Kabanata 6

Rule


Tulala ako sa kawalan habang nasa veranda ng aking kuwarto. Hinayaan kong liparin ng hangin ang mahaba at itim kong buhok.

Suminghap ako at hindi mapigilan ang mangilid ang luha sa mga mata. Ilang araw na mula nang mag-usap kami ni Liam tungkol sa nangyari.

It was a calm conversation as if we both wanted to get rid of it. We had a small talk about what happened between us, about my resignation, and about his flight after he felt better.

He already ended our connection with each other as I asked him to forget everything.

I took a deep breath, feeling heavy in my heart. Although we are finally good after our mistakes, my conscience still bothers me.

Natatakot ako.

Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Ken ang lahat. I know anytime soon, kapag kinasal na kami ay malalaman niya rin ang totoo.

He indeed respects me while we are together. He's even scared to touch me because he might not control himself.

But... in just one night, I lost it. I lost myself, my purest with his best friend.

"Fiona?"

Agad kong pinunasan ang luha na tumulo mula sa mga mata nang narinig ang boses na 'yon.

Nakangiti kong nilingon si mommy at pilit tinago ang pagiging balisa ngunit hindi iyon nakawala sa kaniyang paningin.

"Mom?"

Mommy walked toward me and she smiled a little.

"Are you okay? You look pale?" anito.

Napatango ako, tumingala.

Siguro nga kung may nakakakilala man sa atin ng lubusan mula ulo hanggang paa, iyon ay ang ating mga magulang.

"Fiona, are you really okay? I heard you resigned from your job?" ulit na sinabi ni Mommy.

Napakagat labi ako nang dahan-dahan binaba ang ulo at lumingon pabalik sa kaniya.

"Okay lang, Mom. And yes I resigned last week," tugon ko, pagkuwa'y tipid na ngumiti.

"Why? You're excellent in doing your job—"

I cut her.

"I just want to rest, Mom. And in fact, naka kontrata lang ang pagiging manager ko dahil ayaw naman ni Ken na magtrabaho ako," sambit ko.

"Oh," she slowly nodded. "By the way, Trevious called me, he said he can't contact you since yesterday."

Napangiwi ako. Nakalimutan kong bumili kahapon.

"I lost my phone, Mom. I will just buy a new one," sabi ko.

Tumango-tango ulit si Mommy at maya-maya lang sumeryoso ang mukha.

Napatitig ako sa kaniyang maamong mukha at hindi ko alam kung guni-guni ko lamang iyon pero bakas ang sobrang lungkot, pagsisisi sa kaniyang mga mata.

Nangunot ang noo ko.

"Uh, do you have a problem, Mom?" I asked.

Namamasa ang kaniyang mga mata na ipinagtataka ko pero bago pa man ako makapagsalita ay agad akong kinabig ni Mommy at mahigpit na niyakap.

Nabigla ako.

"I'm just happy for you, baby. Finally, you're getting married soon. You'll be safe on Trevious side. He can protect you," ani Mommy.

Mas lalo akong nagtaka dahil sa kaniyang sinabi.

Hindi ko alam kung anong mayroon kay Ken pero gustong-gusto siya ni mommy para sa akin at kabaligtaran iyon kay Daddy.

Daddy doesn't want me for Ken. Instead, he wants me to marry someone whom he arranged for me if Ken and I hadn't met. And that thing I couldn't understand really.

Hanggang ngayon hindi pa rin nababalik ang dating closeness namin ni Daddy. At kung natatandaan ko, I was 18 years old back then when we were super close with each other.

He spoiled me with everything. He gives everything to me as much as he can.

But unexpectedly, after my debut, he altered. He suddenly changed a lot. Everything changed the way he treat me. Wala na ang closeness namin ni Daddy hanggang ngayon.

Hindi ko alam kung anong nagawa ko noon pero bigla na lang nagbago lahat. He distant himself from me. Palagi na rin siyang umaalis ng bahay ng hindi nagpapaalam at minsan pa'y hindi umuuwi.

Doon na rin sila madalas mag-away ni mommy.

"Mom... si Daddy?"

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Tiningnan ko muli ang kaniyang mukha. Namumula ang kaniyang mga mata.

Hinaplos niya ang mukha ko at tipid na ngumiti.

"I'll talk to him about your upcoming wedding. Don't worry he'll come and sooner or later he'll accept everything," sambit ni mommy.

Hindi ko maitago ang pagiging emotional. Nangilid ang panibagong luha sa aking mga mata sabay napatungo ang ulo.

"M-Mom, miss ko na si Daddy. Kailan po ba siya uuwi?" tanong ko bakas ang lungkot sa sariling tinig. "Mom, until now I didn't know why he suddenly changed..." I mumbled with my teary eyes.

Pinunanasan niya ang luha sa mata ko at tipid na ngumiti subalit malungkot ang mga mata.

"May problema lang si Daddy mo, Fiona. Pero hayaan mo kakausapin ko siya ulit—"

"Ilang taon na Mommy. Ilang taon na akong binabalewala ni Daddy," usal ko. "Dahil po ba nag-boyfriend ako? Dahil hindi natuloy ang dapat na pagkakasundo niya sa akin sa iba?"

Halos kapusin ako ng sariling hangin habang binibigkas ang mga katagang iyon.

Mommy just smiled sadly as she embraced me. "I'll talk to your Daddy when he gets home, okay? Don't think too much."

Napatikom na lamang ang bibig ko at hindi na nagsalita pa.

Ang dami kong tanong na hindi masagot-sagot. At tanging si Daddy lamang ang makakapagsabi ng dahilan.

Niyakap ko pabalik si mommy.

Bumigat ang paghinga ko nang naalala ang nagawa ko. At mas lalo akong kinakain ng matinding takot na ipaalam ang mali kong nagawa dahil baka pati si mommy ay magbago ang trato sa akin.

"Anyway, Trevious asked if you already saw the photos of your wedding gown?" biglang sinabi ni Mommy.

Tumango-tango ako.

"Nakita ko na po, Mom," tugon ko.

"He was asking if it's good with you or if you want something to change—"

"Okay na 'yon, Mommy. Tatawagan ko na lang si Ken mamaya kapag nakabili ako ng bagong phone," agap ko.

"Sure, sure. Can't wait to see you walking in the aisle..." Mommy whispered as she hugged me more.

My chest tightened while imagining myself marrying Ken, but unfortunately, a sudden flash of Liam's image appeared in my mind that made my eyes broadly enlarge in shock.

Nanlulumo akong napatulala sa kawalan. K-Kahit sa imahinasyon ko, si Liam ang nakikita ko.

While roaming in the mall after buying my phone. I stopped in front of the coffee shop and decided to go inside.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa bandang dulo. Inayos ko muna ang new phone ko at agad na kinontak si Ken ngunit sa kasamaang palad ay out of coverage ito.

Sumimangot ako nang ibaba ko ang cellphone at naisipan na lang na umorder ng pagkain.

Unti-unting kumukurba ang ngiti sa labi ko nang naalala na madalas kaming mag kape ni Liam pagkatapos ng trabaho at minsan pa'y sabay kaming nag-iimbento ng sariling flavor—

Shit!

Pinilig ko ang ulo ko nang na-realize ang nangyayari sa akin. Napakurap-kurap ako at agarang napatayo.

Imbis na umorder ng kape ay diretso akong lumabas dahil sa biglaang alaala na naman kung saan nakasama ko si Liam.

Napatampal ako sa sariling noo! My goodness, Liam! Get out of my mind!

Habang naglalakad palabas ng mall naisipan kong tawagan si Ayesha dahil ang balita ko ay break na sila ng long time boyfriend niya.

Hindi ko siya natawagan noong isang araw dahil nga naiwan ko talaga ang phone ko sa lugar ni Liam at ayoko nang balikan pa iyon.

After a few rings when Ayesha finally answered her phone.

"Hello?" bungad nito sa namamalat na tinig ko.

Napangiti ako.

"Hi, Yesha," I chuckled.

"Oh, Fiona?"

"Yes."

"Did you change your phone number?" usisa niya.

Tuluyan na akong nakalabas ng mall at diretsong nagtungo sa parking lot kung saan nakaparada ang aking kotse.

Tumingala ako saglit sa kalangitan nang nakita ang asul na ulap na unti-unti na ring kinakain ng dilim. Bumaba ang ulo ko at binalik ang atensiyon sa kauap.

"Yes, I lost my old phone," sabi ko. "Anyway, can we hang out? It's been a while..."

She suddenly laughed. "Sure, Fiona. I miss having a good time with you."

"Alright, see you later?" I smiled.

"See you later in our old place," she mumbled. "Can we invite Miko?"

"Huwag na. Naiirita ako sa boses ng baklang iyon," pagbibiro ko.

"Okay, okay," aniya sa kabilang linya at sunod na malakas na tumawa.

"Alright, Ayesha. See you later. Drive safely," I said.

"You too, bye..."

Napangiti ako nang tuluyang naputol ang linya. I slid my phone inside my bag as I got my car key and went inside.

I opened the engine and took a deep breath. I need something alcoholic beverages today. I am really confused about myself.

"Didn't you believe in the three-month rule after a break-up?" I asked curiously while looking at my wine glass.

I was just wondering why it's easy for her to move on from her boyfriend after almost three years of being in a relationship.

Lumingon siya sa akin. Nakangiti siya ngunit mababakas sa kaniyang mga mata ang lungkot. Maya-maya lang ay mahina siyang humalakhak at iniling-iling ang ulo.

"Well, I don't," kibit-balikat niyang sinabi.

She was holding her wine glass and slowly shaking it.

"Bakit naman? Hindi mo ba minahal ang boyfriend— I mean ex-boyfriend mo?" usisa ko.

She rapidly frowned as if trying to hide the pain in her eyes but I still noticed it. "Of course I did, Fiona. But I'm not a martyr to let myself be stuck in sadness."

Napalabi ako at napakunot ang noo.

"I don't get you," I mumbled.

Umangat ang tingin niya sa akin kaya napunta sa kaniya ang buong atensiyon ko.

Ngumiwi siya at maya-maya lang sy muling tumawa at napatitig sa kaniyang hawak-hawak na wine glass.

"In simple words, I wanna still be happy despite my broken heart. Syempre hindi naman mawawala ang sakit. Nandoon pa rin nakatago lang. But I don't believe in the 3 months rule after break up," natatawang aniya.

I slowly nodded a bit enlightened by her words.

"For me, hindi naman porket hindi mo sinusunod iyong three month rule na tinatawag ay hindi mo minahal iyong tao. Siya nga ang kapal ng mukha na magloko habang kami pa, eh," kalmado niyang sinabi. Pero kahit na anong tago niya ay bakas pa rin ang pait sa boses.

Napayuko ako at agad na nilagok ang laman ng baso. Parang may kung anong tinamaan sa loob ko nang sabihin niya iyon.

Binalik ko ang mata sa kanya dahil muli siyang magsalita.

"'Tsaka may kasabihan tayo. The best revenge for every cheater is to glow up yourself. Be happy. Ipakita mo sa kanila na kaya mo. Na sila ang nawalan at hindi ikaw," sumeryoso ang mukha niya habang binibigkas ang mga katagang iyon.

Kumurap-kurap ako. "Sa tingin mo hindi ka masasaktan ulit sa ginagawa mo?"

Pinilit kong ikalma ang boses kahit na natamaan ako sa kaniyang mga binitawang salita.

Hindi ko alam kung anong gagawin niya, nila. Kapag nalaman nila ang nagawa kong pagkakamali.

They thought I'm too kind to make a mistake. But little did they know, I already have a dirty one.

"Nope. It's just a game,'" she laughed.

"Huh?" takang tanong ko at muling uminom ng alak na nasa baso.

Muli siyang natawa na animo'y may bagay na pinagkakaabalahan.

"Just no feelings involved. No strings attached kumbaga. Just pure sex."

Nasamid ako bigla sa iniinom ko kaya bahagya akong napaubo. Mabilis akong napatayo at inabot ang tissue.

"Nakarinig ka lang ng sex nabulunan kana," natatawa niyang komento.

Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko kaya paniguradong namumula ang mukha ko. Napalunok ako habang pinupunasan ang basang labi.

"Masiyado kang inosente, Fiona. Kaya hanggang ngayon walang nangyayari sa inyo ng fiance mo, eh. Buti hindi naghahanap ng iba si Trevious?" anito.

Napailing ako.

"Hindi naman. Pagbalik niya ikakasal na kami," sabi ko.

"Oh my goodness! Saan kayo magho-honeymoon?"

Nag-init muli ang mukha ko.

"Wala pa sa plano," tugon ko.

Unti-unting bumakas ang pagkadismaya sa kaniyang mukha. Tinitigan niya ako nang mariin na para bang binabasa kung anong nasa isip ko.

"Never been touched ka ba? Kahit sa boobs lang? I mean, half body ba parang gano'n?" usisa niya.

Mas lalong nag-init ang mukha ko. At parang doble ang tama no'n sa akin. Yumuko ako at muling nilagok ang natitirang alak sa baso para maiwasan ang titig niya.

My knees secretly trembled. She was still staring at me while waiting for my answer. Pero hindi ko magawang magsalita. Pakiramdam ko kahihiyan kapag nagsalita ako.

She then laughed. "So innocent Fiona," tanging komento niya bago mahinang sumigaw. "Oh my God!"

Umangat ang ulo ko sa kaniya. Nahuli ko siyang nakatanaw sa entrance ng bar kaya dahan-dahang lumingon doon ang ulo kung saan aksidente kong namataan ang taong hindi ko inaasahan.

"Totoo nga ang rumors? He's truthfully dating someone!" Yesha exclaimed.

I blinked my eyes as I remained stared in their direction. He was smiling widely while his hands embraced the girl's waist that he was with.

I couldn't take my eyes off them as my chest was loudly beating for something that I couldn't understand.

Nang tuluyan silang makapasok ay doon muling nagsalita si Yesha. Napabalik-tanaw ako sa kaniya.

"You are the manager of his restaurant right? Ano bang dahilan bakit nagsara lahat ng branch?" takang tanong niya.

Napailing ang ulo ko dahil miskin ako ay hindi ko alam.

Pagkatapos nang nangyari sa penthouse niya hindi na kami nag-usap.

Pinahatid niya na lang din ang mga natira kong gamit sa opisina kaya hindi na ako nakapagpaalam sa mga empleyado na kahit paano ay napalapit na rin sa akin.

"I don't know Yesha. When I left the restaurant, it was still operating fine. I just heard yesterday about the sudden closing," sambit ko.

Hindi ko rin alam kung totoo ang sinabi ni Mommy na babalik na raw kasi ng Japan ang owner at walang mapag-iiwanan ng negosyo kaya sinara na lang.

Where in fact, it was a simple reason and it can easily find a solution.

In today's generation, we are already in high and updated technologies where we could easily access everything.

Kung talagang iyon ang dahilan, puwede naman sigurong i-monitor ang business niya through online communication. Kaya nakakapagtaka.

Sabagay, it was not my decision anymore. Labas na rin ako roon.

"Sayang naman, patok pa naman ang Ishi's restaurant," aniya.

Hindi na ako nag-abalang magsalita pa dahil halo-halo na ang mga iniisip ko. Hindi ko naman puwedeng isipin na ako ang dahilan dahil maayos na tinapos ni Liam kung anong mayroon sa amin.

Pati ang pinagsamahan namin bilang magkaibigan.

Agad kong sinalinan ng alak ang baso ko na agad kong nilagok at nahinto sa ere ng may biglang sumulpot na baritonong tinig mula sa aking likuran.

"Can we join?"

I flickered again and again as I finished drinking my wine and instantly stood up.

"I have to go, Ayesha," paalam ko at agad na tumayo.

"Why so sudden?" tumayo rin si Ayesha.

Tipid lang akong ngumiti at tumalikod ngunit sa kasamaang palad ay kamuntikan na akong matumba nang nakabig bigla ni Liam ang aking balakang.

Nakaliyad ang katawan ko habang nakahawak nang mahigpit ang kaniyang braso sa likod ko. Parang huminto ang mundo ko nang nagtagpo ang mga mata namin.

Umawang ang labi ko nang bigla niyang igalaw paangat ang braso niya at halos mapasubsob ang mukha ko sa kaniyang dibdib.

"Be careful, Miss Ronquillo," walang emosyon niyang sinabi at agad na binitawan ang baywang ko.

Napasinghap ako.

At may kung anong matalim ang parang tumusok sa dibdib ko nang nakita ang agad niyang pagyakap pabalik sa kasamang babae.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top