Kabanata 15
Silverio
"Manong!"
Napatakbo si Marru patungo kay Jorus kaya agad ko siyang hinarangan at umiling sa kaniya.
"Bakit po? May sasabihin lang ako," ani Marru sa malungkot na tinig.
Nag-init ang bawat sulok ng mata ko at akma siyang bubuhatin upang ibalik sa kuwarto ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi niya ako pinakinggan.
Pilit siyang kumawala sa akin kasabay nang pagdagundong ng baritonong boses ni Jorus sa loob ng apartment.
"Who's him?" His voice was calm yet intimidating.
Dahan-dahan kong tiningnan si Marru na sumampa sa sofa at pinantayan ang tangkad ni Jorus. May ngiti sa labi ni Marru ngunit pagtataka ang nasa ekspresyon ni Jorus.
Nakatitig siya kay Marru at unti-unting lumingon sa akin at magkasalubong ang kilay. Nag-iwas ako ng tingin.
Napakagat ako ng labi at hindi na napigilan ang pagtulo ng butil ng luha mula sa mata.
Para akong natulos sa kinatatayuan ko habang nakatingin kay Marru na para bang sinusuri si Jorus. Bumaling pabalik sa kaniya si Jorus at nagtiim-bagang.
Unti-unting napawi ang ngiti sa labi ni Marru. "Hindi ikaw si Manong..." aniya na ikinagulat ko.
Paano niya nalaman? Humakbang ako ngunit agad ding napahinto nang muling nagsalita si Marru.
"Sino ikaw? Bakit mo kamukha si Manong?" si Marru.
Napalabi si Jorus at para bang natataranta sa tanong ng bata. "S-Sinong manong?"
Napakamot ng ulo si Marru at bumaling saglit sa akin bago binalik ang mata kay Jorus. "Iyong Manong po na nakita namin sa mall."
Seryosong tumingin sa akin si Jorus na wari'y nagtatanong. "S-Si Jairus..." malat kong sinabi.
"You know my brother?" he asked.
Napasinghap ako at hindi na sumagot. Naglakad ako palapit kay Marru kahit na nanginginig ang mga binti.
"Marru..." hinawakan ko sa kamay si Marru ngunit patalon siyang bumaba sa sofa at nilapitan si Jorus.
Inabot ni Marru ang kamay niya at tiningnan ang likod nito. Ngumuso si Marru bago tumingala kay Jorus na nakasunod nang tingin sa kaniya.
Nakamasid ako sa dalawa at hindi mapigilan ang luha.
"Sino po kayo? Hindi ikaw si Manong sa mall. Wala kang tattoo sa kamay at iba rin ang amoy mo," sunod-sunod niyang sinabi.
Napakurap-kurap ako at namamanghang napatitig kay Marru na nanatili ang tingin kay Jorus. Napansin ko ang kakaibang kislap sa kaniyang mata na ngayon ko lang nakita.
Umangat ang kamay ni Jorus at humaplos sa ulo ni Marru.
"A-Anong pangalan mo?" tanong ni Jorus.
"Marru po."
Nagsalubong ang kilay ni Jorus at malamig akong tiningnan. "He's not just your brother, isn't it?"
Napalunok ako dahil sa hindi malamang gagawin. Lumingon sa akin si Marru na namumula ang mata na para bang gustong umiyak.
"Halika rito..."
Bahagya akong yumuko nang lumapit sa akin si Marru. "G-Galit po kayo?"
Umiling-iling ako. "B-Balik ka muna sa room mo..." pumiyok ang boses ko.
Lalong lumungkot ang kaniyang mukha at saglit na bumaling kay Jorus. "Sino po ba siya? Bakit po magkamukha sila ni Manong?"
Napapikit ako at dumilat. "Balik ka muna sa kuwarto, mag-uusap tayo mamaya."
Tumango si Marru at walang imik na naglakad pabalik ng kuwarto. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang makapasok.
Napabuntong hininga ako bago hinarap si Jorus na bakas pa rin ang pagtataka sa mukha.
"Have you been in a relationship with my brother?" tanong niya.
Umiling ako.
Lalong nawalan ng ekspresyon ang mukha niya. "Why do you need to lie?"
Nanatiling tikom ang bibig ko.
"Hindi mo lang siya kapatid."
Nagtiim-bagang ako. "Umalis ka na-"
"Nagkaroon ka ng relasyon kay Kuya!" he stated.
Muling bumuhos ang luha ko at sa pagkakataong 'to lahat ay nakumpirma ko. Hindi siya ang kasama ko noon kundi si Jairus.
Dahil kung siya man iyon ay posibleng babanggitin niya ang kapatid niya rito.
"Anak mo siya kay Kuya..." nabasag ang boses niya.
Mahina akong napahikbi at may parte sa akin na hindi matanggap ang lahat ng sinabi niya.
"A-Alam ba niya?"
Kaya pala pinagtabuyan niya ako noon dahil hindi pala talaga siya 'yon. Hindi siya!
Pinalis ko ang luha sa mga mata at napatayo ako ng maayos. Humugot ako ng hangin at matapang na tumingin kay Jorus na... namumula ang mga mata.
"Umalis ka na-"
"Hindi ka niya pinanagutan kaya mo tinago?" he guessed.
Nagsalubong ang kilay ko sa kaniya at hindi sumagot. "Umalis kana. Wala kang alam..."
"Kaya nga Thea sabihin mo! Bakit... bakit kailangan mong itago ang lahat?"
Sinubukan ko. Kaya pala paulit-ulit na hindi matuloy-tuloy dahil mali. Mali lahat ng inaakala ko.
"Pati bata, niloloko mo Thea-"
"Umalis ka na! Wala kang alam! Wala kang karapatan!"
"Walang karapatan? Dugo't laman 'yon ng Kuya ko! Pamangkin ko! Sinong walang karapatan? Sige nga?" tumaas ang boses niya kaya natigilan ako.
Napatikom ang bibig ko at napahagulgol. Gulong-gulo pa rin ako sa lahat.
"I can't believe you, Thea! You're so selfish!" malamig niyang sinabi kaya mas lalo akong nadudurog sa bawat katagang binibitawan niya.
"Kung kinakahiya mo ang bata, ibigay mo sa amin-"
Tumalim ang tingin ko sa kaniya. "Sa tingin mo ibibigay ko sa inyo si Marru? Pagkatapos n'yo akong paulit-ulit na pagtabuyan noon?"
Napasinghap siya at nag-igting ang bagang.
"Umalis ka na. Wala kayong karapatan sa kaniya!" napasigaw na ako sa sobrang sakit ng pakiramdam.
"Putangina! Kung karapatan lang Thea, mayroon!" malakas niyang sigaw na kumulob sa buong apartment.
Muling bumuhos ang panibagong luha sa mata ko dahil sa galit niyang mukha. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit.
"B-Bakit n'yo po sinisigawan ang A-Ate ko?" napasinghap ako nang marinig ang tinig ni Marru.
Napabaling ako sa pintuan ng kuwarto at nakita ko si Marru na patakbong yumakap sa akin. Umupo ako upang pantayan siya. "'Di ba sabi ko huwag ka lalabas?"
"Nagsisigawan po kasi kayo, baka saktan kayo ng kapatid ni Manong..." ani Marru at marahang pinupunasan ang luha sa mata ko.
Napatitig ako sa kaniya at parang dinudurog ang puso ko nang makita ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"Inaway niya po ba kayo?"
Umangat ang kamay ko at humaplos sa mukha niya.
"M-Marru?"
Mabilis siyang lumingon kay Jorus. "Inaway n'yo po ang A-Ate ko..."
Malamig na lumipat ang tingin sa akin ni Jorus bago naglakad palapit sa akin. Tumayo ako at mabilis na tinago si Marru sa likuran ko.
Naninikip ang dibdib kong sinalubong ang malamig na tingin ni Jorus. Napaatras ako habang hawak-hawak si Marru sa likuran ko.
Napasinghap ako ng ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa akin. "Sasabihin mo ang totoo o ako ang magsasabi?"
Umiling-iling ako. "U-Umalis ka na..."
"Isa pang taboy Thea, hahalikan kita sa harap ng anak mo!" mariin niyang sinabi kaya mabilis akong napayuko.
"Sasabihin ko ang totoo kapag umalis ka na-"
"Ngayon mo sabihin, Thea. don't try me. You know what I can do!" puno ng awtoridad niyang sinabi.
"A-Ate..." boses ni Marru.
"See? A-Ate huh? Denying the kid?" may pag-uuyam sa tono niya kaya mas lalo akong nanghihina.
"Manong umalis na po kayo, kasi may tarbaho pa si A-Ate bukas..." si Marru ulit.
Dahan-dahan umupo si Jorus at kinausap si Marru.
"Sinong Papa mo?"
Namilog ang mata ako at dinungaw si Marru.
"Hindi ko po alam," aniya.
"Sinong Mama mo?"
Napayuko si Marru at hindi sumagot. Maya-maya lang ay narinig ko ang mahina niyang paghikbi.
"Hey, kiddo. Nagtatanong lang ako..."
Nataranta akong naitulak palayo si Jorus kaya napaupo siya sa sahig. Binuhat ko si Marru ngunit mabilis na nahawakan ni Jorus ang kamay ko.
"I'm warning you, Thea!" banta niya.
Dahan-dahang umalis sa akin si Marru kaya napaawang ang labi kong tiningnan siya. "Marru-"
"Ikaw po ang Mama ko 'di ba?"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabing iyon ni Marru. Naramdaman ko ang kamay ni Jorus na humawak sa akin kaya mabilis ko iyong iwinaksi at paluhod na nilapitan si Marru at hinawakan sa kamay.
"A-Alam mo?" nabasag ang boses ko.
Tipid na tumango si Marru kaya agad ko siyang niyakap. "K-Kailan pa?"
He sobs. "Matagal na po..."
Napahikbi ako. "I'm sorry, Marru. I'm sorry..." mahigpit ko siyang niyakap at tanging pagtangis namin ang naririnig sa buong silid.
"S-Sabi po ni Nanay, intindihan daw po kita dahil palagi kang pagod sa tarbaho mo. Kahit po masakit sa dibdib ko ginagawa ko po kahit na nagseselos po ako minsan kay Marie dahil siya... Mama ang tawag sa inyo..." humikbi si Marru at triple ang sakit na nadarama ako.
Humigpit ang yakap ko sa kaniya.
"Lagi ko po kayong naririnig na umiiyak noon kaya po sinunod ko si Nanay na kunwari po hindi ko alam. P-Pero po ang sakit-sakit na dito..." tinuro niya ang kaniyang dibdib kay mas lalo akong nadudurog.
"I'm sorry, baby. I'm sorry..."
"Hin... hindi n'yo po ba ako mahal?" hikbi niya.
"Bakit n'yo po ako tinatanggi? Bakit po... bakit po..." humagulgol ng iyak si Marru kaya humigpit ang yakap ko sa kaniya.
At sa puntong 'to, na realize ko lahat lahat ng pagkakamali ko. Pagkakamaling nagawa at naging desisyon.
"Mahal kita, Marru. Mahal na mahal kita. Patawarin mo ako anak..."
"Mama. Mama ko..."
"Patawad baby, patawad..."
Wala akong ibang masabi kundi ang patawad. Ang sakit makita at malaman na habang pilit kong tinatago ang katotohanan sa kaniya ay alam na niya pala ang totoo.
Ang sama ko. Ang sama sama kong ina.
Nabalot ng iyakan ang paligid at ramdam ko na ang panghihina ng katawan. Patuloy na humihikbi si Marru habang nakayakap sa akin ng mahigpit.
"P-Puwede ko na po kayo tawaging mama?" inosente niyang tanong habang patuloy na naiiyak.
Tumango-tango ako at parang nawalan ng boses. We stayed huuging each other while dramatically crying.
Hanggang sa makalipas ang halos ilang minuto nang maramdaman ko ang kamay na tumatapik sa balikat ko.
Kumalas ako ng yakap kay Marru at hinarap ko ang mukha niyang puno ng luha at ang mugtong mga mata.
Pinunasan ko ang luha sa mata niya at marahan hinaplos ang magkabila niyang pisngi. Pinugpog ko ng halik ang mukha niya at hindi nga maitatangging isa nga siyang Silverio.
Halos nakuha niya ang lahat sa magkapatid. "I'm sorry, Marru. Babawi ako ah? Babawi si Mama..."
Niyakap niya ako at paulit-ulit niyang sinasambit ang salitang "mama".
"Here, drink this water..."
Tumingala ako at maingat na inabot ang tubig na galing kay Jorus. Kumalas sa akin si Marru kaya inaalalayan ko siyang uminom ng tubig.
Tumayo ako ng matapos niya. Hinalikan ko siya sa ulo bago nagpaalam na magtutungo sa CR. Mugto ang mata ko at kailangan kong maghilamos.
Nilingon ko si Jorus na nakatitig sa akin gamit ang kaniyang malamig na ekspresiyon. Inirapan niya ako at naglakad papalapit kay Marru.
Humugot ako ng malalim na hangin at dire-diretsong pumasok sa CR at tumapat sa lababo. I quickly washed my face and dried it, after a couple of minutes I decided to go out.
Bumalik ako sa maliit na living room ng apartment ngunit napakunot ang noo ko ng wala na roon si Marru at Jorus. Patakbo akong nagtungo sa kuwarto ngunit wala rin sila roon.
Hinalughog ko ang buong sulok ng espasyo hanggang sa marinig ang makina ng paalis na sasakyan. Patakbo akong lumabas ngunit huli na dahil mabilis nang umalis ang sasakyan.
Sunod-sunod na pumatak ang luha ko at saktong tumunog ang cellphone ko. Patakbo ko iyong kinuha sa kuwarto at may lumitaw na unregistered number.
Sinagot ko iyon kahit hindi sigurado kung sino ang tumatawag.
"I got Marru, fix yourself, Thea."
Umawang ang bibig ko nang marinig ang seryosong boses ni Jorus. I was about to say something but the line ended.
Akmang tatawagan ko siya nang sunod na lumitaw ang pangalan ni Ailyn sa screen ng phone ko.
Napahikbi akong sinagot iyon.
"Ate! Ate, kumusta kayo diyan?" natarantang tanong niya.
"Ailyn..." napakagat labi ako.
"Ate, may pumunta rito hinahanap kayo ni Marru. Akala ko nga si Kuya Jorus, pero nagpakilalang Jairus daw."
Nanlaki sa gulat ang mga mata ko. "Anong kailangan nila?"
"A-Ate nag-trespassing sila sa bahay nang sabihin naming wala kayo rito..." ani Ailyn sa kabilang linya.
"Anong ginawa? Kumusta kayo? Sinaktan ba kayo?" napatayo ako dahil sa pag-aalala.
"Hindi naman Ate. Pero mukhang nalaman na nila ang tungkol kay Marru at balak nilang kunin..."
"Ano?!"
"Iyon ang narinig ko-"
Pinutol ko ang linya kay Ailyn at tinawagan ang numero na ginamit ni Jorus ngunit coverage na iyon. Paulit-ulit kong tinawagan pero wala pa rin.
Napasalampak ako sa sahig at napahagulhol dahil sa nangyayari. Kaya ba sobrang kaba ang nararamdaman ko kanina? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana umalis na kami kanina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top