Kabanata 5

Happy


Namimilog ang mga mata ko at nagmamadaling tumakbo palapit sa kaniya na para bang hinang-hina ang katawan.

"L-Liam..." nanginig ang boses ko nang nakalapit at mahawakan ang kaniyang braso.

"Please, just leave..." paanas niyang pagtaboy sa akin.

Napasinghap ako nang maramdaman na sobrang init ng kaniyang balat. Agad kong sinalat ang kaniyang leeg at sentido, namumula rin ito.

"Inaapoy ka ng lagnat, Liam. B-Bakit hindi mo sinabi..."

Hindi ko mapigilan ang sariling huwag mag-alala. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay kong nakahawak sa kaniya ngunit masyado siyang mahina.

I can't leave him in this situation. I maybe hate him because of what happened between us but I'm not that heartless not to help him.

"Dadalhin kita sa hospital-"

"Damn, no!" tumaas ang boses niya at muling kinabig ang kamay ko.

"Liam ang init mo," sambit ko.

"Just leave, Fiona! I don't need you! I don't need your help!" sikmat niya.

Dahan-dahan kong nabitawan ang kaniyang braso. May kung anong bagay na parang tumusok sa kalooban ko dahil sa pagtaas ng boses niya.

Saglit akong natigilan, natulala sa kaniya.

Ito pa lang yata ang kauna-unahang beses na nasigawan niya ako ng malakas. Hindi kagaya noon na kahit galit siya ay hindi niya nagagawang magtaas ng boses sa akin.

Pumikit ang kaniyang mga mata at humugot ng hangin na wari'y kinakalma ang sarili. Ilang segundo ang lumipas nang dahan-dahan siyang nagmulat.

"Umalis ka na. Kaya ko ang sarili ko..." naging mahinahon ang boses niya ngunit bakas ang panghihina.

Titukod ang dalawang kamay sa sahig at sinubukang tumayo. Napataaras ako nang nakaya niyang tumayo mag-isa. Inayos niya ang jacket na nakabalot sa katawan bago ako tinalikuran.

Nanatili ako sa kinaroroonan ko habang pinapanood siyang kinakayang maglakad mag-isa, pero maya-maya lang ay aksidente niyang nabangga ang flower vase sa gilid ng lamesa.

He was trying to save the vase but it's already fallen on the floor, nabasag iyon kaya umalingawngaw ang ingay sa loob ng bahay. And at the same time he slipped on the floor. Napatayo ako at nagmamadali siyang nilapitan.

"Fuck, shit," I heard him cursing nonstop.

"D-Dadalhin na kita sa hospital-" napahinto ako sa pagsasalita nang naalalang, sa lahat ng lugar hospital ang pinaka ayaw niyang puntahan.

Pinilig ko ang ulo ko at muli binalik sa kaniya ang atensiyon. Inaalalayan ko ang kaniyang braso patayo at sa puntong ito hindi na siya nagprotesta. Mas lalo pang umiinit ang kaniyang pakiramdam.

"Tutulungan lang kita papunta sa kuwarto mo tapos aalis na ako..." sabi ko.

Nanatili siyang tahimik at hinyaan akong aalalayan siya. The ambiance between us is getting awkward.

Nabalot kami ng katahimikan nang basagin ko ito.

"Kailan ka pa may sakit?"

"Last night..." his voice tone lowered.

"Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko at lumingon sa kaniya.

Umiling lamang ang kaniyang ulo habang diretsong nakatingin sa harapan.

"Bakit?" usisa ko.

Hindi na siya sumagot kaya hindi na rin ako nagtanong. Maingat ko siyang inalalayan paakyat sa hagdanan at ininda ang mabigat niyang brasong nakaakbay sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang katawan na akala mo'y lumilipat sa akin.

Makalipas ang ilang minuto nang nakarating kami sa harap ng kaniyang kuwarto ay binuksan ko agad ang pinto. Napasinghap ako nang nakita ang nagkalat na gamit sa loob.

"I'm okay here, y-you can go now..." aniya.

Umawang ang labi ko nang lumingon sa kaniya. Dahan-dahang kumunot ang aking noo dahil bigla siyang lumayo sa akin.

Pasuray siyang naglakad at pabagsak na humiga sa kama.

"Leave now. You can also pack your things in the office," anito.

Natigilan ako.

May parte sa akin na ayaw umalis at may parte sa akin na natutuwa dahil sa wakas ay wala na akong alalahanin.

I took a deep breath as I stared at him intently. Hindi ko alam kung bakit naging ganito siya. Isang linggo palang ang lumipas pero nakakapanibago.

"Please turn off the aircon and leave..." muli niyang pakiusap.

Napakurap-kurap ako bago inabot ang remote ng aircon na malapit sa kinaroroonan ko at in-off iyon. Sunod na umikot ang paningin ko sa loob ng kanyang kuwarto.

Ang kalat ng sahig. May mga damit na nagkalat at magulo. May mga basag din na bote at kung ano-ano pa. Bumalik ang tingin ko kay Liam.

Lumapit ako sa kaniya at muling sinalat ang kaniyang noo. Naguguluhan ako kung anong gagawin nang tinabig niya muli ang kamay ko.

"Leave, Fiona!" naging malamig ang kaniyang boses at mabilis na sumubsob ang mukha sa unan.

Agad akong lumabas ng kaniyang kuwarto at nagtungo sa kusina. Nagsalubong ang kilay ko nang nakitang iilan na lang ang gamit na nandoon.

Kumuha ako ng maliit na planggana at nilagyan ng tubig pampunas sa kaniya. Iniwan ko muna saglit iyon para tingnan ang puwedeng lutuin pero nagulantang ako nang nakitang walang kahit anong laman na pagkain.

Nagmadali kong sinilip ang freezer ng ref nagbabakasali na may kahit anong frozen meat doon pero wala ring laman.

"A-Anong kinain niya kung ganoon?"

Kumunot lalo ang noo ko at sa hindi malaman na dahilan ay biglang nanikip ang dibdib. Pinilig ko ang ulo at patakbong naglakad pabalik sa kuwarto ni Liam.

Naabutan ko siyang nakahiga ng maayos at mukhang lumalalim na ang paghinga.

I slowly walked toward him. I put the small basin in the side table as I stepped to his cabinet. Kumuha ako ng isang labakara na gagamitin pang punas sa kaniya.

Humugot ako ng hangin bago siya muling nilapitan sa gilid ng kama. Itinuksaw ko ang labakara sa tubig at piniga iyon bago inumpisahan siyang punasan.

"Shit," he cussed as if she was surprised.

"Pupunasan lang kita ang init mo..." sabi ko nang dumilat siya bigla.

"I'm fine-"

"Puro ka fine ng fine, halata naman na nanghihina ka," asik ko dahil sa tigas ng ulo niya.

"What do you care about? You shouldn't care about me anymore," supladong aniya.

"Aalis din ako kapag tapos ko rito," sabi ko.

Hindi na siya nagsalita pa kaya ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Dahan-dahang pumipikit ang kaniyang mga mata.

Makalipas ang halos bente minutos tuluyan nang lumalalim ang kaniya paghinga. Medyo humupa na rin ang init ng kaniyang katawan nang napunasan.

Tumayo ako at bahagyang napangiti at napatiitg sa kaniya. Para siyang maamong tupa habang nakahiga at walang malay.

At kahit nakapikit, makaagaw pansin pa rin ang hugis ng kaniyang chinitong mga mata.

I suddenly shook my head when I realized that I was almost praising his physical appearance.

Iniwan ko ang maliit na labakara sa kaniyang noo at akmang lalabas na ng silid nang narinig ang malakas na pagtunog ng kaniyang sikmura.

Napasinghap ako at napaisip.

Kung kagabi pa siya may sakit at wala ring pagkain ang ref, panigurado na hindi pa siya kumakain.

Nailing-iling ang ulo ko nang lumabas ng kuwarto at nagtungo sa living room upang tumawag sa landline pero putol ang internet niya. Bumalik ako sa kuwarto para gamitin ang cellphone niya.

Inabot ko iyon na nasa gilid ng kaniyang kama nang nakitang lowbat iyon.

Napatampal ako sa sariling noo dahil hindi ko rin hawak ang cellphone ko. Binalingan ko ng ulo si Liam bago ko naisipang lumabas.

"Kung wala lang kaming pinagsamahan, iniwan ko na siya!"

Dumiretso ako grocery store at bumili ng kakailanganin na rekado para sa lulutuin. Binilisan ko lamang ang pamimili ng manok at iba pa kahit na kakabukas lamang ng grocery store.

Pagkatapos mamili ay nag commute lang ako ng taxi pabalik sa penthouse niya. Dumiretso ako sa kusina at inumpisahang magluto ng masabaw na pagkain.

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat ay nagagawa ko pang magmalasakit sa kaniya. Pinilig ko ang ulo ko nang nakitang kumukulo na ang sabaw. Agad kong sinilip iyon at tinikman.

Napangiti ako dahil hindi ako pumalpak. Considering that he's a chef, kaya alam kong hindi ko maabot ang panlasa niya.

Makalipas nga ang halos isang oras nang matapos akong magluto ng pagkain ay inihanda ko na iyon para iakyat sa kuwarto niya.

Dinalhan ko na rin siya ng gamot para mabilis siyang gumaling.

Pagpasok ng kuwarto ay ganoon pa rin ang kaniyang posisyon at mukhang mahimbing ang tulog sa kabila ng masamang pakiramdam.

Maingat kong nilapag ang tray sa lamesa at nilapitan siya para gisingin at saktong muli na naman nagreklamo ang kaniyang sikmura.

"Liam..." I gently patted his shoulder.

Mahina siyang dumaing kaya muli ko siyang ginising at hindi naman na ako nahirapan dahil dumilat ang kaniyang mga mata.

His eyes were both red and seemed sleepy. "I... I thought you left already."

Napatitig ako sa kaniya.

There's a strange emotion in his eyes when he met mine. Agad kong pinutol iyon dahil sa malakas na pagkabog ng dibdib ko.

"Nagluto ako. Kumain ka muna tapos uminom ng gamot," sabi ko.

Dahan-dahan siyang umupo habang nakatitig pa rin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin at kinuha ang tray ng pagkain. Nilapag ko iyon sa gilid ng kama at inangat ang bowl ng sabaw.

"Kumain ka muna habang mainit ang sabaw ng tinola..."

Nanginig ang kaniyang kamay at tahimik na tinanggap iyon. Sunod niyang hinawalan ang kubyertos pero mas lalo lang siyang nanginig.

He swallowed and I could see how his adam's apple moved intensely. Mukhang nagpipigil lamang siyang magreak.

I sighed as I got back the bowl.

"Ako na..."

He shook his head. "No, I can do it."

I sighed. "Ako na Liam. Pagkatapos ko rito aalis na rin ako."

Natahimik siya at nilihis patagilid ang ulo.

Lalong tumambol ng malakas ang dibdib ko kaya inumpisahan ko nang subuan siya at hinayaan niya naman akong gawin iyon.

"O-Okay lang ba? Hindi ko kabisado ang gusto mo-"

"It's fine," aniya.

Tumango ako at muling sumandok ng sabaw na hinaluan ng kanin. Hinipan ko iyon at muling sinubo sa kaniya.

Binilisan ko ang galaw ko dahil tumatagal na naman ang titig niya. Naiilang ako.

"Ayoko na..." aniya bigla.

"Konti pa lang nakakain mo," takang sabi ko.

"I'm full and sleepy..."

Napatango na lamang ako. Hindi ko rin napigilan ang madismaya. Siguro hindi niya lang nagustuhan ang luto ko.

Tumayo ako at niligpit ang pinagkainan niya. Sunod kong pinainom sa kaniya ang gamot. Inabot ko iyon sa kaniya at inalalayan na makainom ng tubig sa baso bago bumalik sa pagkakahiga.

"Aalis ka na ba?" tanong niya.

Pinasadahan ko siya ng tingin at muling binalik sa ginagawa.

"Pagkatapos ko ligpitin ang kalat sa kusina mo aalis na ako," tugon ko.

Tumango lamang siya. "Thank you..."

I took a deep breathe when I remember something. "Bakit nga pala wala kang stock ng pagkain? Putol din ang landline mo kaya hindi ako makatawag sa restaurant."

He smiled weakly. "I threw a small party for a children's charity. Pinaubos ko lang lahat ng pagkain, and about the internet I cut it "

"Bakit?" nagtataka pa rin ako.

Nag-iwas lamang siya ng tingin sa akin at hindi na ulit nagsalita kaya hindi na rin ako nag-usisa pa.

Lumabas ako ng kuwarto patungo sa kusina at niligpit lahat ng nagamit ko sa pagluluto.

Napatingala ako saglit, napapikit ang mga mata. Nagdadalawang isip kung aalis na ba ako at tatawag na lamang ng puwedeng magbantay sa kaniya.

Napatampal ako sa sariling noo. Kusang humakbang ang mga binti ko na animo'y may mga sariling buhay na naglalakad pabalik sa kinaroroonan ni Liam.

Nanginig ang kamay ko at akmang hahawakan ang nakaumang na pintuan ng kaniyang kuwarto ngunit natigilan ako dahil sa narinig kong boses niya.

"Maybe tomorrow, I'm not feeling well..." si Liam.

I bit my lower lips as I clenched my fist. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit paiba-iba ang nararamdaman ko.

Napalunok ako nang muli siyang magsalita.

"Yeah, I won't, okay?" anito sa nanghihinang tinig.

Nanatili ako sa labas ng kaniyang kuwarto. Dahan-dahan akong sumilip at nakita kong kakababa niya lang ng kaniyang cellphone na mukhang naka-off lang pala kanina.

He took a deep breath before he covered himself with a thick blanket. Bumaluktot ang kaniyang katawan na animo'y nilalamig.

I waited for how many minutes when I assume that he already fell asleep.

I slowly entered the room as I walked silently. Dumiretso patungo sa kaniya ang mga paa ko at umupo sa kama.

Ramdam kong nanginginig ang kaniyang katawan kaya inayos ko ang makapal na kumot patakip sa kaniya at tanging mukha lamang ang nakikita.

I blinked as I checked his forehead next to his neck. Mainit pa rin iyon pero hindi na gaano dahil siguro ay nakainom na siya ng gamot.

"U-Uuwi na ako. Dadaan na lang ako sa resto para magpa-deliver ng pagkain mo..." bulong ko.

Wala akong narinig na tugon mula sa kaniya kaya inaasahan kong tulog na siya. Tumayo ako at muling inayos ang kumot niya pero bigla siyang nagmulat at hinawakan ang kamay ko.

"Liam!" napasigaw ako nang masubsob ako sa kaniyang dibdib.

Mas lalo kong naramdaman ang init ng kaniyang katawan. He then hugged me tightly which made me stunned for a moment.

"I'm... I'm sorry for being careless..." he whispered.

"Liam..."

Pinilit kong tanggalin ang kamay niya dahil para akong napapaso nang nagdampi ang balat namin.

Napasinghap ako nang humigpit pa ang kaniyang yakap sa akin.

"Liam..."

"Please forgive me. I was so asshole for letting it happen to us. I'm sorry..." he kept on apologizing.

May magbabago pa ba sa nangyari? Kahit naman baliktarin pa namin ang mundo, hindi maikakaila na nagkasala kaming dalawa.

A drop of tears suddenly fell from my eyes.

"S-Shall we forget about what happened?" I stuttered. "G-Gusto ko na matahimik, Liam..." nabasag ang boses ko at pumikit ang mata..

He took a profound breath as he caressed my hair gently. "Y-Yes... and please be happy. Be happy with him, Fiel..."

My chest was surprisingly tightened by his words. And I was about to utter when he loosened his embrace.

Dumilat ako at umangat ang mata sa kaniya na unti-unting pumipikit. Napatungo ako. Parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon.

"Be happy with my best friend, Fiel..."

Those were the last words I heard from him before he finally fell asleep. My mouth opened a bit as I slowly looked at him. My chest tightened more as I slowly removed his hands from me.

I should be happy for what he said... pero bakit ngayon hindi ko maramdaman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top