Kabanata 23

Kabanata 23

Quiver


"D-Dave, sa ibang restaurant na lang tayo kumain," kabadong sabi ko nang mabasa ang pangalan ng pinasukan namin.

Magkasalubong ang kilay niyang tumingin sa akin. Nagtataka.

"Why? This resto seems nice—"

"Sa iba na lang Dave. H'wag na rito," pakiusap ko sabay lingon sa paligid.

Malakas na kumakabog ang dibdib ko nang masaksihan ang ayos ng restaurant. Ang mga disenyo at ang logo na hindi ako puwedeng magkamali dahil ako ang gumawa no'n.

"Let's just try here Fiona. We don't have much time anymore," aniya sabay silip sa relo. "I have my meeting 30 minutes from now," imporma niya.

Napasinghap ako. Kung aalis pa kami masasayang ang minutong imamaneho niya.

"May problema ba Fiona? Kakain lang naman tayo hindi tayo magtatagal. Pagkatapos ay ihahatid na kita sa tinutuluyan mo dahil bukas ka pa naman magsisimula bilang manager ng hotel," dagdag niya..

Nakaramdam ako ng konsensiya dahil sa effort niyang maglaan ng oras para i-celebrate ang promotion ko.

In the end, I do not have a choice but to grant him.

"Hindi naman tayo magtatagal 'di ba?" paninigurado ko dahil hindi na ako mapakali.

"Yeah, saglit lang naman tayo dahil may meeting pa ako. Bakit ba parang kinakabahan ka? Is there something bothering you?"

Mabilis pa sa isang segundo akong umiling at nagpakawala ng maliit na ngiti.

"Wala naman. Nanibago lang," sabi ko.

He nodded as he held my hands. Bumuka ng kaonti ang labi ko sa ginawa niya at sumulyap sa magkahawak naming kamay.

Hindi ko alam pero para akong nangangatog sa kinaroroonan ko. Parang may mga matang nakamasid sa amin. Sa akin.

"Let's sit in the second area. Mas makikita roon ang ganda ng view sa labas."

Hindi na niya akong hinintay pang sumagot at hinila na ang kamay ko paakyat. Samantalang patuloy na umiikot ang paningin ko dahil sa kaba.

This restaurant it's from him. This might one of his branch. at hindi ako puwedeng magkamali dahil sa bawat bagay, disenyo ay pamilyar sa akin.

The Ishi's restaurant.

"Fiona, what's bothering you?"

My gaze dropped to Dave's location. Magkasalubong ang kilay niya na at halatang nagtataka na sa kinikilos ko.

"Uh, w-wala naman Dave. Nanibago lang dito."

Tumango siya pero mababakas pa rin ang pagtataka sa mga mata pero hindi na rin nangulit pa. He lowered his gaze to our plate and goes back eating.

"You should try this bolognese Fiona. The taste is so different. masarap at kakaiba." He commented.

LIhim akong humugot ng hangin bago inumpisahan ang pagkain kahit na pakiramdam ko ay may nanonood sa bawat galaw ko.

"Seems you're not enjoying our meal. Do you want something more?"

"Okay na ako L-Dave," I stuttered and made him stop from chewing his food.

He stared at me intently as his brows furrowed in wonder.

"Are you sick?" sinipat niya ang sentid ko. "Maayos ka naman. Normal ang temperatura mo pero parang kanina ka pa hindi mapakali."

"Dav, puwede bang i-take out na lang natin ang pagkain? Mukha ngang sumama bigla ang-" namilog ang mata ko nang may dumaan na water sa likod ni Dave ngunit nakayuko ito kaya hindi ko napansin ang mukha pero parang pamilyar. "S-Sumama nga bigla ang pakiramdam ko Dave. I-take out na lang natin ang pagkain," sabi ko.

"Oh sure, if that's what you want..." pagpayag niya sabay senyas ng kamay sa likuran ko.

Bumaling ako sa likuran ko at nakita ko ang waitress na agad lumapit sa amin.

"Yes, Sir?"

"Patake-out na lang ng order namin. Sumama bigla ang pakiramdam girlfriend ko."

My eyes widened in shock as I was a bit frozen where I was sitting down. At the same time, some glasses broke somewhere.

Natigilan kaming lahat dahil sa ingay na umalingawngaw sa buong resto.

"Okay Sir-"

"Miss wait, just give us another set of take out. Tatapusin lang namin ito," si Dave.

Natauhan lamang ako nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Fiona, is it okay? Ubusin na lang natin-"

Kinain agad ako ng kahihiyan sa katawan dahil sa inakto ko sa harapan ng boss ko. Nakatitig siya sa akin habang marahang pinupunasan ng tissue ang gilid ng labi.

Tumango ako.

"Ayos lang Dave. Pasensiya na sa inakto ko."

"It's nothing. Ako nga dapat mag-sorry dahil pinilit kita."

Hindi na ako sumagot pa at pilit binalik ang atensiyon sa pagkain sa kabila ng malakas na pagtambol ng dibdib ko.

Sinulyapan ko ang lokasyon ng waiter kanina kung saan may nahulog na baso ngunit wala na ito at isang babaeng trabahante ang nagwawalis doon.

Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa pagtataka. Pero muli akong nabaling kay Dave nang magsalita ito.

"So how are your condition? Did you still continue drinking your medicine?"

Napalabi ako sabay tango. "Oo. Vitamins na lang naman iyon Dave. Kaya kahit hindi ko na sundin ang reseta."

"Still you should consult a doctor for the better."

"Okay na talaga ako Dave. Mahina lang talaga ang baga ko sa lamig kaya para akong sakitin."

"Is that the reason why you lost consciousness years ago?"

Napalunok ako nang naalala ang unang tagpo namin kung saan nahimatay ako at siya ang nakakita sa akin at tumulong.

Bigla lang nanghina ang immune system ko dahil sa sobrang lamig ng klima. Simula bata ganito na ako kaya hindi ako pinapayagan ni Mommy at Daddy magbabad sa lamig. Pero ewan ko ba bakit dito ako nag tungo sa Baguio.

Maybe because no one would think that I would risk my life just to stay here. Hindi naman lingid sa iba iyon, kaya siguro walang nag-iisip na naglalakad akong magtungo rito.

"Oo. Biglaan lang namn ksi ang punta ko rito," tugon ko.

Umangat ang kamay ko at dahan-dahang ginalaw ang kubyertos. Lihim pang sumulyap ang mata ko sa kaharap na si Dave.

Inayos niya ang hawak na kubyertos nang naisubo ang huling pagkain. Ngayon ko lang napansin na tapos na pala siya.

"Fiona? It's more than a year since we became friends, yet, I know nothing about your background," he chuckled. "About your family, friends, and where you came from?"

Natigilan ako sa sinabi niya at mas lalong nawala ang gana.

Hindi ko rin alam kung bakit niya ako tinulungan, tinanggap at kinaibigan kung hindi niya naman ako kilala talaga.

"Bakit mo pa rin ako tinulungan?" tanong ko.

Mahina siyang humalakhak at umiling pa ang ulo. "Sinong hindi tutulong kung kailangan mo?"

"Paano kung masamang tao ako?" sabi ko pa.

"Masamang tao ka ba?" balik niyang tanong kaya ako naman ang hindi nakasagot.

I just avoided my gaze and felt annoyed a bit. Lahat ng tanong ko binabalik niya.

"Uh, Dave, ipatake-out monna lang din ito. Hindi ko namna nagalaw sa bahay na lang ako kakain," paglilihis ko sa usapan.

"Are you sure?"

Tumango ako. "Oo. May kailangan din akong ayusin na files para makapag simula na ako bukas sa bagong posisyon ko."

"Alright," ngiti niya at saktong may lumapit sa amin na waiter na mukhang nag-abot ng bill.

Nakatungo lamang ako at hinayaan na si Dave ang kumausap dito ngunit para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng narinig ang pamilyar, malamig, malalim na tinig.

"Noted, Sir!"

Mabilis na umangat ang ulo ko dahil bakas ang pagkariin sa pagsasalita nito ngunit tuluyan na itong tumalikod at diretsong naglakad palayo kaya hindi ko na nakita ang mukha niya.

Pero ang kaniyang boses ay sobrang pamilyar sa akin.

Hapon na nang makauwi ako sa tinutuluyan kong apartment dahil sinamantala ko na ang araw para ma-orient sa bago kong posisyon.

Everything is fine since I'm a fast learner. Kaya nakuha ko agad ang mga dapat kong gawin.

Pagod akong humiga sa maliit kong kama at napatitig sa kisame. Hanggang ngayon hindi pa rin ako matahimik sa hindi malamang dahilan.

Napabangon ako sa kama nang makarinig nang sunod-sunod na katok mula sa labas ng pinto. Tamad akong bumangon at binuksan iyon kahit na nagtataka.

Wala naman akong inaasahang bisita at sa susunod na linggo pa ang bayaran ng rent.

Pagbukas ko, nangunot ang noo ko dahil wala namang tao. Unti-unting yumuko ang ulo ko at doon ko napansin ang isang basket.

I slowly bent my knees to see what was inside the basket as I saw a small card tied on the outside of the basket.

Inabot ko iyon at dahan-dahang binuksan kung saan nakita ko ang pangalan ko at may simpleng sulat.

"See you tomorrow, Fiona Elysse."

My head immediately lifted up trying to catch the person who left this but I saw nothing. A cold wind embraced me as my heart felt warm.

I was suddenly confused about this but seeing the letter it seemed like someone was waiting for me.

Bumuntong hininga ako at binuhat ang basket sabay pasok sa loob. Pero imbis na tingnan ang laman ay bumalik ako sa kuwarto ko at hinagilap ang phone.

I was about to call Dave if this basket is from him but then I realized, hindi rin naman siya aamin.

Pabagsak muli akong humiga sa kama at hinyaan ang sariling kainin ng antok. At hindi naman ako nabigo dahil unti-unting pumipikit ang mata ko at sinasakop ng dilim ang kamalayan.

Another day came. I was trying my best to do my job as a manager. It was not easy because I received a lot of complaints from other tenants just this morning.

"Gosh! First day ko pa lang ito na agad ang bumungad," I said to myself as I stood up.

Buti na lang talaga may experience ako bilang manager kaya kahit paano ay naha-handle ko ang lahat at maayos naman.

Wala si Dave ngayon dahil nasa business meeting sa labas. Nagkaroon din ako ng sariling opisina na halos katabi lang sa kaniya.

I walked straight to the front desk when I received a complaint from the lobby. Pero pagdating ko roon ay wala naman nang komusyong nangyari.

Nagtataka akong nilapitan si Jonalyn. Isa mga front desk staff member.

"Hello, good morning," bati ko.

Napabaling sa akin si Jonalyn at napakamot ng uo. "Ma'am, I forgot to inform you. Naayos na po namin."

My brows furrowed. "How? And what about the complainant?

"Eh, Ma'am, umalis na po iyong babaeng nagrereklamo dahil daw sa services natin online booking. Pero siya naman po iyong hindi nag-respond sa email for requirements kaya hindi namin na-address agad."

"Tapos?"

"Pumunta po rito nagagalit. Pero hindi naman po namin maintindihan kung bakit. Pero may sumundo na po sa kaniyang lalaki. Ang guwapo nga po eh," hagikhik nito kaya napalitan ng ngiwi ang ekspresyon ko.

Kalaunan ay napailing ako. "If that's the case you should pursue emailing the client. Baka naman hindi n'yo lang napansin—"

"Ma'am chini-check naman po namin maigi. Kaya sure po kaming hindi talaga nag-respond."

"Okay. Basta next time make sure na hindi na mauulit. Tayo ang mapapaglitan ni Sir Dave," sabi ko sabay tingin sa labas ng lobby.

"Sus, baka kami lang mapapagalitan, Ma'am Fiona. Hindi ka kasama roon," anito kaya napabaling ako muli sa kaniya.

"Ano?"

"Ay si Ma'am ang manhid," umiling ang ulo Jonalyn bago binalik ang kata sa screen ng laptop.

Hindi na rin ako nagtanong pa dahil sunod-sunod nang pumasok ang mga enquirers.

Huling pasada pa ang ginawang kong pagtingin sa buong lobby bago tumalikod pabalik sa opisina.

Ang dami ko pang aayusin na mga papeles.

Hindi ko namalayan ang oras dahil sa sobrang tutok kakaaral sa mga papeles. I was studying the hotel and I found something unattractive sa mga design dahil masyado ng makaluma.

Maybe I could suggest something to Dave.

Binitawan ko ang papel na hawak at sumandal ang ulo sa likod ng swivel chair sabay unat ng mga braso.

Ngayon ko lang naalala hindi pala ako nag lunch. Tumayo na ako at inayos ang laman ng bag kong dala dahil out ko na rin naman kaya sa bahay na ako kakain.

Mukhang hindi na rin pupunta si Dave.

Pagkatapos mag-ayos ay isinukbit ko na ang bag sa kaliwang balikat ngunit natigilan ako nang malakas na tumunog ang telepono.

I looked at my wrist watched and I still have 5 minutes. Inabot ko ang landline at sinagot ang tawag.

"Good evening, this is Ronquillo speaking—"

"This is Jonalyn, Ma'am. Sorry for the interruption but our guest in room number 041, fourth floor, complained about the unit. And he wants to talk to the manager."

"Hah?"

"We were already trying to talk to her but she refused. The guest wanted to talk to the manager."

I sighed. "Okay, okay. I'll address it."

Binaba ko na ang telepono at nagmamadaling lumabas ng opisina patungo sa 4th floor. Habang nasa loob, hindi ko maipaliwanag ang malakas na tambol ng dibdib ko.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang at tinahak ang palapag. Bumukas ang pintuan ng elevator kaya lumabas na ako dahil ako lang ang sakay.

Mabilis kong tinahak ang silid at nang matagpuan ito ay mabilis akong kumatok. Lumipas ang ilang minuto pero wala pa rin nagbubukas.

I tried to knock more as soon as the door immediately opened. I upped my gaze and shocked was written all over my expression.

My jaw dropped in surprise, my knees felt weak. And at the moment our eyes met my whole body quivered seeing him in front of me.

"Fiona..." he whispered breathlessly.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top