ano? Magpapaksal ka kay Trevious?!" gulat na reaksyon ni Mike nang sabihin ko.
"Oo. Nag-propose na siya kagabi..." mababang boses kong sinabi.
"Ay tanga!" iling niya. "Sigurado ka na na d'yan? Hindi ka magsisisi?" paninigurado niya.
Napalunok ako. "O-Oo naman. Ang tagal na rin ng relasyon namin at legal naman kami both sides..." sambit ko.
"Hindi ako kumbinsido, Fiona!" pangontra niya. "Ngayon pa nga lang na magjowa kayo wala na siyang time sa'yo, paano pa kaya-"
"He's just busy!" I cut him off.
Lumabi ako at napatitig sa kaniyng mga mata na halatang tutol sa pangyayari. Nakataas ang isa niyang kilay na para bang dismayado.
"Bakla..."
"That's it! Sa sobrang busy niya at focus sa trabaho, nakakalimutan ka na niya! Ilang beses na ba siyang nangako, hah? Ni isa walang natupad! Ilang beses ka niyang pinaghihintay sa date n'yo!" halos pahistrerikal niyang sinabi.
Napayuko at saglit na natahimik.
"Workaholic lang talaga si Trevious, bakla. Hindi naman siya gan'yan noon, 'di ba? It just happened 'cause he manages hundreds of resorts..." I mumbled.
Umiling-iling pa ang kaniyang ulo.
"Sa sobrang tutok sa trabaho, hindi ka magawang diligan? Ni halikan ka nga nahihiya pa! Paano na lang kung mag-asawa na kayo, ikaw lagi mag fi-first move?" aniya.
I sighed as I looked at him, a bit shocked. "Mabait si Trevious, bakla. Natural kaya walang nangyayari sa'min dahil nirerespeto niya ako, tsaka siya na mismo nagsabi, birhen niya akong ihaharap sa altar..." pagtatanggol ko.
"Ay ewan ko sa'yo. Mahal ka ba talaga?"
Namilog sa gulat ang mga mata ko dahil sa naging tanong niya. Bahagyang kumunot ang noo ko, pagkuwa'y tumango.
"Oo naman 'no! Hindi siya magyayaya ng kasal kung hindi," saad ko.
He sighed heavily feeling dismayed. "Sana lang hindi ka magsisisi. At sana lang talagang mahal ka ng boyfriend mo-"
"Oo naman!" agap ko.
"Kasi kung talagang mahal ka ni Trevious, kahit gaano pa siya ka busy, maglalaan at maglalaan siya ng oras para sa'yo, Fiona. Walang salitang busy sa taong ikaw first priority."
My heart skipped a bit knowing that he's right. Since Trevious handled their company, he did not have much time with me anymore. We often see each other.
Nakakausap ko naman si Tita na sobrang tutok lang sa trabaho ang boyfriend ko kaya kampante naman akong hindi siya nagloloko.
"Kung tutuusin may oras pa sa'yo ang amo mo. Real talk!" dagdag niya.
I blinked and shook my head to him. "Please, don't include chef Liam here. It is about me and Trevious."
Umirap siya sa akin habang unti-unting tumitingin sa kamay kong may suot na wedding ring. Trevious Villaruz, my boyfriend of 3 years, proposed to me last yesterday.
I don't know why it happened so suddenly but I accepted it without hesitation since we are both ready to settle down. Kaya panigurado na wala naman magiging problema.
We are both legal to our parents. At first, daddy didn't want him for me because my family already settled me in an arranged marriage when I was 18. But it changed when I met him.
"Basta sana lang hindi ka magsisi. At sana nga, magkakaroon na ng oras sa'yo si Trevious. Kung tutuusin hindi na niya kailangan magpakalunod sa trabaho-"
"He did it for our future..." pagtatanggol ko.
"Fine. I respect your decision, but please, you still have time. Think wise Fiona Elyse. Marriage is sacred," aniya kaya napatango ako.
"Cheers to our soon to be married friend!" hiyaw ni Mike sa harap ng aming mga kaibigan.
I smiled widely while looking at them enjoying the alcoholic beverages. Ayoko naman talagang gawin 'to kaya lang ang bilis kumalat ng balita.
Some of them requested a bridal shower but Trevious doesn't like it. What I mean is, he's not a partying kind of man.
The reason why, some of my friends think about him as a boring kind of man, which we were the opposite of. I like to party because it gives relaxation in my system every time I feel stressed.
Isa-isa silang nagtaasan ng baso kaya nakisama na rin ako. Tinunngga ko ang alak sa baso kong hawak bago umikot ang paningin sa loob ng bar.
Accidentally, I saw chef Liam looking at me intently.
Nandito pala siya.
Tumayo ako at walang pag-aalinlangan siyang pinuntahan. Hindi ko lang naman kasi siya amo, best friend din siya ni Trevious.
I stepped closer to him and I smiled. "Hi, S-Sir..."
"Just Liam, Fiel..." aniya.
Napakunot ang noo ko nang mahimigan ang kakaibang emosyon sa kaniyang tinig. Pinilig ko ang ulo ko sa kaniya at tumango.
"Sige, nakarating na sa'yo ang balita 'no?" hagikgik kong sinabi.
Tipid siyang tumango ngunit hindi ngumiti. "Since when?"
"Huh?"
"Since when did he propose?" muli niyang sinabi kaya lalo akong napangiti.
"Kagabi lang. Akala ko nga-"
"Can I invite you, instead?" there's something wrong in his voice.
"Saan?" pinilit kong ikalma ang boses.
He smiled a little.
"In my condo?" he chuckled. "I... I cook your favorite carbonara..." napapaos niyang sinabi at mabilis na nag-iwas nang tingin sa akin.
My eyes twinkled. "Nag-abala ka pa-"
"No. It's really for you. Dadalhin ko sana sa condo mo, kaya lang nabalitaan kong lumabas kayo," sambit niya ngunit hindi naman nakatingin sa akin.
Tumango ako at medyo nakaramdam ng pangungumpara sa dalawa.
Trevious never cooks for me but every time we're together we always eat in a fancy restaurant which looks sweet tho.
"So..."
"Okay. Give me 20 minutes," I said shyly. "Is it okay? I can't leave yet," I added as I looked back to Mike's direction as soon as I glanced back at Liam.
Tumingin ako sa mga mata ni Liam na singkit at hindi nakawala sa paningin ko ang kakaibang emosyon doon na kanina ko pa napapansin. Pumungay pa 'yon bago siya tumango.
"Sure, take your time. I will wait for you outside-"
"You can join us," I invited.
"Hindi na. I'll just wait you in my car. I'll also need to call Trevious," mataman niyang sinabi.
Bahagyang nagkatitigan ang aming mga mata at wala na rin akong nagawa. Napatango na lang ako bago tumalikod at bumalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.
"Is that Liam?" salubong ni Mike nang nakaupo ako sa tabi niya.
Tumango ako at sinalinan ng alak ang aking baso.
"Really-"
"Tumigil ka bakla. Kaibigan 'yon ni Trevious kaya huwag kang malisyoso," pagtatama ko.
Nilingon ko siya pagkatapos kong lagyan ng alak ang baso ko at tinungga. Hindi na rin siya nagsalita dahil alam niyang kahit anong gawin niya ay si Trevious pa rin ang pipiliin ko.
After an almost 30 minutes, nagkayayaan na nag iba na umuwi dahil may mga tama na rin. Hindi namin namalayan na naparami pala ang aming pag-inom kaya kahit ako ay tinablan, kahit na malakas ang tolerance ko sa alak.
"Ingat kayo," sabi ko nang sumakay na sila sa kanilang mga kotse.
Humakbang na rin ako patungo sa kotse ko nang may maramdaman akong pumulupot na braso sa baywang ko. Napasinghap ako dahil sa kakaibang init na gumapang sa buong sistema ko.
"You promise, Fiel..."
Namungay ang mga mata kong binalingan siya. Napapahiya akong ngumiti nang nakitang si Liam 'yon na mukhang kanina pa naghihintay.
Napakurap-kura ako at dahan dahang tumingin sa kamay niyang nakahawak sa baywang ko. Mabilis niya 'yong tinanggal at hilaw na ngumisi.
I then sighed.
"I almost forgot," I mumbled.
He snorted. "It's okay if you can't-"
"Lets' go. I'm craving carbonara," I laughed.
"You sure?" his eyes gleamed.
Tumango ako. "Yeah. Wait I'll text Trevious-"
"No need, I already told him," paos niyang sinabi.
Umangat ang tingin ko sa kaniya ngunit napapikit ako nang biglang umikot ang paningin ko.
"Hey, you okay?"
I felt him encircling his hands on my waist. I could smell his manly scent and it was a bit enchanting. I slowly opened my eyes and nodded.
"A-Ang bango mo..." napaawang ang labi ko sa mga katagang sinambit ko.
Malakas siyang tumawa at iginaya na ako papasok sa kaniyang magarang sasakyan.
"Let's go. Baka malamig na ang pagkain."
Sumandal ang ulo ko sa backrest at napahilot sa aking sentido. Naparami nga yata ang inom ko ng hindi namamalayan.
"Are you okay? You want me to drop you in your condo?" he asked gently.
"No, I'll come with you. Sayang ang carbonara..." I chuckled and tried to glance at him.
He was focusing on driving while gazing at me from time to time. I couldn't help but stare at him deeply.
"Stop staring Fiel," malat niyang sinabi kaya nag-iwas agad ako nang tingin.
"Can I take a nap? Malayo ba ang condo mo?" tanong ko at hinilot muli ang sentido.
"Actually, it penthouse," aniya at bumaling sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko sa kaniya at kalaunan ay tumango na rin. "Okay lang."
Ever since I know them already, pero kay Liam ako pinaka komportable. Dahil na rin siguro sa mga bagay na magkapareho kami. Such as cooking, tasting different alcoholic beverages and more.
But this past few weeks napapansin kong lagi siyang naksamasid sa akin kahit sa trabaho kaya minsan hindi ko na rin maiwasang mailang.
"Anyway, you can take a nap. I'll just wake you up later when we arrive..." he said.
Tipid akong ngumiti at tumango sa kaniya bago dahan-dahang pinikit ang inaantok na mga mata, dagdagan pa ng bahagyang pag-ikot ng aking paningin.
"Rest, Fiel... rest well my love..." I heard what Liam said but the last words were not clear because it was almost a whisper.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top