Wakas
Clyde Vix Vandellor
"Mommy, where are we going?" I asked when I saw her fixing all her clothes in the luggages.
I know they are having a fight again with daddy. But I can't do something about it.
Mommy glanced at me as she smiled lightly. "We'll go back to Manila, Clyde. So I'm fixing our things."
I nodded. "With... Daddy?" I asked again.
Mommy's face suddenly darkened. "No. So go to your room and choose the clothes you want to bring with you..."
My eyebrows furrowed. I was about to ask more but Mommy already turned her back on me as she continued fixing her things.
I just lightly walked out of the room. Naglikot ang mata ko sa loob ng mansyon. Malungkot ito at wala ng katao-tao dahil kami na lang.
Nasa hospital si Grandma and Grandpa kasama si daddy dahil inatake ito. Pinaalis na rin ni mommy ang mga katulong na naninilbihan sa amin.
Napabuga ako ng hangin at nagtungo sa kuwarto ko. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na nagchi-cheat si daddy kay mommy.
Mula noon madalas ko na rin mapansin si daddy na malapit sa isang anak ng labandera namin na medyo kaidaran ni mommy. Kaya kahit ako ay nagkaroon na ng galit kay daddy.
Hindi niya kami pinapabayaan. He always provides for our needs but I can't consider him as a good father. He is still a cheater after all.
Binuksan ko ang cabinet at pinili ang mga damit na dadalhin. Hindi ko naman kailangan dalhin lahat ng gamit ko dahil babalik pa naman ako rito sa Alcatraz.
——
Nakabalik kami ng Manila at tumira kami sa condominium ni mommy. She doesn't want to stay in our house.
I let her do whatever she wants because I know she's in pain. She loves daddy so much and she didn't expect that daddy would do this to us.
After a few days, I woke up because the small voices seemed to be fighting. Bumangon ako sa higaan at dahan-dahang lumabas ng kuwarto.
Palakas ng palakas ang boses ni mommy na wari'y may kaaway hanggang sa mabuksan ko ng tuluyan ang pintuan.
Patuloy na sumisigaw si mommy habang nakaluhod si... Daddy sa harapan niya, nagmamakaawa at umiiyak.
Hindi ko na mapigilan ang maluha. Napatitig ako kay daddy na lumuluha at makikita sa mga mata niya kung gaano niya kagustong bumalik kami ni mommy sa kaniya.
I could feel how he loves mommy. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang magloko.
I was just 7 year old yet I am mature enough to think now. Lumingon si daddy sa akin at naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya. He looks so messy.
"Son..." he mumbled.
Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang nakatitig sa kaniya. What should I do? I still love him despite what he'd done to us.
Umangat ang tingin ko kay Mommy na nakatakip ang mukha, umaalog ang balikat at umiiyak. Naglakad ako palapit doon at humawak sa baywang niya. Pinunasan niya ang mata at nilingon ako.
"Clyde..."
I felt pity for mommy. Alam kong mahal niya pa rin si daddy kahit ang sakit-sakit ng ginawa nito sa amin.
Humawak ang kamay ni daddy sa akin kaya lumayo ako at nagtago sa likod ni mommy. Kita ko ang bumalatay na sakit sa mga mata niya.
"Mommy?"
Mommy gently tapped my head. "Umalis ka na Cadel. Hindi na kami babalik sa'yo—"
Tumayo si daddy kaya tumingala ako. Hinawakan niya ang mukha ni mommy. "Please, honey, listen to me..."
Mommy shook her head as she stepped back. "Ayoko ng maniwala sa'yo, Cadel. Kung gusto mo ang babaeng iyon bahala ka sa buhay mo! Pero sa akin ang anak ko!"
"No, I love you. Kayo ang gusto ko hon-"
Patakbo akong bumalik sa kuwarto at hinayaan ang sariling umiyak doon. Kahit gusto kong mabuo ang pamilya kung paulit-ulit na magloloko si daddy, 'di bale na lang. I don't want to see mommy crying because of him.
After a few days, daddy still pursued us not until the news boomed. My both grandma and grandpa died and daddy was wasted.
Bumalik kami ni mommy kay daddy. Sa loob ng ilang araw naging maayos ang lahat. Daddy keep on apologizing to us. And time goes by I'm slowly healing.
Daddy gave his all attention to us. Naging masaya kami sa loob ng ilang buwan pero muli na naman napabalitang may kinikita si daddy. Hanggang sa sumabog na lang ang balitang naaksidente si daddy at ang masakit ay... kasama nito ang kalaguyo.
He was comatose. Napuno ng galit ang puso ko kay daddy. Lagi kong nahuhuling umiiyak si mommy dahil sa nangyari. Hindi niya kayang makita si daddy kaya pinaubaya niya ang pag-aasikaso sa mga nurses sa hospital.
As years passed. Daddy awake but he got paralyzed. Nagtataka kami kung bakit ganoon ang nangyari. And the doctor said it was caused by the accidents.
Nagpatuloy akong nag-aral. I take business course kahit na maging piloto ang gusto ko. Nag-aral ako kahit madalas lumabas ng bansa si mommy. I understand her she's in pain pero hindi ko ikakailang hindi ko na naramdaman ang pagiging ina niya sa akin.
I grew up independently. Hanggang sa tumuntong ako ng bente uno. I also finished my degree. I want to relax myself but...
"Clyde, you have to take over the company. Hindi ko na kayang makipagsabayan. Hindi nagbabago ang kalagayan ng Daddy mo," mommy said.
I want to take a break but damn this legacy! I was the only heir.
"I won't yet, Mom. It's just temporary..." I said.
Hindi na umimik si mommy. Dahil kung tatanungin ay gustong manggaling mismo kay daddy ang mga katagang iyon.
He's still my father after all.
"Clyde, mag chill ka naman. Masyado ka na ngang tutok sa pag-aaral mo hindi ka pa makikisama sa amin."
Sinalo ko ang can beer na hinagis ni Samuel sa akin at tumabi kay Luke. Tinungga ko iyon bago nakisali sa usapan nila.
"We were looking at a fancy and captivating land," Luke said so I looked at him.
"Para saan?" tanong ko.
"Shooting for our new design summer dresses," he responded.
Tumango-tango ako. Halos pare-pareho kaming namulat sa buhay ng pagiging negosyante. Hindi naman sasagana ang biyaya kung hindi ka magsisikap. Kailangan pa rin ng effort.
"We have a mansion in Alcatraz. Malaki rin ang sakop ng lupa namin doon. Baka makatulong..." offer ko.
"Thanks bro, we'll check it when I have my free time..."
Tumango lang ako.
Nagpatuloy kami sa pag-inuman. Hindi nawala sa paningin ko si Jorus na may kahalikang babae. Hindi na ako magtataka kung makabuntis man 'to ng maaga.
***
"This is a huge land bro, and a nice place..." Luke commented.
Tinanggal ko ang sunglasses sa mata at sinuri ang buong paligid. Kailangan ko rin palang buhayin ang lupang ito. Ilang dekada ring napabayaan.
Naglibot kami ni Luke sa buong Alcatraz sa lupain namin. Hindi lang kami ang mayaman dito. Kilala rin ang pamilyang Dela Fuente, Dela Cuesta at Delafenia. Marami na rin ang mga building na napatayo. Nagtungo kami sa maliit na tindahan ng naabutan ng pagkauhaw.
"Wait lang bro, bibili ako ng tubig..." ani Luke.
Tumango ako sa kaniya at muling naglikot ang paningin. Pero aksidenteng may nahagip ang mata ko at nakakita ng parang anghel sa kagandahan. She's simple yet appealing.
Napalabi ako at saktong may dumaan na bata. Kinalabit ko ito at lumingon siya.
"Bakit po?" nagulat yata ang bata sa akin.
Ngumiti ako. "Kilala mo iyong babae?" turo ko sa babaeng nasa bakuran habang nagdidilig ng halaman.
"Ah, si Ate Cine, Cine po? Bakit po Kuya?"
I smiled secretly. Cine?
"Anong Cine?" tanong ko.
The young boy smiled and rubbed his side head. "Ate Francine po. Manliligaw po ba kayo?"
I immediately shook my head. "Hindi, nagagandahan lang ako..."
Tumango ang bata.
"Marami po kayong karibal kay Ate Cine, marami po ang nanliligaw sa kaniya pero wala siyang pinapansin. Tsaka... baka po mabuhusan lang kayo ng tubig ng Lola niya..." sabi pa ng bata.
I couldn't speak. Dalagang marikit.
"Ilang taon na siya?"
Nag-isip muna ang bata bago sumagot. "17 pa lang po yata si Ate Francine. Alam ko kasi kaka grade-11 niya pa lang eh."
Napaubo ako. What the hell? A 17-year-old young lady caught my attention!
Natapos ang araw na hindi mawaglit sa isipan ko ang dalaga. Nauna ng umalis si Luke pero nagpaiwan ako. At ngayon...
Nasa harapan ako ng bahay ng dalaga at saktong lumabas ito mula sa kanilang pinto. Napangiti ako nang makita ang maayos niyang buhok at nakasuot ng uniporme. Oh shit. She looks stunning with her uniform!
Tumalikod ako nang maglakad na siya palabas dahil madadaanan niya ako. Pero nakaramdam ako ng may kumalabit sa akin kaya nilingon ko iyon.
"Hi, sa'yo yata 'to..."
I gasped. What the hell, self! Kumalma ka!
Inabot ko ang panyo sa kamay niya. "T—Thank you..."
Tumango lang siya at hindi na nagsalita. Naglakad na ito palayo at hindi na lumingon pa. I want to follow her. Ask her something, but fucking shit!
Nanginginig ang pantog ko!
H-Her angelic voice makes me want to hear more of her voice. God baby, what did you do to me?
I stayed there for more than a week. I always secretly followed her whenever she went. I always go to the front of their backyards just to see her, not until I heard that... she's a Jacinto.
The niece of my daddy's mistress!
After knowing the truth I immediately fled back to Manila. But damn this feeling! I want to see her but I respect my mom...
I like her but I loved my mom.
I'm trying my best to focus on my position in the company. I need to be hands on. Malaking kumpanya ang hawak ko at hinfi ako pwedeng magkamali sa pamamalakad.
As years passed I didn't have a chance to go back to Alcatraz and it helped me somehow to forget the first woman I liked. I focused on my work and I did my best in our company.
Si mommy... madalas ang paglabas ng bansa. Kaya isang araw nagulat na lang ako na may kasama na siyang babae.
She introduced her to me and slowly, we became friends, knowing each other and days passed we became lovers.
She was always visiting me in the office everytime she didn't have a shoot. She's a model.
"Hon, I have to go in US for our next photo shoot-"
"Why there? You can shoot here..."
"I love you, Clyde..." she suddenly whispered as he kissed me. I kissed her back and I controlled myself.
I can't have sex with her.
"Ayaw mo bang sumikat ako?" tanong niya.
I sighed. "You are already famous, hon..."
"Pero hindi pa ganoon kasikat. I want to be a supermodel, Clyde..."
Napalabi ako. I respect her dreams so I'll let chase her dreams. "Okay, I'll support you if that's what you want."
Dumating ang ilang buwan naging busy ako sa trabaho dahil sa mga nagka aberyang plane. As the news spread... that my girlfriend cheated on me with her co-model. I tried to talked to her but she broke up with me before she fled out.
Ininda ko lahat ng usapan tungkol sa aming dalawa. Nag-focus ako lalo sa kumpanya. Nag-stay na rin sa pilipinas si mommy ng malaman niya ang nangyari.
She didn't dare to talk to me about Cristine. Mas okay na rin 'yon dahil ayoko na rin pag-usapan.
But I became cold. Not because I was hurt, but to stop them talking whenever I'm around.
As years passed I find myself, mylife so boring, lonely, unhappy. I decided to visit daddy at least once a week. Unti-unti na siyang nakakarecover pero hindi pa rin nakakapagsalita.
Until news came that one of our planes crashed. I went there to solve our problem. We paid for the depths, we fixed it but we have to carry all the passengers' damages.
Naglalakad ako na ako papasok ng lobby hanggang sa mapansin ko ang pamilyar na bulto ng babae. She went straight inside to the Finance management. Immediately, I went back to my office and called the HR to see all the listed employees.
I was cold. I was trembling while slowly checking all the names and not mistaken it. She's damn here!
My chest was pounding so loud and fast. After all these years my heart is still beating for her! Shit baby... stop torturing me...
I tried to avoid her, I fired her in an unreasonable way but seeing her crying in the rain makes me feel heartless. I wanted to hug her but knowing the situation obstructed me.
The more that I kept stopping myself, the more that I became insane. I'm sorry, Mommy. I really like this girl. And the night something happened to us, hindi ko na siya nilubayan. I don't fucking care what we should be facing consequences. Pero desido na ako sa kaniya.
She was asleep after what happened to us and I couldn't help but to stare at her angelic face. "You grow up, gorgeously, my love..." I kissed her forehead before I got up.
Kung hindi lang nagkaroon ng gulo sa pamilya natin, ipagsisigawan kong ikaw ang gusto ko. Pero hindi ko magawa, dahil alam kong ikakapahamak niya.
She was talkative, decent, simple and sometimes funny. And day by day, hindi ko namamalayang tuluyan na akong nahuhulog sa kaniya. But I'm scared that mommy would find out about her.
"Clyde, Christine is here. You guys need to talk," Mommy said one day when the day came in my office.
"Ayoko, Mom. She cheated on me—"
"Hon, I'm sorry..." she intruded.
"I don't need your sorry Christine." I said coldly. "I've already found someone..."
Naging instense ang usapan sa pagitan namin hanggang sa nag-antay ako sa labas ng pinto upang salubungin si Francine.
Gusto kong sabihin na umuwi na siya pero alam kong hindi siya susunod. Paniguradong babalik iyon dahil pinabili siya ng kape.
Fuck. I'm very sorry, Francine.
And after a couple of minutes passed she knocked. I opened the door with a worry on my face.
I want to hug her right now but I can't. Pumasok siya loob at nilapag ang kape sa lamesa. Hindi ko maiwasang mapatitig sa bawat mayuming galaw niya. She's really an ideal woman.
Isa-isa niyang sinerve ang coffee , and accidentally I saw how Christine blocked her foot. So I quickly went to her.
"No!"
Bumagsak siya dahil sa ginawang iyon ni christine kaya napuno ng galit ang kalooban ko.
"Aw!" napadaing siya dahil sa sakit.
"Shit, Francine!"
Inaalayan ko siyang tumayo at kitang-kita ang pagbaltay ng sakit sa kanyang mga mata.
"... M—Madam... I'm sorry..." nanginig ang boses niya.
Lumingon ako kay mommy na natapunan ng kape agad kong pinunasan si mommy. Panay ang sorry ni Francine.
Lumingon ako sa kaniya na namamasa na ang mga mata at bakas na ang luha. Shit, baby, don't cry. It's not your fault.
Patuloy pa rin ang hingi niya ng tawad hanggang sa nilapitan siya ni mommy at agad sinampal.
"Mom!" my cold voice thundered
"How dare you pour that coffee on me?!" singhal ni mommy I was trying to stop her.
"I—It was an accident po. I'm sorry, Madam..." baby please run out.
Pumagitna na ako sa kanila pero hindi natinag si mommy. Shit.
"What's the use of your sorry? You stupid!"
"Mom, stop!" I shouted loudly .
"Do you know how much this dress cost? Kulang pa ang buhay mo sa halagang ito. Napakatanga mo!" singhal niya.
Francine walked out and I glanced at mommy. Coldly.
"Mom, what did you do?!" my cold voice thundered inside my office.
"Dapat lang iyan sa mga tanga at gusgusing empleyado. Mga ingrata at malalandi!" mariin niyang sinabi.
"Mom—"
"Find some decent secretary, not this slut!"
"She's not a slut, Mommy! Shut up!"
Hindi ko na napigilan ng sumigaw. Sinundan ko si Francine. Pero hindi lo na naabutan. Gusto ko siyang makita pero alam kong mas masasaktan lang siya.
Damn. I can't lose her again! Not anymore!
Pinalipas ko ang ilang araw. I received her text she can't go to work. I understand her. But I can't stop myself from seeing her. So I texted to go but she didn't respond. And after a few days she went back to work.
Everything is fine. Nagkaayos ulit kami. She became talkative again. Not until I received a call that daddy slowly started to utter a word.
Nagmamadali akong pumunta ng hospital. Gusto ko malaman mismo ang totoo kay daddy. I don't care kung anong mangyayari. Pero gagawin ko 'to para kay Francine.
I want to end all the hatred. It's been decade has passed. Ayoko na... ayoko nang magtanim ng galit. All I want is her. Free to be us.
"Dad?!" pagbukas ko ng pinto isang sampal mula kay mommy ang sumalubong sa akin.
Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa lakas. Ito ang kauna-unahang sinaktan ako ni mommy nang hindi ko inaasahan.
"How dare you, Clyde, to hire that slut? Really? Our enemies?!"
Hindi na ako nagtataka ng malaman niya. Alam kong sinula ng mangyari ang gulo sa opisina, inaasahan ko na ang imbestigasyon gagawin niya.
"Bakit siya Clyde?"
Hindi ako sumagot.
"You know how much we suffered because of that family!"
"Wala siyang kinalaman sa nangyari, Mommy. Labas siya roon—"
"At pinagtatanggol mo pa?" sigaw ni mommy.
Nakatingin ako kay daddy na nakatitig sa akin. Gumalaw ang kaniyang kamay kaya lumapit ako sa kaniya.
"Please, Dad... fight. I wanna know the truth, I want to end this everything. Please Daddy. I'm begging you magpagaling ka na... I wanna hear you," I keep on begging to Daddy.
Mommy shouted again. "What are you doing Clyde?!"
"Daddy, please... H—Hindi ako tatanggapin ni Francine hanggat may gulo sa pamilya. I can't lose her again Dad... I already sacrificed a few years just to avoid it. Not now—"
"C—Clyde..."
My eyes widened in mixed emotion. Daddy spoke! He spoke for real!
"Mommy, mommy! You heard daddy? He called me!"
Nilingon ko si Mommy na masama pa rin ang tingin. Namumula ang kaniyang mga mata. "Anong ibig sabihin Clyde? That slut—"
"Don't you dare, Mom! She's not like that! I love that girl you were insulting!" I shouted in madness.
I looked back to daddy and he was tearing up. Lumabas si mommy ng kuwarto kaya naiwan kami ni daddy.
Dahan-dahan akong umupo sa tabi ni daddy. And my tears fell. "D—Dad... I fell in love with... our family's enemies. Dad, I really can't lose her. I love her. I love Francine so much... forgive me. But I am willing to give up everything if it's the only way so she could accept me. All my life Dad, I was alone... kahit siya na lang. I really can't lose her..." tuluyan na akong napaiyak sa tabi ni daddy.
I could hear him humming and struggling to utter a word. Nagpalipas ako ng ilang minuto kasama si Daddy and I felt like... I miss him. I miss my dad, I miss how we bonded together...
Last day of Francine's work and I know she will end this agreement. Maaga akong pumasok sa opisina para makita siya pero naabutan ko roon si mommy.
"Clyde, Christine needs you—"
I sighed. "Wala akong pananagutan sa kaniya, Mom. Walang nangyari sa amin. At hindi ako ang nakabuntis sa kaniya..."
"Clyde hindi kita pinalaki ng sinungaling!"
"Hindi ikaw ang nagpalaki sa akin, Mom! I grow up alone without you! Nakakalimutan mo na mommy? Nag-stay ka sa US at hinayaan akong mag-isa!"
Hindi ko na napigulan ang sarili at sumabog na. I wanna kept this pain but mommy pushed me to my limit. And worst, mas naniniwala siya sa iba kaysa sa akin.
I blew a loud breathed. "Umalis ka na, Mom..."
Hindi natinag si mommy kaya ako na ang aalis pero pagbukas ko ng pinto lumitaw si Francine. She's here. I felt calm seeing her smiling lightly.
"Good morning," she greeted me.
How I wish I could still stay calm like her.
"You can—" I was trying to say that she can go home but mommy wants to talk to her.
Tumunog ang telepono at nagkaroon ng gulo sa lobby kaya nagmamadali na akong magtungo roon ulang makabalik agad.
And there is, may nagwawalang dating empleyado at isa iyon sa mga tinanggal ko. Hindi naman ako nagtatagal ng walang dahilan. And the man I fired is having a bad behavior which I won't tolerate.
"Sir, kami na ho bahala rito..."
Tumango sa guard at mabilis na bumalik sa opisina. Blanko ako. Blanko ang isipan ko dahil si Francine lang ang naiisip ko.
Pagbalik ko sa opisina nakabukas ito at baririnig ko ang maliit na boses na nagsisigawan sa loob. Binuksan ko ito ng malaki ang pinto at...
"Francine!" sigaw ko ng mankita siyang nakahandusay sa sahig at may dugo.
Tumingin ako kay mommy at kay Christine na nandito pala. "What did you do to her?!"
"C—Clyde..."
"Kapag may nangyaring masama sa kaniya, hindi ko kayo mapapatawad!" sigaw ko sa galit at mabilis na binuhat si Francine. Wala ng malay.
Agad ko siyang nadala sa hospital. Mabilis na gumalaw ang nurse at sunod na lumabas si Mayumi. Zoren's wife.
"Anong nangyari sa kanya?" si Mayuni.
"H—Hindi ko alam... I just saw her bleeding. What happened to her? Please doc?"
She sighed. "Calm down, Clyde. Naninerbyos ako sayo eh..."
Hindi ako mapakali.
"I'll be back..." Mayumi said and she walked out.
Pinasok nila sa room si Francine at naiwan ako. Napatitig ako sa palad kong may dugo na nanggaling sa kaniya.
What did they do to you? Napasuntok ako sa pader dahil sa kapabayaan. Hanggang sa may biglang lumapat sa mukha ko.
"Ikaw ba?! Isa kang Vandellor?!"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at ininda ang pagsampal nito.
She was the one I saw with Francine in the mall. And maybe she's her mother.
"Madam—"
"Lumayas ka rito! Kapag may nangyari sa anak ko hindi ko mapapatawad ang pamiya n'yo!"
"Madam, magpapaliwanag ako—"
"Clyde!" Mommy voice appeared.
Patakbo akong lumapit sa kanya at niyayang lumabas. I respect Francine's mother. If this is what she wants then I will leave. Pero babalik ako.
Kinagabihan bumalik ako sa hospital pero wala na sila. Wala na si Francine! Damn! Paulit-ulit kong sinuntok ang pader hanggang sa may humila sa akin.
"Huwag mong sirain ang hospital ko. Kung ayaw mong ayaw mong mukha mo ang sirain ni Zoren!" Mayumi warned.
Napabuga ako ng marahas na hangin at tumingin sa kaniya. "They already left, Doc..." I said hopelessly.
She sighed. "Girlfriend mo?"
Umiling ako. "Eh bakit ka nagda-drama d'yan?!" singhal niya.
I breathed. "I love her, Doc..."
"Ah kaya pala binuntis mo!" asik niya kaya napalingon ako sa pwesto niya.
"Huh?"
"The patient you bought is pregnant. Dinugo siya dahil sa pagbagsak. Buti na lang malakas ang kapit ng bata kahit ilang linggo pa lang ito. Pero hindi rin biro... dahil buhay ang nakasalalay—"
"Buntis si Francine?" hindi makapaniwalambg sambit ko.
"Ay peste ka! Bahala ka sa buhay mo!" tumalikod siya kaya hinabol ko.
"Teka, teka, Mayumi. Totoo buntis siya?"
"Oo nga. Bawal sa kaniya ma stress nakaka epekto sa bata. She need vitamins too—"
"List down everything, Doc..."
She nodded. "Okay, congrats. Magiging tatay ka na..."
Hindi matawaran ang sayang nararamdaman ko. Shit! I got her pregnant! I'm a sharpshooter! Magiging daddy na ako!
I laughed devilishly. "Wala ka ng kawala Francine. You really destined to me..."
Inayos ko ang lahat ng dapat ayusin bago magtungo sa Alcatraz. Nagpasuyo ako kina Luke kung pwedeng silang pumunta roon upang tingnan na rin ang kalagayan niya.
Hindi pa ako makakaalis dahil kay Daddy. Unti-unti na siyang nakakapagsalita, at si Mommy naman...
"Clyde, I'm sorry..."
Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako galit kay mommy. Muntik na nilang patayin ang anak ko. Kung galit siya sa mga nangyari sa nakaraan, labas na kami roon.
Nasaktan din naman ako.
"All my life mom I was thinking about your feelings. Naiintindihan ko lahat. Nasaktan ka kaya ka umalis at hinayaan akong mag-isa. Alam mo iyon, Mom? Marami tayong pera pero hindi masaya? Si Francine na lang ang naging kaligayahan ko, huwag n'yo na sanang ipagkait. Pagod na akong pigilan ang nararamdaman ko, Mom. Tapos... balak n'yo pang patayin ang anak ko?!"
I'm sorry mommy. I love you but you're too much. Masyado mo ng sinaktan ang taong nagpapasaya sa'kin.
"Anak, I didn't know... I'm sorry. Forgive me my son..."
"Mapapatawad ko lang kayo Mom, kapag tinanggap na ako ni Francine. Buhay ng anak ko ang nakasalalay dito, kaya pasensya na mommy... binibitawan ko na ang lahat..."
"No, Clyde. It's all yours..."
Dire-diretso akong lumabas ng opisina at hindi na pinansin si Mommy. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at nagtungo sa Alcatraz. Kung saan unang tumibok ang puso ko.
"We? Totoo kilala mo ba ako noon pa?" lukot ang mukha niya.
I smirked while looking at her face doubtfully.
"Yeah," I chuckled. "Dati nagdidilig ka lang ng halaman, pero ngayon dinidiligan na kita...."
"Huy, Clyde!"
Natawa ako ng pinamulahan siya ng mukha. Niyakap ko siya at hinaplos ang umbok na tiyan.
"It's true, if I remember, your just 17 at that time—"
"We? Ang bata ko pa no'n," putol niya.
Napanguso ako. "It doesn't matter. Ang mahalaga ay ngayon. You don't know how much you make me happy. I've never felt this happiness before..."
I kissed her cheek and she hugged me back. Damn. I felt blushing because of her simple moves.
Sinuklay ko ang kanyang buhok. Madulas at malambot, napangiti ako.
"My life was boring. Full of resentment, darkness and sadness. Pero nang muling makita ka, pinukaw mo ang natutulog kong damdamin. At wala na akong mahihiling pa sa buhay kundi ang maging deserving para sa'yo. Mahal na mahal kita Francine. Tinuruan mo akong magpatawad kahit masakit. Kung hindi dahil sa'yo... baka may kulang pa rin sa akin at nabubuhay pa rin ako sa sakit ng nakaraan..."
She cupped my face as she wiped the tears dropped down from my eyes. She smiled sweetly with her eyes sparkling. She kissed my lips.
"Ikaw rin, Clyde. Kung hindi kita nakilala hindi ko malalaman ang totoo sa nakaraan at sa pagkatao ko. Sa maikling panahong nakilala kita hindi ko inaasahang mararamdaman ko ang ganitong saya sa dibdib. Iniwan ako ng lahat, pero ikaw... ikaw lang ang nanatili at nagtiis. Isinuko ang lahat para sa akin, para sa amin. Mahal na mahal kita Clyde. At mas lalo pang mamahalin..."
My tears fell again as I kissed her forehead. "Everything was worth it, baby. Kahit kaluluwa ko ay handa akong isuko tanggapin mo lang ako sa buhay mo..."
Shit. Ang cheesy ko!
She laughed softly. "I love you, Clyde. Handa akong harapin ang darating na pagsubok basta kasama kita."
"I love you more than anything, Francine..." I whispered as I slowly sealed her with a passionate kiss.
I have nothing more to ask for. I am satisfied that she finally accepted me wholeheartedly and loved me back.
And I really can say that despite my sadness, agony, and hatred in the past... finally, I am now happy. I am genuinely happy with this woman I will be with, for the rest of my life.
— WAKAS —
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top