Kabanata 24

Shock


"Marru sigurado ka bang sasama ka?" paniniguardo ko.

Tumatango-tango siya at malapad na ngumiti.

"Opo, Mama. babalik naman po kami kaagad, eh," seryosong aniya.

Ngumuso ako at napatango na lang dahil sa gusto niyang mangyari. Hindi naman na siya naghahabol sa akin at siguro nga nakasanayan na niya talaga sa Laguna.

Kaya kahit medyo matagal na rin kaming nandito ay naninibago pa rin siya at gusto pa ring ang manatili sa Laguna.

Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siyang mahigpit na para bang ayokong kumalas. "Basta huwag pasaway ha? Hihintayin ko kayong bumalik."

Humagikgik siya. "Ikaw po hindi ka sasama?"

I shook my head as I kissed his forehead. "Hindi muna 'nak, tsaka na lang. Basta tandaan mo mga habilin ko ah? Huwag magpasaway."

"Opo, Mama. mag-ingat ka rin dito. Mamimiss kita Mama! Mamiss ka namin!"

Marru clung to my neck and hugged me tight. Umangat ang tingin ko sa magulang kong nakatingin din sa amin.

"Mag-iingat kayo do'n, Nay, Tay. Pasensya na rin dahil gustong sumama ni Marru..." sambit ko bago kumalas sa bata.

"Mas gusto nga namain 'yon, Thea. Kasama namin ang apo namin, babalik naman kami kaagad kapag naayos na namin ang mga dokumento ng bahay. Mga isang linggo makakabalik kami..." ani Nanay kaya tumango ako at sunod silang niyakap.

"Thank you, Nay, Tay, sa lahat..." pumiyok ang boses ko at hindi napigilan ang maging emosyonal.

"Wala 'yon, Thea. Basta mag-iingat ka palagi. Nawa'y dumating ang panahon na matuto kang magpatawad at sumubok muli. Huwag kang matakot anak. Dahil ikaw ang pinakamatapang na taong kilala namin," ani Nanay kaya nangilid ang luha sa mga mata ko.

"Proud na proud kami sa'yo, 'Nak..." si Tatay. "Sa kabila ng nangyari sa'yo, nandito ka pa rin, matatag at patuloy na lumalaban. Hiling ko ang 'yong kaligayahan sa darating na bukas. Mag-iingat ka palagi, aking panganay..." mahabang lintaya ni Tatay.

Mahigpit akong yumakap sa kaniya at hindi na napigilan ang pagbagsak ng butil-butil na luha.

'Kayo rin, 'Tay. Mag-ingat kayo roon. Maghihintay ako sa inyo..." wika ko at kumalas.

Tiningan ko ang magulang ko na namumula ang kanilang mga mata at bakas na rin ang luha.

Sunod kong sinipat nang tingin si Ailyn na bakas ang malapad na ngiti sa labi. Her eyes twinkled as she was staring at me.

"Ailyn, tatawagan ko kayo palagi ha? Mag-text ka kapag nakarating na kayo ro'n," sabi ko.

"Opo, Ate. Mag-iingat kami at ikaw rin. Sana maging masaya ka na. Sa lahat ng nangyari sa'yo, deserve mong maging masaya. At alam naman natin na..."

"Hay naku, ikaw talaga! Tsaka na 'yan, tutulungan pa kitang mag-aral," putol ko sa kaniya.

Naging emosyonal ang tagpong 'to bago sila tuluyang naglakad pasakay ng bus. Nakangiti ako habang nakatitig sa kanila ngunit hindi rin napigilan ang muling pagpatak ng luha.

Nakatiitg lamang ako sa kanila nang tuluyan silang makasakay ngunit agad akong napatakbo sa hindi malamang dahilan.

Umakyat ako sa loob ng bus at nagpahabol ng yakap sa magulang ko. They're the best parents for me. They didn't judge me when I got pregnant at a young age.

Instead, they help me to stand and learn from all the mistakes I've made. Hindi nila ako iniwan kahit nalugmok kami dahil sa nagawa ko.

"Mag-ingat po kayo, Mahal na mahal ko kayo..."

Lumipas ang ilang minuto. Bumaba na ako ng bus at kumaway pa sila sa akin bago tuluyang umandar paalis ang kanilang sinakyan.

Hinintay ko muna 'yong makaayo bago ako tumalikod at diretsong nagtungo sa paradahan ng mga tricycle umuwi sa bahay ng mag-isa.

Kinabahan ako bigla nang nakitang bukas ang pintuan ng bahay. Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala akong makitang ni isang kapitbahay.

Napalunok ako nang ilang beses bago ko nilakasan ang loob na humakbang palapit sa bahay at dahan-dahang pumapasok. Ngunit napahinto ako nang marinig ang malakas na tawa ng pamilyar na tinig mula sa...

Patakbo akong pumasok sa loob ng bahay at laking gulat ko nang makita siya.

"A—Anong ginagawa mo rito?" bulalas ko.

Nangilid ang luha lo nang bigla siyang lumingon na akin na bakas ang ngiti sa kaniyang labi habang hawak-hawak ang luma kong c-cellphone na pinaayos ko kamakailan.

"Bakit na sa'yo 'yan?"

Tumayo siya at mabilis na tumingala. Doon ko lang napansin na medyo namumula ang kaniyang mata.

"I... I just investigated what happened to you before and then I found out why you are in that mall..." sagot niya nang bumaba ang ulo.

Napatitig ako sa hawak niyang cellphone na naka view sa mga videos na kinuha ko noon.

"Hmm... kinuha ko na lang repair shop dahil naayos na nila. Medyo nahirapan lang daw sila kasi ayaw mong ipa-reset ang laman kaya umabot ng isang buwan," patuloy niyang sinabi.

"T-This is the reason why you're crying when I broke it when we were in P-Palawan?" namalat ang kaniyang boses at bumakas ang pagsisisi.

Napakagat labi ako at dahan-dahang lumapit sa kaniya at nanginginig ang mga kamay na kinuha ang phone ko na agad naman niyang binigay.

"Hmm... I didn't finish watching all the videos. Is she's Marie?" pumiyok ang kaniyng boses.

Nilingon ko siya at tumango-tango sa kaniya. Tipid siyang ngumiti habang namumungay ang mga mata na mukhang pagod na pagod.

"Anong ginagawa mo rito?" bigla kong naalala.

He suddenly yawned. "Can I rest first? I—I don't have sleep yet..."

Biglang nakaramdam ng naninikip ang dibdib ko nang sabihin niya 'yon. Dahil kahit hindi niya man aminin ay mahahalata sa mukha niya.

"Bakit hindi ka natulog?"

Muli siyang humikab at tumango. "I just take a nap for 30 minutes—"

"Bakit? Anong bang ginagawa mo?!" inis kong reaksyon.

Napaawang ang labi niyang tumitig sa akin pero kalaunan ay ngumisi na para bang natutuwa.

Napaiwas ako ng mata sa kaniya ng ma-realize ang naging asal ko.

"I'll take a rest first. Please wake me up if our son already arrived at Laguna," napapaos niyang sinabi.

Parang may mainit na humaplos sa puso ko nang marinig iyon mula sa kaniyang bibig. Hindi ako umimik hanggang sa mapansin ko sa sulok ng mata ko ang dahan-dahan niyang paghiga sa matigas na mahabang upuan.

"Jorus hindi ka kasiya d'yan. Masyado kang malaki—"

"Just a nap Thea. I will find some place later..."

"Place? Bakit? Ano bang ginagawa mo rito? Baka sundan ka ng pamilya mo Jorus..." kabadong wika ko.

Muli siyang humikab at bumaling sa akin. Pansin ko rin ang naglalakihan niyang eyebags na mukhang hindi lang isang araw na pagkakapuyat.

"I left our home, Thea..."

My eyes widened in shock. My mouth opened a bit as I blinked repeatedly.

"Bakit?"

He sighed. "Do you think I can still stay in our home after what I've found out? I may not know everything in the beginning, but I'm still hurt knowing that I abandoned someone in my past. I'm also hurt, Thea. I couldn't stop blaming myself for my stupidity!" he bursted.

Tuluyan nang namalabis ang luha ko at nakaramdam ng konsesiya.

"I—If I just knew it early..." his drop of tears fell and it made me gasp.

Napadiretso ako nang tayo nang bigla siyang bumangon kasabay nang pamimilog ng mga mata ko.

"Jorus!"

"Please... I couldn't stop myself anymore. How many months pa Thea?"

Bumuka ang bibig ko ngunit walang lumabas na salita.

"I can wait you 'til you feel healed and ready. But Thea, nanghihinayang ako sa bawat araw na lumilipas... It's just one month but it feels like it's a decade already..." puno ng pagsusumamo niyang wika.

Napakurap-kurap ako. "Jorus—"

"Just one chance, Thea. Promise I won't waste it..."

Napakagat labi ako nang mahimigan ang purong senseridad sa kaniyang boses. Naglakad ako palapit sa kaniya at dahan-dahan siyang inalalayan makatayo mula sa pagkakaluhod.

"Please, baby. I miss you..."

Umupo siya sa mahabang upuan habang pumipikit-pikit ang inaantok na mga mata.

Hinaplos ko ang mukha niya at parang may kumurot sa kalooban ko habang nakamasid sa kaniyang pisikal.

"Magpahinga ka muna," sambit ko.

Pinipilit niyang imulat ang mga pagod na mata. "But..."

"Matulog ka muna—"

"Hmm... I don't have my sleeping pills with me, I might encounter a nightmare again."

"Bakit na naman? Bakit ka ba talaga gumagamit no'n?" kuryoso kong tanong.

Hindi siya umimik. Napabuntong hininga ako hanggang sa maalala ang mahimbing niyang tulog nang magkatabi kami sa Palawan.

Tumayo ako at sinundan niya iyon nang tingin. Lumungkot ang mga mata niya nang akala niyang aalis na ako pero hinawakan ko ang kamay niya at pinatayo.

"Doon ka na sa kuwarto magpahinga," imporma ko.

"No need—"

"Huwag na makulit, ah! Tatabihan kita!" inis kong sinabi.

His eyes broadened as his adam's apple moved. "R—Really? You're not mad anymore?"

I breathed. "Hindi naman ako galit Jorus. Nagpahinga lang ako at nag-iisip. Hindi ako galit."

He chuckled. "Fine. Where's your room?"

Nag-init ang mukha ko dahil sa maduming bagay na pumapasok sa isipan. Pinilig ko ang ulo at niyaya na siyang umakyat sa hindi kataasan na hagdanan naming kahoy.

Nang nakapasok sa kuwarto ay napangiwi ako dahil sa hiya.

"Pasensya na maliit lang...." halong pabulong kong saad.

"It's okay kasya tayong dalawa."

Normal naman ang pagkasabi niya pero iba ang naiisip ko.

"Osige na humiga ka na—"

"Akala ko tatabihan mo ako?" taas kilay niyang sabi.

.

"Oo na nga!"

Nag-iwas siya nang tingin ngunit may bakas ng multong ngiti sa kaniyang labi. Napunok ako dahil sa sobrang pag-iinit ng mukha.

BinalingaN ko siya nang makita kong naghubad siya bigla ng pang-itaas na saplot kasunod ng faded jean na suot, kaya tanging boxer short na lamang ang natira.

"Bakit ka naghubad?!" nataranta kong untag at mabilis na tumalikod.

Malakas siyang humalakhak at maya-maya pa ay naramdaman ko pa ang yabag niyang papalapit sa akin. Napasinghap ako at naninindig ang mga balahibo na animo'y may kaluluwang yumayakap sa akin.

""You still look innocent despite what happened to us, huh?" pang-alaska niya. Nanatiling tikom ang bibig ko.

"You want me to take away-"

"T-Tumahimik ka nga, Jorus! B-Baka palayasin kita sa bahay namin!" singhal ko.

Biglang nag-init ang buong kalamnan ko nang maramdaman ang pagbuga niya ng hangin na tumatama sa batok ko. Nangatog ang mga binti ko.


"Correction... bahay natin," napapaos niyang bulong.

Kumunot ang noo kong nabaling sa kaniya. Misteryoso lamang siyang nagpakawala ng ngiti sa labi bago kinabig ang balakang ko kaya halos mapasubsob ako sa kaniyang matikas na katawan.

"J-Jo..."

Para akong natutuyuan ng laway sa lalamunan dahil sa posisyon namin. I could smell his manly scent that is indeed enticing.

"Stop biting your lips, Thea..." marahan niyang bulong.

"Bakit ba? Labi mo?" angil ko.

"Hindi. Pero baka hindi ko mapigilan ang sarili kong kagatin din 'yan," natatawang niyang sinabi.

"Ang manyak mo! Matulog ka na nga! Sinisira mo ang araw ko!"

He laughed more. "Let's cuddle together."

"Anong cuddle ka d'yan? Sasamahan lang kita matulog 'no!"

"Fine," he snorted. "Pasalamat ka wala akong lakas ngayon-"

"Heh! Tumahimik ka na nga! Matulog ka na marami tayong pag-uusapan paggising mo," seryoso kong sinabi.


"Yes, Ma'am!" aniya sabay kabig sa baywang ko kaya sabay kaming napahiga sa kama.

Bumagsak ako sa kaniyang hubad na katawan. Mabilis na yumapos ang braso niya roon kaya hindi agad ako nakaalis.

Nabalot kami nang katahimikan sa loob ng silid. Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo sa kaniya at nakita kong nakapikit na siya.

I gently removed his arms on my waist but he moved. "Don't..."

"Hindi ako aalis."

Lumuwag ang pagkakayapos niya sa akin kaya lumipad ako sa tabi niya. Nakapa ko ang phone sa na nailagay ko pala sa bulsa ng pantalon na suot.

Dinukot ko 'yon kasabay nang paggalaw ni Jorus patagilid ang muling yumakap sa akin. Hindi pa nakuntento at sumiksik pa sa leeg ko.

"I miss your smell..." paanas niyang bulong.

May kiliting gumapang sa sistema ko pero ininda ko na lamang 'yon hanggang sa naisipan kong panoorin ang mga video recording na kinukuha ko noon kay Marie.

"Mama!"

My tears feel as I heard Marie's lively voice on the video. Humigpit ang yakap ni Jorus sa akin.

"She's pretty like you..." bulong niya.

Nangilid ang luha ko at tipid na ngumiti bago in-off ang cellphone. Nilapag ko 'yon sa kama at napatingala sa kisame.

Payapa. Payapa ang pakiramdam ko habang nasa tabi si Jorus. I won't deny the fact that despite the wickedness that happened my love for him didn't fade.

"Ayaw na kita ligawan, Thea," bigla niyang sinabi.

My heart tightened in fear. Napagod na ba siya? Sumusuko na ba siya? Ganoon lang kadali lahat sa kaniya? I sighed.

"E-Edi huwag-"

"'Cause I wanna marry you... now," dugtong niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top