Kabanata 21
Truth
"Mama! Tapos na po ako kumain!"
My eyes widened in panic as I glanced to the kitchen door and Marru showed up while wiping his wet hands.
Agad siyang napanganga nang makita ang mga hindii pamilyar na mukha sa loob ng bahay. Natahimik ang buong paligid kaya sinamantala ko 'yon upang patakbong lumapit sa kaniya.
"Althea!"
Ipinagsawalang bahala ko ang kumulob na boses ni Jorus at mabilis na kinarga si Marru. Halos takbuhin ko ang hagdanan paakyat.
Nilabanan ko ang kabang nararamdaman ko at dire-diretsong pumasok sa loob ng kuwarto at ni-lock iyon.
Mabilis kong inabot ang phone ko at tinawagan si Gino dahil hindi ko alam kung bakit lahat sila nandito. At hindi posibleng magkakasabwat sila.
"Mama? Ano pong nangyayri? Nakita ko po si Manong sa baba..."
Hindi magawang pagtuunan nang pansin si Marru dahil nasa cellphone ang atensiyon ko, at hindi ko makontak si Gino.
Did he just told them that we are hiding in this place? Kaya ba maaga siyang umalis kahapon? Kaya ba hindi rin siya bumalik ngayong umaga? Naguguluhan na ako.
I frustratedly put down my phone when I heard a loud knock outside the door. Patakbo kong nilapitan si Marru nang akmang bubuksan niya 'yon.
"Marru. Huwag!" sigaw ko.
Napabaling sa akin si Marru na magkasalubong ang kilay. Patuloy ang katok sa labas kaya hinawakan ko sa kamay si Marru at pinapunta sa kama.
"Diyan ka lang ha? Gagawa ako ng paraan para m-makaalis tayo..." pumiyok ang boses ko.
"Mama..."
Niyakap ko lang siya nang mahigpit bago nagtungo sa bintana at sumilip doon. Nawalan ako ng pag-asa nang nakita ang matas na tanawin.
Binalingan ko si Marru na nakatingin lamang sa pintuan na patuloy na kumakalampag.
"Thea, open this damn door! Let's talk!" si Jorus.
Lumingon sa akin si Marru na gulong-gulo na. "Mama, si Papa 'yon..."
Napsinghap ako at hindi alam ang gagawin nang biglang bumukas nang malakas ang pinto at tumambad doon si Jorus na namumula ang mukha... sa galit?
Patakbo kong nilapitan si Marru at tinago sa likod ko bago nilingon si Jorus na magkasalubong ang kilay, madilim ang mukha at namumula ang mga mata.
Yumuko ang ulo ko dahil hindi ko kayang salubungin ang tiitg niya at napansin ko ring nakakuyom ang kamao niya.
"I-Is it true?" his voice broke.
I swallowed, not minding his words.
"Thea-"
Napalabi ako.
"Oo! Totoo! Masaya ka na?!" singhal ko bigla.
Ayoko na! Ayoko na magtago!
Ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Marru kaya hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.
"Reason?"
Napaawang ang labi ko nang umangat ang tingin sa kaniya. Hindi ako nagsalita dahil inaasahan kong huhusgahan niya ako pero hindi.
Instead, his eye became weary while staring at me. Hanggang sa sumulpot mula sa likuran niya si Khian.
"Buds..."
Jorus's eyes stared at me intently.
"Get him, dude, I have to fix this mess first, and I don't want my son to witness how mad I am right now."
Napalunok ako nang paulit-ulit dahil sa malamig na boses ni Jorus. Nag-init ang bawat sulok ng mata ko at hindi ko namalayang nawala na si Marru sa likuran ko.
"Mama!"
"Marru-"
"Magba-basketball lang tayo, kiddo. 'Di ba gusto mo 'yon?" si Khian na kinukuha ang loob ni Marru.
"Talaga po?" namamanghang wika ni Marru.
"Mar-" I couldn't finish my words when Jorus grabbed my hands.
Tuluyan nang nakalabas ng kuwarto si Marru na walang kaalam-alam sa nangyayari. Nagpumiglas ako kay Jorus ngunit mabilis niyang sinarado ang pinto at ni-lock iyon.
"Jorus, ano ba!" angil ko.
His jaw clenched. "Mag-uusap tayo, Althea!"
Napasinghap ako.
"W-Wala na tayong dapat pag-usapan!"
Nakawala ako sa mga kamay niya at patakbo akong nagtungo sa pintuan ngunit bago ko pa man 'yon mabuksan ay mabilis na niyang nahapit ang baywang ko.
"Jorus!" hiyaw ko.
"Damn it, Thea! Usap lang ang gusto ko, pero sinasagad mo ako..." napalitan nang pagkapaos ang galit niyang tinig.
Mabilis niya akong binuhat at sunod na initsa sa ibabaw ng kama, bahagya akong natigilan at huli na bago pa man ako makagalaw dahil namalayan ko na lamang na nasa ibabaw ko na siya
"Jorus..."
"Ang hirap-hirap mong pakiusapan Althea! Kung hindi ka madadala sa matinong usapan, pwes, dadalhin kita sa santong paspasan!"
Pagkasabi niya no'n ay mabilis niyang inangkin ang labi ko. I tired to push him away but he grabbed my both hands and pinned it to the the top of head.
"Hmmm..." impit akong napadaing dahil sa paghalik niyang ginagawa.
Patuloy niyang pinapalalim ang halik sa akin at bahagya pang kinagat ang ibabang labi kaya napilitan akong mapanganga.
"J-Jorus..."
He kissed me more torridly as he slid his tongue inside my mouth and it roamed seemed like looking for something. Napaliyad ako nang sipsipin niya ang dila ko. At konti na lang ay paniguradong... bibigay na naman ako.
Minulat ko ang mata ko at pilit nanlalaban sa kaniya habang patuloy akong inaakit sa paghalik niya.
He didn't let my mouth go, kaya wala na akong ibang naisip kundi kagatin nang malakas ang labi niya dahilan kaya siya napahiwalay.
"Aww!" daing niya ngunit hindi pa rin ako binitawan.
"Nagugutom ka ba?" namamngha niyang sinabi at mahina pang natawa.
"Ikaw rin naman, nangangagat!" asik ko.
Umismid ako sa kaniyang at sinubukang makawala ngunit binagsak niya ang ulo niya sa leeg ko at sumiksik doon.
"Damn, I miss you much..."
Napasinghap ako dahil sa mainit niyang hininga na tumatama sa sensitibong parte ng leeg ko na nagdulot nang paggapang ng pamilyar na sensasyon.
Malakas na kumakalabog ang dibdib ko at para akong nanghihina na naman.
"I can feel your heartbeat, Thea..."
Napapikit ako dahil miskin ang puso ko ay ayaw ngang magsinungaling.
"K-Kala ko mag-uusap? Bakit ka nakasiksik sa leeg ko?" paanas kong sinabi.
Mahina siyang humalakhak at mabilis na dumapo ang kamay niya sa mukha ko kasabay nang pag-angat ng ulo niya sa akin.
Our eyes met and I could see him pleadingly gazing. "I'm insanely missing you, Thea..."
Napaiwas ako nang tingin at pilit na pinipigilan ang pagnanasang nararamdaman.
"Mag-usap na tayo..." namamalat kong sinabi.
He chortled. "Yeah, start it..."
Napatiim-bagang ako. "Umalis ka muna sa ibabaw ko-"
"Nope, it's better this way..." aniya at mas lalo pang sumiksik.
"Jorus..."
"Go on, Thea. baka hindi ako makapagpigil at iba ang magawa ko..." mataman niyang sinabi.
Napatikhim ako, hindi malaman kung saan mag-uumpisa. Hanggang sa maalala ko si Marru.
"T-Teka si Marru..."
"He will be safe. So start now," he demanded.
"S-Saan ba ako mag-uumpisa?"
He snorted. "It's up to you. I'll listen, I'll try to understand. And after all, it's still my fault for forgetting what happened to us..."
Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa mukha ko. Umamba akong bumangon kaya hindi na siya namilit pa. Umalis na rin siya ibabaw ko kaya napaupo ako sa kama.
Napayuko ako at bumagsak paharang sa mukha ko ang medyo mahaba kong buhok.
"Ipangako mo muna Jorus na hindi mo ilalayo si Marru. Ipangako mo muna na hindi mo siya ibibigay sa ama ko. M-Mag-iipon ako para sa halagang tinanggap ko noon. Huwag n'yo lang ku... kunin si Marru..." pakiusap ko.
Sunod-sunod na pumatak ang luha ko at naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa hibla ng buhok ko at inayos iyon paalis sa mukha ko at inipit sa likod ng tainga.
"Just explain, Thea. I'm here..."
Pinahiran niya ang bakas na luha sa mata ko kaya nagsalita na rin ako.
"Ilang buwan magmula nang malaman kong buntis ako... I was 1-18 years old that t-time..." panimula ko.
"18? Y-You're too young, Althea. What about your study?" bakas ang kakaibang tono sa tinig niya.
I sob silently. "Nilipat ako ng magulang ko sa Laguna simula nang magdalang tao ako. Scholar lang ako EU at natanggal din dahil bumaba ang mga grades ko..."
"Althea..."
Napabuntong hininga ako.
"Patapusin mo muna ako Jorus," sikmat ko.
"Oh, okay..." aniya. Hinayaan ko siyang haplusin ang buhok ko dahil parang kumakalma ako sa ginagawa niya.
"Iyon nga, hanggang sa nabalitaan kong aalis ka ng bansa pagka-graduate sa kolehiyo. I was deeply inlove with you, p-pero ang hirap mong a-abutin. Minsan na tayong nagkabangga pero hindi mo man lang ako nagawang pasadahan ng kahit isang t-tingin..." pumiyok ako.
"Maybe I like someone that time," sabay niya kaya napabuntong hininga ako.
"Ako muna kasi!"
"Fine, fine..." he chuckled.
"T-Tapos, nabalitaan kong may graduation party kayo kaya pumunta ako. Muntik pa akong hindi makapasok dahil wala akong invitation card, buti na lang dumating si Khian. No'ng gabing 'yon uminom ako dahil aalis ka man lang at hindi ko pa nakakausap kahit isang beses," I paused. "Not until we accidentally bumped with each other, pero hindi mo pa rin ako nagawang tingnan..."
Nilingon ko siya na bahagyang nakaawang ang bibig dahil siguro sa hindi inaasahan.
"P-Pumunta ako sa VIP room na inukupahan mo kung saan may n-nangyari sa atin. Ang sakit lang Jorus, kasi tinanong mo pa ang pangalan ko no'ng gabing 'yon kaya siguradong maaalala mo ako. Pero buwan ang lumipas nalaman kong nagdadalang tao ako," mahina akong humkbi.
"P-Pumunta ako sa bahay n'yo, nagmamakaawa. Oo kasalanan ko naman, ginusto ko 'yon, plano ko ang bagay na 'yon, pero wala e, sobrang mahal kita kaya napilitan akong sabihin sa'yo ang totoo, baka sakaling maging akin ka pero hindi e. A... Akala ko ikaw ang nakausap ko no'n, pinagtabuyan mo ako sa gitna ng ulan at tinangging may nangyari sa'tin. Pero K-Kuya mo pala..."
Nagpatuloy siya sa paghaplos ng buhok ko at hindi na ako umalma pa.
"Noong una, natatanggap ko na, na baka wala na talagang pag-asa. Pero sinapian na naman ang isip ko nang kabaliwan kaya naisipan ko na naman ang bumalik sa inyo, kung saan naabutan ko ang a-ama mo na paalis..."
Napasinghap ako.
"Sinabi ko sa kaniya na buntis ako sa'yo, dalawang buwan pero kagaya ng Kuya mo, pinagtabuyan din ako, kaya simula din no'n, hindi na ako nangulit pa. Pero halos kalahating taon ang lumipas, sumulpot ang magulang mo sa bahay namin. Kinausap nila ako nang hindi alam ng magulang ko."
Another fresh tear rolled down my cheeks while remembering what really happened years ago.
"A-Anong sabi ni Mom and Dad?" nauutal niyang singit.
"T-They deal with me, Jorus..." I sob.
"What deal?"
"Ipapa-DNA ang bata pagkalabas. A-At kung totoo man na ikaw ang ama ay magsusustento sila kapag babae pero hindi ko dapat sabihin sa'yo, at kapag lalaki naman... k-kukunin nila at ilalayo. Natakot ako sobra," mahina akong napahikbi.
Hinagod niya ang likod ko at hinaplos-haplos ang kamay. Ramdam ko rin ang mabibigat niyang paghinga.
"Kaya nang dumating ang kapanganakan ko, sa bahay ako nanganak at si Nanay ang nagpaanak sa akin dahil dati siyang kumadrona. At sa hindi inaasahan... kambal ang lumabas. Si Marie at sunod si Marru. Sa panahon ding 'yon naniniwala ang magulang ko na hindi puwedeng pagsamahin ang kambal dahil manghihina ang isa. Kaya sinamantala ko 'yon upang ipalayo si Marru. Dinala siya ng magulang ko sa Nueva Ecija at pinalabas kong nakunan ako. Kaya bago pa man malaman ng magulang mo ang totoo, naitago ko na si Marie sa kapitbahay at nagpanggap na nagluluksa..."
Napayuko ako at tahimik na humagulhol.
"Kitang-kita ko ang saya sa mukha ng mga magulang mo kaya hindi na ako nagbalak na sabihin ang totoo. Umalis sila kalaunan kaya agad naming dinala sa hospital ang mga bata upang ipatingnan ang kalagayan nila. Healthy naman sila pareho, pero buwan ang lumipas napag-alaman namin na may komplikasyon sa baga si Marie at kailangan niya mag-maintenance..."
Jorus hold may hands tightly as he can't manage to hear my story anymore. But I still continued.
"At kinabukasan din no'n nakatanggap ako ng sobre na naglalaman ng malaking halaga. Nakasulat din doon na huwag kong ipaalam ang nagyari lalo na sa'yo, dahil... ikakasal ka na..."
Umangat ang mukha ko kay Jorus na hindi maipinta ang mukha. Ngunit bakas sa mga mata niya ang pamamasa. Nag-iwas ulit ako nang tingin sa kaniya.
"N-Napilitan ako... M-May sakit si Marie nang tanggapin ko ang pera na alok ng ama mo, hindi sapat ang kinikita ko sa part time job para matustusan ang hospital bills niya buwan-buwan. Kaya kahit masakit sa parte ko bilang ina ng kambal tinanggap ko at p-pinili kong itago na kambal nga sila kahit ako mismo nadudurog sa ginawa ko."
Nilingon ko muli siya at bakas na ng luha ang kaniyang mga mata.
"Nakapagpatuloy ako ng pag-aaral kahit hindi 'yon ang course ko, hanggang sa maka-graduate ako. Kahit pagod na pagod ako galing school at trabaho, inaasikaso ko pa rin si Marie dahil ayokong magkulang sa kaniya. Ngunit paulit-ulit niyang hinihiling na gusto niyang makilala ang ama niya. Kaya napilitan akong mag-apply sa kumpanya n'yo, kampante naman ako dahil wala si Senyor Silverio dahil ang balita konag-migrate na raw sa New York. At simula rin no'n, nang una kitang makausap... mas lalong g-gumulo ang lahat..."
Muli akong bumigay at humagulgol dahil sa tagal ng panahon kong dinadala ang lahat, na kahit kanino ay hindi ko masabi.
He breathed out heavily. "W-Where's Marie now?"
I sniffed. "She... She already died, Jorus. T-The day we went to Laguna t-together... it was also her death a-anniversary and their b-birthday..."
Napatayo siya bigla kaya sinundan ko siya nang tingin at napayuko na lamang ako pabalik nang matanaw ang sumuntok niyang kamao sa pader.
He broke down and I broke down too, after confessing everything to the real father of my twin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top