Kabanata 48

 Kabanata 48

Peace


"We didn't grow up with our real mother's side. Iba rin ang kinilala at kinalakihan naming magulang ni Gino. At kagaya mo hindi rin namin lubos maisip na hindi kami tunay na anak dahil hindi naman nagkulang si Mommy Vienna sa pag-aalaga sa amin," pagsisimula niya sa kuwento.

Pareho kaming nakadungaw sa ataol nang namapayapa naming tunay na ama. A-Ama... it was so painful that I didn't have a chance to talk to him even just a second. To hug him, kiss him for the last moment of his life.

The only memories I have for him were that he wanted to reach out of my hands yet... It's too late.

My chest is in pain right now and my heart shattered into tiny pieces and felt regretful. I felt useless as well.

"Pero mas masuwerte pa rin kami kasi ilang taon naming nakasama si Daddy. He may not be the perfect example of father but he was trying his best to fulfill all his outcomings," pagpapatuloy niya habang patuloy akong nakikinig.

Palipat-lipat ang tingin ko sa ataol at kay Krizza. Magkatabi kami pero naiilang pa rin kami sa bawat isa. Siguro nga'y naninibago pa kami sa mga nalaman.

I could feel my eyes swollen. Hindi ako makapagsalita at nakikinig lamang sa kuwento niya. Ang bigat-bigat sa pakiramdam.

Nalaman nga namin ang totoo, hindi naman kami nagkaroon nang pagkakataon na magkasama-sama kahit saglit.

"And now we don't have any idea how to find Mommy. We only have her diary but I couldn't finish reading it. I was mad at her. She destroyed us..." her voice cracked.

Hindi ko alam anong sasabihin ko. Mommy told me, huwag akong magtatanim ng galit dahil sa nangyari. Everything has a reason. Pero ano nga ba ang tunay na dahilan? May magulang palang kayang gawin ang ganoong bagay.

I sighed heavily as I tried to be fine. Huling titig, huling sulyap ang ginawa ko sa totoong ama ko na para lamang mahimbing lang na natutulog bago ako bumaling kay Krizza.

And without hesitation... I went closer to her and hugged her so tight. Very tight that I seem like I don't want us to be parted again.

"Let's get to know each other... S-Sis..." I stuttered as she hugged me back.

"Can I join?"

Napakalas ng yakap sa akin si Krizza at bakas ang gulat sa kaniya dahil sa naging reaksyon ng katawan. Nang sulayapan ko siya ay agad niyang hinila si Gino at niyakap din ito.

"My goodness! Where have you been? You've missed since last night..." she said, full of worries.

Dahan-dahan akong bumaling kay Gino na nakatingin pala sa akin. Magkahalong lungkot at saya ang nakaukit na emosyon sa mga mata niya at ang labi na mayroong tipid na ngiti.

Parang hindi siya ang isa sa amin dahil mas matangkad siya, malaki ang katawan. Bumagay naman ang moreno niyang balat sa kaniya.

Inilahad niya bakanteng braso sa akin kaya hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin iyon at yumakap. And another formed of tears went out as we hugged each other.

"W-We are really triplets..." si Krizza.

I shut my mouth and let them hug for a few minutes before we parted.

And at this moment, my lips slowly smiled, and my heartfelt lighter and happy while staring at the unexpected two people who were missing pieces of mine.

"We need to find Tito Vioko, honeybee. He knows everything..." malungkot man ang tinig niya ay pursigido iyon pero hindi rin nakawala sa pandinig ko ang tinawag niya rito.

Honeybee.

They're so sweet with each other.

"Anong mayroon?"

Gino sighed heavily as his face darkened. "He knows everything."

"Let us do it after the burial, but for now enjoy your day together," singit ng baritonong boses. Nang lingunin ko iyon ay si Trevious.

He went closer to Krizza and embraced his arms. "You okay?" he then kissed her side of the head.

"Yeah," si Kriza.

Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan sila pero maya-maya lang ay napaligon sa akin si Trevious. Nakangiti.

"How are you?"

"I'm good," I chuckled a little and he nodded back as a response.

Nabalot kami ng saglit na katahimikan nang muli ko itong basagin. "T-Thank you for saving me K-Trevious. Mommy already told me about the truth..."

Ngumisi lamang siya at umiling-iling ang ulo. Mukhang wala nga lang sa kaniya ang nangyari.

"It's nothing."

Napalunok ako at hindi napigilan ang sariling magtanong. "P-Pero bakit mo ako niyayang magpaksal kung hundi mo naman pala ako mahal?"

Napakamiot siya ng ulo. "Daddy wants me to marry someone. Ang sabi niya baka lumakas pa siya kapag nakita akong ikakasal na."

Nakasimangot ako sa naging sagot niya. Plain and simple. "Buti na lang talaga hindi natuloy."

Pareho kaming natawa ng kaonti at agad ding natahimik. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kambal ko.

Hindi na kami mga bata pero iyong pakiramdam kong may nakuhang star sa school at na ang saya-saya na. Iyong pakiramdam na para akong nakabingwit ng star mula sa kalawakan.

The ambiance turned silent as we stayed watching our father's coffin. This is his last day... and also my Mommy Fatima.

Magkaiba man ng oras, pangyayari, pero parehong araw silang nawala sa amin. Pareho silang lumisan. I wonder if they knew each other.

"Mam... ma..." napukaw lamang ako sa malalim na pag-iisip nang narinig ang boses bata. Paglingon ko ay napangiti ako nang nakita ang kambal na buhat-buhat ni Liam.

"Done talking?" tanong niya na agad kong tinanguhan.

"How're your feelings? You want to feel some fresh air?"

My lips smiled genuinely and nodded. This man really knows what he should do next when it comes to me.

Hindi ko alam kung nababasa niya ba ang nasa isip ko o talagang magaling lang siyang makiramdam.

Inabot ko si Vixon at binuhat bago kami sabay na humarap kina Krizza, Trevious and Gino.

"There's no secret will be hidden forever," komento ni Liam kaya natawa kaming lahat.

"Yeah, the revelation was so unexpected."

"Anyway, I will just borrow my wife. She needs fresh air to breathe," he chucked. "You know her heart is fragile..."

"What do you mean fragile?" si Krizza.

"M-Medyo mahina ang puso ko," singit ko.

"Do you have an illness? Or what?" bakas ang pag-aalala sa tinig niya.

"Wala naman, mahina lang talaga ang baga ko simula bata," ngumiti ako at sinabayan pa ng pagtango.

"We'll explain it later, please excuse us..." si Liam.

Hindi na rin nagprotesta ang mag-asawa kahit na halata namang marami pang itatanong si Krizza. I want to know more about her too.

Nagtagpo pa muli ang mga namumula at namamasa naming mga mata bago kami tumalikod. Pero saktong tinuturo ng kambal ang batang nakita ko sa bahay nila Trevious.

Siguro ay anak nila.

"P-Pi... ley!"

"You want to play?" si Liam.

"Yes! Play! Play!"

Nagkatinginan kami ni Liam at parehong natawa. Our twins are now started interacting with other kids. Sa mga nakaraang taon kasi halos nasa bahay lang kami palagi.

"Go take an fresh air. Kami ang bahala sa kambal," rinig kong singit ni Krizza.

Napatango na lang din ako at dahan-dahang binaba ang isang kambal at ganoon din si Liam.

"Don't be so naughty okay? Be a good boy," habilin ko sa kanila na mahina pang humahagikhgik.

"Yes, Mom!" halos pasigaw nitong sagot.

Umangat ang ulo ko nang nakita ang mga paa sa harapan at nagulat pa ako nang nakitang si Nelia iyon.

"Ako na po bahala sa kambal," aniya.

"Salamat," tanging nasambit ko kahit gulat sa pagdating niya.

I breathed so deelpy before I looked at Liam's place. Nakatitig siya sa akin, nakangiti. Naglakad ako palapit sa kaniya at agad nyang hinawakan ang kamay ko.

"Let's go outside we'll back later," saad niya kaya hinayaan ko na siyang hilahin ako.

Paglabas namin ay bumungad ang malawak na garden. Buhay na buhay ang mga halaman at tubong bulaklak na mukhang alagang-alaga.

Hindi ko tuloy maiwasan isipan ang dating bahay namin na napupuno rin ng mga ganito kalagong halaman.

"Saan tayo pupunta?"

Dumaan kami sa gitna ng mga pulang bulaklak. Nakapalibot sa amin sa paligid. Hanggang sa makita ko sa bandang unahan ko ang nakalaylay na duyan.

Presko at malamig na hangin ang yumayakap sa kabuuan ko hanggang sa unti-unti kong maramdaman ang pagpulupot ng malaking braso sa baywang ko at dire-diretso akong tinangay patungo sa duyan.

And after a couple of minutes, namalayan ko na lamang na nakaupo na ako sa kandungan niya. Pareho kaming nakasakay sa duyan.

I bit my lower lip as I was realized our position. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid baka sakaling may makakita sa amin.

"How's your feeling?" bulong niya sa tainga ko habang marahang inaayos ang takas na hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha dulot ng malakas na hangin.

"I'm not really fine but I'm trying..." I said honestly that makes him hug me tighter.

"Breathe."

I smiled.

Just a simple words but it gives a huge impact to me. Alam niya talaga kung kailan ko kailangang huminga.

"Breathe, baby..." napapaos niyang bulong sa tainga ko.

Biglang nag-init ang buong kalamnan ko nang tumama ang mainit niyang hininga sa batok ko na nagdulot ng paninindig ng balahibo.

I smiled wilder.

Dahan-dahan kong inatras ang katawan sa kaniya hanggang sa napasandal ako sa dibdib niya. Nang iyakap niya ang kanyang braso sa baywang ay hinilig ko ang ulo sa dibdib niya at halos isubsob ko ang mukha sa kaniya.

I slowly closed my eyes and I felt serene while with him despite the painful truth. But then I couldn't stop myself from being dramatic.

My eyes slowly tear up.

I wanted to know everything about my biological parents but even my siblings didn't know what's the truth.

"What's your plan after this? You want to go out of town?"

I breathed lightly. "I wanted to find my real mother Liam but I don't know where I should start..."

"Don't rush it, okay? Take a rest for a while Fiel. Everything will prevail soon, I will help you. We will help you..." puno ng senseridad niyang sinabi.

Napapikit ako at nanatiling tahimik habang nakayakap sa kaniya na nagpapagaan ng pakiramdam ko sa kabila ng lahat. Pero maya-maya lang ay may naalala ako na hindi ko inaakalang ginagawa niya.

I bit my lower lip as I spoke.

"You are my secret admirer way back my teenager?" pakiramdam ko namumula ako dahil sa pag-iinit ng mukha ko.

Ngunit suwabe lamang siyang humalakhak at hinalikan ang gilid ng ulo ko.

Napanguso ako.

"You do?"

"Hmm," he hummed.

"Bakit hindi ko alam? Hindi ka rin nagpapakita sa akin?" kuryoso kong tanong at bahagya pang dumungaw sa kaniya.

Muling sumilay ang ngisi sa labi niya bago binaling ang singkit na mga mata sa akin.

"I tried to show up but I was thinking that you're still young at that time. And I might distract your studies if I do, hmm so yeah," he chuckled.

Malakas na tumatambol ang dibdib ko habang binibigkas niya ang mga katagang iyon. Ni katiting wala akong ideya na may secret admirer pala ako noon.

Tumikhim ako at binigay ang buong atensiyon sa kaniya.

"Pero bakit sinasabi ni Mommy na galing kay Trevious lahat ng gifts na natatanggap ko? He can threw it away instead..." naputol ang sinasabi ko nang naalala ang Daddy niya na naging dahilan din pala kung bakit nga ba nasira ang kinalakihan kong pamilya.

Inalis ko ang tingin sa kaniya at bahagyang yumuko. Hanggang ngayon hindi ko pa nakakaharap ang ama niya siguro pagkatapos na lang ng libing ng dalawang taong nawala sa amin.

Silence enveloped us as I stood up but he suddenly held my hands so I fell back on his lap again.

"Let's stay here for a while, I miss you..." napapaos niyang bulong sabay subsob ng ulo sa batok ko at marahan itong hinalikan.

Hinayaan ko na lang din siya dahil hindi rin kami nagkaroon ng oras sa bawat isa dahil sa mga nangyari.

"Anyway, I received a news about my father's case," aniya kaya natigilan ako. "He's not the one who shot your father..." dugtong niya kaya halos kapusin ako ng hangin sa narinig.

"W-what?"

He sighed heavily and hugged me tighter. "He's not the one who killed Tito, it's my brother."

"How?"

"It's a long story I'll tell you after the interment. Hm, I miss you so much..."

Dahan-dahan kong kinalas ang isang kamay niyang nakayakap sa akin at patagilid na humarap sa kaniya.

Bahagya ring umangat ang ulo niya na halos magkatapat at magkapantay na kami.

My eyes wet again while staring at him. Halo-halo ang emosyong nakaukit sa aming mga mata.


"Leave everything to me, I'll fix it as soon as possible, I promise that you will get the justice you deserve. All you have to do is to heal, spend more time with your siblings and our children."

Sa bawat katagang binibigkas niya ay nag-uumapaw na saya ang nararamdam ko sa kalooban. Umawang ang labi ko at dahan-dahang inangat ang kanang kamay pahaplos sa kaniyang mukha.

"Nasaan ka sa mga iyon?" tanong ko.

He smiled. "I'm always at your back."

Napasimangot ako.

"No, I want you by my side-"

"Yeah I'm always there..." putol niya sa akin sabay kabig ng batok ko palapit sa kaniya at siniil ng matamis na halik ang labi na para bang kaytagal naming hindi nalasap.

My eyes slowly shut while feeling his warm kisses.

The tender moves of his lips on me was encouraging me to kiss back and do more. Maliit na gumalaw ang katawan ko at pinaikot na rin ang payakap sa leeg niya ang braso ko bago siya hinalikan pabalik.

My mouth opened a bit when his tounge bit my lower lip. Ramdam ko ang kapusukan namamagitan sa amin ngunit bigla akong natigilan nang narinig ang huni ng preno ng sasakyan.

At doon ko naaalalang nasa lamay pala kami. Dahan-dahan akong umatras palayo sa kaniya at nang magkatitigan ay pareho kaming natawa.

"I'm sorry, I just miss you," ngisi niya sabay saglit na pumatak ng halik sa labi ko.

"Uh, I miss you too," I respond. "Balik na tayo sa loob?"

"Are you okay now? Maybe you need more fresh air to breathe," aniya kaya natawa ako.

"Sus, gusto mo lang akong solohin eh," pang-aasar ko na sinang-ayunan niya naman.

Mahina siyang humalakhak. "Uh, yeah."

Pakunwari akong umismid sa kaniya at tumayo at agad naman niyang sinundan.

"Halika ka na ilang oras na lang ililibing na si Mommy at Daddy. I want to spend this last moment with them," may panghihinayang sa boses ko ngunit kahit paano ay unti-unti na ring natatanggap ang lahat.

Magkahawak kamay kaming bumalik sa loob ng bahay kung saan naabutan namin ang kumpol na mga bisita na mukhang kakarating lang.

Naglikot ang paningin ko sa mga taong nandoon habang unti-unting nalulukot ang noo dahil sa labis na pagtataka lalo na nang mamukhaan ang isang baabeng kailanman ay hindi ko malilimutan.

I slowly clenched my fist as I feels like my knees trembled. If I'm not mistaken she was the girl I saw that night with Daddy.

"Oh, she's here," I heard someone's voice as they slowly turned their back to us. Lalo akong nanginig sa kinaroroonana ko.

Ramdam ko ang unti-unting namumuongsakit sa dibdib ko nang nakita ang namumula at naluluha niyang mga mata habang nakatitig sa akin.

"H-Hi?" she greeted as her voice cracked.

My eyesight slowly rolled in the surroundings noticing all the people around not until I feel someone touch and softly squeezing my elbow.

"You okay?" he whimpered.

Hindi.

That was my thought since I saw the girl was with daddy.

"L-Let's go home, Liam..." tanging nasambit ko dahil hindi ko maatim na makita ang babae. I don't want to include but maybe she was the reason why my father didn't want to go home before.

She took my father away from us.

"Are you done spending time with your biological father?"

"Yes, I wanna see Mommy now-"

"Ate Fiona..."

I was quickly stunned for a moment when the girl called me Ate. There was something in her tone of voice that made me curious.

"C-Can we talk?" her voice sounds miserable.

"Do we need it?" I'm trying to stay calm but the way I delivered my words it's like sarcasm.

"Marami po tayong dapat pag-usapan Ate Fiona..." nanginig ang boses niya at kasunod nito ay ang dahan-dahang pag-angat ng kaniyang kamay sa harapan ko.

My gaze followed her movement as I notice the small white envelope. Unti-unting nalukot ang noo ko nang ilahad niya iyon sa harapan ko na wari'y ibinibigay ito sa akin.

"This is from your father hand written notes. I just saw it to his room just yesterday night when we were cleaning our h-house," pumiyok ang kaniyang boses. "Hindi ko alam kung anong nakasulat d'yan Ate pero sa tingin ko para 'yan sa inyo ni Tita," dire-diretsong sinabi niya.

Muli akong naguluhan sa narinig. Was she the mistress of my father? I do remember her that night in the club.

My hands are shaking as I gazed up at the girl who was a year younger than me as I bravely ask her for the truth.

"Anong conncetion mo sa daddy ko? At sino ka?" hindi ko napigilan ang sarili dahil sa kuryusidad.

Nakatitig lamang ako sa kaniya kung saan unti-unting pumapatak ang kaniyang luha. "Anak ako ng kapatid ng Daddy mo Ate Fiona," aniya kaya napasinghap ako.

"W-Wala ng kamag-anak si daddy at wala siyang kapatid," protesta ko.

"Kapatid sa labas si Papa at naging lihim 'yon base sa pagkakaalam ko," tugon niya kaya halos mawalan ako ng balanse nang umatras ako at mabuti na lang ay naaalalayan ako ni Liam.

I slowly bowed my head as my eyes watered.

"That letter might answe a;ll your question Ate. And condolence kay Tita. Sayang hindi man lang sila nagkausap ni Tito. I hope you feel better soon. Hindi na ako magtatagal kasi baka maiwan ako ng flight ko."

Napaangat ang mukha ko sa narinig. "S-Saan ka pupunta?"

"Magtatrabaho ako sa ibang bansa Ate. Kailangan kasing mapagamot si Mama. Hindi naman kami gano'n kayaman para matustusan iyon."

I though...

"What is your work there?" I heard an unfamiliar voice asking.

Hindi maalis ang mga mata ko sa dalagang kaharap. She's tall and indeed pretty. Kung pagmamasdan siya ay aakalin mong anak mayaman.

"Just a helper since I don't have any experience yet in work," she chuckled. "I just really want to earn with a good amount-"

Agad kong kinabig ang kamay niya kahit hindi pa niya natatapos ang sinasabi. "Don't leave..."

She then smiled genuinely. "Sorry po, kailangan ko pong umalis."

"Dito kana lang magtrabaho. Marami ka pang mahahanap dito-"

"I need to earn double. It's for my mother's medication," her voice seems eagerly wanting to leave.

Napabuntong hininga ako at seryosoong tumingin sa kaniya. "Sasagutin namin lahat ng kailangan mo basta sasabihin mo sa akin lahat ng totoo tungkol sa daddy ko?" sabi ko.

"Ate..."

"Makakatulong ito para hindi mo na iwanan ang Mama mo. Ayaw mo ba no'n magkakasama parin kayo?" dagdaga ko.

"Gusto ko po Ate pero-"

"No buts, we'll talk your agency about the cancelation of your flight. And tell us about the details to your mother's case," sabat ni Liam kaya napatango na lang din ako nang bumaling sa kaniya.

And now I felt my chest lighter than a while ago. When I gaze back to her, nagulat pa ako dahil bigla siyang yumakap sa akin.

"Thank you Ate. Handa po akong sagutin lahat ng tanong ninyo," puno ng senseridad niyang sinabi na mas lalo pang nagpagaan ng loob ko.

"What is your name?"

"Anika," she answered shortly as I slowly hugged her back.

Hi, Love,

Hi love, if you're reading this note now, I would like to say that I am very sorry for being a worse husband. I break your heart so many times but you were still there for me. As much as I want to hold you tight, keep you until I die I couldn't. I can't sacrifice your life just for me. I can't put you to danger so I would rather choose to leave you at least you are safe. And to be honest, we didn't separate. Our divorced paper was invalid years ago. I just showed it faked to you 'cause I want you to leave me. You deserve to be happy, you deserve a better and I'm not that better for you. But even if we ended up like this, I will always love you. Your mistake doesn't matter, it doesn't define how much I love you but you'll be safer without me. I'm sorry, I need to leave for you and our daughter's safety. I love you so much, my love.

Hi, Princess,

Daddy loves you so much always remember that. And if you're reading this maybe you already know the truth about your identity. And I would like to say that I may not be your biological father, not even in your blood related but always remember that I treated you like my own flesh, my only princess. Forgive daddy if I have to leave and broke your fragile heart it's for your safety baby. I hope you'll forgive me when you healed. I miss you our baby princess. I wish you could find the right person who'll love you deserve. I love you so much my baby Fiona Elysse Ronquillo. I am happy now knowing that you and you're mother are safe.


"Hindi namin alam ang buong kwento ni Mama. Pero isang araw nakita na lang namin si Papa na kasama siya duguan ng gabing iyon. Akala nga namin masamang tao pero ang sabi ni Papa ay kapatid niya raw ito sa labas. Tinanggap namin si Tito ng hindi inaalam ang totoong nangyari. Unti-unti naging malapit siya sa amin hanggang sa magkuwento siyang namimiss na niya ang anak niya kaya siguro ganoon na lamang kagaan ang pakitungo niya sa akin. Taon ang lumipas nang mamatay si Papa tinuring niya akong parang anak. Madalas siyang umalis sa umaga at iniisip na lang namin na may trabaho siya," she paused for a moment.

Pinalis ko ang luha sa mga mata at walang imik na nakinig sa pagpapatuloy ng kuwento ni Anika.

"Hanggang sa nagkuwneto si Tito tungkol sa buhay niya. Akala namin mayaman si Tito dahil mukha naman siyang desente at may kotse rin. Pero minsan kong narinig na balak niya yatang ibenta ang sasakyan niya na niregalo ng asawa niya, sinundan ko no'n si Tito kasi gagamitin niya sana ang perang iyon sa amin kaya balak kong pigilan dahil hindi naman niya kami sagutin, at hindi ko naman inaasahan na sa bar ko siya makikita at naabutan kaya hindi na natuloy," dire-diretso niyang dugtong..

Hindi maubos-ubos ang luha sa mga mata ko simula nang mabasa ang liham na para kay Mommy at sa akin. Idagdag pa ang mga nalaman tungkol kay Anika.

So it means, she's not my father's mistress and based on the written letter, Daddy didn't cheat. Nilayuan niya kami ni Mommy para sa kaligtasan namin... at alam kong dahil iyon sa mga utang niya.

Mahina akong napahagulgol. If daddy told us about it, baka natulungan pa namin siya. I sighed heavily in another side of story.

Nakakalungkot lang kasi wala na si Mommy para malaman ang totoo. Kung mas maaga lang sana nagpunta rito si Anika baka nalaman pa ni Mommy na hindi talaga sila divorce at talagang mahal siya ni daddy.

My sights traveled to my mom's coffin. She likes goddess who was just sleeping peacefully. Umangat ang kamay ko at maingat na hinaplos ang salamin sa ataol kasabay nang paglapag ko sa liham.

"Bauin mo 'to, Mommy. Hindi pa huli ang lahat. Kung hindi man naging maganda ang pagsasama ninyo ni daddy sa mundong ibabaw, baka sa pangalawang pagkakataon pagtagpuin muli kayo sa mas magandang paraan," I smiled. "Gumaan na ang pakiramdam ko Mommy. Magpahinga na kayo pareho ni daddy alam kong pareho na kayong pagod lumaban. Maraming salamat sa pagkupkop sa akin, sa pagbibigay ng magandang buhay, sa pagmamahal na pinaramdam ninyo kahit walang bahid ng dugo ninyo ang nananalaytay sa mga ugat ko. Thank you for eveything Mr. and Mrs Ronquillo for all the sacrfices and love. I will never forget you. I love you both and you may have a peace now..."

Nakangiti ang labi ko kahit na hindi mahinto ang pagbuhos ng luha sa mga mata. Masakit man ang katotohanan pero napakaswerte ko pa rin dahil may mga taong nakapalibot at nagmamahal sa'kin.

I may feel lost, missing, and incomplete. But because of all the nonstop love I have received from those people who surround me, I felt blessed. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top