Kabanata 20
Kabanata 20
Shock
"Hindi ko nga po alam anong nangyayari sa kaniya. Maayos naman po kaming nakabalik no'ng umakyat kami ng bundok," sabi ko habang naghahalo ng kalamay sa kawali.
"Baka naman may problema? Nag-away ba kayo?"
"Hindi naman po. Sobrang maayos po kami kahit minsan hindi nagkakaintindihan. Tsaka hindi naman po siya ganiyan, h-hindi niya naman po ako natitiis noon..."
"Baka mga may problema lang. Nasubukan mo na bang tanungin?"
Napabuntomg hininga ako. Bumalik ang tingin ko sa laman ng kawali bago muling nagsalita.
"Ilang beses na po akong nagtatanong pero hindi niya sinasagot. Tsaka kagabi umalis siya tapos madaling-araw na umuwi. Tapos maaga ult umalis kanina. Gulong-gulo na ako kay Liam, 'Nay..."
"Subukan mo ulit kausapin mamaya, Fiona. Baka naman kulang sa lambing. Tamang-tama itong matamis na kakanin ay baka makatulong. Baka nakulangan ka sa tamis," tumawa ang ginang.
"Po?"
"Baka kulang sa lambing hija kaya nagtatampo. Alam mo kasi minsan ang mga lalaki ay hindi nagsasabi ng nararamdaman nila, kaya siguro nagpapalambing lang-"
"Hindi naman po siya ganoon. Sa totoo nga po siya itong madikit sa akin."
"Iyon na nga hija. Baka ikaw naman ang kailangan maglambing sa kaniya. Napansin ko rin noon na parang dumidistansya ka sa kaniya. Kinakahiya mo ba ang kasintahan mo?"
Namilog ang mata ko sa gulat ay mabilis na umiling ang ulo.
"Hindi po. P-Pero nahihiya po kasi ako minsan kapag may mga kasama kaming iba..."
"Edi kinakahiya mo nga siya? Baka dahil diyan kaya siya nagkakagan'yan?" Bumuntong hininga ang ginang. "Ayusin ninyo ang tampuhan hija. Hindi iyan pinapatagal dahil iba ang kakahantunhan niyan."
Baka iba ang kahahantungan niyan.
Those words repeatedly echoed in my head. Agad na naninikip ang dibdib ko dahil sa posibleng mangyari.
Hindi imposibleng mangyari.
Suminghap ako nang maalala ang palagi niyang kausap sa phone. Ang biglaang pagbabago ng mood niya. At ang madalas niyang paglabas-labas ng bahay.
Lihim kong naikuyom ang kamao dahil sa takot. Takot na magbago ang isip niya. Takot na baka mapagod na siya. At takot na baka bigla na lang siyang maglaho.
"Nay? B-Baka pagod na siyang sa akin kung kailan ako magiging handa..." usal ko.
"Handa saan?"
"Sa lahat po..." namaos ang boses kong nilingon ang ginang. "Ang totoo po kasi niyan, hindi po talaga kami mag... magkarelasyon," pagtatapat ko.
"Ano?!" tumaas ang tono ng boses niya kaya napapahiya akong tumitig sa ginang na magkasalubong ang kilay.
"Sorry po kung nagsinungaling kami. Hindi naman po namin intensyon na lokohin kayo. Nahihiya lang po kami kung sasabihin naming hindi..."
"Teka, naguguluhan ako. Kung hindi mo siya kasintahan. Bakit kayo magkasama? Sigurado ka bang hindi? Kitang-kita ang saya sa mga mata ninyo kapag magkasama kayo," puna pa nito..
Mapait akong napangiti nang mag-iwas ng mata sa ginang.
Nabalot kami ng katahimikan nang basagin ito ng matanda.
"Fiona, sabihin mo sa akin ang totoo. Hindi kita huhusgahan. Hindi namin kayo huhusgahan..."
My eyes watered unexpectedly hearing those words from the stranger. Mga kataga na pangarap kong marinig sa magulang ko kapag hinarap ko na sila. Kapag nagkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin ang totoo.
Manang Marites turned off the stove as she held my risk. Napalingon ako sa kaniya, nagtataka.
"Maaga pa naman. Kuwentuhan mo muna ako ng totoo. Doon tayo balkonahe masarap ang hangin," anito.
Hinayaan ko na lamang siyang hilain ako habang pilit kinakalma ang malalas na kalampag ng dibdib.
I-Ibang tao pa ang handang makinig para lamang sa nagawa ko.
"Makikinig ako, hija," sambit ng ginang nang makaupo kami kaya hindi na ako nagpigil pa.
Humugot ako ng hangin bago nagsimulang magsalita.
"Hindi po talaga kami magkarelasyon. Ang totoo po niyan... ikakasal na dapat ako sa kaibigan niya. F-Fiance ko..."
"Ano?! Susmaryosep kang bata ka!" gulat niyang reaksiyon.
"H-Hindi ko po inaasahan na hahantong kami sa ganito," usal ko habang nanginginig ang labi.
Mataman akong tiningnan ng ginang kaya unti-unting napawi ang kumpiyansa kong nararamdaman na hindi niya kami huhusgahan.
Pero sino nga bang hindi huhusga sa kagaya naming nanloko? And worst... doon pa sa taong walang ginawa kundi ang maging mabait sa amin.
Being in a relationship with Trevious is just a simple fine. We were happy, I am happy despite the fact that he prioritizes his work more than to me.
Parang okay lang sa akin lahat. Kung kailan siya magkakaoras. Kung kailan siya magpaparamdam. Okay lang lahat kahit ako na ang parating pumupunta sa kaniya, sa office niya para lang magkita kami.
But when Liam came into the picture, when he entered the situation... hindi kona alam. Para akong nangungulila bigla bagay na hindi ko matugma.
"Makikinig pa rin ako," mahinahong sabi nito kaya nag-init ang bawat sulok ng mata.
Humugot ako saglit ng hangin pampalakas ng loob bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"D-Dati ko pong kasintahan ang kaibigan ni Liam na si Trevious," panimula ko at hindi mapigilan ang panginginig ng labi. "Ilang buwan na lang po ikakasal na kami, pero hindi ko inaasahan na makakagawa ako ng kasalanan sa f-fiance ko..."
"Anong kasalanan, hija?" singit nito.
Hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng luha sa mata. Para akong bata na nagsusumbong sa magulang.
"M-May nangyari po sa amin ni Liam nang gabing nagkakasiyahan kami ng mga kaibigan ko. Madalas po namin gawin iyon pagkatapos ng trabaho. Inimbitahan ako ni Liam na kumain dahil niluto niya raw ang paborito kong pagkain."
"Pumayag ka?"
"Nay, hindi ko naman inaasahan na ganoon. Komportable po ako sa kaniya dahil nagtatrabaho ako sa restaurant niya. Bilang kaibigan na rin at respeto bilang boss ko ay pinaunlakan ko."
Sumulyap ako sa ginang na nakaawang ang labi.
"Hindi ko po inaasahan na ganoon. Nakainom po ako non eh."
"Pero hindi dahilan iyon hija para magloko ka," sabat nito.
"Kaya nga po hindi ko maipagtanggol ang sarili ko dahil alam kong kasalanan ko. Kasalanan kong bumigay ako, nawala sa tamang pag-iisip," sambit ko at tuluyan nang pumatak ang butil ng luha sa mata.
"Hindi ko po alam ang gagawin no'ng time na iyon. Si Daddy palaging wala, si Mommy may pinupuntahan din madalas. At kapag may pagkakataon na nagkaka-usap kami ni Mommy ay palagi niyang pinapaalala ang kasal ko..."
"Fiona... nasabi mo ba sa dapat na mapapangasawa mo ang lahat?"
Uniling ako.
"Natakot ako 'Nay. Natakot akong mahusgahan. Natakot ako sa mga posibleng kalalabasan."
"Ay talagang kakambal iyon sa nagawa mo hija. Pero dapat umamin ka pa rin—"
"Natatakot akong iwanan niya."
"Kung mangyayari man iyon mas mabuti pa ring nagpakatotoo ka. Ako rin Anak nagkasala kagaya mo. Nagtrabaho ako sa siyudad habang kasintahan ko si Tanyo. Nang mga panahong iyon wala akong magawa dahil kailangan kong kumita ng pera para sa pamilya ko. Si Tanyo nag-aaral pa at ayoko namang mahinto dahil sa akin. Kagaya mo bumigay din ako sa kapusukan.
"Ho?"
Malungkot itong ngumiti.
"Ganoon talaga hija. Hindi perpektong tao. Akala ko rin hindi niya ako mapapatawad kaya nakipagkalas ako pero iba ang nangyari, dahil sa kabila nang nagawa ko ay tinanggap niya ako. Pinilit naming mag-umpisa kahit na nagkaroon na ng pilas sa pagitan namin. Pero hanggang sa huli nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya," ngumiti ito.
"Ang swerte n'yo po."
"Sobra, hija. Kaya dapat inamin mo pa rin sa kasintahan mo. Dahil kung mahal ka niya, patatawarin ka niya. Hindi man ganoon kabilis pero darating pa rin ang panahon."
"Sobrang natatakot po ako no'n. Lalo na at magkaibigan sila. Kaya nang muling lumabas ng bansa si Ken, sabi ko pagbalik niya pipilitin kung aminin ang totoo. O kaya kapag tapos ng kasal. Pero..."
"Pero?"
"Unti-unti pong may nagbabago sa akin. Bigla akong naguguluhan sa lahat."
"Paanong naguguluhan, hija? Sige sabihin mo lang."
Sa muling pagkakataon ay humugot ang ng hangin. Sa kabila nang pangangatog ng mga binti ay nagawa ko pa ring ituloy ang magkuwento.
"Hindi ko po maipaliwanang 'Nay. Pero simula nang may nangyari sa amin ni Liam, h-hindi ko po maintindihan pero hindi siya mawala sa isip ko, sa sistema ko."
"Iniwasan mo?"
"Opo. nag-resign ako sa restaurant niya. Pero simula rin po no'n, hindi na ako mapakali. Para pong may kulang sa akin."
Umiling-iling ang ginang sa akin pero pagkuwa't ngumiti rin.
"Ano po bang dapat kong gawin? Nabibigatan na po ako sobra. Gusto ko na po talagang mabuhay ng payapa, tahimik at wala pong iniisip." sambit ko sabay yuko ng ulo.
"At kasama si Liam?"
Napaawang ang labi ko dahil sa komento ng ginang.
"Gawin mo kung anong tinitibok niyang puso mo. Siguro nalito ka lang dahil may kasintahan ka pero sa paraan ng pagkukwento mo hindi maitago ang ningning sa mata kapag binabanggit ang pangalang Liam."
"Nay..."
"Matanda na ako Fiona. Alam ko na ang gan'yan. Kaya sundin mo kung anong tinitibok ng puso mo. Minsan ka nang nagkamali, gusto mo pa bang maulit?"
"Hindi po."
"Edi kung ganoon, puntahan mo na iyong totoong gusto mo. Piliin mo. Mag-usap kayo at ayusin ang bawat isa dahil walang mangyayari kung magpapataasan kayo ng pride. At ang pinakaimportamte ay sabay ninyong pagsisihan ang nagawa ninyo. Sabay kayong humingi ng kapatawaran sa mga taong nasaktan ninyo. Dahil kahit malayo patuloy pa rin uusigin ng konsensiya dahil sa nakaraan ninyo."
"Nay..."
"Payong ina ito Anak. Naway makatulong. Ang sarap lang sa pakiramdam na tinawag mo akong nanay."
"Wala po kayong anak?"
Umiling ito.
"Siguro, kabayaran na rin sa nagawa ko. Pero ang suwerte ko pa rin dahil kahit hindi ko nabigyan ng anak si Tanyo ay hindi niya ako iniwan."
"Si Elias po?"
"Nakuh, anak iyon ng mayamang pamilya. Kaso madalas magtingo sa bahay dahil malapit sa kanilang lupain."
"Mayaman po?" namamangha kong tanong at mabilis na pinalis ang tumakas na luha.
"Oo. Pero hindi mo aakalain na ganoon dahil napakasimpleng bata kung mamuhay."
"Sino-sino po ba ang mga mayayaman sa lugar na ito?"
"Si Tanyo ang nakakaalam niyan hija. Pero ang alam kong pinakamatunog na pamilya sa buong Casa Valencia ay ang mga Salcedo, Galliego, Ravas at Rivero."
"Mukha nga po. Last name pa lang ramdam na ang kapangyarihan," sabi ko.
"Oo hija. Kilala talaga ang mga pamilya nila dahil sa yamang tinataglay. At ang bawat pamilya ay may kaniyang kanyang establishmento."
Napatango na lang ako at hindi ko na namalayan na unti-unti nang gumaan ang pakiramdam ko. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Oh ano okay ka na ba?" basta huwag kaligtaan. Ang pagkakamaling taos pusong pinagsisisihan ay papatawarin ng taong nagawan ng kasalanan," marahan niyang sinabi kaya hindi ko mapigilan ang sariling yakapin ang ginang.
"Opo 'Nay, salamat po..." I whispered with a bit of a dramatic tone.
At this moment, I felt a bit relieved. The heaviness on my chest lightened a bit when I told my story to her.
Para akong nagkaroon ng lakas ng loob na tuluyang harapin ang lahat.
After a couple of hours of storytelling and staying in Manang Marites house I finally decided to go home.
Hindi ko na rin pinalampas ang pagkakataon na magpaturo sa pagluluto ng mga kakanin.
I lowered my gaze and stared at the tupperware I was holding. May laman itong biko at maja blanca na sabay naming ginawa dahil masiyado kaming nalilibang.
"Mauna na ho ako—"
"Hindi Fiona. Pauwi na si Tanyo at magpahatid pauwi. Hapon na at baka abutin ka ng dilim sa daan," putol niya ngunit umiling ako.
"Hindi na po. Kaya ko naman po tsaka malapit lang naman po pala," pagtanggi ko.
"Ay hindi, hindi kita papayagan. Baka ano pang mangyari sa'yo. Ako na lang ang bahala kay Liam kung sakali mang magalit."
Slowly, my mood shifted in a sudden grief as I remembered what happened just this morning. Maayos pa kami kahapon kahit pano pero kaninang umaga hindi ko na siya maintindihan kaya humantong na naman kami sa pagtaas ng boses.
Pagkatapos ng maliit na sagutan namin bigla na lang siyang nagpaalam na aalis. Okay naman ang huling pag-uusap namin. Naging maayos din kahit na hindi kami nagkakaintindihan.
He apologized for what he did. For raising his tone to me, for questioning me and for doubting me. Maayos na kami roon.
Pero nang tanungin ko siyang kung bakit siya umalis ay bigla na naman nagbago ang mood niya na para bang ayaw niyang pag-usapan.
Hindi ko siya masisisi dahil kasalanan ko rin ang lahat.
Napabuntong hininga ako at tipid na ngumiti sa ginang.
"Sige po. Baka wala pa si Liam sa bahay. Umalis po kasi iyon. Ang sabi niya may susunduin siyag kaibigan," sabi ko.
"O sige maupo ka muna— ay teka, nandiyan na pala si Tanyo," aniya sabay lingon sa likurang bahagi ko kung saan makikita ang pataga na kalsada.
I smiled a little when we saw the taxi of Mang Tanyo.
"Salubungin ko na nga."
I just nodded to her as he walked fast toward Mang Tanyo's taxi. And I couldn't help but to admire them.
Despite Manang Marites imperfection, she was still genuinely accepted by Mang Tanyo. And I really admire it.
Their love is not just for a short time but eternal. Na kahit ano pang bagyo, sakuna, pagsubok ang dumating ay handa nilang harapin at patawarin ang bawat isa.
Napasinghap ako at napatingala nang naramdaman ang bumagsak na butil ng luha mula sa aking mata.
Sana nga maging totoo ang sinabi ni Aling Marites. Sana nga patawarin ako ng lahat sa nagawa ko.
Hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko kay Liam. Hindi ko na kayang hindi iparamdam na mahal ko na rin siya. Pero hanggat magulo ang situwasyon namin, kailangan ko munang itago.
Kung magsisimula man kami ulit gusto ko iyong hindi na ako magkakamali pa.
"Dito na lang po ako Mang Tanyo," sabi ko.
"Doon na kita ibaba malapit sa bahay ninyo."
"Okay na po ako rito. Konting distansya na lang ang lalakarin ko. Gusto ko rin ho makalanghap ng hangin sa ganitong patakip-silim," sabi ko habang nakangiti.
"Ah ganoon ba, ikaw ang bahala," anito at bumaling sa kaniyang harap ng sasakyan.
He unlocked the taxi door as before he glanced back at me. Ngumiti siya sa akin na ginantihan ko naman.
"Maraming salamat po sa inyong mag-asawa. Utang na loob ko po namin ang pag-agapay ninyo sa amin."
"Wala iyon, hija. Basta bago kayo umalis ay sabihan ninyo kami para magkaroon naman tayo ng konting salo-salo."
"Sige po, walang problema."
Nang tumango ang matanda at dahan-dahan ko nang binuksan ang pinto para makalabas.
Huling paalam pa ang ginawa ko bago sinara ang pintuan at sunod nang unalis ang matanda. Hinintay ko muna itong makalayo konti bago ako tumalikod at inumpisahan ang paglalakad.
"Liam? Puwede ba tayong mag-usap? T-Tungkol sa atin— gosh! What should I say to him? Paano ako magtatapat sa kaniya?"
I was talking to myself while walking and castigating myself. It's like I went back to my high school when I'm feeling crushed by someone ang planning to confess.
My goodness! Si Liam lang iyon! Don't be so nervous. Patuloy kong sermon sa sarili.
Suddenly, I stopped stepping when a cold wind embraced my body and made my hair messy at the same time my feather on my neck rose up for something.
Para akong niyayakap nang mahigpit. Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang yakap-yakap ang sarili. Umangat ang ulo ko at doon ko lang napansin na halos nasa bungad na pala ako ng bahay.
Dinama ko muna ang malamig na hangin. Para bang ayaw nito lumubay sa akin. Nangatog na rin ang binti ko sa lamig kaya muli akong nagpatuloy sa paghakbang.
But I heard a sudden piece of broken stuff fall somewhere because of a loud breakage in the surroundings.
Halos takbuhin ko ang natitirang distansya paakyat sa hagdan dahil baka si Liam iyon.
Malakas na tumatambol ang dibdib ko sa kaba nang makarating sa harap ng pintuan ng bahay. Tahimik kong binuksan ang pinto para isupresa si Liam.
Para masabi ko na ang nararamdaman ko sa kaniya. Napangiti ako ng malapad nang napansin ang pares ng sapatos sa harapan ko.
I slowly looked up as my eyes opened a bit in shock.
Gulat sa nakikita sa harapan ko.
Para akong nanigas, napako sa kinatatayuan ko. Naglaho ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pangingilid ng luha.
Dahan-dahan kong nabitawan ang dala kong tupperware na nagsanhi ng ingay sa paligid dahilan para mapalingon sila sa gawi ko.
"Fiona!"
Gulat. Gulat ang namumutawi sa pareho nilang mga mata.
Mabilis akong tumalikod at tuloy-tuloy na bumagsak ang butil ng luha sa aking mga mata. Parang pinipiga ang dibdib ko sa nasaksihan.
Sinubukan kong humakbang paalis ngunit miskin ang mga binti ko ay may sariling pakiramdam, namamanhid. Hindi makagalaw.
"Fiona, wait!"
And the sudden venting tears rolled down my cheeks as my heart skipped more in anguish feeling for what scene I saw that flashed back repeatedly on my mind.
Liam and Marice kissing each other. And I witnessed it with my two weary eyes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top