Kabanata 22

Let go


"Fuck it! Fuck it!" Jorus cursed again and again.

Patuloy na namamalabis ang luha ko nang mag-angat ako ng ulo sa kaniya. Namilog sa gulat ang mata ko nang nakitang duguan na ang kaniyang kamao.

Patakbo akong lumapit sa kaniya ay pinipigilan ang kaniyang ginagawa.

"T-Tama na..." pumiyok ang boses ko at sinubukan tingnan ang mukha niya.

Nanatili siyang nakayuko habang mabibigat ang paghinga. Sandali akong napatitig sa kaniyang kabiyak na wangis. Namumula ang kaniyang mukha habang nakakuyom nang mariin ang kamao.

Napalunok ako at dahan-dahang bumaba ang mata sa kamay niyang nagdurugo. Napakagat labi ako at mabilis siyang hinila patungo sa kama.

"S-Sandali kukuha ako ng first aid-"

"I'm... I'm sorry, Thea. I-I'm sorry... hindi ko a-alam, hindi ko m-matandaan, hindi ko m-maalala lahat. I was so drunk, I-I'm so sorry..." nabasag ang kaniyang boses.

Napasinghap ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko habang hawak-hawak ang dalawang kamay na may bahid na ng pulang likido.

"F-Forgive me, forgive me, Althea. F-Forgive my family..." paulit-ulit niyang sambit.

Dahan-dahan akong napayuko at muling namalabis ang panibagong luha. Umangat ang mukha niya sa akin na basang-basa na rin.

"P-Patawad..."

Hinila ko ang kanang kamay kong hawak niya at mabilis na pinalis ang luha sa mga mata. Ramdam ko na rin ang pamumugto nito at paghapdi.

After a couple of minutes, I looked back at him and I smiled thriftily. I bent my knees a bit as I helped him to get up, but he refused.

"T-Tumayo ka na..."

Umiling-iling siya. "P-Patawarin mo a-ako..."

Nag-init na naman ang bawat sulok ng mata ko nang madama ang sinseridad sa kaniyang boses. Tinangka ko muli siyang itayo na agad naman siyang sumunod.

Umupo siya sa kama at hindi binitawan ang kamay ko. Napaiwas ako nang tingin dahil sa nakikitang kalagayan niya.

Tumalikod ako ngunit mabilis niyang hnila ang kamay ko kaya napaupo ako sa kandungan niya. Hinang-hina na rin ako pero sinubukan ko pa ring tumayo, but he suddenly hugged my waist.

"A-Anong dapat kong gawin, Thea? S-Sabihin mo lang, gagawin ko..." namamalat niyang sinabi.

Dumiin ang mukha niya sa likuran ko at mas hinigpitan ang yakap sa akin na para bang ayaw akong pakawalan.

"P-Please, babawi ako sa lahat. Sa lahat ng panahon-"

"Hindi na kailangan Jorus," agap ko. "I-I just want want you to visit Marie..."

Napayuko ako sa magkahalong saya at lungkot. Masaya dahil matutupad na ang pangarap ni Marie pero malungkot din dahil sa paglalaro ng tadhana sa amin.

Nabalot kami ng katahimikan sa loob ng silid at tanging mabibigat lang na paghinga namin ang maririnig.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.

"A-Ano pa?"

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya at mabilis na tumayo. Humugot ako ng hangin bago siya binalingan.

"That's all I want Jorus, ako ang bahala kay Marru..."

'What do you mean?" kumunot ang kaniyang noo.

"Lalayo kami-"

His brows furrowed. "That's no, Thea!"

Napaatas ang boses niya at mabilis na napatayo at diretsong lumapit sa akin. "Please, no, nandito na ako Thea. Hindi na ako aalis," he begged. "H-Huwag naman ganito..."

Nangingilid ang luha ko at umiling sa kaniya.

"Anak ko rin si M-Marru, h-hindi n'yo kailangan lumayo. Papanindigan ko kayo..."

Napaluha ako. "P-Pagod na ako Jorus, gusto ko munang matahimik..."

"I'll make you rest then-"

"Hindi gano'n..." putol ko.

His eyes blinked. "What is it?"

Napalunok ako sa sariling laway. "I... I want you out in our life, Jorus..."

Napatitig ako sa kaniya na bumakas ang gulat sa mga mata habang umiling-iling ang ulo.

"What? You're kidding right?"

"Hindi."

He let out a small chuckle. "You're just kidding. Sasabihin mo ang totoo tapos aalis kayo?"

I sighed.

"G-Ginawa ko lang 'yon para kay Marie, h-hindi ko naman ipagdadamot si Marru sa'yo kung gusto mo siyang makita."

"Pero bakit ka lalayo? Bakit? Bakit Thea? Akala ko ba mahal mo ako?"

Napaiwas ako nang tingin sa kaniya. Hinawakan niya ang mukha ko at pilit itong hinaharap sa kaniya.

"Nakakapagod Jorus..."

"Thea, I'm really sorry..." he whispered.

Nanghina ako nang pagdampiin niya ang tungki ng ilong namin habang nakatitig sa mata ng bawat-isa na bakas ang hinagpis.

"Nakakapagod kang mahalin, Jorus. Ang hirap-hirap mong a-abutin, eh..."

Marahan niyang hinahaplos ang mukha ko.

"H-Hindi mo na ako kailangan abutin, Thea. Mahal kita..."

Napailing-iling ako sa kaniya at sinubukang lumayo ngunit mabilis niyang siniil ng halik ang labi ko habang patuloy na lumuluha.

"Jorus..."

"Mahal kita, Thea, maniwala ka. Hindi dahil nalaman ko ang nakaraan, hindi dahil may anak tayo-"

"Ayoko na..."

"I love you, I love you, please give me a chance to prove myself..." he begged.

Napapikit ako nang muling dumampi ang labi niya sa akin. "Please, para sa anak natin, Thea..."

Mahina akong napahikbi nang marinig ang katagang 'yon mula sa bibig niya.

Makalipas ang ilang minuto nang maghiwalay ang labi namin. Hindi niya pa rin ako pinakawalan.

"Baby, please, just one chance..." ulit niyang pakiusap.

"K-Kung mahal mo ako hahayaan mo kaming umalis, hahayaan mo kaming lumayo..." sambit ko.

He blinked as if he didn't believe me.

"T-That's hard..."

I smiled at him painfully. "If you really love me, let me go... Let us go, Jorus..."

Kumurap-kurap ang kaniyang mga mata habang pinpahiran ang luha sa aking mga mata.

"No, no, iba na lang please. Iba na lang ang hilingin mo."

I tilted my head. "That's what I want..."

"I... I can't let you go," he whispered.

"Hindi mo ako mahal-"

"I love you!" he asserted.

"Then let us go, Jorus. Let us go. Pagod na ako..."

"Please iba na lang..." pagsusumamo niya.

Umiling-iling ako at sinubukang makawala sa kaniya. Gusto ko muna talaga lumayo sa lahat. Hindi ko akalain na ganito kabigat kahit na nailabas ko na lahat.

"F-Fine... if you really want that. But can I still see Marru?" he asked hopingly.

"O-Oo..."

Agad niya akong siniil ng halik sa labi na para bang inaakit ako. At makalipas ang ilang segundo ay hindi ko na rin napigilan ang sariling humalik pabalik.

We kissed each other with feeling longed as our tears continued streaming down. And after a couple of minutes, we parted.

"Can you please tell Marru that I'm his father?" aniya.

"S-Sige..."

"Thank you, Althea. I love you..." pumiyok ang kaniyang boses at unti-unti nang lumayo sa'kin.

Inayos niya ang magulo kong buhok at pinunasan ang matang bakas ng luha. We stared at each other for a couple of minutes, at parang may sariling buhay ang kamay kong yumakap sa kaniya.

Tahimik akong napahikbi nang yumakap pabalik ang braso niya habang pinapaliguan ng halik ang ulo ko.

"Aayusin ko ang lahat, pangako..." bulong niya.

Napatango na lamang at hindi na nagsalita pa. We stayed hugging each other for a moment. At kahit paano ay parang pinapawi nito ang bigat ng pakiramdam ko sa mga nagdaang taon.

Makalipas ang ilang minuto sabay kaming napakalas nang may kumatok mula sa labas ng pintuan.

Nagkatinginan pa kami ni Jorus at marahan niyang hinaplos ang mukha ko at napatingin sa kamay niya, tuyo na ang bakas ng dugo.

"M-Maghuhugas lang ako. Baka si Khian na 'yon..." aniya.

Napatango akong tumalikod sa kaniya at naglakad naman siya patungo sa banyo.

Walang pag-aalinlangan kong binuksan ang pintuan at tumabad nga sa akin si Khian na nakangiti. Bumaba ang tingin ko sa katabi niyang si Marru na may hawak na bola ng basketball at pawisan.

"Marru..."

"Mama," tawag niya nang mapaangat ang tingin sa akin.

"Kumusta ka?" tanong ko.

He smiled. "Okay naman po. Naglaro po kami ni Tito Khian," humagikgik pa ito. "Ang dami ko pa lang Tito, Mama."

Nilingon ko si Khian at tumango lang siya. Bintawan niya ang kamay ni Marru. "Kiddo, next time maglalaro ulit tayo, huh?"

"Opo," ani Marru.

Tuluyan nang nagpaalam si Khian kaya hinila ko si Marru papasok ng kuwarto. Sinarado ko ang pinto at saktong tumunog pabukas ang pintuan ng banyo.

"Mama? Bakit po may pula ang damit n'yo?"

Instead of answering his query, binuhat ko siya at sinampa sa ibabaw ng kama. Ngumiti ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"May sasabihin ako sa'yo, ah?" panimula ko.

Marru glanced at me with his questioning looked. I wiped his sweaty forehead as soon as he nodded slowly. Narinig ko na rin ang yabag ni Jorus na papalapit sa amin.

"'Di ba gusto mo na makilala ang Papa mo?"

"Papa?"

Tumango ako. "Totoo n'yong Papa..."

"Handa na po kayo? Hindi na po kayo iiyak?" paninigurado niya.

I couldn't help but stare at Marru. Napansin ko rin ang bumalatay na pagkislap sa kaniyang inosenteng mga mata.

"Pero... kailangan natin lumayo, Marru..." dagdag ko.

"Bakit po? Sino po ba talaga ang Papa namin? Ayaw niya po sa atin kaya tayo aalis? Kapag umalis po tayo wala pa rin akong Papa?"

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging reaksiyon niya.

For the past years he didn't ask about anything, I don't know what he wants to know. Dahil aminado akong na kay Marie ang buong atensyon ko noon.

"S-Si Manong po ba ang Papa ko? Nakita ko po siya sa ibaba kanina. Ayaw niya po ba sa atin? Ayaw niya po sa amin ni Marie?"

Mabilis akong umiling sa kaniya. "Hindi siya, Marru..."

Nangingilid ang kaniyang luha nang bigla siyang napatayo. Namula ang kaniyang mga mata at nabitawan ang hawak na bola.

"K-Kung ganoon, Mama, si P-Papa Jorus ang tunay kong papa?" mababakasa ang kagalakan sa kaniyang tinig.

Napatango ako.

Tuluyan nang namalabis ang luha ko at hindi na napigilan ang maging emosyonal. Marru run towards me as he hugged me tight.

"S-Sabi na po siya talaga ang Papa ko eh..."

Mahinang humikbi si Marru sa bisig ko nang biglang sumulpot ang baritonong boses mula sa likuran ko kaya napaangat ng ulo ang bata.

"P-Puwede rin ba akong m-makiyakap?" muling nabasag ang tinig ni Jorus at patakbong lumapit sa kaniya si Marru.

"P-Papa ko..." iyak ni Marru.

"S-Son. You're really mine..."

"S-Sabi na po i-ikaw ang papa ko eh..."

Dahan-dahan akong napalingon sa mag-ama na magkayakap. Somehow I felt a massive ecstacy seeing them for accepting the truth.

"P-Panong ako-"

"Kasi po, malakas po ang tibok ng puso ko nang nakita kita kausap si Mama. hindi naman po ganoon ang naramdaman ko kay Manong," ani Marru.

Napakagat ako ng labi nang marinig 'yon. Pinanood ko lang sila dalawang nag-uusap.

"I love you, son, Babawi si Papa, ha? Babawi ako sa lahat..." Jorus muttered as he showered a kiss Marru's face.

"Mahal din po kita Papa..."

Natapos ang ilang oras na dramahan. Nakatulog si Marru pagkatapos, dahil sa dami ng luhang naiyak niya kanina.

Kahit ako ay pagod din ang mga mata ngunit hindi ako puwedeng matulog dahil nasa biyahe na kami papunta sa Laguna.

After the revelation, hindi ko na nakita ang ama at kapatid ni Jorus at hindi na rin ako nagbusisi pa. Kaya imbis na patagalin ang araw ay niyaya ko na siyang bisitahin si Marie at pumayag naman siya.

Sabi ko kumuha na lang siya ng driver dahil mukhang kulang pa rin siya sa tulog pero hindi siya pumayag.

Napalingon ako sa labas ng bintana ng sasakyan habang tinatanaw ang mga nadadaanang bukirin nang bigla siyang magsalita.

"You can take a nap, Thea..."

"Hindi na malapit na tayo," tugon ko.

Nabalot kami nang katahimikan sa loob ng sasakyan hanggang sa tuluyan namin marating ang sementeryong kinaroroonan ni Marie.

Nagising na rin si Marru kaya agad kaming lumabas. Naglakad na kami papasok, patahak sa puntod ni Marue hanggang sa matapat sa harap ng kaniyang lapida.

"Baby girl..."

Dahan-dahan napaluhod si Jorus hawak-hawak ang mayabong na bulaklak. Nilapag niya iyon sa tabi ng lapida bago hinaplos ang pangalang nakaukit doon.

Marielyn Buendia.

Pumatak ang butil ng luha ko nang makita ang pag-alog ng balikat ni Jorus. Akala ko lahat ng lalaki tigasin at hindi marunong umiyak. Pero nagkamali ako.

He may be sometimes cold and unreadable but who'll know that he has this weak personality. He looks fragile right now.

"I'm sorry, baby girl... nahuli si Papa. nakalimot si Papa, patawad..." sunod-sunod niyang sinabi.

We stayed for a moment in Marie's grave until we felt a surprising cold wind embraced us. Nabaling ako kay Marru na nakayakap sa sariling katawan at naglakad malapit kay Jorus.

Jorus glanced at me as I averted my gaze to look back at Marie's grave. My tears fell as I realized, maybe... It was Marie embracing us.

Niyakap ko ang sariling katawan habang nilipad nang malakas na hangin ang itim kong buhok. Tumingala ako kung saan dumidilim ang langit at naramdaman ko ang maliit na patak ng ulan.

Napasinghap ako at nangilid ang luha sa mga mata. "Baby girl..." I muttered as I felt a small soft palm touching my arm.

"Mama, uulan na po..." si Marru.

Huminga ako nang malalim bago binaba ang ulo sa bata at tumangong nakangiti. "Uwi na tayo?"

"Opo," tugon niya.

Hinaplos ko ang kaniyang buhok at humakbang palapit sa lapida ni Marie, I bended my knees a bit to touch her engraved name.

"I love you so much, baby Marie. Natupad ko na ang wish mo. Sana masaya kana kung nasaan ka man. Mahal na mahal ka ni Mama, mahal na mahal ka namin."

"Mahal ka namin kambal," si Marru.

I heard Jorus clearing his throat. I looked at his direction. Dadan-dahan din siyang lumuhod ulit at hinaplos ang pangalan sa lapida.

"Papa loves you too, baby Marie. Hindi man kita naalagaan, pero pangako, iingatan ko ang Mama at kapatid mo..." puno ng sensiridad niyang sambit.

Tumayo ako at tuluyan nang namalabis ang luha sa aking mga mata habang nakatitig sa mag-amang magkayakap.

__

"Please, take care of them..." Jorus said to the pilot.

"Yes, I will Mr. Silverio." Pormal na sagot nito.

Tumango si Jorus bago kami nilingon ni Marru. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa amin at lumuhod sa harap ni Marru.

"P-Papa... sama ka na po sa'min..." si Marru.

Napalabi ako at nag-iwas ng mata sa kanila ngunit nakatuon pa rin ang pandinig sa dalawa.

"May-aayusin pa ako, 'Nak. Pero susunod ako," naninigurado niyang wika.

"Kailan po 'yon? Matagal na naman po ba?" lumungkot ang tono ng boses ni Marru.

Jorus chuckled."Kapag okay na ang Mama mo."

"Mama hindi ka po okay? May sakit ka po ba?" biglang saad ng bata.

Bumaba ang tingin ko sa bata at umiling-iling.

"Basta susunod ako, hah? Hihintayin mo ako 'di ba? Ako lang ang Papa mo 'di ba?" ani Jorus na bakas ang panghihina.

"Oo naman po!"

Bumaba ang tingin ko sa dalawang magkayapos na naman at kumalas din. "Mag-ingat kayo ro'n ha? Huwag pasaway..." bilin niyang sinabi sa bata.

"Opo, Papa. Good boy ako."

Tumango si Jorus at rektang tumingin sa akin. Lumapit siya ng husto at halos kapusin ako nang hangin nang ilang dangkal na lang ang pagitan ng mukha namin.

"Mag-ingat kayo ro'n, Thea. Please communicate with me constantly, I want to know your situation there..." pumiyok ang kaniyang boses, tumango ako at tipid na ngumiti.

"Safe naman kami roon," saad ko.

He nodded. "I know, but I still want to know every single detail. I-Is it okay?"

"Sige, m-makakaasa ka."

Hinaplos niya ang mukha ko at pinirmi iyon sa kaliwang pisngi. Nagkakatitigan ang mga mata naming nagsusumamo.

"I'm letting you go because you need it, but it doesn't mean that I'm giving up..." he uttered.

Tumango ako.

"I love you, Althea..." he whispered gently.

My heartfelt warmth as I teared up. "T-Thank you..."

Mahina siyang humalakhak at mabilis na kinabig ako payakap. "I will miss you."

Napakagat labi ako unti-unting yumakap pabalik.

"G-Goodbye Jorus..."

"No. It's not goodbye, Althea, It just, see you soon..." napapaos niyang bulong bago marahang hinaplos ang mukha ko at saglit na pinatakan ng halik sa labi.

Bumitaw ako sa kaniya at diretso na kaming sumakay sa private plane pauwi ng probinsya. Naririnig ko ang mahinang iyak ni Marru kaya hindi na ako lumingon pa.

Nang makapasok kami sa loob ay umupo na kami ni Marru at doon ko lamang siya tiningnan mula sa labas ng bintana. Kumakaway pa siya habang namumula ang mga mata bago tuluyang tumalikod.

Napatingala ako at napapikit. Lalayo ako hindi dahil sa ayoko na sa kaniya. I still love him despite all the pain I'd perceived.

Ang sakit niyang mahalin dati, ang hirap niyang abutin hanggang ngayon. Kaya gusto ko munang hanapin ang sarili ko. Gusto ko munang mahalin muli ang sarili ko.

At kung kami man talaga ang itinadhana, darating din ang panahon na muling pagtatagpuin ang landas namin. At sa pagkakataong 'yon, nakasisigurado akong buo na ulit ako. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top