Kabanata 37
Kabanata 37
Dead
Pagkalapag ng sinasakyang eroplano pasado alauna ng hapon ay tinawagan ko agad si Miko. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid kung saan namataan ko siya na naghihintay na pala sa akin.
Patakbo akong naglakad palapit sa kaniya at agad niya naman akong sinalubong.
My eyes are swollen since last night but thankfully I wore sunglasses kaya hindi masiyadong mahahalata.
"Bessy!"
We immediately hugged each other and parted quickly. Malaki ang ngiti niyang nakaukit sa labi ngunit hindi ko magawa dahil pag-aalala.
"How's your flight?" tanong niya maningning ang mga mata.
He still looks hard in his outside appearance since he didn't change any part of his body even we know that he's soft inside. He's gay gender but one of the trusted friends I have.
"I'm good. S-Saang hospital dinala si Liam?"
His brows furrowed and stared at me in disbelief.
"Si Liam agad? Puwede bang kumustahin mo muna ako?" nakataas kilay niyang sinabi kaya napailing ako.
"Hindi na kailangan, mukhang okay ka naman, eh. Puntahan na natin si Liam," sabi ko at hinila na siya palabas ng airport.
"Grabe ka naman, Fiona. Binabalewala mo na ako dahil kay Liam? Ang sakit besh ah," pag-iinarte niya kaya nilingon ko siya sandali.
"Mamaya ka na mag-inarte, puntahan muna natin si Liam, please?"
"Tsk, dati dini-deny pa noon pero ngayon hindi magkandaugaga na mapuntahan. Nakuh," maktol niya kaya unti-unti akong napapangiti.
"Ewan ko sa'yo, halika ka nga."
Hinila ko siya palabas at diretsong nagtungo sa natatandaan ko pang pamilyar niyang sasakyan. Nilingon ko siya para i-unlock ang sasakyan ngunit tumaas na naman ang kilay niya sa akin.
"Alam mo babaita ka-"
"Hindi ko alam, Miko. Sige na naman oh, puntahan natin si Liam. O-Okay naman siya 'di ba?" nanginig ang boses kong tumitig sa kaniya.
Dahan-dahan napapawi ang pagtaas ng kilay niya at nag-isang linya naging seryoso na rin ang ekspresyon ng mukha niya at malungkot na ngumiti.
"Let's go..." humina ang boses niya bago binuksan ang pinto sa front seat kaya sumakay na ako, mabilis naman siyang umikot sa driver seat at agad na binuhay ang makina ng sasakyan.
"Girl, mag-seat belt ka kung ayaw mong makita ang langit," aniya kaya umasim ang mukha ko. "Pero mukhang hindi mo lang nakita, malamang natikman mo pa." pang-aasar niya. "Tingnan ang fresh mo pa rin. Lagi kas sigurong nadidiligan ano?"
Nalukot ang mukha ko at sinamaan siya ng tingin pero hindi lingid sa kaalaman ko ang tinutukoy niya kaya nahahaluan din ng pag-iinit ang mukha.
"T-Tumigil ka nga. Magmaneho ka na lang," sabi ko at tumingin sa labas ng bintana ng kotse nang tuluyan na niya itong pinaandar paalis.
"Ang damot. I-share mo naman kung masarap. Magaling ba-"
"Gosh, Miko. Tumigil ka nga. Wala talagang delekadesa iyang bunganga mo," putol ko sa kaniya.
"What?" hininto niya ang sasakyan kaya napalingon ako sa kaniya. "Sabihin mo muna kasi kung masarap," hamon niya.
I closed my eyes tightly as I rapidly opened and glared at him in a bit of feeling piss.
"Kung wala kang matinong sasabihin, manahimik ka na lang."
"Matino naman ang tanong ko ah?" tawa niya muli. "I just want to know. Imposibleng walang nangyayari sa inyo, 'di ba kinasal kayo?!" pinagdiinan niya ang salitang kasal. "Kinasal kayo tapos hindi ako invited? Tapos magpaparamdam ka para lang mangungutang?" sarkasmo niyang wika.
Lalong sumimangot ang mukha ko dahil sa pangongonsensya niya. Bumuntong hininga ako bago siya nahihiyang tinitigan.
"Biglaan kasi iyon, Miko. Tsaka ang daming nagbago sa mga nagdaang taon."
"Kagaya nang nararamdaman mo? O na-realize mo lang talaga na si Liam ang gusto mo?"
I immediately shook my head at him.
"Ayoko ng bumalik sa nakaraan Miko. Kaya puwede bang huwag mo nang ipaalala?" medyo naiirita na ako sa kaniya.
"Fine, fine. Pero ang dami mong ikukuwento sa akin," anito.
"Oo. Pero puntahan muna natin si Liam."
Muling umusbong ang kaba sa dibdib ko habang inaalala ang kalagayan niya.
Pinaandar na ulit ni Miko ang sasakyan kaya nakahinga ako ng maayos. Pero maya-maya lang ay heto na naman siya. Nangunglit.
"Hindi nga girl, masarap ba? Just answer my freaking question so I can drive fast," tumaas ang boses niya pero sa huli ay maharot na humalakhak.
Napapikit na lamang ako sumandal ang likod ng ulo sa upuan dahil sa tsismosang baklitang kasama.
"Kung hindi ka sasagot si Liam ang tatanungin ko," paghahamon niya kaya nataranta akong sumabat.
"Oo na m-masarap. Manahimik kana, bakla!" iritado kong sikmat.
"Oh my gosh, oh my gosh, my precious ears..." maarte niyang komento kaya napahilamos ako ng mukha gamit ang dalawang palad dahil sa prustasyon.
"Hindi na siya inosente and frenny ko. Si Liam lang pala tutuhog sa'yo paarte-arte ka pa noon. Sabi na eh, wala talaga kayong spark ni Trevious dati hindi ko kayo feel," patuloy niyang pagsasalita kaya nagtakip na ako ng dalawang tainga dahil sa iritasyon.
My goodness! Kung hindi ko lang siya kailangan ngayon hindi ako magtitiis sa bunganga niya.
Maya-maya lang ay natahimik na siya at binigay ang buong atensyion sa pagmamaneho kaya kumalma na rin ang sistema ko.
Napadiretso ako ng upo sabay lingon sa kaniya.
"A-Ano bang nangyari? Hanggang ngayon hindi ko pa rin makontak si Liam. Saang hospital siya dinala at sino nagbabantay sa kaniya?"
Miko glanced at me quickly and looked back at the road.
He breathed out heavily.
"His friends brought him to the Crimson Medical Hospital. And I don't know what really happens," aniya. "I was just planning to have a breakfast in Ishi's restaurant and then I just know that almost half of the place was damaged," kuwento niya kaya lalo akong nakuryoso sa nangyari. Nanlulumo sa nalaman.
"Wala naman siyang kaaway, eh..." usal ko.
"But I heard from the service crew who were cleaning, parang nagkainitan silang magkapatid dahil narinig daw nilang nagtatalo. And then the next thing they knew, may nagpaputok na ng baril."
Umawang ang labi ko. Sumikip lalo ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman siguro siya napahamak.
"T-Tapos?"
"Hindi ko na talaga alam Fiona, but the crew gave this to me when they heard me talking to you."
Pinerme ko ang tingin sa kaniya nang bigla niya na lang ipinasok ang kamay sa bulsa ng kaniyang suot na jeans habang ang isang bahagi ay nanatili sa manibela ng sasakyan.
Paglabas nito ay may hawak na maliit na kumikinang.
Nang nakita iyon ay sunod-sunod na pumatak ang luha kong hindi mapawi-pawi. Nanginig ang kamay kong kinuha iyon mula sa kaniya.
"Nakita raw nila iyang suot ni Liam noong dumating siya kaya sigurado silang sa kaniya 'yan pero hanggang ngayon walang nakakaalam kung bakit nakita na lang nila ito sa sulok habang naglilinis.
"O-Okay lang si Liam'di ba? N-Nabisita mo ba siya?"
Nanlalabo ang paningin kong tumingin kay Miko. Naghihintay ng sagot niya.
"I tried to visit him but his friends blocked me. They said they don't know me so they didn't let me go there to see him, so I've decided to wait until you arrive. Gosh, Liam's friend looks scary but yummy," he said giggling and made me stare at him intently not minding his comment about Liam's friends dahil hindi ko naman alam kung sinong kaibigan ang tinutukoy niya.
Nagsalubong ang kilay ko habang napapaisip. Hindi naman ganoon ang mga kaibigan ni Liam. Tsaka bakit nila ipapagpapabawal na bumisita si Miko, eh, suki naman siya noon sa resto at kahit paano kilala rin ni Liam.
I sighed heavily in so much nervousness. Parang gusto ko na lang ipalipad ang sasakyan makarating lang sa hospital.
"O-Okay lang naman siya 'di ba?" sumulyap ako sa daanan bago binalik ang mata kay Miko. "Hindi kami nagkaayos nang umalis siya. Ilang buwan kaming hindi okay..."
I bit my lower lips as I bent down my head in regret. Sana pala hinintay ko na lang siya matapos sa trabaho niya ng gabing iyon para nakapag-usap na kami.
Napapikit ako dahil sa paninikip ng dibdib na animo'y pinipiga ito.
"I can't really answer your question, Fiona. Wala talaga akong alam kundi ang sinugod siya sa hospital," mahinahon niyang tugon kaya natahimik na lang ako.
I weakly opened my eyes as I stared at the ring that the same as mine. Kung hindi ako nagkakamali ay sa kaniya 'to na posibleng nahulog.
I held the ring tight as my eyes wetted again. Mabilis kong pinalis ang luha sa mata at pinilig ang ulo.
I forcely smiled despite my painful throbbing chest. Liam is fine. Babalikan niya pa ako eh. Babalik pa siya.
Almost 20 minutes had passed when the silence wrapped us in the whole trip. Parang ang tagal-tagal ng pagpatak ng oras habang nasa biyahe hanggang sa marinig ko ang boses ni Miko.
"We're here, Fiona," aniya.
Nanginig ang buong kalamannan ko nang tumingin ako sa labas ng kotse kung saan bumungad sa harapan ko ang malaking hospital ng Crimson Medical.
Miko off the car engine as I unbelt the seatbealt. Napasulyap pa ako sa kaniya na tanging ngiti lang ang sinukli niya.
"Let's go?"
Napakurap-kurap ako at tahimik na humuhugot ng hangin bago tumango sa kaniya at sunod na binuksan ang pinto at lumabas.
Agad niyang ni-lock ang kotse at hinawakan ang kamay ko papasok sa loob ng gusali. I was just silently following him while he was escorting me since he was already in Liam's room.
"You're trembling, Fiona..."
Napalabi ako at bumuga ng hangin dahil sa prustrasyong nararamdaman. "Calm down, okay? Malapit na tayo."
Nanatili akong tahimik, nakasunod sa kaniya at medyo nakaduko ang ulo. At makalipas ang ilang minuto namalayan ko na lang na huminto siya paglalakad kaya napaangat ang ulo ko.
Nakatingin siya sa hinintuan naming katapat na pintuan. "D-Dito na ba?'
"Yes."
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at nilakasan ang loob. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang kusa itong bumukas at bumungad sa akin ang dalawang nakaitim na malalaking katawan ng lalaki.
"Oh..."
My eyes widened a bit but I still smiled and managed to speak when I remembered him.
"You're Khian, right?" tanong ko na agad naman siyang tumango kahit na napakaseryoso ng mukha.
"K-Kumusta si Liam? Anong nanagyari sa kaniya?"
Pinilit kong sinilip ang laman sa loob ng kuwarto ngunit masiyado silang matangkad at malapad ang katawan na nakaharang sa pinto at miskin maliit na butas ay ayaw sumilay.
A few minutes later, there's no response from them. Kahit na konting reaksyon ay wala. Unti-unti na akong nanghihina.
"P-Padaan ako. Gusto ko makita si Liam—"
Khian sighed heavily and it sent shivers down my spine 'cause I could feel how deep and cold the way he breathed. Na kahit sino sigurong makarinig ay mangangatog.
Idagdag pang walang ni katiting na kangiti-ngiti mukha niya. Seryoso at madilim na animo'y galit sa mundo.
Napalunok ako at pilot nilabanan ang pangangatog. "Please, padaan ako. I want to see Liam..."
Sunod na humingang malalim ang kasama ni Khian na hindi ko kilala bago pa man magsalita ito.
"He's dead," malamig na singit ni Khian na nagpatigil sa akin.
Parang huminto sa pag-ikot ang mundo nang marinig iyon na gamit ang malamig at napaka seryoso niyang tinig na walang bahid ng pagloloko pero agad akong umiling.
I laughed a little just to enlighten the heavy ambiance between us.
"No, you're just k-kdiding..." I stuttered.
Hindi na sila nagsalita at tanging bumuntong hininga nang pinakawalan bago dahan-dahan umalis sa harapan ko.
Patakbo akong pumasok sa loob ngunit bigla akong natulos sa kinatatayuan ko nang ilang pulgada na lang ang distansya ko nang nahagip ng mata ko ang puting tela.
Para akong naparilasa at hindi makagalaw.
Nanginginig akong napatakip ng bibig nang nakita ang nakaratay na katawan at natatakpan ng buong puting tela ang kaniyang katawan.
Malakas na kumakabog ang dibdib ko parang gusto kumawala. Hindi ako makahinga ng maayos sa nakikita ngunit pinilit kong ihakbang ang nga paa palapait ng husto.
At sa bawat paghakabang ko kumakawala ang mahinang hikbi sa bibig na hindi ko na mapigilan hanggang sa tuluyang makalapit sa kaniya.
"Liam..." I mumbled but he was not responding.
I massively shook my head not believing what I've seen right now. Kaya mabilis kong hinawakan ang dulo ng tela na nakatakip sa kaniya at walang alintanang binuksan na mas lalo kong ikinadurog.
"N-No! You're not..."
Lumakas ang hiyaw sa bibig ko at bumagsak ang ulo sa kaniyang katawan nang makompirmang siya nga ang nakatakip sa tela.
I can't...
"Liam please, wake up... nandito na ako. Please baby wake up. Hu... Huwag ka naman magbiro ng ganiyan..." sunod-sunod kong pakiusap kahit na halos hindi na ako makahinga.
Ngunit kahit anong gawin kong pakiusap. Kahit alugin ko ang katawan niya magising lang ay wala.
"L-Liam, please, gumising ka na," pumadyak ang paa ko sa sakit at mas lalo pang humagulgol. "N-Nandito na ako. Nandito na ako Liam. 'D-Di ba magbabati pa tayo? 'Di ba mag-uusap tayo? Gumising ka na oh. Nandito na ako..."
Halos sumasakit na ang lalamunan ko, namamaos ngunit wala na talaga.
Nanghingna ang binti ko habang patuloy na umaagos ang luha. Sinakop ng kamay ko payakap ang walang buhay niyang katawan.
No. This is just a dream. N-Nananaginip lang ako. I slapped my face just to wake up from this nightmare. Pero damang-dama ko ang sakit sa pisngi.
"No! I'm... I'm sorry, Liam. H-Huwag naman ganito. Please, I don't really hate you, I just hate what you did but not you. Kaya gumising ka na hindi ko kaya. S-Sabi mo magpapakasal tayo ulit? Pangako mo iyon, e. Kaya gumising ka na..."
Sa huling pagkakataon na wala pa rin akong natanggap na sagot ay hindi ko alam ang gagawin. Parang gusto ko na lang kainin ng lupa dahil sa bigat ng pakiramdam.
"Bakit ang hirap-hirap maging masaya? Bakit pati ikaw? Gising kana asawa ko, please... miss na miss na kita eh. I'm sorry sa lahat ng pagkukulang ko, sa lahat ng pananakit ko sa'yo. Gumising ka na..."
Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong humahagulgol. Mahapdi na ang mata kp at ramdam ko na ang pamamaga pero ayaw huminto ng luha ko habang nananatiling nakayakap sa kaniya.
I sob more as I utter my words that should be the last...
"Mahal na mahal kita Liam. I'm sorry—"
"I love you too, baby..."
Napahinto ako sa pagsasalita sa gulat. Napakurap-kurap ako at dahan-dahan umangat ang ulo.
Guni-guni ko lang ba ang narinig na boses niya? O talagang...
"Hoh! I can't breathe!"
Napatalon ako at napaatras sa gulat nang maramdaman ko ang gumagalaw sa loob ng tela at ganoon na lamang ang gulat ko nang nakita siya.
Mulat na mulat ang mga mata. Nakangisi kahit na namumutla. Ang labi niyang nawalan ng kulay pero hindi mahahalata kung hindi pagmamasdan dahi sal malapad niyang makaagaw pansin na ngiti.
Napako ako sa kinatatayuan ko habang nalilito. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Parang kanina lang.
"Baby," he laughed. "I'm still alive why are you crying?"
Umawang ang labi ko sa narinig. Malinaw na malinaw. Klarong-klaro kahit na namamalat ang boses niya. Mabilis pang kumurap-kurap ang mata ko. Nagulantang ang diwa.
"Liam?"
"Yeah? Why are you here? I just fell asleep and I woke up just because of the familiar sounds of crying," aniya.
Gosh! Tulog lang siya?! Akala ko ba...
"But I heard you don't hate me anymore?" his eyes rapidly twinkled. "So it that means, bati na tayo?" lumiit ang boses niya at bakas ang umaasang tono.
Mabilis akong napatakbo sa kaniya ng matauhan at agad siyang niyakap. Nakakahiya! Nakakahiya kung narinig niya lahat ng sinabi ko!
"Who told you to flee here? I was planning to flight back tonight so just decide to rest for a while," aniya ngunit hanggang ngayon ay blangko pa rin ang isipan ako.
Para akong mamatay kanina tapos heto siya buhay ba buhay. My goodness!
Pero imbis na alalahanin ang kadramahan kanina ay napahikbi ako sa saya.
"Mahal na mahal kita, Liam. Huwag mo na ako ulit tatakutin sa susunod."
He chortled. "I didn't hear anything but I heard you were begging me to wake up. Hmm, is there something wrong?" pumungay ang mata niya ng magtagpo ang mata namin.
Dahan-dahan umiling ang ulo ko at idinikit ang noo sa kaniya.
"Wala," I chuckled. "Basta mahal na mahal din kita..."
"Mas mahal kita—" naputol ang sinasabi niya nang marining naimn ang reklamo ng sikmura niya kaya nagkatinginan kami at sabay na natawa.
"Gutom ka na," puna ko.
"Kasi nandito na ang pagkain ko," tawa niya kaya agad kong napalo ang braso niya na ikindaing niya.
"Aw!" daing niya sabay tanggal ng puting tela sa buo niyang katawan kung saan lalo kong nakita ang nangyari sa kaniya.
"W-What happened to that?"
Dahan-dahan siyang umupo kaya tinulungan ko siya. Inalalayan ko sa hanggang sa makaupo.
He sighed. "I was shot by my brother, but I am fine now. Mababaw lang at agad naman natanggal ang bala," aniya.
Napatitig ako sa kamay niyang nakabenda ang kaliwang braso bago siya tiningnan sa mukha.
I closer my face to him as I smiled, my eyes still watering. "I'm sorry..."
"For what?"
"Sa lahat..."
"I was the one who should be asking that, Fiel. I hurt you. I lied to you..." napapaos niyang sinabi.
"Basta mahal pa rin kita..." sabi ko at mabilis na siniil ng halik ang labi niya.
Our lips moved together and we could feel how we longed for each other but we got cut by our kisses when the door suddenly opened.
"Fiona?"
Napaigtad ako sa gulat at mabilis na napalayo kay Liam dahil sa boses ni Miko.
"Omg! Naputol!" hiyaw niya. "O sige mamaya na ako e-extra. Enjoy!" tumatawa niyang sinarado ang pinto.
Bumuntong hininga akong bumaling pabalik kay Liam na nakatitig na naman sa akin.
"Nagugutom ako. Parang gusto kita kainin—"
"Heh! Magtigil ka nga d'yan. Pilay na nga isa mong kamay," angil ko at tumayo. "Bibili na lang ako ng pagkain. Babalik din ako agad."
Ngayon ko lang nalala na kanina pa pala nagrereklamo ang sikmura niya.
"Kahit huwag na. Makita nalang kita busog na ako, eh," banat niya pero tinawan ko lang.
"Napilay ka lang ang corny muna," napalitan ng galak ang kalooban ko. "Aalis na muna ako bibili ng pagkain. Ano bang gusto mo?"
"Ikaw."
"Liam, pagkain kasi."
"Pagkain din naman kita ah? Kaya lang ako ang kumakain tapos ikaw ang nasasarapan," patuloy niya pang sinabi kaya tuluyan ng nag-init ang mukha ko at pakiramdam ko ay pulang-pula na ako.
I still managed to glare at him as I shook my head. "Ako na bahala. Puro ka kalokohan."
He laughed louder as he shook his head. "Thank you, Wife. I'll wait," tumino ang sinabi niya kaya lumapit ako sa kaniya at huling halik ang ginawa ko sa labi niya bago umatra ng konti.
I gently caressed his face.
"Saglit lang ako. Huwag ka gumalaw nang gumalaw. Tatanungin ko na rin si Khian kung anong gamot ang para sa'yo, siguro naman sinabi na sa kaniya lalo na't mukhang siya naman ang nagbantay sa'yo," sabi ko.
"Yes, Mrs. ko," pahabol niya kaya natatawa na akong tumalikod at naglalakad palabas ng silid.
Nang nakalabas ay agad nakahinga ako ng maluwag. Agad na hinagilap ng mata ko ang naabutan kong kaibigan niya ngunit wala na ito. Tanging si Miko ang naabutan ko sa na nasa waiting chair sa labas habang may kausap.
"Miko," tawag ko.
Nilingon niya at mukhang nagpaalam sa kausap sabay at tayo at lumapit sa akin.
"Alam mo ito 'no?"
Natawa lamang siya at umiling-iling ang ulo. "Hmm, eh kasi. Pinakiusapan ako ng mga kaibigan niya. Hindi ko nga alam anong trip nila, eh," aniya habang nakasimangot.
"Nakakatuwa bang lokohin ako?"
"Fiona-"
I chuckled. "Kidding, still thank you for telling me about this... you are truly my friend."
"Letche ka babaita ka, huwag mo akong dramahan. Pagod na ako sa inyo ni Ayesha," maktol niya sabay tingin sa phone niya.
"Why? Where's Ayesha?"
Miko sighed in disappointment. "Hindi nandoon nagtatago. Pagkatapos magpakasarap, nabuntis. Nagtago."
Namilog sa gulat ang mata ko. "Bakit kailangan magtago?"
"Ah wait, I'll answer Ayesha's calls. She's having a negative thoughts right now," imporma niya sabay sagot ng tawag at bahagya pang tumalikod sa akin.
Saglit niya lang itong kinausap bago natapos ang tawag. Mamaya na ako mag-uusisa sa daan.
"Halika samahan mo muna ako sa labas. Nagugutom na ang asawa ko," napakagat labi ako habang sinasabi iyon sa kaniya kaya tinukso niya na naman ako.
Nang makababa sa groundfloor ng hospital at malapit sa prontera ay tumunog na naman ang phone niya.
"Just a few minutes, bakla," aniya kaya tumigil kami sa paglalakad at nagtipa siya sa kaniyang phone.
Naglikot ang paningin ko sa paligid kung saan maraming naglalabas-masok na mga tao. Malaki rin ang hospital.
Sunod naman namin narinig ang malakas na sigaw ng mga doctor at nurses.
"Emergency! Emergency!"
Napalingon ako sa mga nagmamadaling doctor at nurses habang tulak-tulak ang isang hospital bed ngunit natigilan ako sa nakita.
"Fiona-"
"Teka, si Dad... si Dadyy 'yon!" sigaw ko.
Napatakbo akong sumunod sa mga doctor at pilit na kinokompirma ang totoo at hindi nga ko nagkamali. Dahil nang huminto sila para buksan ang pinto ng emergency room ay malinaw kong nasilayan ang mukha ni Daddy. Duguan ito.
"D-Doc, ano pong nangyari sa k-kaniya?"
"He got shot. Excuse us miss-"
"Doc, gawin po ninyo ang lahat, please..."
"We will, but who are you?"
"Daddy ko po siya. Please doc, save him," I begged more.
Tumango ang doctor sa akin at tuluyan ng sinarado ang pinto. Naiwan akong tulala. Habang iniisip ang nangyari, nakita.
How could this happen? I badly want to see daddy again but not in this state. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.
Una si mommy, si Liam, t-tapos ngayon si Daddy. Ano pa bang mangyayari sa amin. Sa akin.
"Doc! The patient's heartbeat-"
"Fiona! What the heck girl, bigla-bigla kang tumatakbo," ani Miko nang nakalapit sa akin kaya napalingon ako sa kaniya.
"M-Miko..." my tears fell once again.
"Oh, ano na namang drama iyan? Halika ka na at baka nagugutom na ang asawa mo-"
"Si Daddy..." usal ko.
"Oh anong mayroon kay Tito? Nagpakita na ba siya sa inyo?"
Napatitig ako sa kaniya dahil hindi naman lingid sa kaalaman niya na biglang nagbago noon si Dad sa amin. Pero hindi ko pa nasabing hiwalay na sila ni Mommy.
Sunod-sunod na bumuhos ang luha ko at saktong bumukas ang pinto ng emergency room. Parang kidlat akong napalingon sa likuran ko kung nasaan ang nakita ko ang nakusap kong doctor.
"Doc, kumusta ang daddy ko?
Lalo akong nanginig at kamuntikan pa akong matumba sa kinatatayuan kung hindi agad ako nahawakan ni Mikko.
"Doc..."
"He's dead."
"What? Who's dead?" singit ni Miko ngunit hindi maalis ang mata ko sa doctora habang umiiling sa kaniya.
"I'm sorry, Miss. Tuluyan na siyang nawalan ng pulso-"
"N-No. He's not... buhay pa si daddy. Buhay pa. Please doc, try it again..."
"I'm sorry. We already tried our best but his heartbeat stopped beating. Time of death, 3:00 PM," pinal na sinabi ng doctora kaya tuluyan na akong bumagsak dahil sa kawalan ng lakas.
Ganoon na ba kahirap ang maging masaya para sa akin? Malakas na kumawala ang hikbi ko na umalingawngaw sa buong hallway ng hospital.
"Tama na please... tama na!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top