Kabanata 8

Surprise


After more than three hours of flight, I finally arrived at the province airport. I smiled widely when I suddenly felt excited to see our rest house.

I was just 17 years old when I visited there once together with Mommy and Daddy. At simula noon ay hindi ko na nadalaw dahil mas naging busy ako sa pag-aaral.

Hindi ko na rin alam kung anong itsura nito ngayon. Pero ang sabi ni Mommy, pinapalinis niya iyon buwan-buwan kay Aling Marites kaya malinis naman daw at puwedeng bakasyunan anong anong araw.

Nang nakalabas ng airport ay agad akong pumara ng taxi na nakaparada sa gilid at nagpahatid na sa Casa Valencia.

I don't know the history of this place, but according to Mommy. There are lots of resorts here. At magaganda rin ang mga tanawin kaya naisipan niyang dito kumuha ng rest house.

Habang nasa loob ng sasakyan ay palinga-linga ako sa paligid na aming nadaraanan.

Hindi ko maitago ang saya habang nadaanan namin ang mga luntiang paligid at sumasayaw pa ang mga dahon ng puno dahil sa malakas na ihip ng hangin.

"Taga Manila po kayo, Ma'am?" biglang tanong ng driver kaya bumaling ako sa kaniya.

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Opo."

"Mabuti naman po at naisipan ninyong magtungo sa lugar namin?" nakangiting sabi nito.

"Oo nga po. Biglaan lang din dahil naalala ko bisitahin ang rest house namin," tugon ko.

"Kung ganoon, nakapunta na po pala kayo rito?"

"Opo, pero isang beses pa lang. Matagal na rin po noong huling bisita ko rito," sagot ko.

"Ay kanino po ba kayong anak? Baka po kilala ko. Halos lahat naman po kasi rito ay malalapit sa isa't-isa," nakangiting anito.

Namamangha akong nakatingin sa driver. Minsan ko lang marinig ang ganoon kaya nakakatuwa na mayroon pang ganong mga tao.

"Si Fatima at Fidel Ronquillo po ang mga magulang ko, kaya lang hindi sila nakasama ngayon," sabi ko na lamang.

Saglit na napahinto sa pagmamaneho ang taxi driver at nilingon ako nito. "Isang pamilya lang ang may ganoong apelyido rito."

"Talaga po? Kung ganoon kilala po ninyo ang magulang ko?"

"Hindi ko sigurado hija, pero ang asawa ko ay naglilinis sa Ronquillo rest house. Buwan-buwan iyon. Baka kilala mo si Marites Rosendo?"

Napaawang ang labi ko dahil kapangalan ito na sinabi sa akin ni mommy. Kalaunan ay napangiti ako dahil sa liit ng mundo.

"Malalaman po natin mamaya, Manong," tawa ko.

"Siguro nga," mahinang tumawa ang driver at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

Nalibang ako sa kakatanaw sa nakakaakit na mga tanawin at hindi ko namalayan na huminto na ang sinasakyan ko sa tapat ng malawak na lupain.

Namamangha kong nilibot ang paningin dahil sa malinis at luntiang paligid na pumapalibot sa malaking bahay.

"Tama ba rito hija? Dito ka nga ba?"

Nilingon ko ang driver. Nagningning ang mga mata kong tumango sa kaniya. "Dito nga po, kung ganoon tama po na kakilala ninyo ang magulang ko."

"Ang liit nga ng mundo," sambit nito bago pinatay ang makina ng sasakyan.

Malapad ang ngiting nakaukit sa aking labi ng sunod akong bumaba. Hindi nga maikakaila na napakaganda rito.

"Hija, ako na ang magdadala ng bagahe mo. Pumasok ka na sa loob at baka nandiyan pa ang asawa ko. Ang sabi niya kasi'y maglilinis siya ngayon."

Tumango-tango ako ng hindi nililingon ang matanda. Humakbang ako habang patuloy na umiikot ang paningin.

Nang maglakad ako ay tumapat ako sa kahoy na hagdan na mukhang hindi rin pinabayaan. Agad akong tumapak doon at diretso nang umakyat patungo sa loob.

Nasa balkonahe pa lang ako ng muling umihip ang malamig, presko, at malinis na hangin. Lumihis ang ulo ko at tumanaw sa bandang gilid at doon ko napansin ang asul na tubig dagat.

Napaawang ang labi ko at hindi matatawaran ang saya na nararamdaman. Tinitigan lamang ito ay napakasarap na, paano pa kaya kung magtampisaw na ako roon.

"Hija?"

Napabalik ako sa sarili nang narinig ang boses ng isang Ginang. Dahan-dahan akong bumaling doon at napangiti nang nakita ang isang babae na may hawak na garbage bag.

"Hello po," bati ko. "Ako po si Fiona Ronquillo. Anak po nina Fatima at Fidel," pakilala ko.

Namilog ang mga mata ng Ginang sa gulat at nabitawan pa ang hawak na supot.

"Hija, ikaw pala. Pasensya ka na at hindi kita nakilala agad. Masiyado ka pang bata sa larawan na ipinakita ng iyong ina," anito.

Ngumiti ako. "Ayos lang po. Ngayon na lang po kasi ako nakabisita rito."

"Ay, nasaan ang iyong magulang?" tanong nito at nilingon pa ang likuran ko.

Unti-unting napawi ang ngiti ko sa labi pero hindi ko na lang pinahalata. "Hindi po nakasama. Biglaan po kasi ang punta ko rito."

"Ganoon ba, mabuti na lang pala ay ngayon ko naisipan linisin ang bahay. Tamang-tama sa pagdating mo," nakangiting anito.

Napatitig ako sa Ginang na mukhang mas matanda ng ilang taon kay Mommy.

"Marites!"

Sabay kaming napalingon sa aking likuran nang narinig ang boses ng asawa ni Aling Marites.

"Oh, Tanyo, akala ko bumiyahe ka?"

Napangiti ako nang lapitan ito ng Ginang.

"Oo asawa ko. At sa kaliit ng mundo ay ako ang nasakyan ng magandang binibini na anak pala nina Fidel," sabi at mahinang tumawa.

Naglakad ako palapit sa kanila at sunod na kinuha sa matanda ang aking bagahe.

Sunod kong binuklat ang sling bag ko at nilabas ang wallet para magbayad nang pigilan ako ng Ginang.

"Naku, hija, huwag ka na magbayad."

"Po?"

Tumawa ito. "Serbisyo na namin iyon sa'yo."

"Pero po—"

"Huwag na hija. Malaki naman ang inaabot sa akin ng iyong magulang kaya ayos lang," anito.

"Pero iba naman po ang trabaho ninyo—"

"O sige ganito na lang. Kung gusto mong makabayad ay sumama ka na lang sa amin mamaya sa bayan. Masaya roon. May pagdiriwang na gaganapin dahil sa mga Ravas."

"Ano pong mayroon?" usisa ko.

"Malalaman mo mamaya kung sasama ka sa amin. Tamang-tama lang pala ang bakasyon mo dahil marami ang okasyon ngayong buwan dito sa Casa Valencia."

"Ganoon po ba..."

Nahihiya naman akong tumanggi kaya kalaunan ay napatango na lang din ako. "Sige po. Mamaya pa naman po 'di ba?"

Tumango ang Ginang. "Oo hija, susunduin ka na lang namin mamaya para na rin makapasyal ka. Masaya talaga rito kapag gabi at may okasyon."

"Sige po maraming salamat."

"Asawa ko, nagugutom na nakaluto ka na ba ng pagkain?"

Napatitig ako kay Mang Tanyo dahil sa malumanay na tinig na animo'y nanunuyo ang tono.

Lumipad ang tingin ko sa ginang.

Mahinang natawa si Aling Marites at bahagya pang namula ang tainga. "May dala akong pagkain. Akala ko kasi ay mamaya pa ako matatapos. Kainin mo na lang."

My eyes visibly teared up while staring at them. They are already old yet they are still sweet to each other.

Minsan ko na rin naman nakita na ganiyan sa isa't-isa ang magulang ko subalit bigla iyon nagbago at napalitan ng madalas na pagtatalo.

Iniwas ko ang mata sa kanila at niyuko ang ulo. Napatitig ako sa aking maleta kasabay nang pagkalam ng aking sikmura.

Napangiwi ako.

"Hm, Nay? Tay?" tawag pansin ko sa dalawa.

Agad naman silang napabaling sa akin at kumikinang ang mga mata na para bang nagustuhan ang binigkas kong salita.

I smiled shyly. "Uh, may malapit po bang grocery store sa lugar na 'to? Hindi po kasi ako nakapamili."

"Sa bayan neng, mayroon doon. Kung gusto mo ay kami na lang ang mamimili ng mga kailangan mo dahil may bibilhin din kami. Nayon na kasi ang mga lugar dito at tiangge lang ang mayroon," paliwanag nito.

"Malayo po ba ang bayan dito?"

"Hindi naman. Mga kinse hanggang bents minutos ay nandoon na tayo. Pero dahil sa sinakop ng mga Ravas ang buong bayan sa pagdidisenyo ay baka mahirapan tayong makadaan."

"Ganoon po ba..."

"Ako na lang ang mamimili ng kailangan mo. Mukhang kailangan mo rin magpahinga."

"Nakakahiya naman po."

"Naku, hindi uso sa amin ang hiya. O siya ilista mo na lang ha? Kukunin ko lang ang baon kong pagkain," anito at sunod na bumaba mula sa hagdan.

"Nawa'y masiyahan ka rito, Ineng..." habilin ni Mang Tanyo bago sumunod sa kaniyang asawa.

Gumaan ang loob ko nang hawakan ko ang maleta at tumalikod. Dahan-dahan na akong humakbang papasok ng bahay at muling namamangha sa mga klasikong disenyo ng loob.

Lumipas ang halos trenta minutos nang umalis sina Mang Tanyo at Aling Marites para magtungo sa bayan.

Nagtungo naman ako kusina dala-dala ang pagkain na nanggaling kay Aling Marites.

Gusto kong sumama sa kanila sa bayan ngunit nababahala sila na baka matagalan kami dahil sa rami ng tao.

Dahil sa gutom ay kinain ko na rin ang lutong pagkain ni Aling marites. I also opened my phone when a sudden caller appeared on my phone screen.

Si Ayesha.

Sinagot ko ito habang nakaharap sa pagkain.

"Hello?"

"Fiona, where are you? Wala ka sa inyo?"

Gumalaw ang kamay ko at inumpisahan buksan ang tupperware ng pagkain.

"Wala, Yesh. Nagbakasyon ako," tawa ko.

"Ang daya. Hindi nagyaya," anito.

"Biglaan lang," sabi ko. "Nga pala, napatawag ka?"

"Maaga akong pumunta sa inyo kaya lang mukhang walang tao. Wala ba sila Tita?"

"Wala rin."

"Oh, okay. I just want to confirm something. But I guess it was not true," anito sa seryosong tinig.

Napatigil ako sa ginagawa at ibinigay ang buong atensiyon sa kausap. "Why? Is there any problem?"

"Uh, it's nothing, Fiona. Enjoy your vacation. See you soon," she said as soon as the line ended.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay nang tiningnan ang naputol na tawag. Nagkibit balikat na lamang ako at tuluyan nang inumpisahan ang kumain.

Lumipas ang isa, dalawa o tatlong oras pero hindi pa rin nakakabalik ang mag-asawa. Siguro nga ay hirap ang magtungo ngayon sa bayan.

Naglakad ako paakyat sa kuwarto dala-dala ang bagahe ko para maayos na rin ang laman dahil mukhang magtatagal ako rito ng ilang linggo.

Kumpleto ang gamit sa loob pagpasok ko. May queen size bed, sofa. TV set, aircon and CR. Pumasok ako sa loob at direktang nagtungo sa veranda.

I slowly opened the sliding window as the sudden cold wind slapped my face and it sent me calmness in my system.

I then smiled widely when I saw the front sea on the veranda. Naakit ako sa payapang tubig kaya naisipan kong ngayon na lang maligo.

Gumalaw ang kamay ko at inisa-isang tinanggal ang saplot sa katawan at tanging terno na bra at panty na lang ang natira na pumupulupot sa aking katawan.

Lumabas ako ng veranda at hinagilap ang ang bathrobe ko sa aking maleta ngunit biglang bumukas ang pinto ng kuwarto na ikinaigtad ko.

Agad akong napayakap sa aking katawan at napalingon sa mapangahas na nagbukas ng pinto.

"Liam?" nanlalaki ang mata ko sa gulat nang nakita siya.

"Fiel..."

"A-Anong ginagawa mo rito?!" nataranta kong tanong sa mataas na tinig.

Nag-init ang mukha ko at humigpit pa lalo ang pagkakayakap sa katawan.

Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ako. Namumungay ang kaniyang mga mata habang nakatitig ng mataman sa aking mukha, pababa sa katawan.

Napalunok ako nang napansin ang paggalaw ng kaniyang panga, pero kalaunan ay umangat pabalik ang tingin niya sa aking mukha.

Muli siyang humakbang palapit sa akin habang sinasambit ang mga salitang, "I can't let you go, Fiel..."

Malakas na kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niyang iyon. Umiling-iling ang ulo ko at napakuyom ang kamao.

"What are you talking about, Liam?" I swallowed. "Please umalis kana-"

Naudlot ang sinasabi ko nang agad niyang kinain ng malalaking hakbang ang espasyo sa pagitan namin.

Napasinghap ako nang hawakan niya ako sa kamay at laking gulat ko nang napasandal ako sa malamig na salamin ng bintana sa veranda.

"Liam..."

"I tried to avoid you because that's what you wanted, but I couldn't. Paulit-ulit pa rin akong dinadala ng mga paa ko pabalik sa'yo..." napapaos niyang bulong.

I jolted my head as my heart beat so fast. "I don't know what are you talking about-"

"I am so damn in love with you, Fiel. I really do."

I gulped more in shock as I was stunned for a moment. Pero maya-maya lang ay mabilis ko siyang itinulak palayo ngunit hindi iyon umepekto.

Hindi man lang natinag..

Humigpit lamang ang hawak niya sa akin.

"Nagbibiro ka lang. Please umalis ka na Liam!" taboy ko gamit ang mariin na tinig.

"I am so fucking in love with you, Fiona Elyse. I'm not lying," he burst desperately.

I trailed off.

My chest tightened as my eyes wetted. Napatitig ako sa kaniyang singkit na mga mata at muli kong nasilayan ang emosyon doon na madalas kong napapansin noon.

Pero hindi. Mali. Hindi dapat.

My mouth opened a bit to utter a word but nothing came out. And a sudden moment flashes through my mind.

All his efforts every time we were together while I'm still working at his restaurant. He always makes me laugh. He always cooks for me. He always drops me off at our home after work every time I don't have my car.

He's always there with me, unlike Ken.

Lahat ba ng mga ginagawa niya ay dahil doon? I never heard anything from him so I thought everything he does to me it's because I'm his best friend's girlfriend.

I blinked as I quickly shook my head. "You're just kidding-"

"I never lie with my feelings, Fiel. I'm not lying. Do you think I will chase you here if I'm not into you?"

Simula noon, kung nasaan man ako ay nandoon din siya. Pero hindi ko inaasahan na ganito.

My tears surprisingly streamed down my cheeks as I shook my head again and again. "That is wrong Liam..."

Nangatog ang binti ko ng halos ilang pulgada na lamang ang layo ng pagitan namin.

"Mali ba ang magmahal?" aniya.

Umiling ako. "Hindi, kung sa iba-"

"Pero ikaw ang gusto ko, Fiel. Mula noon, hanggang ngayon..."

"Pero mali nga Liam! Ikakasal na kami ni Ken pagbalik niya. Ikakasal na ako sa kaibigan mo! Naiintindihan mo ba 'yon? At kung ano man ang nangyari sa ating dalawa ay tapos na 'yon! Kinalimutan ko na at pinagsisisihan," dire-diretso kong sinabi.

But he just smirked. "Asawa nga naagaw, kayo pa kayang mag-fiance lang?"

Suminghap ako. "Ano?! Nababaliw ka na ba?"

"I must admit, yes. Nakakabaliw kang mahalin, Fiel."

"Liam..."

Saglit kaming nagkatitigan at sa hindi inaasahan ay dumausdos ang kaniyang kamay payakap sa balakang ko, kinabig niya iyon at mahigpit akong niyakap.

"Fiel, ako muna. Kahit pampalipas oras lang habang wala si Trevious."

I gasped. "Mali 'to Liam! Nababaliw ka na! Puwede ba umalis ka na!"

"Kailan ba magiging tama ang mahalin ka?"

"Never. Sa kahit anong paraan Liam, maling-mali..." sambit ko at hindi mapigilan ang pagluha.

Mabilis siyang kumalas nang yakap sa akin at tinitigan ako sa mga mata.

"Mali na kung mali, Fiel. Pero lalaban ako sa kahit anong paraan," aniya.

Namilog sa gulat ang mata ko nang hawakan niya ang mukha ko at alegrong inangkin ang aking labi sa mapusok na paraan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top