Kabanata 28

Plan


Mahigit isang oras lang nang dumating kami sa Manila sakay ng chopper ni Jorus na pumarke sa rooftop ng malaking bahay.

Huminto na ang makina ng chopper kaya bumaba na ako at nilingon si Jorus na tahimik lang simula pa kanina.


"Kaninong bahay 'to?" bungad kong tanong.

"Mine. Penthouse," tipid niyang tugon.

Napatango lamang ako sa kanIya at sumunod sa paglalakad pababa ng rooftop. Namamangha ako sa nakikita pero hindi matawaran ang kabang nararamdaman ko.

"Some of my trusted friends are already here to help us with planning," aniya.

Bumababa kami ng hagdanan kaya hindi ko magawang lingunin siya.

"Eksperto na sila sa mga ganitong bagay kaya alam na nila ang dapat gawin," patuloy niyang pagsasalita.

"Ako pa rin naman ang pupunta 'di ba?"

"No."

Nagsalubong ang kilay ko. "Jorus-"

"Just listen to me, Thea. They offered to make a clone similar to yours so that you don't need to go there," mataman niyang sinabi.

"Pero Jorus ako nga ang kailangan para sa pamilya ko. Naiintindihan mo ba?" naiinis na ako dahil parang wala lang sa kaniya ang nangyayari.

"At sa tingin hahayaan kitang isakripisyo mo ang buhay mo do'n ng walang kasama?!"

Suminghap ako.

"Pero nakita mo naman ang text 'di ba? Ako lang ang pupunta. Walang kasama at walang pagsasabihan," pagkikipagtalo ko.

Sumakay kami sa elevator nang hindi ko namamalayan kaya napakurap-kurap na lamang ako nang makarating kami agad sa malawak na living roon kung saan may mga nagkukumpulang grupo ng kalalakihan.

"Finally, ang tagal n'yo buds!"

Sinamaan ko agad agad nang tingin ang lalaking may pulang buhok. Ano ba sa tingin niya? Nagte-teleport kami?

"Tssk," Jorus tsked. "So are you guys complete?"

"No, Uno is nowhere to be found. But we can do this," sabi ng lalaking blonde ang buhok.

"Sila ng makakatulong sa atin sa ganitong kidnapping-"

"Jorus, ako nga ang kailangan!" protesta kong muli.

Mariin kong tinitigan si Jorus kahit na umiigting ang panga na animo'y nauubusan na ng pasensiya.

"Hindi pa rin Althea. Mapapahamak ka," naging mahinanhon ang tinig niya kalaunan.

Imbis na kumalma ako at umiling-iling pa ako. "Pupunta pa rin ako sa lugar na 'yon sa ayaw at sa gusto mo!"

"Ba't ba ang tigas ng ulo mo?" angil niya.

"Eh ikaw bakit hindi ka makaintindi? Anak ko 'yong nandoon. Pamilya ko!" singhal ko rin sa kaniya.

"Huwag mong akuin Althea. Anak ko rin si Marru. At mas makakatulong kung may tulong mula sa eksperto!" mariin niyang sinabi.

"Nakakainis ka! Hindi ka ba nakakaintindi?!" sigaw ko sa sobrang inis.

He breathed out heavily. "Fine, gusto mong pumunta do'n? Sige!" aniya. "Pero kasama ako!" dugtong niya.

Napasinghap ako at inis na tumitig sa kaniya. "Ah ang tigas ng ulo mo hindi ka makaintindi!"

Halos mag histerikal na ako sa prustrasyong nararamdaman.

"Ikaw rin naman ah? Hindi mo makuha ang pinupunto ko!" ani Jorus.

"Oh wait, I've my small knife and dagger here, buddy," narinig kong malakas na pinagtatawanan kami ng mga kaibigan niya kaya napahinto kami sa pagsasagutan.

"Gago!" ani Jorus sa kaniyang kaibigan na muling nagtatawanan.

Inirapan ko si Jorus at nag-iwas nang tingin. Nabalot kami ng sandaling katahimikan sa malawak na espasyong kinaroroonan nang maramdaman ko ang kamay na humahaplos sa braso ko.

"Huwag na tayo mag-away please. Ililigtas natin sila. Magtiwala ka sa'kin..."

Hindi na ako umimik pa. Hinaplos-haplos ng kamay niya ang braso ko kaya para akong kumakalma kahit paano.

Pinisil niya pa ang palad ko nang muli siyang magsalita.

"What about Uno?" tanong ni Jorus nang balingan ang mga kaibigan.

"Just don't mind him, Rus, we can do this," saad ng isa sa mga kaibigan niyang berdeng buhok.

Jorus nodded as he glanced back at me. Nilingom ko rin siya at bahagyang tinaasan ng kilay dahil naiinis pa rin ako.

"Meet them, Dos, Tres, Kwatro, at si Cinco..." pagpapakilala niya habang isa-isang tinuturo ang kaniyang mga kaibigan na may iba't-ibang kulay ng buhok.

Hindi ko mapigilan ang mapahagalpak ng tawa dahil sa narinig. Mabilis na tumakip ang kamay ni Jorus sa bibig ko kaya napalingon ako sa kaniyang nakakunot ang noo.

"Stop laughing..." mariin niyang sinabi bago tinanggal ang kamay niya sa aking bibig.

Umismid lang ako sa kaniya bago tiningnan ang mga kaibigan niyang parang rainbow ang mga kulay ng buhok.

"Huhulaan ko kulay ng isa n'yong kaibigan," bigla kong sinabi.

Nagkatinginan sila bago kuryusong tumango. "Sure, Miss beautiful."

Humigpit ang hawak ni Jorus sa kamay ko kaya pilit ko iyong tinanggal.

"Alam ko kulay pink," sambit ko.

Saglit silang natahimik at umawang ang bibig pero kalaunan ay malakas na nagtatawanan. Pati si Jorus sa tabi ko ay natawa na rin.

"Why do you even think of that? Have you ever heard of Uno?"

Umiling ako. "Hindi. Pero sa kulay kasi ng mga buhok n'yo para kayong mga power rangers..."

Impit akong napangiti nang makita sila hindi nakapag-react kaagad hanggang sa tuluyan na akong napaghagalpak nang tawa.

"Pasalamat ka Miss, maganda ka..."

"Para akong nakakita ng anghel na tumatawa,"

"Ikaw lang yata ang tumatawang maganda pa rin-"

"Fuck you dimwit. Trabaho ang pinunta n'yo rito!" Jorus' voice thundered.

Iimbis na manahimik ang apat na lalaki ay tumawa na lang din ang mga ito na nagpagaan ng ambiance sa paligid.

Napkurap-kurap ako nang muli kong naalala ang sitwasyon.

"A-Ano na bang gagawin pala?"

Unti-unting napawi ang ngiti ko at bumalik ang pangangamba sa kalooban. Nawala ang ingay ng tawanan at saktong hinawakan ni Jorus ang kamay ko palapit sa kanila.

"Where's the text message?"

Nilingon ko si Jorus na tumango lang sa akin. Nanginginig ang kamay kong inabit ang cellphone ko na may mensahe at tinanggap iyon ng blonde ang buhok.

Tumayo naman ang lalaking pula ang buhok at nagtungo sa kalapit na lamesa at doon ko lang napansin ang nakapatong na laptop doon.

"Oh, there's a red dot on the place," sambit ni Tres na blonde ang buhok kaya lumapit ako sa kaniya.

"Paano 'yan?" tanong ko.

Saglit na tumingin sa akin si Tres at bahagyang kumindat.

"I saw you, Tres. Pupuruhan talaga kita d'yan!" ani Jorus.

Nakatitig lang ako sa screen ng monitor ng laptop nang nakita ang pulang bilog.

"Ano ibig sabihin ng pulang 'yan?" usisa ko.

"Tao," aniya.

"Huh?"

"Ibig sabihin may tao. It means nandoon nga sila..."

"Kung ganoon bakit hindi pa natin puntahan?" natataranta ako bigla at napalakas ang boses.

"Calm down, Miss. pinag-aaralan na namin ang lugar na 'yon. Hindi tayo puwedeng mag padalos-dalos. Maling galaw lang natin mapapahamak ang mga biktima," seryoso niyang sinabi.

Nanlumo ako sa nalaman at unti-unti kong na realize ang mga sinabi ni Jorus.

"Kung ikaw talaga ang kailangan nila, hindi idadamay ang pamilya mo dahil puwede ka namang direktang kunin," saad niya. "Anyway, may kaaway ka ba?"

Mabilis akong umiling. "Wala naman..."

"Nakakapagtaka, hindi naman nanghihingi ng ransom?"

"Wala, ang sabi niya lang ako lang daw ang pupunta roon para iligtas ang pamilkya ko," sabi ko.

Kumunot ang noo ng lalaki at dahan-dahan akong nilingon. Nanindig ang balahibo ko sa paraan ng pagtitig niya lalo na nang magsalubong ang kaniyang kilay.

"B-Bakit?"

"Nothing," bumalik ang tingin niya sa screen ng laptop na para bang pinag-aaralan 'yon.

Binalingan ko si Jorus na kausap si Dos na seryoso ang mga mukha at magkasalubong ang kilay. Napalunok ako nang dahan-dahan lumipad sa akin ang mata ni Jorus. Seryoso.

"Come here," simpleng saad niya kaya naglakad ako palapit sa kaniya.

"B-Bakit?" tanong ko nang makalapit.

"We can't trace the phone number," Dos said as he looked at me. "Anyway, be honest, have you deleted the message?"

Napakurap-kurap ako at mabilis na umiling. 'W-Wala..."

Kagaya ni Tres, tumaas din ang kilay ni Dos sa akin na pinagtataka ko.

"Why bud?"

"Look at the last message here, the suspect won't reply if you don't reply back. Or maybe there's another message arrived but deleted..."

Nangatog ang buong kalamnan ko nang sabay na lumingon sa akin si Jorus at Dos.

"Have you deleted some?" Jorus asked.

I was about to answer but we were interrupted by the loud ringing of the phone that echoed in the living room.

"It's Uno!" ani Tres.

Akmang lalapit ako kay Tres nang hawakan ni Jorus ang kamay ko at marahan akong hinila patungo sa gilid na medyo malayo sa kaniyang mga kaibigan.

Hindi ako makatingin sa kaniya ng maayos dahil natatakot akong malaman niya ang totoo.

"Thea, tell me, you replied and deleted a message?"

Napayuko ako at hindi sumagot.

"Please, tell me... I won't be mad. They're helping us. They're doing their best to save them," aniya.

"Jorus..." nangingilid ang luha ko.

"Sshh, it's okay, it's okay. Maliligtas natin sila."

"I'm sorry..."

Jorus hugged me tight as we heard a loud voice.

"Cinco!"

Mabilis na nag sitayuan ang mga kaibigan ni Jorus at sabay-sabay na humarap sa screen ng laptop. Nakuryos ako kaya akmang lalapit ako nang pagilan ako ni Jorus.

"No, they're having their meetings," sambit niya.

Lumingon ako sa kaniya at nagtaka. "Meetings?"

He nodded. "Yup... are you tired? You can rest for a while-"

"No, ililigtas pa natin sila. Matagal pa ba?"

"Nagme-meeting na sila kaya panigurado na a-action na sila."

Napatango na lang ako at kahit paano ay nabawasan ang kabanag nararamdaman ko dahil sa mga taong ginagawa ang makakya nila.

"Are you still mad at me?"

Napatingala ako ng ulo sa kaniya at umiling. "Hindi naman ako galit. Sobra lang akong nag-aalala. Sorry..."

"I'm sorry, too... I didn't mean to say all those words..."

Tumango lang ako at tipid na ngumiti. We hugged each other as we both understand why we were fighting at this moment.

"Buds, come here," ani Dos.

Sabay kaming lumapit sa kaniya ni Jorus pero pinahinto niya ako kaya si Jorus lang ang mag-isang lumapit sa kanila.

Naiwan akong nagtataka nang maglakad patungo sa akin si Kwatro na luntian ang buhok.

"Hi, I'm kwatro..." aniya kaya tumango ako.

"Kung walang batang involved, we can do this without talking with you, but when Uno loses his son, he always moves carefully..." sabi niya. "So-"

Tres' words got interrupted when we heard Uno's voice.

"Tito Senyor Silverio, is in the hospital!"

"T-Teka nasa hospital ang daddy ni Jorus?" gulat kong sinabi.

Tres nodded. "He got poisoned by someone."

Napalingon ako kay Jorus na parang hindi malaman ang gagawin. Nilapitan ko siya at tinapik-tapik ang kaniyang balikat.

"Puntahan mo na ang daddy mo..."

He breathed frustratedly "But... Marru-"

"'Di ba sabi mo mapagkakatiwalaan ang mga kaibigan mo?"

Tumango siya.

"Kung ganoon, hayaan mo silang gawin 'yon."

"I want to come with them," he mumbled.

"Just visit your daddy, buds. Kami ang bahala sa anak mo..."

"You can come with me-"

"Hindi na Jorus," napailing ako.

Hindi na rin siya namilit dahiL alam niyang masama pa rin ang loob ko sa pamilya niya.

"Don't worry buddy, wala kaming gagawin sa kaniya..."

Wala ng nagawa si Jorus kundi ang tumango dahil sa naging kalagayan ng daddy niya. He was even hesitant to leave but still, his daddy needs him because his brother is in the province.

Jorus hugged me before she went out.

"So, Miss, here's our plan..."

"Teka, p-paano n'yo nalaman?!" bulalas ko.

Umawang ang labi ko habang nakatingin sa kanila.

"Just do what we are instructed, okay? Jorus didn't know about this so we are planning to record everything, alright?"

Napatango na lang sa kanila kahit na nalilito.

"Eh paano 'yong abandonadong building? 'Di ba may tao do'n?" takang tanong ko.

"That was also part of the plan, Miss. you shouldn't always listen to what someone tells you," pangaral ni Dos kaya napatango na lang ako.

Kaniya-kaniya silang pumuwesto kung saan at tahimik na naglakad. Ako naman ay pumasok sa isang kuwarto sa baba na mukhang stock room pero may butas iyon sa gitna upang makita ko kung sino ang papasok sa main door.

Sabi nila may access ang taong 'yon dito dahil tiwala sa kaniya si Jorus kaya hinayaan siyang maglabas-masok.

Halos pigil ang paghinga ko habang nakasilip sa butas at makalipas nga ang halos sampong minuto. Dahan-dahan na bumukas ang pintuan ng penthouse ni Jorus.

Lumukob ang sobrang galit sa dibdib ko nang hindi nga ako nagkamali. Ngunit agad akong nanlumo nang makitang hawak niya si Marru na mukhang takot na takot.

Hinagilap ng mata ko sina AIlyn, Nanay at Tatay pero wala sila. Gusto ko nang lumabas sa kinaroonan ko pero ang sabi nila isang minuto pa bago ko gawin. At maling galaw ko lang ay posibleng may mapahamak.

Dahan-dahang siyang umupo sa malaking sofa at maya-maya pa ay may pumasok na dalawang lalaki at hawak-hawak nito si Ailyn na puro pasa ang mukha.

Napatakip ako ng bibig dahil sa hikbing gustong kumawala.

"Upo!" kumulob ang kaniyang boses sa loob ng living room.

Kitang-kita ko ang pag-alog ng balikat ni Marru at pag-agos ng kaniyang luha mula sa kaniyang mga mata.

Tinulak ng lalaki si Ailyn paupo sa sofa na katabi ni Marru. Parehong may takip ang bibig.

Lumabas ang dalawang lalaki at sumara ang pinto.

Gusto ko nang lumabas sa kinaroroonan ko. Gusto kong takbuhin si Ailyn at Marru, ngunit may nakatutok sa kanilang baril. Hindi ko alam ang gagawin.

"Hihintayin lang natin ang uto-uto kong anak, para sabay-sabay na kayong mamamatay. Paniguradong pinagpipyestahan na ang katawan ng Althea na 'yon ng mga tauhan ko..."

Tumawa pa ito ng malakas ng napagtanto ang balak niya sanang mangyari sa'kin.

Napaatras ako dahil sa paninikip ng dibdib ngunit aksidente kong nabangga ang isa sa mga flower base kaya nagdulot ito ng ingay dahil sa pagkabasag.

"What the hell?! Sinong nandiyan?!" malakas niyang sigaw at tinutok ang hawak na baril sa pintuan ng kuwarto.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top