Kabanata 19

Willing

"Tito, Gino!" napasigaw si Marru sa gulat nang buhatin siya ni Gino at nagtungo sa medyo malalim na parte ng tubig.

Naninibago pa si Marru maligo dahil nakasanayan namin sa Laguna ay mga water falls lang at mababaw na tubig.

Napangiti ako nang nakita ang saya sa mukha niya. Sumulong na rin ako sa tubig at sumunod sa kanila na parehong nag e-enjoy, ngunit agad akong napatigil at pinanood sila.

Gino is genuinely happy while playing with my son. And I guess he will be a good father soon if he has already a family.

He's indeed an ideal man. Handsome, kind-hearted, gentleman, and so on. He has a behavior that women dream about, and I hope he will find him the one soon, so he wouldn't look sad every time I saw him alone.

It's been a week since we went here. Wala kaming narinig mula sa kaniya at masasabi kong napakabait niyang tao. Wala akong mapintasan sa ugali niya.

Nakakahiya man aminin pero... He provided what we needed for the whole week.

Wala akong trabaho dahil tinanggal ako pagkatapos ng ilang araw na pagliban, at posibleng pati ang apartment na tinutuluyan namin ni Marru ay mawala na rin dahil wala na akong naipon na pambayad ngayong buwan lalo na't wala na rin akong trabaho.

Nagbalak akong maghanap dito sa tagaytay, kahit sa ibang mga beach resort pero hindi niya ako pinayagan.

Hindi ko alam kung anong rason niya, but he want us to be safe and comfortable. Wala akong naririnig na kahit ano mula sa kaniya.

Sa tuwing tinatanong ko siya kung bakit sobra-sobra na ang tinutulong niya sa amin, ang palagi niyang sinasabi ay gusto niya lang makatulong. At hiniling niya rin na ituring namin itong bakasyon para kahit paano ay ma-relax ang isipan ko.

And as days passed, I realized everything. That I should face my fear, that I have to face my past to have a better life with Marru.

Nakakapagod din palang magsinungaling. Nakakapagod din palang itago ang katotohanan, at nakakapagod din palang pigilan ang sariling nararamdaman.

Napalingon si Marru sa akin at kumaway.

"Mama! Punta ka rito!"

Napangiti ako at tumango bago tinuloy ang pagsulong sa malamig na tubig-dagat palapit sa kinaroroonan nila.

Nang nakalapit ay agad na nagpakarga sa akin si Marru dahil hanggang kili-kili ko ang tubig at hindi niya pa kaya.

Napadako ang tingin ko kay Gino na nakangiti habang nakatitig sa amin ni Marru. Kumindat siya pagkuwa'y nagsalita.

"Aalis ulit ako mamaya, Thea," nakangiting aniya.

Mabilis na napalingon sa kaniya si Marru at bahagyang nakanguso. "Saan po kayo pupunta? Hindi na naman kayo matutulog dito? May isang kuwarto naman po sa bahay, e..."

Mahinang natawa si Gino at marahang pinindot ang ilong ni Marru. "Hindi kasi puwede 'yon, Marru. Mapapasama ang imahe ng Mama mo-"

"Gino!" gulat kong sambit.

Simula nang dalhin niya kami rito hindi siya natutulog kahit sa kabilang kuwarto. Wala naman sa akin at nakakahiya pa nga dahil bahay niya 'yon pero dahil sa amin hindi niya matulugan.

He chuckled. "It's okay, Thea. malapit lang naman ang tinutuluyan ko rito na pagmamay-ari ni bayaw kaya okay lang."

"P-Pero bahay mo 'to..." halos pabulong kong sinabi.

"It doesn't matter Thea. Mas kailangan n'yo 'to kaya huwag n'yo na ako alalahanin," sabi niya pa.

Napabuntong hininga ako. "Maghanap ka na kasi ng girlfriend mo para naman-"

He shrugged his shoulders and turned his back. "I have one, but she left me hanging."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niyang 'yon, magtatanong pa sana ako ngunit lumangoy na siya palayo kaya naiwan akong hindi makapaniwala.

Iniwan siya ng girlfriend niya? Kaya pala lagi kong napapansin ang lungkot sa mga mata niya kapag nag-iisa.

"Mama?"

Napabalik ulirat ako nang marinig ang tawag ni Marru. Tumingin ako sa kaniya na mukhang nilalamig na.

"Ahon na tayo?"

Humikab siya at tipid na tumango kaya humakbang na rin ako paalis sa tubig. Napatingala pa ako at magtatakip-silim na ang kalangitan.

"Mama?"

"Bakit?" binalik ko ang atensyon kay Marru.

"Hanggang kailan po tayo rito?"

Maingat akong humahakbang sa tubig habang buhat-buhat siya. "Bakit ayaw mo na ba rito?"

Napatingin ako sa kaniya nang saktong lumingon din siya sa akin. "Hindi naman po. Pero Mama, parang... gusto ko maging kaibigan ang tatlong kambal na kalaro ko," aniya.

Napangiti ako kahit paano hanggang sa tuluyan kaming makaahon sa tubig. "Alam mo ba ang pangalan nila?"

Tumango siya. "Opo, sina Brian, Brent at Blaze po."

Nilapag ko siya at agad binalot sa katawan niya ang bath towel bago kami nag-umpisang maglakad pabalik sa bahay. Nilingon ko pa saglit si Gino na mukhang malalim na naman ang iniisip.

Napabalik ang atensyon ko kay Marru nang maramdaman ang pagkalabit niya sa kamay ko. Yumuko ako at tinitigan siya.

"Sana po magbati na kayo ni Papa Jorus, Mama. Para po makapunta po ulit ako sa bahay nila. May basketball po sila Mama!" natutuwang niyang komento.

Napangiwi ako. "Hindi naman kami nag-away, Marru. Hindi ko lang kami nagkasundo-"

"Sino po ba talaga ang Papa namin ni Marie? Si Manong po ba na may tattoo o si Papa Jorus? Ano po pangalan ng may tattoo? Bakit po hindi ko siya nakita sa bahay nila?" nakabusangot niyang tanong.

Akmang magsasalita na ako nang biglang may sumulpot na boses mula sa likuran namin.

"Naabutan ko pa kayo," natatawang saad ni Gino.

Muli akong nakahinga ng maayos dahil sa pagsulpot niya. Handa naman na akong sabihin kaya Marru kung sino ang Papa nila, pero siguro nga mamaya na lang.

Mukhang kailangan ko na rin makausap si Jairus. Kung siya nga ang ama ng mga bata. Hindi naman ako hihingi ng suporta. Ang gusto ko lang e, bisitahin niya si Marie sa puntod nito kagaya ng huling hiling niya na taon rin ang lumipas.

"Magpapa-order na lang ako ng pagkain n'yo, ah? Aalis na ako pagkatapos magbihis," ani Gino kaya napakunot ang noo ko.

Kadalasan kasi sumasabay muna siya sa hapag-kainan bago umalis, kaya nakakapagtaka lang na aalis na agad siya.

"Hindi ka sasabay sa pagkain?" pagkumpirma ko.

Umiling-iling lang siya at sunod na kinarga si Marru. "Sa susunod na ulit tayo maglalaro, ha? Magpapakabait ka at huwag makulit," halos bulong na sabi ni Gino kaya nagtaka ako bigla.

Gustuhin ko mang magtanong pa kaya lang baka ma misinterpret niya. Concern lang naman ako sa kaniya at wala ng ibang ibig sabihin pa.

Dumiretso silang dalawa sa main bathroom sa kusina, ako naman ay nagtungo sa likod dahil may CR din doon at kumpleto ang gamit ngunit naalala kong wala pala akong damit doon kaya sa kuwarto na lang.

Nagpunas lang ako ng katawan para maiwasan ang magkalat ng basa sa sahig. Mula sa kinaroroonan ko rinig ko ang tawa ni Marru na mukhang nagkakatuwaan.

Somehow, I always wonder why Gino is so close with Marru. Hindi ko alam kung talagang mahilig siya sa bata o talagang nililibang niya lang ang sarili sa kalungkutan.

Ilang days na lang din aalis na siya palabas ng bansa dahil sa kumpanya nila. At ang pagkakaalam ko rin ay magma-migrate na siya roon kasama ang daddy niya.

Makalipas ang ilang minutong pagpupunas ay humakbang na ako paakyat sa kuwarto upang makaligo na rin.

Nilingon ko pa ang kusina dahil namimiss ko na ang magluto, kaya lang... nahihiya ako kay Gino, dahil wala naman akong pera pang grocery. Kung mayroon man reserba na lang para sa amin ni Marru kapag umalis na siya.

Napabuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy sa pag-akyat. Kung wala si Gino hindi ko alam kung kami pupulutin.

Hindi rin ako makalapit sa magulang ko dahil namatay na rin si Lola, at mukhang hindi pa kami makakapunta, buti pa si Ailyn nakasunod na dahil na-adjust ang buwan ng pasok nila sa school.

Pagpasok sa kuwarto diretso akong nagtungo sa banyo at doon mahinang humikbi. Siguro nga, karma na 'tong nangyayari sa'kin dahil sa nagawa ko noon.

"Goodnight, Mama. Sana po maaga bukas si Tito Gino," sambit niya.

Inayos ko ang pagtakip ng kumot sa katawan niya bago ako tumabi nang higa. "Oo naman, ang lakas mo kaya do'n."

Mapungay ang mata ni Marru na mukhang inaantok na. Tipid pa siyang ngumiti hanggang sa tuluyang tumitiklop ang talukap ng kaniyang mga mata.

"Goodnight, Marru..." bulong ko.

Napangiti ako at niyakap siya.

Napatitig ako sa kisame habang malalim na nag-iisip kung ano na naman ang mangyayari bukas... hanggang sa nakaramdam na rin ako ng antok kaya napapikit na ako.

Nagising ang diwa ko dahil sa magaspang na kamay ang humahaplos sa mukha ko. Mahina akong napadaing dahil sa pamilyar na sensasyong gumapang sa kalooban ko.

Dahan-dahan akong nagmulat at bahagyang nakakunot ang noo. Pumaningkit ang mga mata ko dahil panlalabo nang paningin ko hanggang sa tuluyan kong masilayan ang taong nasa harapan ko.

He was closing his eyes while touching my face. Napalunok ako dahil sa gulat, kaba, takot, at pagkalumbay. Pumikit ako dahil baka nagha-hallucinate lang ako.

Muli akong napadilat at sa pagkakataong 'to, mulat na rin ang kaniyang mga mata na nakatitig sa akin. Pumungay ang kaniyang mga mata sabay iwas nito.

"I'm sorry..." he muttered.

Napakurap-kurap pa ako dahil parang hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko ang nakikita. Tintitigan ko siya at makalipas lang ang ilang segundo ay napabalikwas ako nang bangon.

"Anong ginagawa mo rito? P-Paano mo kami nahanap?" kabado kong tanong sabay tingin kay Marru na mahimbing ang tulog.

Sabagay, nakalimutan ko yatang mayaman siya at kaya niyang gawin ang lahat kahit na may tulong kaming natatanggap mula kay Gino.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya na dahan-dahang tumayo. Mabilis na naghurementado sa pagtibok ang puso ko dahil baka kunin niya ulit si Marru.

"P-Please, huwag n'yo na kunin si M-Marru. Siya na lang ang mayroon ako. H-Hindi ko na ipagpipilitan na maniwala kayo, h-hindi ako manghihingi ng suporta. B-Basta hayaan n'yo na lang kami. L-Lalayo kami-"

"Ipagkakait mo na naman ang karapatan ng bata?" kalmado niyang sinabi.

Napatikom ang bibig ko at nag-iwas ng mata sa kaniya. Nilingon ko muli si Marru.

Siguro nga sapat na ang isang linggo para makipag-usap. Pero si Jairus dapat ang kailangan kong kausapin at hindi si Jorus.

Tumayo ako ngunit nahinto 'yon nang magsalita si Jorus.

"Where are you going?"

Napalunok ako. "Talk with you?"

He sighed. "Nah, it's too late already. I just checked you here if you're okay. We can talk tomorrow."

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Mapungay ang kaniyang mata na para bang pagod na pagod.

Tumango ako dahil ayoko na rin ng gulo. Gusto ko na lang matapos lahat ng mga 'to upang makapag simula na ulit ng matiwasay na buhay. Afterall, I'm still the one who magnified this mess.

"C-Can I..." he paused a bit. "Can I sleep here?" alinlangan niyang sinabi.

Namilog sa gulat ang mata ko dahil sa kaba. Paano kung... balak niya talagang kunin si Marru? Napaatras ako dahil sa mga posibilidad.

"I mean, I just want to sleep with him... is it okay?"

Napalunok ako dahil sa paraan nang pagtitig niya na para bang may nalaman.

"J-Jorus..."

He smiled. "Don't worry, Althea, wala akong gagawin na ikagagalit mo..." napapaos niyang sinabi kaya napaiwas ako ng ulo.

"B-Baka kunin mo si Marru-"

"No, no. I won't do it again. And I'm sorry for my actions last week. I'm just feeling hurt for him that night when I found out that you denied him." He reasoned out.

"Hindi ko siya dine-deny, Jorus!" mariin kong sinabi at matalim siyang tinitigan.

Lumunok siya at napabuga ng hangin. "Fine, I won't argue with it," his brows furrowed more. "I'm... I'm tired, Thea, I just want to sleep. Can I?"

Tumingala siya at pumikit ang mga mata. Bakas sa mukha niya ang pagod na para bang ang dami niyang ginawa. Saglit kong natitigan ang makapal niyang kilay na pareho kay Marru.

Napailing-iling ako.

"S-Sige, pero sana, huwag mong kunin ulit si Marru, Jorus..." malat kong sinabi at mabilis na tumayo.

Ngunit muntik na akong matumba dahil sa kawalan ng balanse pero mabilis niyang nakabig ang baywang ko at hindi sinasadyang magkatitigan.

My heart was pounding insanely while staring at him. Para akong nawalan ng lakas at nawala sa tamang pag-iisip dahil sa titig niya.

Napasinghap ako nang marahang humaplos ang likod ng kamay niya sa mukha ko at dahan-dahang inilalapit ang mukha sa akin. Gusto ko siyang itulak palayo pero parang pati ang buong katawan ko ay namamanhid.

Napakurap-kurap ako at napalunok habang bumababa ang tingin sa binasa niyang labi. Para akong natutuyuan ng laway habang nakatitig doon.

At namalayan ko na lamang na magkadikit na ang tungki ng ilong namin. Nanghihina ako, naaakit at hindi malabanan ang kaniyang epekto.

"W-Why didn't you tell me?" napapaos ang kaniyang boses.

Napasinghap ako. "H-Huh?"

He flickered as he spoke with his hoarse voice. "That you were my stalker during my college, and... my ultimate admirer?"

Kumislap ang kaniyang mga mata nang sabihin 'yon ngunit agad ko siyang naitulak at mabilis na tumalikod dahil sa pag-iinit ng mukha.

"Anyway, I can't find my brother. I don't know where he is, and I'm here to fulfill his duty-"

"Hindi ikaw ang ama Jorus. Hindi mo obligasyon 'yon!" agap ko.

Napakagat labi ako dahil sa paninikip ng dibdib. If Jairus didn't want to claim Marru as his blood, then I won't insist on it anymore.

Napaigtad ako nang maramdaman ang braso niyang pumalupot sa baywang ko at marahang pinatong ang ulo sa balikat ko.

Bakit hindi ko siya magawang itulak palayo? Mali na 'to eh. Maling-mali.

"But, I'm so damn willing, Althea. I'm willing to stand as his father despite the truth, despite everything..." nagsusumamo niyang pahayag.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top