Kabanata 5
Obligasyon
Nakarating kami sa Palawan at diretsong nagtungo sa Villaruz resort sa receptionist area. Namamangha ako habang umiikot ang paningin sa buong resort. Kung sikat ang Palawan sa mga naggagandahang tanawin ay hindi rin papahuli ang resort na ito.
Humakbang ako palapit sa mga facilities na mayroon sila habang kinakausap ni Jorus ang empleyado sa front desk. At mas lalo akong namangha. They have restaurants, different types of pools, casinos, villas, and restobar? Napakagat labi ako dahil sa nabasa.
Akala ko ilang linggo akong mawawalan ng alak sa katawan.
"Thea..."
Napaigtad ako sa gulat dahil boses na bumulong sa tainga ko. At parang nanindig ang balahibo ko sa batok dahil sa mainit niyang hininga.
I slowly looked at him and I'm a bit tense. "B-Bakit?"
Napakamot siya sa kilay niya. "Uh, we'll stay in one room..." anito na mukha pang nag-aalinlangan.
"Huh?!" hindi ko napigilang magtaas ng boses.
Mahina siyang tumawa kaya napahiya akong yumuko.
"Kala ko nagpa-reserve ka na ng dalawang room?"
"Yeah, I did. But they didn't notice that their single room was already fully booked and the only available rooms are two bedrooms and a family room."
Napangiwi ako sa narinig at alanganing tumingin sa kaniya. M-Magsasama kami sa isang room? Napapikit na lang ako. "Ikaw bahala..."
Tumango-tango siya at bumalik sa harap ng front desk. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya na nakangiti habang kausap ang empleyado.
Tss. Napaismid na lang ako dahil halata naman na nagpapa-cute ang babae pero tuwang-tuwa pa siya. Pangit naman mukhang pato! Mahaba ang nguso!
Pero bakit ako noon? Kahit tingnan ay hindi niya magawa.
Binalik ko ang tingin sa sheet form sa tabi ko at pinag-aaralan kung saang lupalop ng direksyon naroon ang restobar. "Pupuntahan talaga kita mamaya..."
"Sinong pupuntahan mo?"
"Ay pato!" napasigaw ako sa gulat dahil sa pagsulpot niya.
Nilingon ko siya na medyo naiinis.
"Pato? A duck?" tumawa siya. "Ang gwapo ko namang pato," aniya pa kaya tumalikod na ako dahil nakaagaw ng atensyon ang pagsigaw ko.
"Hey-"
"Huwag ka manggugulat. Aatakihin ako sa'yo eh," sabi ko at naglakad na patungo sa elevator.
Tumawa lang siya at nagulat pa ako ng hawakan niya ang kamay ko at saktong bumukas ang elevator.
"Jorus..."
Napatikom ako ng bitawan niya rin pagpasok sa loob ng elevator at may mga sumunod pang sumakay kaya napaatras ako paligid at humakbang naman siya palapit sa akin kaya nagkabangga ang braso namin.
Napapikit ako dahil nandoon na naman ang bahid ng init na epekto niya.
"You okay?"
Nakagat ko ang labi sa dahil sa hininga niyang tumama sa mukha ko.
"O-Oo..."
Hindi na siya nagsalita pa at sunod na sumara ang elevator. Pigil ang paghinang ko habang katabi siya hanggang sa bumukas na ang pinto ng elevator kaya isa-isa nang lumabas ang lahat at pang huli kami.
Pinauna ko siyang maglakad at sumunod lamang ako sa kanya. Huminto siya sa pintong may numero 299 sa bandang dulo. Pinagmasdan ko lang siya na tinap ang keycard at awtomatikong bumukas ang pinto. Namangha ako nang nakita ang kalooban.
Dire-diretso akong nagtungo sa veranda at binuksan ang sliding glass window. Sumabog ang buhok ko na humarang sa mukha ko dahil sa malakas at malamig na hanging sumalubong.
Dumungaw ako sa ibaba at napanganga ako sa ganda ng view. "Ang ganda rito!" naisaboses ko.
Lumipat ako nang puwesto sa kaliwang side ng veranda at tanaw na tanaw ko ang mga villas. Seaside, frontside at ang mga taong nag-e-enjoy sa paglangoy sa tubig. Medyo madilim na pero hindi parin maitatago ang ganda ng view.
Napangiti ako. I wonder if Marru would like being here? Siguro kapag malaki na ang ipon ko dadalhin ko sila sa ganitong lugar. Pero ngayon, hanggang tree falls na lang muna kami sa Laguna.
Inayos ko ang nagulong buhok at hindi mawala ang ngiti sa labi. "Ang ganda rito..." paulit-ulit kong sinabi.
"Yeah..."
Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita kong nasa kabilang side ng veranda si Jorus. Pinagmasdan ko siya na nakadungaw din sa ibaba pero bakas ang ngiti sa labi.
Hindi ko inalis ang titig sa kaniya dahil ang presko niyang tingnan habang nilipad patayo nang malakas ang faded haircut niyang buhok na bumagay sa kaniya. Dahan-dahang siyang lumingon sa akin.
"The view is very pretty..."
Napalunok ako dahil nakatitig siya sa akin habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"You like the view?" marahan niyang tanong.
Tumango-tango ako at nilipat ang tingin sa harapan kasabay ng malakas na pagtambol ng puso ko. Pumikit ako at dinama ang malamig na hampas ng hangin sa mukha ko.
Maybe I should've enjoyed staying here with him for a short period. And took this chance to make him remember me, slowly. For my Marie's wishes.
Ngumiti ako. "Oo, maganda..."
"Yeah, parang ikaw..."
Napadilat ako ng mga mata at napabaling sa kaniya pero naglakad na ito papasok sa loob at naiwan, tulala, at pilit nirerehistro ang mga katagang sinabi niya.
"Thea, saan ka na naman ba pupunta?" angil ni Minerva sa akin.
Breaktime naman namin kaya okay lang.
Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong nagtungo sa College building. Nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa madaanan ang room nilang maingay. Bumagal ang hakbang ko hanggang sa makita siya sa kaniyang upuan. Tahimik at may nakasuksok na earphone sa tainga.
Napangiti ako. "Makita lang kita buo na araw ko..."
"Bata, nandito ka na naman?"
Napasimangot ako ng marinig ang sinabi ng kaniyang kaklaseng babae.
"Si Jorus ba hanap mo?"
Hindi ako sumagot at nagmamadaling umalis doon. Lumingon ako sa likod ko pero hindi na pala sumunod si Minerva.
"Asa naman siyang papasinin siya ni Silverio, eh, magaganda lang pinapansin no'n."
Inayos ko ang suot na salamin sa mata at pinilig ang ulo. "Maganda rin naman ako... sabi ni Mama ko," bulong ko at patakbo nang umalis sa college building.
Napabalik ako sa reyalidad at napailing-iling. Baka nga malaki na ang pinagbago ko ngayon. Hindi na ako ang High school student na stalker ng isang kolehiyo.
I blew out a loud breath as I slowly went back inside. Nakita ko siyang nag-aayos ng ibang dala namin kaya napangiti ako. I-enjoy ko na lang ang kasama siya.
___
"Jorus, ang dami niyan! Hindi ko mauubos!" pasigaw kong sinabi.
Malakas siyang tumawa kaya napasimangot ako. "You said, it's delicious?"
"Oo nga-"
"Then we'll eat this all..." taas kilay niyang sinabi at umupo sa lamesa.
Napangiwi akong nilingon ang plato kong puno ng pagkain at ang niluto niyang minudo. "Ang dami talaga nito..."
He chuckled. "Mauubos mo rin 'yan. Ako ang uubos kapag hindi."
Hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng mukha dahil sa sinabi niya. Umangat ang mukha ko sa kaniya na dahan-dahang sumusubo at nakangisi.
"Ang yabang. Mas masarap ako sa'yo magluto 'no!" asik ko at sumubo na rin.
"Really, huh?" pumungay ang kaniyang mga mata.
"Oo naman, 'no! Ako pa ba," pagyayabang ko.
"Then cook for me next time," paghahamon niya.
Tumaas ang kilay ko sa kaniya. "Oo ba! Makikita mo mas masarap ako magluto."
Tumawa ulit siya at nag-iwan ng mapaglarong ngiti sa labi. "Talaga lang huh. Let's see, then..."
"Bukas ako magluluto. Papatikim ko sa'yo ang niluluto ko kapag kasama si Marru. Ang siba kaya no'n kumain kapag ako nagluluto..." pagmamalaki ko.
Bumaba ang tingin ko sa plato at sumubo ng pagkain. Ngumuya ako at nakaw na tumingin sa kaniya na naging seryoso ang ekspresyon ng mukha. Nakayuko lang siya at parang dinadasalan ang pagkain.
"Hindi ka nasarapan sa luto mo?" nakangisi kong sinabi.
Tumaas ang kilay niya at dahan-dahang nag-angat ng tingin sa akin. Ngumuya siya sa kaniyang pagkain bago ito nilunok, nakita ko pa ang paggalaw ng adam's apple niya.
Hindi naalis ang tingin niya sa akin kaya unti-unting napawi ang ngiti ko sa labi.
Lumabi siya at sunod na nagsalita. "Who's Marru?"
Nataranta ako at hindi sinasadyang masagi ang basong nasa gilid ko kaya nahulog ito sa sahig at nabasag. Nabitawan ko ang hawak na kubyertos at mabilis na dinampot ang bubog sa sahig.
"Thea, stop!" medyo malakas niyang boses.
Hindi ako nakinig.
"Fuck. Thea, don't touch it..."
Napakagat labi ako dahil sa kapalpakan na nagawa. Pinulot ko ang bubog isa-isa ngunit bigla akong nagulat nang dumilim ang bulto niya sa harapan ko at dumaplis ang bubog sa daliri ko.
Dumiin ang kagat ko sa labi ko kaya halos masaktan na ako nang nakita ang lumabas na dugo sa hintuturo.
"Ang tigas ng ulo mo!" malamig niyang sinabi at hinawakan ang kamay ko at sunod akong hinila patungo sa lababo.
"Maliit lang 'to..." sabi ko at sinubukang bawiin ang kamay sa kaniya pero binuksan na niya ang tubig sa gripo at hinugasan ang kamay kong nabubog na may bakas ng dugo.
"I stopped you but you didn't listen," sermon niya.
Natahimik ako.
Hinugasan niya ang kamay ko at sinabon bago ito pinunasan ng tissue. Luminga-linga siya sa drawer sa kitchen hanggang sa makita ang first aid kit na nadoon. Hinila niya ako paupo at kinuha iyon.
"Maliit lang 'to-"
"Shut your mouth," malamig pa rin ang boses niya.
"Jorus-"
"One more word, Thea. You won't like what I will do," banta niya.
Umismid ako at hindi nagpasindak sa sinabi niya. "Maliit lang naman kasi-"
Namilog sa gulat ang mga mata ko nang biglang lumapat ang labi niya sa labi ko. Napanganga ako at naramdaman ko ang pagkagat niya sa labi ko bago dahan-dahang lumayo.
Natulala ako. H-He fucking kissed me. Iyong puso ko. P-Parang gustong kumawala sa dibdib ko.
"Edi natahimik ka. Go speak more I wouldn't hesitate to kiss you more..." napapaos niyang sinabi at tinuloy na ang paggamot sa maliit kong sugat.
____
Nakahiga na ako sa malambot na kama habang nakatitig sa kisame. Ilang oras na ang lumipas simula nang mangyari kanina ang ginawa niya. Nabalot kami ng katahimikan hanggang sa matapos kumain.
At pagkatapos maligo ay nagpaalam siyang lalabas pero ilang oras na ay hindi pa siya bumabalik. Napabalikwas ako ng bangon sa higaan nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.
Kinuha ko 'yon sa ilalim ng unan at agad na sinagot ang tawag nang nakitang si Ailyn iyon.
"Hello?" paos ang boses ko.
"Ate..."
"Marru?"
Humagikgik ito. "Anong oras na ah, ba't gising pa kayo?"
"Tulog na Nanay, Tatay. Dalawa na lang kami gising ni Ate Ailyn," ani Marru at mahinang tumatawa.
"Eh, ikaw, bakit ikaw hindi pa natutulog? Ayaw mo bang lumaki agad?"
"Miss po kita, Ate. Uwi kana po. May sinabi sa akin si Nanay..." napakunot ang noo ko dahil sa malungkot niyang boses.
"Kapag natapos na ako magtrabaho, uuwi na ako. Pero hindi muna ngayon huh?" sabi ko.
Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng butil ng luha sa mata.
"Kailan po-"
"Marru, bukas na tayo tatawag. May trabaho pa si Ate..." rinig kong suway ni Ailyn.
"Babay, Ate, I love you..." matamis niyang sinabi.
"B-Bye, Marru. I miss you too and I love you more baby-"
Nabitawan ko ang cellphone ko at napaigtad sa gulat nang malakas na sumara ang pinto. Napalingon ako roon at hindi inaasahan na nandoon na pala si Jorus. Hindi ko namalayan.
Tumayo ako ngunit naging malamig ang tingin niya sa akin. "Jorus. Saan ka galing?"
Pinasadahan niya lang ako ng tingin at dire-diretsong nagtungo sa veranda. Napakunot ang noo ko at dahan-dahang sumunod sa kaniya.
Anong nangyari do'n? Napailing na lang ako.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri habang naglalakad pasunod sa kaniya sa veranda. Naamoy ko ang usok ng sigarilyo na nauot sa ilong ko kaya napatakip ako ng ilong.
"Jorus..."
Napaigtad siya sa gulat at napatayo nang tuwid. Napansin ko pa ang pagtago niya sa hawak na stick ng sigarilyo.
"Go inside, Thea," kalmado niyang sinabi.
Naglakad ako palapit sa gilid niya at inagaw ang sigarilyong hawak. Hindi naman siya pumalag kaya lakas loob kong tinapakan iyon sa harapan niya.
"Hindi maganda ang epekto niyan sa katawan," sabi ko.
"Hindi rin maganda ang epekto mo sa'kin..." pabulong niyang sinabi kaya hindi ko masyadong narinig.
"Matulog na tayo. Maaga pa ang meeting bukas-"
"Ipapasundo na kita bukas dito. Ako na lang ang makikipagkita sa mga kliyente," seryosong sinabi niya.
"Bakit? W-Wala ka bang tiwala sa akin? Ni-review ko lahat ng interior design ng condominium natin, Jorus..." sabi ko.
Malalim siyang bumuntong hininga at umiling-iling. "I can do it. Fix yourself-"
"Ano bang problema mo? Ikaw ang pumilit sa akin na sumama-sama sa akin dito, tapos ngayon papuwiin mo ako ng gano'n lang?!" hindi ko napigilan ang sariling magtaas ng boses sa kaniya.
Ang hirap niyang spelingin. Napaka-unprofessional. Boss pa naman namin siya tapos ganiyan ang mindset niya.
He sighed heavily. "You lied, Thea. I hate liar!" mariin niyang sinabi.
Napalunok ako at parang may punyal ang sumaksak sa dibdib ko dahil sa sinabi niyang iyon. Pero hindi ko alam kung para saan iyon.
"Jorus..."
"Don't make me a cheater, Thea. Don't make me one!" malamig niyang sinabi at sunod na naglakad papasok sa loob at diretsong huminga sa kaniyang kama.
Napatitig lamang ako sa kaniya na seryoso ang mukha, pumupungay ang mga mata na para bang nakainom.
"Matulog ka na. Ayokong magkaroon ng obligasyon sa'yo."
"Matulog ka na. Ayokong magkaroon ng obligasyon sa'yo."
"Matulog ka na. Ayokong magkaroon ng obligasyon sa'yo."
"Matulog ka na. Ayokong magkaroon ng obligasyon sa'yo."
Parang sirang plaka iyon na nagpaulit-ulit sa pandinig ko. Napatalikod ako bigla at sunod-sunod na bumagsak ang butil-butil ng luha mula sa mga mata at parang pinipiga sa sakit ang dibdib ko.
A-Ayaw niya ng obligasyon...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top