Kabanata 17

Luha

Napabalikwas ako nang bangon ng manumbalik ang mga nangyari ng gabing iyon. He knew what happened to us. He was awake. He asked my name yet he didn't know me.

Hindi niya ako naalala, d-dahil kumpirmadong hindi naman pala si Jorus ang nasa kuwarto ng gabing iyon. Hindi nga siya!

Sunod-sunod na pumatak ang butil ng luha ko mula sa mata at mabilis na nagtungo sa banyo upang ayusin ang sarili. Kailangan kong makuha si Marru. Wala silang karapatan kay Marru.

Siguro nga kasalanan ko ang nangyari sa nakaraan pero kahit anong gawin ko hindi ko na mababago iyon. Kaya pilit kong tinatama ang lahat. Hindi pa ako nagpapaliwanag kay Marru. May dahilan ako kung bakit ko ginawa ang lahat ng iyon.

May dahilan ako kung bakit ko siya tinago. May dahilan ako kung bakit pilit ko silang pinaghihiwalay ni Marie.

May dahilan lahat. Ina ako hindi lang basta ina. At kahit masakit sa parte ko ang ginawa ko mas pipiliin kong madurog sa araw-araw sa pagtatago ng katotohanan huwag lang mawalay si Marru sa amin.

Nagmahal lang ako, nagmahal lang ng sobra sa taong hindi dapat, pero dahil sa pagmamahal na 'yon, buong buhay namin naapektuhan.

Pero sa lahat ng maling desisyon ko wala akong pinagsisisihan. Hindi ko pinagsisihan na minahal ko si Jorus ng palihim, hindi ko pinagsisihan ang nangyari ng gabing iyon dahil nabibiyayaan ako ng supling.

H-Hindi ko lang matanggap na... ibang tao pala ang kasama ko, na buong buhay ko, akala ko siya iyon.

Humugot ako nang malalim na hangin bago lumabas ng banyo. Dumiretso ako sa kuwarto at nagbihis ng disenteng damit.

Dinampot ko ang phone na nasa kama at nagtipa ng mensahe roon na hindi muna ako papasok sa trabaho. Sunod kong tinatawagan si Ailyn na agad naman niyang sinagot.

"Hello, Ate?"

"Ailyn, kumusta kayo d'yan?" poumiyok ang boses ko.

"Ate, maayos naman kami. Kaya lang Ate, uuwi sila Nanay at Tatay sa Nueva Ecija. Mahinang mahina na raw si lola..." malungkot niyang sinabi.

Napakagat labi ako at napatango. "Oh sige, s-sasama ka ba? Hindi ako makakasama Ai... kailangan ko pang bawiin si Marru..."

"Bakit nasaan si Marru?" gulat niyang tanong.

"K-Kinuha ni Jorus, Ai. Kaya pupunta ako sa village nila. Hindi puwedeng ganito, sa akin si Marru. Sa akin lang..."

Mahina akong napahikbi dahil sa bigat ng pakiramdam.

"Ate, mag-ingat ka..."

"Kayo rin, mas mabuti nga sigurong doon muna kayo. Ako na rin bahala sa amin ni Marru," sabi ko.

"Babalik ba kayo rito, Ate? Hindi kayo ligtas dito. Panigurado na babalik 'yong Jairus..." aniya sa kabilang linya.

Napatingala ako dahil sa panibagong luhang babagsak. "Ako na bahala, may tao pa akong malalapitan na makakatulong sa amin."

"Sino Ate?"

Napangiti ako kahit paano ng maalala siya. "Si Gino Figueroa..."

__

Kanina pa ako bumubuntong hininga dahil sa kaba habang nakatayo sa harap ng malaking gate ng Elites village.

Hindi ito ang unang beses na nagtungo ako rito kaya kahit paano ay kabisado ko. Palakad lakad ako dahil hindi alam kung paano makakapasok. Mahigpit ang seguridad dito at kailangan pa ng permiso mula sa taong sasadyain.

Napakamot ako ng ulo nang tumayo ang isang guard at nakakunot ang noo. "Miss, anong kailangan mo?"

Napangiwi ako sa guard. "Kuya kailangan ko ho kasing makausap si Jorus Silverio."

"Wala po kaming natatanggap na may bisita ang mga Silverio-"

"Kuya please, kailangan ko lang po talaga siyang makausap..." pagmamakaawa ko.

Umiling ang guard. "Sorry miss, pero ginagawa lang namin ang aming trabaho."

Nangingilid ang luha ko dahil sa pananakit ng dibdib. Mabilis akong gumilid dahil sa malakas na busina ang narinig ko.

Lumingon ako sa likuran namakita ang puting limousine na mukhang taga village. Agad kong pinunasan ang tumulong butil ng luha sa mata ngunit nagulat ako nang nagbaba ng bintana ang sasakyan.

"Hi, Miss..."

Namilog sa gulat ang mata ko nang nakita si Kimberly ang dumungaw sa bintana. Wala pa rin siyang kupas, napakaganda niya pa rin at mas lalo pang lumitaw ang ganda dahil sa buhok niyang hanggang balikat.

Tipid akong ngumiti sa kaniya nang muli siyang magsalita. "Sinong kailangan mo?"

"Si Jorus sana... kaso hindi ko siya makontak," agad kong sagot.

Bumukas ang pintuan ng kabilang kotse at napalunok ako nang nakitang lumabas mula roon si Samuel. "What do you need from him?"

Napakurap-kurap ako. "Kailangan ko lang siya makausap-"

"Are you still into him?" he smirked as his eyebrows furrowed.

Nahiya akong nag-iwas nang tingin dahil lagi niya akong nahuhuli noon na madalas sinusundan si Jorus.

He laughed lightly as he spoke. "Let's go, sumabay ka na sa amin."

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

Lumipat ang tingin ko kay Kimberly nang lumabas din siya mula sa kotse at naglakad palapit sa akin. Napalabi ako nang tuluyan siyang makalapit.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya bahagya akong napaigtad sa gulat.

Ngumiti siya. "Halika ka na, magkakatabi lang ang bahay nila..." aniya

Gusto ko siyang yakapin dahil sa sayang nararamdaman ngunit mabilis na niya akong hinila at pinaskay sa loob ng kanilang sasakyan sa back seat.

"Hello, po..."

Napalingon ako nang marinig ang boses bata, namamangha ako habang nakatitig sa kanila.

"Triplets kayo?"

Sabay-sabay silang humagikgik at tumango. "Opo."

Palipat-lipat ang tingin ko sa tatlong bata dahil nalilito ako at talagang magkakamukha sila. Lumipat ang tingin ko sa driver sit at nahuli kong nakatingin sa akin si Kimberly.

"Hmm, mga anak namin..." aniya.

Tumango ako at napangiti na rin dahil ang cute nilang tingnan.

"Anong pangalan n'yo?" tanong ko.

"Ako po si Brian," sambit ng batang nagsusuot ng sumbrero sa ulo.

"Ako naman po si Brent," sambit ng isang batang may hawak na libro.

"Ako naman po si Blaze, panganay sa aming lahat."

Lumapad ang ngiti ko sa kanila. "Buti hindi kayo nalilito-"

"May palatandaan po si Mama at Papa sa amin," sabay-sabay na sabi ng triplets.

I glanced to the driver's seat and I could see Kimberly's eyes sparkling while staring at their children.

"May maliit silang balat sa katawan," aniya.

Bumalik ang atensiyon ko sa mga bata at hindi maiwasang makaramdam ng lungkot para sa sarili.

"By the way, why do you need to talk to Jorus?" si Samuel.

Bumaling ako sa kaniya at ramdam pa rin ang kahihiyan sa lahat ng mga nangyari noon.

"Ang dami mong tanong Samuel," suway ni Kim.

Napakamot ang isang kamay niya sa kaniyang noo at saglit na nilingon si Kim. "I'm just asking, Kim."

"Personal na 'yon-"

"She was a stalker and a secret admirer of my friend way back in our college. Masama bang malaman kung anong sadya niya?" ani Samuel at bakas ng panunukso ang tinig.

Napatikom na lang ang bibig ko at napalingon sa labas ng bintana ng kotse. Sinipat ko ang buong lugar at masasabi kong wala pa ring kupas dahil alagang-alaga ang village.

Makalipas ang ilang minuto.

"We're here," sambit ni Samuel kaya napalingon ako sa kaniya.

Tinuro niya ang malaking bahay na may matayog na gate na kulay pula na ornamental ang stilo kaya kitang-kita ang garahe sa loob.

Napalabi ako ng ma-realize na nagbago pala sila ng kulay ng bahay o talagang pina-renovate nila.

Napabalik tingin ako sa mag-asawa at nagpasalamat. "Dito na ako, salamat-"

"We'll go inside together," agap ni Samuel.

Nagulat man ay hindi na ako nagtanong pa. Samuel stopped the car engine as we went out. Masayang nag-uusap ang mga bata at patakbong lumapit kay Kim.

Samuel locked his car and walked closer to the gate to click the door bell button. Nanginginig ang kalamnan ko dahil sa kakaibang pakiramdam.

Nilalabanan ko ang takot sa dibdib habang hawak ang cellphone at nagtitipa ng mensahe.

I texted Gino if he can help us later. Ininda ko ang kahihiyan pero wala na talaga akong mahihingan ng tulong at tanging siya lamang ang naisip ko.

Bumukas ang gate at may lumabas na kasambahay. Mukhang kilala niya sina Samuel dahil ngumiti ito at nilakihan ang bukas ng gate.

Sumunod ako sa kanila at mas lalo akong namamangha ng makita ang loob. Mas lumaki pa ito kumpara noon. May narinig kaming kalampag ng bola kaya patakbo nang nagtungo roon ang magkambal.

Nilingon ko naman ang kasambahay na sinarado ang gate. Tiningnan kong maigi ang pagsara niya para sa gagawin mamaya.

"Nandi'yan po sila sa loob ng garahe, naglalaro po," imporma ng kasambahay.

Lumingon sa akin si Samuel na para bang nagtataka. Nagpatiuna na siyang naglakad at sumunod na rin ako nang sabayan ako ni Kim sa paghakbang.

"Girlfriend ka ni Jorus?" tanong niya.

Nagulat ako sa tanong niya kaya mabilis akong umiling.

She smiled shyly. "Sorry, akala ko girlfriend ka niya, by the way, ang ganda mo..."

Biglang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Iba pa rin pala kapag babae ang pumupuri sa'yo.

"Ikaw rin..."

Mahina siyang humalakhak at nagulat pa ako sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko. "Let's go, moody pa naman ang asawa ko, baka ano na naman ang isipin."

Napangiti na lang ako dahil mukhang ang saya ng buhay nilang mag-asawa. Kaysa naman sa akin na hindi ko alam kung deserve ko pa ba maging masaya.

Nagpatuloy kami ni Kim sa paglalakad at nagkaroon ng maliit na usapan hanggang sa huminto kami dahil sa tawanan ng mga bata.

Dahan-dahang umangat ang ulo ko at tumambad sa amin ang apat na batang naglalaro na ngayon ng bola.

Tumitig ako kay Marru na may malapad na ngiti sa labi. And he looks fine and well, kumurba na rin ng ngiti ang labi ko dahil mukhang hindi naman siya pinabayaan.

"What are you doing here?"

Napapisil ako sa palad ko nang marinig ang malamig na boses ni Jorus. I slowly shifted my gaze to his direction with Samuel and I suddenly met his cold eyes.

My heart skipped a bit as I stared back. Hinawakan ni Kim ang kamay ko at naglakad palapit sa puwesto nila.

"We brought her with us, dude. She was standing outside the gate-"

"What are you doing here?" malamig pa rin niyang turan habang nakatitig sa akin.

Binitawan ni Kim ang kamay ko at lumapit sa asawa niya.

"She wants to talk with you," si Samuel ang sumagot kaya agad siyang tinampal ni Kim sa braso. "Hindi ikaw ang kausap, manahimik ka..." anito.

Muling napakamot ng ulo si Samuel at niyakap ang kamay sa balakang ni Kimberly. Napaiwas ako nang tingin dahil do'n.

"They look good together, right honey?" rinig kong sinabi ni Samuel.

Hindi ko na lang pinansin iyon at napabaling pabalik kina Marru.

"Who's that kid?" Samuel suddenly asked. He's pertaining to Marru.

Malakas na tumikhim si Jorus kaya napaayos ako ng pagkakatayo sa puwesto ko.

"A-Anak ko..." napapaos kong sinabi.

"Oh..."

Napalingon ako sa mag-asawa na mukhang nagulat. Tipid lang akong ngumiti sa kanila at hindi na nagsalita.

Nag-vibrate ang phone ko at nang tingnan ko iyon ay text mula kay Gino. Binasa ko iyon at hindi mapigilan ang mapangiti nang sabihin niyang nasa labas na siya ng gate.

I was about to type a reply but I stopped.

"Tss," rinig kong sinabi ni Jorus.

Napaangat ang ulo ko sa kaniya at saktong nasalubong ko ang matalim niyang titig na dahan-dahang tumingin sa hawak kong cellphone.

Napalunok akong tinago iyon at nag-iwas nang tingin sa kaniya.

"Dude, I think I found something..." ani Samuel.

Naglalakad ako palapit kay Marru at saktong napatingin siya sa akin. Namilog ang kaniyang mata sa gulat at patakbong lumapit sa akin.

"M-Mama..."

My heart felt warm when he called me, ang saya, ang saya sa puso na malaya na niyang iyong natatawag sa akin na hindi ko na kailangan pang itago.

"Mama!"

Binuhat ko siya at mabilis na niyakap. "Akala ko po hindi n'yo na ako pupuntahan dito," nakanguso niyang sinabi.

"Sinaktan ka ba nila? Kumusta ka? Hindi ako makapunta kagabi wala akong masakyan-"

"Okay lang po ako Mama. Naglaro po kami, at pinakain nila ako ng maraming pagkain at may cake pa po. Mabait din po si Papa Jorus tapos tabi kaming natulog," sunod sunod niyang sinabi.

"P-Papa?"

Lumungkot ang kaniyang mukha at inayos ang buhok kong nagulo.

"Opo, sabi niya puwede ko siya tawaging Papa," aniya. "Siya po ba ang Papa ko o iyong Manong na nakita natin sa mall?"

Nangilid ang luha ko sa naging tanong niya. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Nasasaktan ako.

"Mama, huwag na po kayo magsinungaling, bad po 'yo 'di ba? Tsaka, 'di ba po wish iyon ni Marie?" malungkot niyang sinabi.

Nag-vibrate muli ang phone ko kaya pinatakan ko na lang ng halik si Marru sa mukha bago nilingon ang puwesto nina Jorus ngunit wala na sila roon at mukhang pumasok ng bahay.

Nilingon ko ang tatlong triplets na hawak na ngayon ni Kim. "Pasok na tayo sa loob," pagyaya niya.

"Mauna na kayo," sabi ko.

Tumango si Kim at hinintay kong makapasok siya sa loob bago ko sinilip ang labas ng gate kung saan may pamilyar na sasakyan ang nakaparada sa harap mismo ng gate.

Nagpalinga-linga muna ako sa paligid at nang nasiguro nang wala ng tao, mabilis akong humakbang patungo sa gate at tahimik na binuksan.

Nakahinga ako ng maayos nang tuluyang nakalabas ng gate at akmang isasarado ko na iyon nang biglang bumukas ang main door ng bahay nina Jorus.

Kabadong bumaling ako roon at iniluwal no'n ang magkaibigan na seryosong nag-uusap, at si Jorus na nag-igting ang panga.

"Gago pre, anak mo 'yon!" rinig kong sinabi ni Samuel bago sila napatingin sa gawi namin.

"Thea!" malakas na sigaw ni Jorus at patakbo kaming nilapitan ngunit diretso na akong sumakay sa kotse at mabilis na umandar palayo ang sasakyan ni Gino.

Napalingon ako sa likuran ko nang makita ang ginawang paghabol ni Jorus sa sinasakyan namin ngunit hindi na rin niya naabutan pa.

Pumatak ang butil-butil na luha ko at agad na niyakap si Marru na lumuluha habang mahinang tinatawag na papa si Jorus.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top