Kabanata 39
Kabanata 39
Choose
"B-Bakit sobra-sobra na kung paglaruan tayo ng tadhana? Bakit hindi na matapos-tapos lahat?"
Napahilamos ako sa sariling mukha habang nakaupo sa sofa. After prevailing the truth behind Daddy's death I felt numb.
"And why did your father do that? Ano bang kasalanan ni Daddy?" dagdag kong tanong.
Umiiling siya.
"I don't really know anything, Fiel. I never tried to talk my father for several years," aniya sabay dahan-dahan na umupo sa tabi ko.
"Posible bang magkasama sila ng kapatid mo?" namilog ang mata ko sa gulat nang napagtanto ang lahat. "You got shot too!" I stated. "Who shot you?"
Natahimik naman siya ngayon.
Napatingala ako sa kaniya dahil lahat na lang yata gusto niyang itago sa akin.
After almost an hour we've discovered the painful truth. Ang hirap. Kami ang naiipit sa mga nangyayari sa bagay na wala kaming kinalamanan.
Nilingon ko siya nang umangat ang braso niya at umakbay sa akin. Umusog ako palapit sa kaniya ay sinandal ang ulo sa dibdib niya.
"I thought you gonna leave me again..." napapaos niyang bulong.
Akala ko rin tatakbo na naman ako. Akala ko rin magpapadala na naman ako sa mga nangyayari.
Pero ang makita siyang nakaluhod, nagmamakaawa, lumuluha sa harapan ko... triple ang sakit na nararamdaman ko para akong pinipira-piraso.
Kung aalis ba ako may magbabago sa katotohanan? Kung magagalit ako may patutunguhan ba? Wala rin naman kaya para saan pa.
Sumiksik lalo ang ulo ko sa dibdib niya.
"Wala naman tayong kinalaman sa nangyayari, Liam. Pero sana... mabigyan pa rin ng h-hustisya si Daddy..." pumiyok ang boses ko dahil sa sinabi kong iyon.
The sin of his father won't be inherited by him in any way. I believe him since we were together for years. Hindi niya ako sinukuan kahit na anong taboy ko.
Umangat ang ulo ko sa kaniya ng hindi siya nagsalita at tanging buntong hininga ang isinukli niya.
Nakapikit ang kaniyang mga mata na sa tingin ko'y nahihirapan din siya dahil sa hustisyang inaasam ko.
It is still his father after all.
Kumalas ako ng yakap sa kaniya at mapait na ngumiti.
"Makakaya mo pa rin bang manatili sa tabi ko kng sakaling makulong ang ama mo dahil sa akin? Kakayanin mo pa rin bang makasama ako kahit na ako ang magiging dahilan ng pagkasira ng ama mo?"
Yumuko ako dahil nanatili siyang tahimik. Pero maya-maya lang ay narinig ko siyang nagsalita.
"Ako dapat ang nagtatanong niyan, Fiel..." suminghap siya at marahang hinaplos ang baywang ko. "And you are asking about the justice, I already contacted some of the airlines to temporarily close their transaction so my father won't escape. I already asked Khian to trace where Daddy's right now..." his voice was clear even it's a bit broken.
"Liam."
"Sabi ko naman sa'yo kaya kong gawin lahat maging maayos ka lang..." bulong niya sa tainga ko kaya umangat ang mukha ko sa kaniya.
"Kahit i-ikakasakit mo?" saad ko.
He nodded. "Kahit pa ikadurog ko..."
Humugot ako ng hangin. "This is not easy for you-"
"How much more for you? It's heavier for you. Don't worry, I'm okay, I'll be okay..." he assured me as he pecked a kiss on the side of my head.
"Palagi mo na lang akong iniintindi Liam. You always prioritize me more than yourself..."
"Because that's my promise to myself since the day I got you, that no matter what happens, I will always support you in everything. I will always choose to stay with you through thick and thin 'cause I believe, there's always light after this darkness. And I can't wait to see us healing after these trials."
Nag-init ang bawat sulok ng mata ko at dahan-dahan kumurba ang ngiti sa labi. My hands went up and caressed his perfectly shaped jaw.
Mapungay ang mga mata niya na halata ang pagod.
"You are so positive, Liam..." puna ko.
He chuckled a bit and shook his head.
"Nope, I was a bad boy before, Fiel. It's just that as I grew up I found someone who inspired me so much which made me change my mindset," he laughed.
The heavy ambiance between us is getting lighter. Napakasakit nang katotohanan pero mas pinili naming manatili sa pangakong sinumpaan.
Alam kong pagod na rin siya. Pagod na pagod pero heto pa rin siya nananatiling matatag.
"Anong oras na? Dumating na ba ang katawan ni Daddy?"
"Wala pang text. Maybe they're already on their way."
Tumango ako.
"Sige maliligo muna ako. Tapos sasama na ako papunta roon. Uh, may pagkain pa sa kusina kung nagugutom ka. Ang aga mo kasing umalis kanina," sabi ko.
Hindi na naman siya nagsalita kaya tumayo na ako pero muli niyang hinaklit ang braso ko kaya napaupo ako sa kandungan niya.
"Teka maliligo pa ako—"
"Sabay tayo?" ngisi niya.
Mabilis na umiling ang ulo ko at medyo gulat.
"Hindi na ano ka ba?!" nag-init ang mukha ko dahil eksenang naisip na posibleng mangyari pero maya-maya lang ay malakas siyang tumawa.
"Why? We already did that—"
"S-Sa susunod na lang. Mabilis lang naman ako. Tsaka baka mamaya may tumawag na sa'yo," agap ko.
Lumakas ang tawa kaya napaangat ang ulo ko sa kaniya. Our eyes met as we both smiled with each other.
Pinagkiskis niya ang tungki ng ilong namin habang gumagapang papunta sa pisngi ko ang dalawang palad niya at ikinulong.
"Lahat ng sakit na nararamdaman mo papalitan natin ng magagandang alaala pagkatapos nito. Lahat ng pait nang nakaraan papawiin natin at pupunuin ng masasayang memorya..." napapaos niyang sinabi.
I just nodded.
"This is not the life I've dreamt for us, Fiel. Gusto ko palagi kang makitang masaya, nakangiti. But it feels like I failed to protect you from this pain..."
I could feel how he was struggling. Pero lahat naman tayo nasasaktan sa kahit anong paraan. At bawat sayang nararamdaman natin ay may kapalit na kalungkutan.
Our life cycle is like vice versa. Minsan masaya, minsan masalimoot.
"Shh, tama na Liam. Wala naman may gustong mangyari ng lahat. Tsaka hindi tayo matututo kung hindi tayo masasaktan 'di ba? Sabi mo nga, lahat ng bagay sa mundo may dahilan."
"Yeah, I believe in that..." he chuckled as he quickly pecked a kiss on my lips.
Yumakap ang braso ko paikot sa leeg niya at diretsong tumitig sa mga mata niya.
"I'm so sorry for everything. For all my outcomings, for my words, for doubting you, for all my bitterness and selfishness I've done..." My voice cracked. "But believe me, Liam. I never regret marrying you. I'm so proud of you for being part of my life. You are the best husband in the whole world, baby. I love you so much..." I said and my voice was a bit shaking.
"And I love you more, more, more. More than anything," he stated as he pulled my nape and sealed my lips with his hot and passionate kiss.
I pushed my head a little to him as he leaned his head to the backrest of the sofa as soon as I kissed him back in the same way.
Gumapang patungo sa likuran ko ang kaniyang kamay at marahang humaplos paakyat sa'king balikat.
Mahina akong napadaing nang bahagya niyang kagatin ang ibabang labi kaya napaawang ang labi ko. He slid his tongue inside my mouth and roamed it around.
"Hmm..." impit akong napadaing nang sipsin niya ang dila ko at lumusob ang init ng sensasyong bumabalot sa amin.
I fought back his sharp tongue but he kept sipping mine and bit it until we were now playing our intimate kiss.
We continued kissing and no one wanted to stop. Our kiss was getting more torrid until his lips slowly went down. He kissed me more, my cheeks down to my jaw.
"Uhmm," mahinang daing ko at unti-unting napapaliyad nang bumaba ang halik niya sensitibong parte ng leeg.
"Liam..."
He stopped kissing me so I tried to glance at him.
"I miss you so much..." napapaos niyang bulong at muling hinalikan ang leeg ko pababa nang pababa—"
"Fuck!" he cursed when we were interrupted by his loud phone.
Napalabi ako dahil sa nangyari pero nagpatuloy pa rin siya sa paghaik sa akin kahit na umiingay pa rin ang phone biya.
"S-Sagutin mo muna..." I whispered breathlessly but he just shook his head.
"Later..."
"Ngayon na baka— si Daddy!"
Sa gulat ko ay napaalis ako sa kandungan niya at para akong nagising sa makamundong pagnanasa.
Mariin akong napaikit dahil sa kahihiyan. Nadala pa talaga kaming gawin 'to sa kabila ng sitwasyon.
Nakakahiya.
Tiningnan ko si Liam, pumupungay ang mga mata na animo'y nabitin. Pero kalaunan ay sinagot niya ang tawag kaya patakbo akong nagtungo sa kuwarto.
Muntik na kaming bumigay.
—
Nakadungaw ako sa kabaong. Titig na titig sa namayapang ama. Maayos ang itsura at para lamang siyang mahimbing na natutulog. Bumuka ang bibig ko upang magsalita ngunit parang kinakain ng lalamunan ko ang boses na gustong kumawala sa bibig ko.
I couldn't utter a single word.
Hindi pa rin ako makapaniwala na sa isang-iglap lang... wala na siya. Nabablanko ang isipan ko dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
And at the end of the moment while staring at him, no words came out to me. Naubos ang oras ko kakatitig sa kaniya hanggang sa nakarinig ako ng boses sa likuran.
"Maupo ka muna. Kanina ka pa d'yan." Sulpot niya.
"Ang dami kong katanungan Liam. Na alam kong si daddy ang makakasagot. Pero wala na. Wala na siya..." my voice cracked but I controlled myself not to cry.
Ayaw ni Daddy na umiiyak ako noon pa man kaya pipigilan ko.
"You can still ask your Mom when she gets better. No matter what's bothering you, the answers will prevail soon, Fiel."
Napatango na lang din ako. Hanggang kaya ko iiwas muna sa mga gumugulo sa isipan ko para lang maging maayos ang burol ni Daddy.
Napasinghap ako nang naalala na hanggang ngayon ay hindi ko pa masabi-sabi kay Mom ang totoo. Wala akong lakas ng loob.
"My friend will come tonight."
Nilingon ko siya.
"L-Lahat sila?"
He licked his lips as he shrugged his shoulders. "I'm not sure but Trevious will be present," tugon niya.
Sabay kaming nakadungaw sa sa ataul bago sabay na tumalikod.
My gaze roams around.
Iilan lang ang mga dumalo ngayong unang gabi. Maliban kay Mommy wala na akong ibang pamilya.
Ang alam ko kasi'y ulila na sila pareho ni Daddy nang nagkakilala kaya wala akong kinalakhan na Lolo at Lola. Either relatives, I don't know anyone if I have.
"Let's have our dinner so you can rest now. Ako na muna magbabntay kay Tito habang nagpapahinga ka."
"I'll be with you," singit ko.
Napailing siya. "Kailangan mo pang magpahinga. Kailangan mo pang bumawi ng lakas."
"Maayos naman na ako Liam. Sasamahan na kita magbantay. O kaya ikaw na lang ang magpahinga ako na magbabantay," sabi ko.
"Fine, dalawa na tayong magbabantay. But if you feel sleepy you have to rest, alright?"
Tumango ako. "Opo."
"Good, good..." he smiled gently.
It was just a small talk before we got to the kitchen. Napahawak ako sa braso ni Liam upang maiwasan ang mapatingin kung saan dahil nga alala namin doon ang nakikita ko.
"Condolence, we were shocked about the news..." bungad ni Trevious nang dumating sila at diretso itong nilapitan ni Liam na agad nakipag fist bump.
"Nabalitaan na lang din namin kanina kaya sumama na kami," si Luke sabay tingin sa akin.
Napayuko ako.
I don't feel any bitterness anymore but I still felt embarrassed.
"Hey, how are you?"
Umangat ang ulo ko nang marinig ang boses ni Luke na nanatili ang tingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya ng maliit.
"Still shocked too," I mumbled.
Sunod-sunod nang bumati ang mga kaibigan niya hanggang sa niyaya na sila ni Liam patungo sa kusina ngunit sisilip daw muna sila kay Daddy.
Tumingin sa akin si Liam at hindi nagsasalita pero sa paraan ng tingin niya ay nagpaalam itong sasamahan ang mga kaibigan kaya tumango ako.
Naiwan ako sa kinaroroonan ko, nakatayo habang nakatingin sa kanila. It seemed like they don't care anymore what happened in the past.
"Hi."
Napukaw ako mula sa iniisip nang narinig ang pamilyar na malamig na tinig. Nilingon ko iyon at hindi ko mapigilan na paningkitan siya ng mga mata.
"Chill, Fiona. I'm here also to apologize," kaswal niyang sinabi.
"For what?"
He frowned. "For lying, of course. It was not my intention but my friend always asked me what he should do after finding out about your mother's condition. He's frightened of losing you."
Napatitig ako sa kaniya. So hindi lang pala si Liam ang may alam.
"Hindi magandang biro iyong ginawa mo!" sabi ko pa.
"I know, that's why I'm here apologizing. I just felt pity for my friend when you chose to leave him so many times," he then grinned. "So I think about it to test you how much you love him."
"Mahal ko naman si Liam—"
"Pero hindi kagaya ng pagmamahal niya sa'yo," he snorted. "But you know what? Nakilala ko siyang hindi ganiyan eh. During his High School he was always sent to the detention room. Barumbado, mahilig sa gulo. Lahat pinapatulan. Pero ginagawa niya iyon para makuha ang atensiyon ng ama niya dahil nang namayapa ang kaniyang ina ay nawalan ito ng atensiyon sa kaniya," kuwento niya.
Hindi ko alam.
"But it always ends up with him being beaten."
"S-Sinasaktan siya?"
"Yeah, but he can't do anything to stop his father since he was nothing at that time. Tito is cruel to him."
Nalaglag ang panga ko sa narinig.
"B-Bakit hindi siya umalis-"
"He's nothing at that time. And he needs to turn his legal age to finally claim the wealth of his mother that he was the only one who'll be inherited. Nang makuha iyon ay doon lamang siya nakaalis sa puder ng ama niya at ipinaubaya na lang ang karapatan sa ama sa pangalawang pamilya," patuloy niyang kuwento.
Nilingon ko si Liam dahil lahat ay hindi ko alam. Hindi masiyadong nagkukwento si Liam sa buhay niya.
"He's been through enough. I thought he would get worse when he grew up but I was wrong. When he got back from Japan, no one knew what he had experienced. He chose to hide it from everyone because he was embarrassed."
Lumipad ang tingin ko sa magkakaibigan na mukhang nag-uusap habang nakasilip sa ataul. Bakas ang saya sa mga mata ng magkakaibigan na ngayon ko lang muli nasilayan.
Meanwhile, I accidentally saw Trevious, among them he has the only one with a different expression. Coldness.
Nakakapagtaka.
"He experienced how painful it is when he found out that his father was cheating behind his mother but he did the same, with you," dagdag niyang sinabi kaya napabaling ako sa kaniya.
"And he started rebuilding himself better just for you."
Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi niya.
"As Liam' and Trevious friends, don't you feel mad at me? I'm the reason why their relationship turned blurry. Wala kasi talaga akong narinig sa'yo, tsaka ikaw pa ang madalas na nakita kong tumutulong sa kaniya," sabi ko.
"Who am I to judge, Fiona? We are just human beings. We make mistakes, we make wrong decisions. We are not perfect," seryoso niyang sinabi.
Sumulyap muli ako sa kaniya dahil sa lahat ng tao sa kaniya ko lang narinig iyon.
"Even though I cheated with your friend?"
He breathed heavily. "Cheating will never be a valid reason in any aspect. Kung nagkukulang ang partner mo, bakit sa iba mo hahanapin?"
Napayuko ako. I'm guilty.
I admit Trevious has a lot of outcomings to me even though our relationship took years and those things, were fulfilled by Liam.
"But in your case, you are an exception I think?"
Nagsalubong ang kilay ko at naguguluhan binalik ang tingin sa kaniya.
"Bakit?"
"If Liam didn't pursue you if he didn't take you back, kawawa ka Fiona. I don't want to easily judge Trevious for making you believe, but... he never loves—"
"Hey, why don't you join us Khian?"
Naudlot ang sinasabi niya nang narinig ang boses ng mga magkakaibigan na malapit sa amin. Napaayos ako ng tayo at nang nakalapit sila ay tinabihan ako ni Liam.
"Uuwi na ba sila?"
"Not yet. They plan to stay until early morning," bulong niya.
Napatango na lang ako hanggang sa marirnig ko na silang nagkakayayan sa patungo sa kusina. Nilingon si Liam ng hindi siya sumunod.
Tinapik ko ang kaniyang balikat. "Sumama ka na sa kanila."
"Wala kang kasama rito," sagot niya.
Napalabi ako at napating sa paligid. Iilan nga lang ang dumadalaw. Blang lang ang tao.
"Okay lang ako. Sige na sumunod ka na."
"Ayaw..."
Mahina akong natawa. "Sige na sumunod kana. Minsan mo lang sila makasama. Ayos lang ako rito," pamimilit ko.
Tinapik-tapik ko ang braso niya ng hindi na naman siya nagsalita.
"Pupuntahan na lang kita mamaya. Makisali ka na sa kanila. Minsan lang kayo magsama-sama kaya pagbigyan mo na."
Hindi pa rin siya sumunod kaya napabuntong hininga ako. Habang tumatagal mas lalo siyang dumidikit sa akin.
In short. he's too clingy which is not good for us. Hindi naman sa lahat ng oras magkasama kami.
"Fine, don't hesitate to call me if you feel like resting, okay?" his voice immediately turned to be bossy.
"Opo..." I chuckled as I started pushing him now. "Go with them now."
Wala na rik siyang nagawa at sumunod na sa mga kaibigan niya. Nanatili ang tingin ko sa kaniyang nilingon pa ako bago lumiko papasok sa kusina.
Napangiti ako sa kawalan at naglakad pabalik sa harapan ng ataul at muling sinilip ang ama.
After a couple of hours, napalingon ako sa buong sala nang nagpaalam na ng huling nakilamay kaya mag-isa na lang ako.
Umihip ang malakas na hangin kaya tumayo ako at naisipan na silipin sila sa kusina dahil sa lumalakas nilang boses habang yakap-yakap ang sarili.
"Grupo ng mga iniwan, haha!" rinig ko tawa ng isa sa kanila kaya dumungaw ako sa hamba ng kusina.
Nakita ko silang nakapalibot sa bilugang lamesa habang may mga kape at tinapay. Mukhang nalilibang silang lahat sa usapan nila.
I saw them almost complete. Trevious, Zoren, Samuel, Clyde, Khian, Jorus and also Luke. Pero sa kanilang lahat si Luke lang yata ang madalas kong makausap. Teka wala pala si Alex at Gabriel.
"Lahi yata natin iniiwan," iiling-iling na sinabi ni Luke.
"Except for me," singit ni Khian kaya nagtawan ang lahat.
"Paano ka iiwan, eh, kinulong mo na?" ani Samuel at muli silang nagtatawanan.
Hindi ko maintindihan kung para saan ang usapan nila pero nanatili ako roon hanggang sa dumapo ang mata ko kay Liam. Nakangiti at nakikisabay sa usapan.
Kung pagmamasdan sila ay parang walang nangyari. Walang nagbago.
Their closeness still remains. And the way Trevious and Liam talked with each other there's no hint of bitterness.
And all those things I observed, I felt relieved.
"How about you, Liam? How are you and Fiona?" tanong Luke na nahakaku ng atensyon ko.
Liam chortled. "We are good and... married," he said frankly and it made me gulp.
Gosh, Liam. Sana naman nagpigil ka.
"Putangina!" si Samuel na napahampas ang kamay sa lamesa.
"The fuck?!" si Zoren na masama ang tingin kay Liam.
"Damn it!" si Clyde na napatampal pa sa noo.
"Fuck you, bro!" singhal ni Jorus.
"What the hell, are you serious?" gulat din na reaksyon ni Luke.
Gusto kong matawa sa reaksyon nila na para bang ang laki-laki ng kasalanan namin dahil doon.
"Yeah, they're already married but civil," kibit balikat na sagot ni Khian.
Si Liam naman ay hindi inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon ng magkakaibigan.
"Gago, alam mo? And you didn't even tell us?" si Trevious, ngayon lang nagsalita.
"Bakit ako magsasabi, eh, hindi naman ako ang ikakasal? Hindi nga rin ako invited ginawa lang akong service," maktol ni Khian kaya tuluyan nang kumawala ang halakhak ko na umalingawngaw sa kusina.
Natutop ko ang bibig ko. Akmang aalis ako ngunit huli na dahil lahat sila ay nakalingon sa gawi ko.
Napangiwi ako.
Napakurap-kurap ako at hindi alam ang gagawin dahil sa titig nila pero nang tumayo si Liam ay nakahinga ako ng maayos.
He walked fast toward me and held my hands.
"Liam..."
He chuckled. "Come here."
Hindi na ako nakapag protesta ng hilahin niya ang kamay ko patungo sa kinaroroonan nilang lahat.
Inakbayan ako ni Liam at sunod na hinawakan ang kamay ko at parehong inangat ang kamay naming kay singsing.
"Yup, we already got married a few months ago. It's just a civil wedding..."
"Are we not your friend bro?" si Luke.
Nagkatinginan kami ni Liam.
"You didn't invite us..."
Gusto kong sabihin na hindi pa maayos lahat ng panahong iyon pero hindi ko magawang magsalita.
"Oo nga. May shanghai ba?" halos magkasabay na singit ni Clyde at Jorus kaya natawa silang lahat.
"Shanghai, bro," singit ni pa ni Clyde.
"Anyway, we understand. Since everything is not yet good at that time. But now, I think everything is okay?" s Luke.
"Yes."
"We'll just invite you for our church wedding," ani Liam sa mga kaibigan kaya isa-isa itong nagtanguhan, naghiyawan.
"When buds? So I can set my free day," si Khian.
"Wala pa naman maybe a year from now."
Their talk went back to normal. Medyo napunta na sa kasalan ang usapan. Saglit pa akong nanatili roon bago magpaalam para silipin si Daddy nang sumunod si Liam sa akin.
"Oh, ba't ka sumunod?"
"Wala ka ng kasama eh," aniya at inikot ang braso sa balakang ko.
"Okay lang ako Liam. Hindi pa naman ako inaantok—"
"Nah, just let me be with you. After our wedding, almost six months mo akong hindi pinapansin," bulong na parang nangongonsensya.
"Ganoon talaga mangyayari kapag inulit mo pa ang ginawa mo," sabi ko.
"Hindi na po, Mrs. ko..." napapaos niyang sinabi..
Napakagat labi ako dahil sa pag-iinit ng mukha, idagdag pa ang malakas na kalabog ng dibdib ko.
Magkahawak kamay kaming sumilip kay Daddy.
"Tito? I'm sorry for what my father did," aniya. "But I'm willing to help to catch him to pay for what he has done. Alam ko pong ayaw ninyo sa akin ni Tita para anak ninyo, pero mahal na mahal ko talaga siya..."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niyang iyon. Nilingon ko siya na ngumiti lamang sa akin na mababakas ang hinanakit sa mga mata.
Ayaw sa kaniya ng magulang ko? I don't even know about this. Si Daddy lang ang alam kong sumama ang loob sa akin noong magkarelasyon ako.
Sumasakit na ang ulo dahil sa dami ng nangyari kaya napasandal ang ulo ko sa dibdib niya. Niyakap niya ako. And being embraced by him, I felt slowly healing despite everything.
_
Another day came, medyo marami na rin ang taong dumadalaw marahil ay mga naging kaibigan ni Daddy.
Bumangon ako sa malambot na hinihigaan at doon ko lang napansin na nasa kama na pala ako. Umikot ang paningin ko nang napansing wala si Liam.
Napadako ang paningin ko sa orasan nang nakita pasado alas diyes na ng umaga. Bumangon ako at saglit na inayos ang sarili bago bumaba. Ngunit nasa handaban palang ako nang marinig ang malakas na hikbi.
"Fredo!"
My eyes broadened in shock as I almost ran down the stairs to go down. I ran to the living room and I gulped when I saw mommy crying while hugging daddy's coffin.
Agad na nag-init sulok ng mata ko dahil sa gulat. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa nakahambang luha.
Who tell to mommy? Sasabihin ko pa lang dapat sa kanya ngayon.
"Baby, I'm sorry for intruding on your decision. Pero pinasundo ko na si Tita noong isang araw. Mas lalo siyang masasaktan kung patataglin mo pa..."
I ignored his words as I walked towards mommy. Nanginginig ako habang pinipilit ihakabang ang mga binti.
"M-Mom..."
Mommy stopped a bit from crying as he turned her back to me. I was expecting her to be mad at me. To shout at me for not telling it as early but I'm wrong.
Nang tuluyan akong nakalapit sa kaniya ay agad niya akong niyakap. Kasalungat nang iniisip ko.
"Mommy..."
"Wala na ang Daddy mo. Parang kailan lang pinag-uusapan pa natin siya..."
"I'm sorry for not telling you earlier. I just don't know how to tell you. I'm having a hard time."
"I understand. Thank you for bringing him to this house. In our house that he was forced to sell," Mommy cried more.
Nag-aala ako sa kaniya pero hindi ko mapigilang maiyak dahil sa nalaman.
Mommy look at me intently. Hindi ako sigurado kung anong nasa isip niya pero ang mga mata niya at punong-puno ng pagsisi sa hindi malamang dahilan.
"Have you found who did this to him?" she asked hopingly as he gazed back at Daddy's coffin.
Natahimik ako. Hindi alam ang isasagot.
Kung ako nga hindi makapaniwala sa nalaman. Paano pa si Mommy? Paano kung—
"T-Tita, ongoing na ang paghahanap kay Daddy. Tutulong po ako para mahuli agad siya," singit ni Liam.
I know he was trying his best but goodness. It will affect mommy.
Natahimik si Mommy nang bumaling siya kay Liam. Unti-unting nagiging seryoso ang mukha niya. Pero walang ni isang katagang lumabas sa bibig niya.
Tumalikod l siya sa amin ng hindi nagsasalita. Nagkatinginan kami ni Liam dahil sa inakto ni Mommy.
Lahat ng inaasahan ko sa kaniyang mangyayari ay naging magkasalungat.
A few days past. Ang bilis nang takbo ng oras. Ang bilis nang pagsapit ng araw. Parang kailan lang nangyari pero heto na ngayon at ililibing na si Daddy... pagkatapos ng isang linggong nakaburol.
Naging malamig ang trato ni Mommy sa akin at kay Liam. Tanging si Nelia lamang ang kinakausap niya sa tuwing oras ng gamot niya.
It was a straight day. Nagawa niyang hindi ako kausapin. Kahit na huling araw na ngayon ay wala pa rin siyang imik.
Pero gabi-gabi ko pa rin siyang naririnig, umiiyak.
Makalipas ang takdang oras ay tuluyan ng ililibing si Daddy. Isa-isa na kaming naghagis ng bulaklak sa kaniya at nagbigay ng huling mensahe.
"Dad... I'm sorry if I was a bad daughter before for disobeying you. Sayang lang kasi hindi na tayo nagkaroon ng pagkakataon na magkita ulit. H-Hindi ko man lang nalaman ang dahilan kung bakit mo kami iniwan ni Mommy. Sana gabayan n'yo pa rin kami at maging masaya sa kung nasaan ka man naroroon..." kahit simpleng mga kataga ay halos kapusin ako ng hangin kakasambit.
Napayuko ang ulo at sunod nang nagsalita si Mommy.
"Fredo... m-mahal na mahal pa rin kita. Sana m-mapatawad mo na ako dahil matagal na rin kita pinatawad. M-Mahal na mahal kita kahit hindi ito ang inaasahan kong kahahantungan nating dalawa... k-kahit hindi ang buhay na pangarap natin..."
Hinayaan ko lang si Mommy na ilabas lahat ng saloobin niya. Her every single word broke my heart and how much more for her?
Nanatili pa kami sa semeteryo bago tuluyang ibaon sa lupa ang kabaong. Pahirapan pa ito dahil sa napapahisterikal na si Mommy.
I closed my eyes tightly as I looked up into the cloudy sky. Until we meet again, Daddy. Your memories will always remain in our hearts.
After a couple of hours. Isa-isa ng nagsi-alisan ang mga dumalo sa libing. Isa naroon ang mga kaibigan ni Liam.
Pero hindi siya sumama sa mismong puwesto namin ni Mommy marahil ay ramdam niya rin ang panlalamig nito.
"Mom?" agaw pansin ko sa kaniya nang nanatili siyang tulala.
"Kailangan na natin bumalik para sa chemo mo. May palugit lang ang doctor para sa'yo..." mahinahon kong sinabi.
"Are you still with him?" she said instead while staring somewhere.
Napalunok ako.
"M-Mom?"
"Tatanggapin mo pa rin siya kahit ang ama niya ang dahilan ng pagkamatay ng ama mo?"
I gasped in shock at her words. Is this the reason why she became cold to us? I inhaled the fresh air as I tried to touch her hand but she stepped away from me.
"Tatanggapin mo pa rin ba si Liam sa buhay mo Fiona? Sa tingin mo magugustuhan ito ng Daddy mo?"
Napailing ako sa kaniya. Nalilito.
"Mom, wala siyang kasalanan."
"Pero kriminal ang ama niya! Paano mo makakayang makasama ang anak ng kriminal?!" hiyaw ni Mommy na mas lalo kong kinagulat.
"Mom, stop it please. Mahal ko si Liam—"
"Kaysa sa ama mo?" putol na siya at ramdam ko na ang umiinit na tensyon sa pagitan namin.
I took a deep breath as I'm trying to explain more about it. Pero mukhang sarado ang isip ni Mommy.
"Mom, h-huwag naman ganito. Labas naman kaming dalawa sa n-nangyari..." pumiyok ang boses ko. "As you can see, tumutulong na siya para mahuli ang ama niya..."
"But it couldn't change the fact that he was related to a criminal, Fiona!" Mommy screamed at this time and I became panicked.
"Mom, relax—"
"Choose, Fiona!" mariin niyang bigkas sa pangalan ko.
Napailing ako at halos naiiyak na naman sa nagyayri. "I will choose you both, Mommy."
"Choose, leave him or—"
"Asawa ko si Liam, Mommy. Huwag naman ganito. Naiintindihan ko ang pinanggalingan ng galit ninyo pero huwag naman sana pati si Liam."
"Really?" she stared at me in disbelief.
"Please, Mom... Mahal na mahal ko si Liam..." my tears fell. Lagi na lang hahantong sa ganito.
Mom laughed sarcastically. "So I think, you are now choosing him?"
"I will gonna choose you both—"
"Nelia, let's go," ani Mommy malamig ang boses. She then glance at me darkly. "Huwag kang sumunod sa akin," aniya bago tumalikod sa akin na agad inalalayan ni Nelia.
Naiwan akong tulala. Nakatanaw sa papalayong bulto ni Mommy.
Bakit kailangang mamili kung puwede naman silang dalawa.
Masama na ba akong anak kapag pinili ko si Liam? Masama na ba akong asawa kapag pinili ko si Mommy? Pero bakit pa kailangan mamili... kung puwede naman pareho.
Kumawala ang mahihinang hikbi ko hanggang sa maramdaman ang pagpulupot ng braso payakap sa akin.
"I heard everything..."
Naninikip ang dibdib ko dahil heto na naman kami sa ganitong sitwasyon!
"W-Why Mommy can't understand it, Liam? I can choose you both."
"In this state, you have to choose between the two of us, baby..." bulong niya sa mababang boses.
I shook my head as I turned my face to him. He immediately cupped my face as he wiped the tears.
"Pero paano? I can't lose you both..." umiling ang ulo ko, nahihirapan.
"I understand your Mommy's anger..." he mumbled. "Ako na pipili para sa'yo," nabasag ang boses niya.
"Hindi ko kailangan pumili, Liam. I can still take care of Mommy while we are together," I pointed out.
"Pero hindi siya gagaling kapag alam niyang kasama mo pa rin ako. 'Di ba gusto mo siyang gumaling? Her illness is not that easy to ignore."
Tumango ako.
"So... for now, I... I want you to choose her..."
"No! Liam! I can't. Please pati ba naman ikaw?"
Nanlumo ako.
"I understand how hard it is, pero kailangan natin unahin ang lagay ng Mommy mo, Fiona."
"I can choose you both, Liam. Puwede naman iyon eh..." pagpupumilit ko.
"Baby, listen to me okay? Your mother is suffering from her illness. She's undergoing chemo. So she needs you more for this moment. I want you to choose your mother this time..."
"Paano ka? Wala na bang katapusan ito? Akala ko ba pagkatapos ng lahat malaya na tayong magkasama?"
Napaiwas siya ng ulo sa akin. Para akong naiipit sa gitna.
Mahal ko silang pareho. Hindi ko kayang pumili.
"Maghihintay ulit ako hanggang sa puwede na ulit ang lahat," pumiyok ang boses niya.
"Puwede pa rin naman tayong magsama kahit binabantayan ko si Mommy."
"No, she will still find out about it. Mas lalo lang siyang magagalit sa atin. Let's just make her mind cooler. Let's give her time. Masiyado lang nasaktan si Tita..." bumalik ang mata niya sa akin.
Pilit na ngumiti ang labi niya pero ang kaniyang mga mata ay iba ang sinasabi.
"A-Are you letting me go?" my voice broke.
"Baby..." namamalat niyang sambit sabay pikit.
Suminghap ako at pilit na inabot ang mukha niya. Dumilat siya hanggang sa magtama ang mata namin. Parehong nahihirapan.
"H-Hindi 'di ba?"
"This is just temporary, Fiel. Kapag nahuli na si Daddy babalik na sa maayos ang lahat. Walang-wala pa nga ito sa lahat ng pinagdaanan natin dati 'di ba? Makakaya natin 'to."
Our forehead touched as the bridges of our noses scratched together.
"Mahal na mahal kita, Fiel. Kaya ginagawa ko ito para hindi kana mahirapan pa. I don't want to let you go, but it's about your mother..." he kept saying, explaining why we have to sacrifice but no.
I already made up my mind. I shook my head, contradicting his sentences.
"But I can't let you go anymore, Liam, not now and never..." I said my final statements as I insisted on kissing his lips.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top