Kabanata 6
Kabanata 6
Hate
Kinaumagahan nagising ako dahil sa magaspang na kamay ang humahaplos sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat pero wala namang nandoon. Napatitig ako saglit sa kisame bago bumangon.
Mabigat ang dibdib ko at ramdam ko pa rin ang paninikip doon dahil sa nangyari kagabi. Inayos ko ang pinaghigaan ko at napatingin sa kabilang kama. Wala na roon si Jorus.
Naglakad ako patungo sa CR at aksidente kong namataan ang bulto niyang nasa kusina, nakaupo at sumisimsim ng kape. May hawak siyang brown folder. Ilang segundo ko lang siyang tinitigan at pumasok na sa loob.
"Papauwiin niya ba ako?" tanong ko sa sarili habang nakatitig sa sariling repleksyon sa harap ng malaking salamin sa loob ng bathroom.
Napahilamos ako ng mukha at ginamit ang unused toothbrush and toothpaste sa CR. While brushing my teeth, I couldn't help but to think about what happened last night. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali at bigla na lang siyang naging malamig.
I sighed heavily when I'm done cleansing myself. Lumabas na ako ng banyo at nagtungo sa kusina, nandoon pa rin siya at nakaupo.
I stepped forward as I spoke. "Good morning."
He didn't respond nor glancing even a quick. Lumabi ako at naglakad patungo ako sa kitchen stove as soon as he spoke, finally!
"Fix yourself now. You're coming with me," malamig pa rin ang tinig niya.
"Uuwi na ba—"
"No. Wear decent attire and we'll be meeting a client this morning."
Hindi na ako nagsalita pa at nagmadali na akong nagtungo sa dala kong bag at kumuha ng disenteng damit.
Naglakad ako pabalik sa CR at saktong lumabas siya mula sa kitchen. Nagkatinginan lang kami saglit bago niya ako nilampasan. Napabuntong hininga na lang ako. Parang hindi ako sanay na ganito.
_____
I busied myself in reading our proposal documents while waiting for the client. Nasa loob kami ng restaurant nang dumating ang breakfast meal na in-order ni Jorus.
"Thank you," sabi ko sa waiter na nag-serve.
Lumipad ang tingin ko kay Jorus na katabi ko lang pero ilang inches din ang layo namin. Sumisimsim lang siya ng kape nang biglang nagtama ang mata namin. Hindi ako nag-iwas ng tingin sa kaniya at sinalubong ang malamig niyang mga mata. Napalunok ako.
"After this meeting, you're free now. Since my friend couldn't come here yet, just stay in the meantime. And I will book another room so we can no longer stay in one room," seryoso niyang sinabi.
Tumango na lang din ako at hindi nagsalita. Akala ko pa naman makakasama ko siya sa buong linggo. Sabagay, mas okay na rin kaysa pakitunguhan niya ako ng ganito.
I sipped my hot coffe and after a couple of minutes our clients arrived. Tumayo si Jorus kaya tumayo na rin ako. Sinalubong niya ng magandang ngiti ang kanyang kliyente.
Dahan-dahan akong lumingon doon at napansin kong halos kasing tangkad niya ito at kung titingnan ay mukhang kasing edad niya lang din.
"Good morning, Mr. Galandez. It's my pleasure to have a meeting with you," ani Jorus at nakipagkamay.
"Thank you for granting me, Mr. Silverio," Mr. Galandez said as he glanced at me. "And you are?"
Napaayos ako nang tayo at sunod na naglahad ng kamay. "I'm Althea Buendia, Sir. Mr. Silverio's assistant. It's our pleasure to have a chance to engage with you..." I said mannerly and smiled sweetly.
Nakipagkamay sa akin ang kliyente pero ramdam ko ang paghihigpit nang hawak niya.
"Nice meeting you, too Miss Althea. I never thought that I could see a beautiful woman this morning," he said and it makes me blush a little.
Hindi ko mapigilan ang mahinang matawa. Minsan lang ako mapuri at maimpluwensyang tao pa. "Thank you Sir for the compliment..."
Binawi ko na ang kamay ko sa kaniya. Hindi pa rin napapawi ang ngiti sa labi ko nang lumingon ako sa gawi ni Jorus na walang ekspresyon ang mukha.
"Y-You may take a sit, Sir..." sabi ko sa kliyente.
Umupo na ito kaya umupo na rin ako.
"You may take your order first, Mr. Galandez," kaswal na ani Jorus.
Nakamasid lamang ako sa kaharap na kliyente habang binubuklat ang menu. Binalik ko ang tingin sa hawak na proposal at nire-relax ang sarili. I'm confident enough to represent our company but then...
"Miss Buendia, what do you want?"
Mahina akong napaubo dahil sa naging na 'yo ni Mr. Galandez. Napaangat ang ulo ko sa kaniya at hindi naitago ang gulat. Tumawa ito.
"Oh, I see..." nilingon niya ang lamesa na may pagkain na namin.
The client chuckled. "I'm fine with coffee," anito kaya mabilis na tumalima ang nakaabang na waiter.
Nabalot kami saglit ng katahimikan bago ito basagin ni Mr. Galandez.
"Let's start the meeting? Miss Buendia-"
Malakas na tumikhim si Jorus kaya nahinto ang sinasabi ni Mr. Galandez. Napalingon ako kay Jorus na hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha. Malamig pa rin.
"Excuse me, but Miss Buendia can you please get our documents proposal. I left it in our room."
Ngunit namilog sa gulat ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Nahimigan ko ang lamig sa tinig niya pero mas nakaagaw pansin ang huling sinabi niya. Our room!
"Hindi ba 'to, J- Sir?" tanong ko at pinakita ang hawak na folder.
He shook his head. "Nope."
Tumango na lang ako at alanganing tumayo. Nilingon ko ang kliyente na nakangiti pa rin pero may bahid ng pagkatataka sa kaniyang mukha.
"Kindly, excuse myself. I'll be back in quick." I said politely.
Hindi na ako naghintay ng sagot nila at dire-diretsong lumabas ng restaurant. Mabilis ang hakbang kong bumalik ng room na book namin at buti na lang ay walang sakay ang elevator kaya mabilis akong nakarating sa kuwarto.
Napatampal ako sa noo ko dahil hindi ko man lang naitanong kung saan niya nailagay ang sinasabing folder.
Naglakad ako palapit sa kama niya pero wala naman akong nakitang folder doon. Naglakad ako patungo sa kitchen at sinilip ang puwesto niya kanina pero malinis naman ang lamesa roon.
Napabuntong hininga ako at mabilis na dinial ang numero niya pero pabagsak na bumukas ang pinto at halos patakbo akong napatungo roon.
"S-Sir? Sorry po hindi ko makita..."
Nanginig ang kalamnan ko nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Nag-igting ang panga niya na para bang may ikinagalit.
Nagbaba ako ng tingin at hindi rin nakawala sa paningin ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Umangat pabalik ang ulo ko.
"S-Sir. Si Mr. Galandez-"
"Shut up, Miss Buendia!" mariin niyang sinabi at dire-diretsong naglakad patungo sa kama niya habang hinuhubad ang suot na black suit.
"Tapos na ba ang meeting, Sir? Ba't n'yo po iniwan ang kliyente? Should I go back there?"
Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik kaya naglakad ako palapit sa kaniya. Ngunit humakbang naman siya patungo sa veranda. He opened the sliding glass window and went out. Sinundan ko ulit siya.
"Sir, what about the meeting?" takang tanong ko, naguguluhan.
Nagulo ang maayos kong buhok dahil sa malakas na hangin ang sumalubong sa akin. Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso. "Jorus..."
Importante sa kaniya na ma-deal ang kliyente. Bakit niya iniwanan? Naguguluhan ako sa kaniya.
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin na malamig ang tinging ipinukol. Napaatras ako, napalunok. Tumaas ang kilay niya at umaabante palapit sa akin kaya napapatras ako lalo hanggang sa bumangga ang likod ko sa harang.
"Jorus..."
Nanginig ang boses ko dahil mas lalo pa siyang lumalapit hanggang sa tuluyan niya ako ma-corner.
Napakurap-kurap ako nang halos maramdaman ko na naman ang mainit niyang hininga na tumatama sa mukha ko.
Nag-igting ang bagang niya habang nasa magkabilang gilid ko ang kamay at seryosong nakatitig sa aking mga mata.
"Sir... 'yong meeting," sabi ko at hindi mapigilan mapatingin sa labi niyang pinasadahan niya ng kaniyang dila. I could even see the movement of his adams apple.
Napaatras ang ulo ko nang dahan-dahang lumalapit ang mukha niya sa akin at ilang pulgada na lang ay pakiramdam ko lalapat na iyon sa akin kaya napapikit ako.
My heart was beating so loud and fast and excitedly waiting for his lips to touch mine. But...
"Trabaho ang pinunta natin dito, Miss Buendia. Hindi paglalandi," malamig niyang bulong.
Napadilat ako at mabilis siyang umalis sa harapan ko. Napasinghap ako at napahiya dahil sa sinabi niya pero hindi nakawala ang pamamasa ng mga mata.
Payak akong natawa at tumingin sa kawalan. Paglalandi.
Hours had been passed. Lumabas si Jorus kanina pero ngayon hindi pa rin siya nakakabaik. Napatingin ako sa relong nasa pulsuhan ko at magtatanghali na.
Kinuha ko ang phone ko at nagtungo sa veranda. I tried to call him but he didn't answer his phone. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi na talaga ako pumayag.
Napakagat labi ako at sinubukan muling tawagan siya pero wala pa rin kaya si Ailyn na lang ang tinawagan ko at sinagot naman niya ito.
"Hello?"
"Ate Althea?"
Ngumiti ako. "Kumusta naman kayo? Anong ginagawa n'yo?"
"Ate kakauwi lang po nila Nanay galing hospital. Kaya inaayos ko ang mga nagamit. Si Nanay nagluluto si Tatay lumabas lang tapos si Marru naglalaro, gusto mo kausapin?" sunod-sunod niyang sinabi.
"Sige, Ai..."
Natahimik saglit sa kabilang linya kaya hindi ko mapigilang mangiti. Hanggang sa ilang minuto ang lumipas nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Marru.
"A-Ate ko! Miss you, miss you Ate ko. Uwi ka na po. Magaling na ako," sunod-sunod niyang sinabi kaya hindi ko mapigilang maluha.
"I miss you more, Marru. Promise pagbalik ko galing trabaho, pupunta tayo ng mall. Maglalaro tayo at kakain ng ice cream. Gusto mo 'yon 'di ba?"
"Opo, gusto ko po. Pero kahit wala na po lahat basta po nandito ka," anito.
"Malapit na Marru. Malapit na malapit na," madamdamin kong sinabi.
Lumingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas kaya agad kong pinatay ang tawag at lumapit doon. It was Jorus and next to him is a food server.
Dinaluhan ko iyon at tinulungan siya sa mga dalang pagkain patungo sa lamesa. Nang matapos ay umalis na rin ito. Hinanap ng mata ko si Jrous na nag-aayos ng gamit niya sa kama.
"K-Kain na tayo..." pagyaya ko habang pinapanood ang ginagawa niya.
He didn't respond again. He didn't bother to at least glance at me. Nanatili ako sa puwesto ko habang nakamasid sa kaniya.
Ang lapit lapit mo na pero hanggang ngayon hindi pa rin kita maabot. You're still unreachable, Jorus. I shook my head and smiled painfully as I turned my back.
I'm sorry baby. I couldn't fulfill your dreams.
Nagtungo ako sa lamesa sa kitchen at kumain mag-isa kahit walang gana. Pinilit kong makakain para kung sakali mang darating ang kaibigan niya ay aalis na ako. This moment is useless!
_____
Tinungga ko ang bote na may lamang alak habang pinapanood ang maraming taong nag-e-enjoy sa pagsasayaw. Napapangiti na lang ako dahi parang wala silang problema sa buhay.
I drank more and suddenly, someone appeared in front of me. Umupo ito sa harapan ko kaya pumungay ang mata kong nilingon ang taong iyon.
Naningkit ang mga ko sa kaniya at sinuri ang kaniyang pisikal. Matangkad, moreno ang balat. Ang a bit long side fade haircut, matangos ang ilong at nakangiti ang labi sa akin.
"You're alone, Miss?" he asked casually.
He looks friendly and respectful.
Tumango ako. "Oo, eh. Nagpapaantok lang ako babalik rin sa ako sa resort," sabi ko.
"You should stop drinking, Miss. you seem a bit tipsy now," he said with a hint of worry.
I chuckled. "Okay lang, sanay na ako sa alak..."
He sighed. "Okay. I will bring you to your room after, then."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Hindi na-"
"It's fine. I won't do something about you, no worries," he laughed gently.
Dinilat ko ang mga mata ko at tumitig sa kaniya. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan kaya tumango na lang ako.
"By the way, I'm Gino," pagpapakilala niya at naglahad ng kamay sa harapan ko.
Tinanggap ko iyon at tumango. "Althea."
Matapos makipagkamay ay nagpatuloy ako sa pag-inom. Wala naman akong gustong mangyari dahil gusto ko lang makatulog agad. And drinking alcoholic beverages will help me.
"Are you done now?"
Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Hindi talaga siya umalis mula kanina. Inaalok ko rin siya ng inumin pero ayaw niyang tanggapin kahit anong pilit ko.
"What floor?" tanong niya habang nakatabi sa akin.
Hindi niya ako hinawakan pero nakaantabay lamang sa gilid ko just in case na matumba ako. And the way he talks I can say that he is really good and a very kind gentleman.
Nang makapasok kami sa elevator ay sinubukan ko na siyang pabalikin sa restobar pero mapilit siya.
"I can handle myself now, Gino. You should go back there now..." pagtataboy ko.
He smiled. "Nah, I will be with you until you finally reach your room."
Hindi na ako nakikipagtalo pa dahil sa bahagyang pag-ikot ng paningin. Marami na rin ang nainom ko pero kahit paano ay nakakaya ko pa naman.
"Salamat, Gino..." sabi ko nang makaraing sa harap ng room namin.
Tumingin lang siya sa pinto na hinintuan ko pagkuwa'y tumango. "I have to go. It's nice to finally meet you, Althea."
Ngumiti lang ako sa kaniya at dahan-dahan na siyang tumalikod at saktong bumukas ang pinto ng kuwarto kaya napaigtad ako sa gulat.
Bumungad sa akin ang pawisan at hindi maipintang mukha ni Jorus pero nang dahan-dahang siyang lumingon sa hallway ay nakita niya ang papalayong bulto ni Gino. unti-unting napalitan ng malamig na ekspresyon ang mukha niya.
I blinked. "Mali ka ng iniisip-"
Tinalikuran niya ako at pumasok siya sa loob kaya sumunod na ako. Ininda ko ang pag-ikot ng paningin.
"Jorus..."
"Matulog ka na. Maaga kang uuwi bukas," simpleng sinabi niya.
Naglakad ako palapit sa kaniya kahit na malamig ang pakitungo niya. Nakatalikod siya sa akin habang nakatingin sa labas ng veranda pero hindi niya iyon binuksan.
Aalis na lang ba ako na ganito kami? Wala naman akong ginawa pero bigla-bigla na lang siya naging malamig. I hate him for making me feel this way! But... I won't deny the fact that I still do care for him.
"Jorus, bakit ka ba galit sa akin? Kahit hindi mo sabihin nararamdaman ko..." pumiyok ang tinig ko.
"I'm not mad. And I don't have the right to feel that," seryoso niyang sinabi.
"Eh bakit mo ako iniiwasan? Bakit ka malamig? You encouraged me to come with you. Yet, you treat me this way..." lakas loob kong sinabi.
Dala na rin siguro ng alak kaya nawala ang hiya ko sa katawan.
"Jorus..."
Pakiramdam ko ako pa rin 'yong musmos na batang nagmamakaawa sa kaniya.
He breathed out heavily. "You lied to me, Thea. and I hate it!"
"Hindi naman-"
"Really?"
He slowly turned on me as soon as his eyebrows furrowed.
Napaatras ako nang bigla siyang humakbang palapit sa akin.
"Oo-"
He smirked. "Then is it okay if I do this?"
Namilog sa gulat ang mga mata ko nang bigla niyang kinabig ang batok ko at siniil ng halik sa labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top