Kabanata 25
Kabanata 25
Beg
Napaigtad ako sa gulat dahil sa sunod-sunod na katok ang naririnig ko. Sumulyap ako sa orasan ng phone ko nang nakitang mag-uumaga na pero gising pa rin ako.
Masiyado akong nalibang sa pag-sketch at halos matapos ko na ito ng hindi namamalayan ang oras.
I sighed lazily as I stood up to open the door. Pero napahinto ako dahil sobrang aga pa kung sino man ang kumakatok.
I was hesitant to open the door. Nahinto ako. Paano kung masamang tao? Pero imposible rin naman kasi wala pa namang nangyayari no'n.
Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa makarinig ako nang pagkabasag ng bote kaya nataranta akong binuksan ang pinto at gano'n na lamang ang gulat ko sa nakita.
Napatigil sa ere ang kamao niyang kakatok nang nakita ako.
Napalunok ako at akmang isasarado ang pintuan nang mabilis niyang hinarang ang braso para hindi ko ito maisara..
Napasinghap ako.
"Anong ginagawa mo—"
"Bakit?"
"Please umalis ka na," pakiusap ko.
"Bakit Fiona?" ulit niya.
"Umalis ka na nga! Lasing ka!" sikmat ko.
"Anong nangyari... sa ating dalawa?"
Napalunok ako at parang kidlat na may kumurot sa puso ko nang mahimigan ang hinanakit sa boses niya.
"Sabi mo hahanapin mo lang ang sarili mo? Sabi mo papatawarin mo lang ang sarili mo? Sabi mo babalik ka? Pero bakit... bakit Fiel?" dire-diretso niyang sinabi habang namumungay ang mga mata.
"Tama na! Umalis ka na! Tapos na ang lahat. Matagal na."
He just sighed in disbelief. "Just like that?"
"Oo," I said boldly.
"Pero ayokong... tapusin."
"Tama na Liam! Hind pabor sa atin ang panahon! Ang tadhana! Kaya umalis kana," patuloy kong pagtaboy sa kaniya.
I tried to close the door but he was more powerful than me. I can't push him away.
"Mahal kita..."
Natahimik ako.
"Mahal mo pa rin ba ako?"
Lalong sumikip ang dibdib ko na para bang may nilalamusak ito dahil sa boses niyang umaasa. Pero hindi na puwede. Taon na ang lumipas. Marami nang nagbago.
Mabilis akong tumalikod sa kaniya ngunit hinablot niya ang braso ko. Dahil sa kawalan ng balanse ay napasubsob ako sa dibdib niya.
"U-Umuwi ka na. Hinihintay ka ni Marice. Hayaan mo na ako," sabi ko at pilit na kumawala sa kaniya.
"Walang namamagitan sa amin ni Marice, Fiona. If you just let me explain before why she was there. And that scene you saw she was the one who insisted it, please. Pakinggan mo muna ako."
Mabilis na umiling-iling ang ulo ko.
"I don't care anymore if you guys are into things. Just let me go Liam! Let me live in peace! Ano bang mahirap intindihin doon?!" sinadya kong taasan ang boses ngunit hindi siya natinag.
Matapang kong tinitigan ang kaniyang mga mata. Lasing, namumula, punong-puno ng pananabik.
"Lahat," he breathed out heavily. "Lahat mahirap intindihin. Masaya pa tayo 'di ba? Pero bakit nagising na lang ako isang araw na ayaw mo na? Nagising na lang ako wala ka na. Hinanap kita. Hinanap kita."
"Liam..."
"Hinihintay lang kita kung kailan ka magiging okay, hinihintay lang kita dahil ayaw kitang pilitim sa bagay na nagpapalungkot sa'yo, pero bakit may iba na agad?"
My eyes watered in pain. My chest tightened more while listening to his painful words.
"Umuwi ka na Liam. Tanggapin mo na lang na hindi talaga para sa isa't-isa. Maybe it was just pure lust. Kung ano man ang namagitan sa atin, t-tawag ng laman-"
"No you're just in denial, Fiel," tanggi niya.
"I am not."
"Please naman Fiona. Ilaban pa natin. Ipilit pa natin. Kulang pa ba ako? Ano pa bang gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang," he begged again and again. Pero hindi na ako nagpadala pa kahit gusto ng bumigay.
"Wala na Liam. Sumuko ka na. Kasi ako... matagal na akong sumuko..." I lied.
I lied again! But the truth is I wanted to fight for him. To fight my insecurity but seeing him with someone would be better for him.
"Ilang taon pa ba ang hihintayin ko para mapatawad mo na ang sarili mo? Ilang tao pa Fiel?"
"I am now perfectly fine, Liam. Pero ayoko na—"
"One more try, Fiel. I will be better this time. I will do my very best. Subukan pa natin. Hindi pa nga tayo nag-uumpisa ayaw mo na?"
"Ayoko na Liam. Parang awa mo na umalis ka na. Ayoko ng maulit ang kasalanang nagawa ko noon. Masaya na ako kay D-Dave."
Napatungo ako dahil parang ako rin mismo ang nadudurog sa mga salitang binitawan ko. Akala ko sa pagdaan ng taon, magiging okay na ako pero hindi pa rin pala.
Lalo na ang makita siyang kasama ang iba. Na mas makakabuti sa kaniya.
"Sabihin mo lang na mahal mo ako, Fiel. Susugal ulit ako kahit walang kasiguraduhan," napapaos niyang nulong at unti-unting gumapang ang kamay sa leeg ko.
Hinagilap niya ang baba ko at marahang hinaplos at pilit inaangat ang ulo.
"H-Hindi kita mahal."
"No, look at me, Fiel. Look directly into my eyes. You're lying."
Matapang kong sinalubong ang kanyang mga mata. Halo-halo ang emosyon doon. Unti unting nababasag ang kalooban ko sa nakita pero kailangan kong manindigan.
He deserves to be with someone.
"Hindi kita mahal, Liam. Lahat nang nangyari sa atin ay purong pagnanasa. Nadala lang ako dahil walang oras sa akin si Trevious. He can't even take me in bed, so yeah, I let myself to be with you because you always fulfilled my desire," malamig kong sinabi at pilit pinipigilan ang pagbasak ng luha.
Para akong nabibingi sa malakas na kabog ng dibdib ko, idagdag pang para itong pinipiga dahil sa sakit.
Dahan-dahan lumuwag ang yakap niya sa akin sabaytango ng ulo.
"I guess I was wrong at all...." pagod niyang sinabi.
My heart skipped more.
"But I will never regret loving you for so long Fiona."
"You deserve better, Liam," I mumbled.
He chuckled painfully. "I don't think I can love someone again like what I've felt for you in this lifetime..."
"Yes, you can..."
"I don't think so. I already committed my life with you when I made a promise. Pero tama ka, tadhana na mismo ang nagpapahiwalay sa atin," nanatiling mahinahon ang tinig niya pero mukhang pasuko na nga.
T-This is what I want for him, pero ang sakit.
"Liam..."
Tumingala ako sa kaniya at kasabay noon ang paglapat ng labi niya sa noo ko. He gently kissed my forehead for a minute at the same time, a drop of tear fell from him.
Namilog sa gulat ang mata kong nakatitig sa kaniya. Maya-maya lang umaatras na siya palayo sa akin.
Bumaba ang tingin ko dahil sa kamay niyang sumilid sa bulsa ng suot na faded jeans.
"Ang sakit Fiel. Ang sakit-sakit kasi patuloy akong umaasa na babalik ka sa akin."
"I'm sorry, but my decision is final. Kung talagang mahal mo ako hindi mo ako pipilitin sa bagay na ayoko na."
"Huli na 'to Fiona, But I will never be sorry for loving you so wrong. And maybe this is my consequence for stealing you to my best friend," sinabayan niya iyon ng mahinang pagtawa.
I love you.
"Anyway, here's your mother's contact number. I won't say anything but please contact her, Fiel. Kumustahin mo..."
Inabot niya ang kamay ko, binuksan ang palad. Hinaplos-haplos niya pa iyon bago ipinatong ang calling card.
"Please, be happy..." he whispered in misery.
Tuluyan na siyang lumayo sa akin at sa puntong ito pakiramdam ko ilang kilometro ang distansya nalin na hindi ko na naman maabot.
"I have to go. I will provide you with a better place than this."
"No need Liam—"
"It's for free. Hindi ako maniningil," aniya sabay talikod.
Pigil ang paghinga ko nang humakbang na palayo ang kaniyang mga paa. Nanginig ang kamay ko na balak siyang pigilan. Habulin. Yakapin ng mahigpit ngunit sa huli, binaba ko iyon at mabilis na sinara ang pinto kasabay ng pagbuhos ng luha sa mga mata.
Napasandal ako sa likod ng pintuan at impit na humagulgol.
Ang duwag ko. Ang duwag duwag ko!
Kinabukasan kahit pa'y mugto at mahapdi ang mata ay nagawa ko pa ring pumasok sa trabaho. Ininda ko na lamang ang mga tanong ng mga empleyado na nakakita sa akin.
Mabuti na lang ay wala pa si Dave dahil nasa business meeting. Sunod sunod na ang mga investor na nakakausap niya pero hindi lahat ay tumutuloy.
Nasa office lamang ako maghapon at nagpahatid lang ng pagkain dahil para akong lantang gulay.
I am physically exhausted, mentally drained, and emotionally broken.
Napadukdok ako sa lamesa at muli na naman nag-init ang mata ko.
The moment he turned his back on me last night it also meant that he was giving up on me already.
Gusto ko siyang habulin. Pero bigla kong naalala na may tao pa rin na mas para sa kaniya.
Napatawad ko na ang sarili ko sa nagawa ko. Pinagsisihan ko pero mabigat pa rin. Mas maghihilom lang siguro talaga ako kapag personal na akong nakahingi ng patawad sa mga taong naapektuhan ng panlolokong nagawa ko.
Umangat ang ulo ko at direktang dinukot sa bag ang calling card na binigay sa akin ni Liam kagabi. Hindi ko na ito nagawang tawagan kagabi dahil sa bigat.
I immediately dialed the number. It's new contact details unlike what I keep on dialing before.
Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko kung bakit ganoon na lamang ako kung talikuran ng mga magulang ko. Hindi naman sila gan'yan.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari pagtungtong ko ng disiotso ay mas gugustuhin ko na lang manatili sa pagkabata.
Pero wala eh. Sa bawat patak ng minuto tumatanda rin tayo. Nagkakamuwang. At habang tumatagal, pagtanda ng patanda, pahirap ng pahirap ang buhay.
Ang hirap maging okay lalo na kung nag-iisa ka pero kailangan.
Malalim akong bumuntong hininga kasabay nito ang pagsagot ng tawag ko mula sa kabilang linya.
Naninikip ang dibdib ko dahil umabot ng taon bago ko muli maririnig ang boses ni Mommy.
"Hello?"
Nalukot ang noo ko nang marinig ang boses mula sa kabilang linya. Malat. Mababa. nanghihina.
Pero ganoon pa man, hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng butil ng luha sa mata.
"Mom... Mommy..." I almost whispered.
"Fiona? Fiona, baby is it you?"
Sunod-sunod nang bumuhos ang luha ko. How I miss hearing her voice. How I miss my mom.
"Mommy, I miss you..."
"Oh gosh, baby, how are you?"
"Mommy... I'm so sorry. I am shameless to our family... I'm scared to show myself," I confessed.
Natahimik sa kabilang linya pero maya-maya lang ay narinig ko ang mahinang daing ni Mommy.
"Mom? Are you okay? Where are you?"
"Y-Yes, I'm okay..." she laughed but there's a hint of pain.
"Mom..."
"I know everything what happened for the past year," aniya ngunit hindi ko maramdaman ang panghuhusga sa kaniya.
"I'm sorry Mommy. I was confused—"
"I should be the one who apologizes to you, Fiona."
"Mom?"
"I'm sorry, Anak. Wala ako sa mga panahong kailangan mo ako. I know you're in pain too. I raised you better so I know how you were struggling for that mistake. Trevious and talked about it."
"I'm sorry."
"I also talked to Liam before. When you were missing. He apologized for stealing you from Trevious."
"Mom. Tapos na po kung ang namagitan sa amin. Pinagsisihan ko na po iyon."
"But it didn't change the fact that you did something wrong, baby."
Another fresh tear rolled down my cheeks. I was still wrong. Kahit saang anggulo, kahit ano pang dahilan ko. Kasalanan ko pa rin ang lahat.
Whatever the reason is, cheating is a relationship crime. No one deserves to be cheated. He didn't deserve to be cheated.
"I know, Mom..."
"Did you love Trevious, Fiona?" she asked and it made me wonder so suddenly.
"Oo naman Mommy. Hindi naman po siguro aabot ng taon ang relasyon namin-"
"Will you still love him if I'm being honest with you before?"
"Mom, what are you trying to say?"
Napalitan nang pagkalito ang ekspresiyon ng mukha ko dahil sa katagang iyon.
"Oh, nothing baby. I am beyond grateful that you still contacted me."
Nangunot ang noo ko dahil sa mga halo-halong iniisip. kaya hindi ko na napigilan ang sariling magtanong.
"M--Mom? Bakit po ninyo ako biglang iniwan? Same with Daddy," I stated. "HInanap po ba ninyo ako? HIrap-hirap ako sa mga nagdaang taon. Ilang beses akong inatake ng sakit ko sa baga. even my bank account were freeze. My personal account too-"
"What? I thought you were in good condition?"
"Yes, Mom. Maayos na maayos sa tulong ng ibang tao. Mommy ano po bang nanagyayari sa atin? Si Daddy baki-"
"I'm so sorry, Fiona..."
"Miss na miss ko na kayo ni daddy, Mommy. Please where are you? pag-iipunan ko po ang ticket papunta sa'yo."
"Not yet Fiona. But rest assured that I'll be home soon," pahina nang pahina ng boses niya na mas lalo nakakapagtaka.
Pero bakit ba parang pakiramdam wala na ako sa kanila?
"Mom-"
"Talk to Trevious, baby. That's the only way to set you free from your mistakes. HIndi mo kailangan isa-isang humingi ng tawad sa kanila, kahit kay Trevious lang."
"I will definitely do that, Mom. But I'm still scared," pagtatapat ko.
"You don't have to be scared, especially to Trevious. He will understand you."
"I hope so, Mommy... I hope so."
"Believe me, Fiona. He will forgive you and Liam. Maybe he felt insulted but after all, he can't be mad with you. I am hoping for your recovery soon, baby... Mommy misses you so much..." she whispered as soon as I heard his silent sobs.
"Mom-"
Naputol ang sinasabi ko nang biglang naputol ang linya. Sinubukan ko muling tawagan ang numero ngunit hindi ko na ito makontak.
Nabitawan ko ang phone at napahilamos sa sariling mukha.
I'm confused about Mommy's words, and I was more confused when she didn't comment about my bank account.
Kailangan ko na nga siguro bumalik ng Manila. Gulong-gulo na ako sa nangyayari sa pamilya ko. At kay daddy.
Another days passed it's not easy at all. Habang tumatagal mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko lalo na nang hindi ko na naman nakakausap sI Mommy.
Para akong nagluluksa habang naglalakad patungo sa tapat ng elevator. Lutang ang isipan hanggang sa biglang bumukas ang pinto ng elevator.
Umangat ang ulo ko at hindi napigilan ang paghagod ng pait sa lalamunan nang nakita ang nakasalubong kong tao.
I'm not in the mood to argue with her. Masakit pa rin ang mga nakita ko noon pero paulit-ulit kong tinatak sa isipan na wala akong karapatan na magalit.
Gumilid ako upang makadaan siya ngunit naging magkapareho ang galaw namin. Lumipat ako sa kabilang banda ngunit inulit niya lang din.
"Excuse me-"
"Ma'am, Fiona. Can we talk?"
Dahan dahan nagsalubong ang kilay ko at napatitig sa kaniya. Malumanay ang tinig niya at puno ng respeto sa paraan ng pagtawag niya sa akin na may bahid ng senseridasd ang boses miskin ang kanyang mga mata.
I felt like I was in the past and still their manager. Manager na nirerespeto nila.
Pinilig ko ang ulo ko at pilit na ngumiti.
"I'm sorry, I still have my papers to do. If you complaining something again I will ask my assistant-"
"Ikaw po ang gusto kong makausap, Ma'am, Fiona," pamimilit niyang sinabi.
I sighed. "For what, Miss?" seryoso akong tumitig sa kaniya. At isa lang napansin ko simula sa kaniya ngayon.
She looks physically fine but her eyes seem to be regretting something.
"T-Tungkol sa amin ni Liam..." aniya na ikinataas ng kilay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top