Kabanata 2
Tulala
Nagising ang diwa ko dahil sa sunod-sunod na katok ang narinig ko mula sa labas ng apartment. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at napatitig sa kisame.
"Another torture day..."
Kinapa ko ang cellphone sa uluhan ko upang tingnan kung may nag-email na ba sa mga inapplyan ko pero napabalikwas ako nang bangon ng makita ang 100+ missed calls from... him!
Napakunot ang noo ko at lumakas pa lalo ang pagkatok sa labas ng pinto kaya napabusangot ang mukha ko.
Ang aga-aga pa eh!
Tamad akong bumangon at inaantok pa ang mga matang naglakad palabas ng kuwarto habang pinupusod ang lagpas balikat kong buhok. Humikab pa ako nang binuksan ang pinto.
Napahinto sa ere ang pagbuka ng bibig ko nang bumungad sa akin ang mukha ng taong hindi ko inaasahan. Magulo ang buhok nito at halatang kagigising lang.
Mahina siyang natawa ng makita ako at doon ko na realize na nakanganga ako sa harapan niya. Napatakip agad ako ng bibig at nag-init ang mukha.
"A-Anong kailangan mo? Sir?" pahabol kong sinabi.
Nagkamot siya ng ulo at pinakita ang text ko kagabi.
"I just read your message just this morning," aniya.
Napalabi ako at hindi maiwasang magbigay ng komento. "Alam ko. Busy ka sa babae mo..." bulong ko.
"Hindi-"
"Narinig kong umuungol ang babae mo!"
Natutop ko ang bibig dahil sa biglaang lumabas sa bibig ko. Namamangha siyang tumitig sa akin mula ulo hanggang paa. Pero huminto iyon bigla. Dahan-dahang kong tiningnan kung saan siya nakatingin at parang gusto ko na lamang kainin ng lupa.
Pota! Wala akong bra!
Nataranta akong binagsak pasara ang pintuan-
"Aw shit! Fuck!"
Nanlalaki sa gulat ang mga mata ko nang makita ang pagkaipit ng kamay niya sa pinto. Nakagat ko ang labi ko habang nakatitig sa kaniya na namimilipit sa sakit.
Nilapitan ko siya upang tingnan sana ang kamay niya ngunit mabilis siyang tumalikod.
"I'm fine. Please wear your damn bra. I'm still a man..." nahihirapang wika niya.
Lalong uminit ang mukha ko at patakbong bumalik sa kwarto. Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa kagagahan.
Shit! Bakit ba nakakalimutan kong magsuot ng bra tuwing umaga! Nakakahiya ka Thea!
Lumabas na ako ng kuwarto na hindi nawawala ang hiya sa katawan. Naglakad ako upang tingnan siya kung nasa labas pa pero nagulat ako nang magsalita siya mula sa kusina.
"I'm here..."
My eyes broadened in shock as I turned my back. Nakangisi siya habang may hawak na tasa ng kape. "I made coffee for us..."
Hindi na ako sumagot pa. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang pangingialam niya sa kusina ko. Naglakad siya patungo sa sofa at inilapag ang tasa ng kape sa maliit na lamesa na nakapuweato sa gitna.
"I also made a hot choco for you..." aniya.
Tumango lang ulit ako at umaktong wala lang iyon. Pero sa loob loob ko para na akong sasabog.
Tumitig lang ako sa kaniya nang muli siyang magsalita. "Hmm, about last night-"
"Pumapayag na ako," agap ko.
Tumango-tango siya at unti-unting kumurba ang ngiti sa kanyang labi. "Yeah, I already read your message. About the money you were talking about?"
Napalabi ako at hindi alam kung sasabihin ba ang dahilan. Labas naman na siguro 'yon kung saan ko gagamitin. Tsaka, hiram naman ang sinabi ko. Babayaran ko lang kapag sumahod na ako.
"Babayaran din kita-"
"Where are you going to use it?" curiosity didn't escape his tone.
Alanganin akong ngumiti at hindi malaman kung sasabihin ko ba ang totoo. Bumuka ang bibig ko ngunit walang lumabas na salita.
Tumayo siya kaya bahagya akong napaatras. Akala ko kung anong gagawin niya pero dinukot niya lang pala ang kaniyang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon. Nagtitipa siya roon at habang nakatingin sa akin.
Dahan-dahang bumaba ang mata upang tingnan kung anong ginagawa niya at napansin kong dialing na 'yon.
Napalunok ako ng mag-ring 'yon at may mabilis na sinagot sa kabilang linya. Tumalikod ako upang huwag marinig kung sinong kakausapin niya, ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalayo nang marinig ko ang pag-book niya ng ticket patungong Palawan.
Dire-diretso akong nagtungo sa kuwarto ko at balak sanang tawagan si Ailyn nang una itong tumawag sa akin. Sinagot ko agad ang kaniyang tawag.
"Hello?"
"Ate, puwede ka ba umuwi?"
Nanikip ang dibdib ko dahil alam kong hindi puwede. "Ailyn-"
"Kahit ngayon lang Ate. nasa kulungan pa rin si Tatay at si Nanay naman nasa hospital pa rin. Please Ate... kahit bumalik ka rin agad sa trabaho mo..."
"Ailyn..."
"Please, para kay Marru..." pakiusap niya.
Napatingala ako dahil sa pamamasa ng mga mata. "Pangatlong araw na ni Marru sa hospital. Kailan daw siya makakalabas?"
"Mamaya na Ate. Nabayaran na namin ang bill. Inoobserbahan na lang ulo niya."
Napatango-tango at kahit paano ay nakahinga ng maayos. "S-Sige magpapaalam ako sa boss ko..."
Binaba ko na ang tawag at mariin akong napapikit bago muling dumilat. Bumuga ako ng marahas na hangin upang ikalma ang sarili at sunod na lumabas ng kuwarto. Naabutan ko siyang sumisimsim ng kape.
Tumingin siya sa akin at binaba ang tasa sa lamesa. Nilakasan ko ang loob kong magtanong.
"Kailan ang alis natin? At ilang linggo ang itatagal?"
He nodded and smiled a little. "We will leave by the next morning and I'm sorry for the one week. But we'll be there for exactly two weeks. We'll meet the three biggest clients..." paliwanag niya.
Dalawang linggo.
"Do you have a problem with that? If you were thinking about your clerk job I already informed the manager. So don't worry about it..."
Kung next day pa. Puwede pa akong makauwi ngayon o bukas.
Napatango-tango at napalunok. "Sir-"
He sighed. "Just Jorus, Althea..."
Nakagat ko ang labi at naiilang na nagpakawala ng ngiti. "Puwedeng hindi muna ako pumasok ngayon?"
"You don't have to report now, until we leave," anito na ikinagulat ko.
Magtatanong pa sana ako kung bakit pero hindi ko na ginawa. "Okay, but... can I know if you will let me borrow some cash? Like what I texted last night?"
Nagsalubong ang kaniyang kilay pero kalaunan ay tumango pa rin. "Sure, I will withdraw now."
I felt relieved inside. Pero hindi pa rin napapawi ang pangamba sa dibdib.
"Hintayin ko po kayo. Kailangan ko kasi umuwi ng Laguna..." sabi ko.
"Laguna? Where in Laguna?"
Ngumuso ako at umiling.
He chuckled. "Baka kasi malapit sa pupuntahan ko. Baka puwede na kitang isabay."
Huh? I couldn't hide the shock on my face because of what he said. Posibleng nagkataon na naman ang lahat. I was smitten in nervousness while looking at him.
"May bahay kayo do'n?" tanong ko.
Teka, bakit hindi ko alam na may bahay sila doon? Kung ganoon?
Sumimim siya ng kape niya bago iyon binaba at nagsalita. "None, but we bought land there and under construction for the new branch condominium building. Kaya maaga kitang pinuntahan ngayon."
Shit! Kung hindi ako nagkakamali iyon ang malawak na lupang nadadaanan ko kapag umuuwi!
Sa kabila ng pangamba ay nagawa ko pang tumango. "Malayo yata sa amin-"
"But it's still in Laguna, right?"
Tumango ako.
"Isasabay na kita."
"No!" I almost screamed. "I mean I can go there alone."
Nagsalubong ang kanyang kilay na para bang sinusuri ako. "You look scared of something, Athea..."
"Hindi naman kaya kong magtungo roon mag-isa. Tsak, baka may makakilala pa sa'yo at ano pang isipin..."
Ganyan self! Magdahilan ka! Huwag na marupok!
Muli niyang inabot ang kanyang tasa ng kape at sumsim doon pero ang kanyang mga mata ay nasa akin ang atensyon kaya yumuko ang ulo ko dahil hindi ko kayang salubungin ang kanyang malalalim na tingin.
Kailangan ko na talaga makahanap ng ibang trabaho. Kaya lang naman ako nagtagal magtrabaho sa condo niya dahil hindi madalas magtungo roon kaya kampante akong hindi na siya nakikita. Pero ngayon nagulo na.
Inubos niya ang kaniyang kape bago tumayo ng hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin. Kumurap-kurap ang kaniyang mata at para itong inaantok.
"I will withdraw now. When I get back we're going in Laguna together," puno ng senseridad niyang sinabi.
Umiling ako. "Hindi na-"
"It will make you save your transportation fare, Miss Buendia," pamimilit niya.
I sighed. "Hindi na talaga-"
"Then, no cash from me," pagbabanta niya.
Napabusangoit ang mukha ko dahil sa naisip niyang paraan. Paano ako aalis kung wala akong dalang pera?
"Ang daya naman..." maktol ko.
Smirked. "You have to choose, Althea..."
"Kasi naman, deal na nga eh, paganyan-ganyan ka pa..."
"Madali akong kausap. Kung ayaw mo aalis na ako-"
"Fine. Oo na sasabay na ako. Pero sa terminal lang ako bababa!" sabi ko at medyo tumaas ang boses.
"Why is there? I can drop you in front of your house? You make me wonder why you look so tense. You look like you're hiding something."
Napangiwi ako. "Wala naman, Sir. Sige na umalis ka na mag-aayos na rin ako."
"Yeah, and I will formally inform your parents about our Palawan leave. So that they will not be worry about you..." seryosong sinabi niya kaya nagulantang ang buong sistema ko.
Kapag may ginusto siya alam kong gagawin niya talaga. At hindi siya puwedeng makita nila Tatay at Nanay. Lalong lalo na si Ailyn...
Lumabas na siya ng apartment ko at naiwan akong tulala. Ano ba 'tong pinasok ko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top