Kabanata 29
Time
"Sinong nand'yan?!"
Nanginig ang kalamnan ko nang maglakad siya palapit sa pintuan ng silid na aking kinalalagyan. Pinilit kong huwag matapakan ang basag na base sa paanan ko.
Nakikita ko pa rin sa butas ang tahimik na paglabas ni Dos at Tres na sumenyas kina Ailyn at Marru na huwag maingay.
Unang kinuha ni Dos si Marru at tahimik na inilayo. Hawak naman ni Tres si Ailyn na tahimik na naglalakad ngunit...
"Who the hell are you?!" malakas niyang sigaw at nagpaputok ng gatilyo.
Nataranta akong binuksan ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan ko dahil kamuntikan ng matamaan si Ailyn buti na lang ay nahila siya ni Tres.
"Madam, sumuko ka na!" Dos voice boomed.
I was about to run but she suddenly spoke and it makes me freeze to where I'm standing,
"What are you doing here?!" sigaw niya sa akin at para akong kinapos ng hangin ng makita ang pagtapat niya sa akin nang hawak na baril.
"Oh fuck you, naisahan n'yo 'ko? Sino ang pumunta sa abandonadong building?!" malakas niyang sigaw na bakas ang galit.
"Mga pulis, Madam. Napag-alaman ang lugar na 'yon ay naging imabakan ng droga na halos Million ang halaga."
Namimilog sa gulat ang mga mata ko dahil sa mga nalaman.
"Sino kayong mga pakialamero?!" malakas niyang sigaw at sunod-sunod na nagpakawala ng bala ng baril sa loob ng bahay.
Narinig ko ang malakas na iyak ni Marru kung saan dahil sa mga nabasag na sa gamit sa gilid.
"Hindi na mahalaga 'yon, Madam. Ang mahalaga ay sumuko ka na. Naimbestigahan na ang nangyaring pagkamatay ni Senior Silverio at ikaw ang itinuturong suspek."
Susod-sunod na bumuhos ang luha ko dahil sa nalaman. Jorus' father died? Kala ko ba...
"Hindi ako susuko papatayin ko pa ang batang 'yan sa harap ng tatay niya!" malakas niyang sigaw.
"Why do you want to kill my son, Mommy?" Jorus' cold voice appeared and it made me gulp.
"Jorus..." I mumbled in fear.
"Fuck, buddy! Get out!" malakas na sigaw ni Dos pero hindi natinag si Jorus.
Namumula ang kaniyang mga mata at mababakas ang galit. "You killed my dad!" Jorus's mad voice thundered.
"Oh, son-"
His jaw tightened and his fist clenched. "I'm not your son!"
"Oh I really know that," tumawa nang malakas ang itinuturing niyang ina.
"Buds, go away," tinig ni Tres ngunit sa pangalawang pagkakataon hindi nakinig si Jorus.
"Why? We accepted you to our family. I treated you like our real mother," Jorus said.
"Family? Really Jorus? Your daddy didn't love me back!" she shouted.
"Daddy loves you-"
"Akala n'yo lang 'yon, pero hindi! Ginamit niya lang ako para kalimutan ang nanay mong namatay!" sigaw niya habang dinuduro ang hawak niyang baril sa harapan ni Jorus.
Kinakabahan ako para kay Jorus dahil pabigla-bigla niyang pinuputok ang gatilyo.
"Ginawa ko na lahat, makuha lang siya! Pinatay ko sa aksidente ang nanay mo pero kahit nawala na siya hindi pa rin ako magawang mahalin ng ama mo!" galit niyang pag-amin sa nagawa.
Nag-igting ang bagang ni Jorus at kumuyom lalo ang kamao. Pumatak ang kaniyang luha dahil sa nalaman.
"Nabuntis ako ng tatay mo at 'yon din ang araw na luimitaw ang Althea na 'yan na sinasabing nabuntis mo!"
"Anong kinalaman ng anak ko sa nangyari sa'yo?" bakas ang galit sa ,malamig na tinig ni Jorus.
Napailing ang ginang at hindi na rin napigilan ang maiyak.
"Wala naman akong hinangad na iba Jorus kundi magandang buhay para sa anak namin ng daddy mo. Unti-unti kong nararamdaman na may puwang na ako sa buhay ng daddy mo pero nabasa ko ang legacy ng pamilya n'yo na tumulak sa akin para gawin ang mga bagay na 'to!" hiyaw niya.
"Legacy?"
"Oo! Legacy ng walang kuwenta n'yong angkan!"
Natahimik si Jorus at mukhang palaisipan ang sinabi ng ginang.
"Na walang makukuha ang pangalawang asawa sa mga ari-arian at tanging bata lang. Noong una tanggap ko na eh, dahil mahal ko ang daddy mo. But damn that legacy! Dahil sa bastardo mong anak na lalaki wala pa sa kalahati ang mananahin ng babae kong anak dahil 80% mapupunta sa mga apong lalaki!"
Napasinghap ako.
"Kaya gusto mong patayin ang anak ko dahil sa pera?" hindi makapaniwalang ani Jorus.
"Oo! Naghintay ang daddy mo na lumabas ang bata upang ipa-DNA kahit puwede naman ng gawin kaya ginawa ko ang lahat. Mawala lang sa landas ang babaeng 'yan. Akala ko okay na dahil nagpanggap na nakunan. Binayaran ng daddy mo para matahimik alang-alang sa reputasyoin ng pamilya n'yo, pero hindi pa pala tapos... nag imbestiga ang daddy mo sa babaeng 'yan na pilit kong hinaharangan kaya pinilit ko ang daddy mong mag migrate sa New York pumayag siya dahil buntis ako pero nakunan dahil sa kapabayaan ng ama mo!"
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa mga nalaman. Ibig bang sabihin, alam niyang naging kalagayan ko no'n?"
"Hindi sapat na dahilan 'yon para pagtangkaan ang buhay ng anak ko! Ang dami mong pinatay!" malalim, malamig ang pinakawalang boses ni Jorus ngunit natinang ang ginang.
Malakas na tumawa ang babae kasabay nang mabilis niyang pagbaling sa akin na kinatulos ko sa kinatatayuan.
"Paano mo nagawa lahat ng 'yon mommy? Tinuring kitang totoong pamilya. Minahal ka namin ni Kuya. hindi ba naging mahala sa'yo lahat ng 'yon?"
Nagilid na rin ang luha sa mga mata ko nang umaalog ang balikat ng ginang at unti-unting binababa ang hawak na baril.
Sumalampak siya sa sahig at mahinang humagulgol. "Gusto ko lang naman ang mahalin ng ama mo-"
"Pero pinatay mo siya!"
"Dahil unfair siya! Unfair siya! He deserves it!"
Malakas na tumawa ang ginang at muling hinawakan ang baril at tinapat sa akin na walang pag-alinlangang ginalaw ang gatilyo. Para akong napako sa kinaroonan at hindi makagalaw.
"Ate!"
Mabilis na umalingawngaw ang putok ng baril ng ginang na tinapat sa akin kasabay ng pagtakpo ng katawan ni Ailyn na sumangga sa balang dapat ay para sa'kin.
"A-Ate..."
Natulala ako. Nanigas, hanggang sa sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko ngunit para akong tinatakasn ng kaluluwa ko nang makita si Ailyn sa harapan ko.
Lumuluha at may dugong lumalabas mula sa kaniyang bibig. Nanlamig ako.
"A-Ailyn...
"A-Ate... mahal na mahal kita. M-Mahal na mahal ko kayo..." nahihirapan niyang bigkas.
"Tulong! Tulong!" sigaw ko nang bumagsak kami ni Ailyn sa sahig habang nakayakap sa akin.
"Ai... Ailyn, gising," tapik ko sa mukha niyang pumipikit ang mata. "Tulong!" histerikal na sigaw ko.
"Ailyn gumising ka! Pupunta tayo ng hospital... h-huwag ka pipikit..." humagulgol na ako habang tinatapik ang kaniya pisngi.
"A-Ate si Nanay at Tatay... w-wala n-na..." putol-putol niyang wika.
Umiling-iling ako at mas lalo pang napahagulgol.
"Ailyn, d-dumilat ka please. D-Dadalhin kita sa hospital huwag ka na magsalita..."
"A-Ate... wala na sila..":
"Jorus, tulong! Tulungan n'yo kami!" halos maputol na ang litid sa leeg ko sa lakas kong sigaw.
Umangat ang tingin ko kay Jorus na nakahawak sa kaniyang braso at patakbong naglakad sa akin.
"Jorus dalhin natin si Ailyn sa hospital, please..." hindi ko na makilala ang sariling boses dahil sa paghikbi.
He nodded quickly. "We will..."
Sunod-sunod na naglapitan ang kaibigan ni Jorus habang may mga kausap sa kanilang mga cellphone.
"Ako na magbubuhat," ani Dos at kinuha sa bisig ko si Ailyn.
Mabilis ang naging galaw ng karamihan at natataranta na lang akong sumusunod sa kanila at namalayan ko na lamang na nasa loob na kami ng sasakyan.
"A-Ailyn, Ailyn, gumising ka. D-Sadalhin ka namin hospital..." pilit kong kausap sa kaniya habang matulin ang takbo ng sasakyan.
Malakas kong hinahagod ang kamay at tinatapik ang mukha dahil sa pumipikit niyang mga mata.
"Ailyn, h-huwag ka pipikit... pakibilisan please!" sigaw ko.
"Mama! Mama!"
Napalingon ako sa likuran ko nang nakita si Marru na umiiyak habang kandong ni Jorus na nakahawak sa braso niya.
"Mama, Takot M-Marru..." palahaw niyang iyaw.
"Sshhh. I'm sorry, nandito na si M-Mama..." my voice broke.
Niyakap ko si Marru at aksidente kong natingnan ang braso ni Jorus na may tali.
"Jorus..."
"Don't mind me, I'm fine..."
Hindi ko na malaman kung sinong titingnan sa tatlo. Si Marru patuloy na umiiyak. Si Ailyn pilit kong ginigising dahil sa pumipikit niyang mga mata. Si Jorus naman ay halatang nasasaktan dahil sa sugat niyang natamo braso at hindi alam kung saan galing.
Hindi ko maiwasang mapaisip dahil sa mga kaibigan ni Jorus na ilan lang ang sumulpot.
"Akala ko ba experto kayo?!" hindi ko maiwasang isumbat.
"Thea..." si Jorus.
"Nasaan kayo kanina, hah?! Kala ko ba walang masasaktan kapag sumunod ako?!" walang habis kong hiyaw.
"Thea calm down..." pakiusap ni Jorus.
"Sabi mo Jorus ekspreto sila bakit naman ganito?!" muling namalabis ang bagong luha mula sa aking mga mata.
"We're sorry, Miss," ani Tres.
"May magagawa ba ang sorry n'yo? Ang yayabang n'yo kanina magbigay ng instruction tapos kayo 'tong hindi gumalaw!"
Napabaling ako kay Ailyn na lumuluha at pilit ibaabot ang mukha ko. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamaay.
"N-Nandito lang si Ate..." lumuhos ako at niyakap si Ailyn na hinang-hina na.
"We did our best Miss Buendia. Hindi lang namin inaasahan na ganoon ang mangyayari dahil may mga biglaang tauhan ni Madam ang dumating. And if you're pertaining to Kwatro and Cinco they go to Laguna just to get your parents' dead bodies. And Tres and I were fighting all those guards outside," paliwanag nito kaya nabaling ako kay Dos na nagmamaneho. Hindi rin nawakawala sa paningin ko ang sugat niya sa mukha.
"A-Ate..."
Nilingon ko si Ailyn na halata ang panghihina.
"N-Nandito lang si Ate, n-nandito lang ako."
"M-Mahal na m-mahal ko kayo... Ate, pero h-hindi ko na kaya... inaantok na a-ako..."
"Ai! Ai! Hu... Huwag ka muna m-matutulog please... malapit na tayo sa hospital..." pakiusap ko.
"Ate i-itabi mo k-kami nila Nanay kay M-Marie ah?"
"Ailyn naman eh. Walang gan'yana! Malapit na ang pasukan n'yo. Pangarap mo pa makapagtapos, kaya gumising ka..." paulit-ulit kong pakiusap.
"Ate, s-sundin mo ang p-puso mo. kagaya ng habilin ng m-magulang natin huwag kang magtatanim ng g-galit kahit kanino," umubo siya ng pulang likido kaya kaya napayakap ako sa kaniya
"T-Tama na, serve your energy Ailyn..." pigil ko sa kaniya.
"M-Marru..."
"T-Tita Ate..." si Marru.
"Mahal kita ah? H-Huwag pasaway kay M-Mama at P-Papa mo ah? 'Di ba g-goodboy lagi d-dapat..." suminghap si Ailyn na para bang humugot ng hangin.
"Opo Tita. mahal po kita..."
"Ailyn please tama na... h-huwag ka na magsalita..." mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at humagulgol.
"M-Mallayo pa ba? Pakibilisan naman..."
"Malapit na, just calm down miss..." ani Tres.
"K-Kuya Jo-Jorus..." si Ailyn.
"Yes, I'm here..."
"A-Alagaan mo sila, Kuya... hu-huwag mo sususkuan si Ate k-ko..." pakiusap niya.
"I will not. Please serve your energy, we're almost there..." said Jorus as he caressed my back.
Hinaplos ko ang mukha ni Ailyn na may ngiti pa rin sa kaniyang labi. "Mahal na mahal ko kayo. P=Proud na proud ako sa'yo, Ate. magpakatatag ka pa, p-para kay M-Marru..."
Sunod-sunod siyang umubo ng pulang likido na dire-diretsong lumabas mula sa bibig at ilong niya.
"M-Mahal... ko k-kayo..."
"Ailyn! Hindi!"
"Nandito na tayo!"
Mabilis na pumarada ang sasakyan sa tapat ng hospital at si Dos pa rin ang nagbuhat kay Ailyn papasok at hiniga sa nakahandang hospital bed.
"Doc, paasikaso naman, parang-awa n'yo na..."
Tinakbo na si Ailyn sa emergency room sakay ng hospital bed. Ngunit hindi kami nakapasok dahil bawal na kami.
"Please iligtas n'yo ang kapatid ko..." paulit-ulit kong pakiusap.
Tumango ang doktora sa akin at dahan-dahan akong napadaos-daos paupo sa sahig.
"Lumaban ka, Ai..." mahinang bulong ko.
Mas lalong lumakas ang hikbi ko dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.
"Shit, Thea. stand up..."
Nilingon ko ang likuran ko nang makita si Jorus na naglalakad palapit sa akin hawak-hawak si Marru.
"Mama huwag na iyak po..."
Tumayo ako at mahigpit siyang niyakap. "K-Kumusta ka may masakit ba sa'yo? M-May sugat ka?"
Umiling siya. "Wala po, huwag na po kayo umiyak..." aniya.
Hinalik-halikan ako ni Marru sa mukha at medyo kumakalma ang sistema ko. Nilingon ko si Jorus na nahuli kong tulala.
Nillapitan ko siya at napayakap. He lose his daddy.
"I-Ipalinis mo muna 'yang sugat mo..." sambit ko sa malat na tinig.
He smiled lightly. "No, I'm fine..."
"Please Jorus, huwag na matigas ang ulo..." wika ko.
Tumango na lamang siya. "I'm sorry..."
Niyakap niya ako at saktong bumukas ang pintuan ng emergency room at lumabas mula sa loob ang doctor na nag-asikaso kay Ailyn.
"Kumusta po doc-"
"Wala na siyang pulso. Ginawa na namin ang lahat," malungkot na imporma ng doktora. "7:40 PM, time of death..."
Para huminto ang mundo ko dahil sa narinig. Tumahimik ang paligid ko. Sunod-sunod na pumatak ang luha sa mata ko at napahagulgol at parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang katagang sinambit ng doktora.
"7:40 PM, time of death..."
"7:40 PM, time of death..."
"7:40 PM, time of death..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top