Kabanata 8

Girlfriend

"ARAY!"

Atungal ko ng maramdaman ang sakit sa paa dahil sa ingrown na nakuha sa kuko. Halos kanina pa ako maiyak-iyak habang nililinisan ang kuko sa mga kamay tapos ngayon naman pati sa mga daliri sa paa.

"A-Ayoko na..." naiiyak na sambit ko ng makitang namumula na ang paa ko.

"Ma'am, saglit na lang po, matatapos na rin," sabi ng manikyurista at naiilang na ngumiti.

Humaba ang nguso ko at lumingon kay Clyde na prenteng nakaupo habang nagbabasa ng magazine.

"Kanina pa kasi eh. Bakit naman kapag naglilinis ako ng kuko hindi masakit?" anas ko sabay kagat ng labi.

Napansin ko agad ang paghulma ng ngiti sa labi ni Clyde kaya lalong sumimangot ang mukha ko at napairap ako sa kawalan.

"Just be patient, Francine. You'll be done there later," mahinang sinabi niya.

Natahimik na lang ako at muling nakagat ang labi dahil sa panibagong ingrown na natanggal sa kuko. "Pahinga sleeping pills!" mariin na sinabi ko.

Napabalimg ako kay Clyde nang mapansin ko sa sulok ng kanang mata ang pagtayo niya. Nakangisi siya habang naglalakad palapit sa akin. Napalunok ako at agad namula ang mukha ng sumilip sa paa kong nililinis.

"Ang dumi naman kasi ng paa mo," komento niya.

"Eh, wala kang pake!" asik ko at inirapan siya.

Narinig ko na lamang ang mahina niyang halakhak akala ko aalis na siya ngunit nagulat ako ng hinila niya ang isang upuan at tumabi sa akin, binalingan ko ulit siya na hindi nawawala ang ngisi sa labi.

"You want to ease the pain?" biglang tanong niya.

Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa mukha niya na may mapaglarong ngisi sa labi. Inirapan ko siya at bumaling sa paa ko ngunit napasigaw muli ako. "Ayoko na talaga-"

Naputol sa ere ang sinasabi ko nang biglang may malambot na bagay ang lumapat sa bibig ko at kasabay nang pamimilog ng mga mata ko sa gulat. Dahan-dahan siyang lumayo sa akin at bahagya pang pinasadahan ng dila ang kaniyang labi.

"See? You shut your mouth," mahinang sinabi niya at bahagyang humalakhak.

Napakurap-kurap ako hanggang sa unti-unting bumalik sa reyalidad. "How dare you to kiss me?!"

Sa gulat ko ay hindi ko napigilan ang mapasigaw ngunit agad niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya at pumungay ang mata.

"Stop shouting, you're disturbing other customer...." anito.

Sinamaan ko agad siya ng tingin at kinagat ang kanyang kamay kaya mahina siyang napadaing sa sakit. "Bakit mo ako hinalikan?!" mahina ngunit mariin na sinabi ko.

Tumaas ang isang kilay niya bago tinitingnan ang palad niya na mabasa-basa dahil sa laway ko. Napatikom ang bibig ko at nag-iwas ng tingin dahil sa kahihiyan hanggang sa makita ko ang tissue sa gilid ko, inabot ko iyon at ibinigay sa kaniya.

Sinimangutan ko siya ng mapansing nakatitig na naman siya sa akin. Umiiling-iling ang kanyang ulo at tinanggap ang tissue bago muling bumulong-bulong.

"It's just a kiss Francine, but you act like we didn't do anything more than that."

Mabilis na nag-init ang mukha ko at luminga-linga sa paligid at napansin kong nakatingin sa amin ang manikyuro\ista na may ngiti sa kanyang labi.

"Ang sweet n'yo ni sir, Ma'am..."

Yumuko na lang ako at natahimik, hindi na nagsalita pa. bahala siya diyan ang dami niya kasing alam. Kung hindi niya ba naman ako dinala rito sa salon eh, hindi ako magsisigaw sa sakit.

"Tapos na, Ma'am!"

Agad akong napangiti ng marinig ang sinabi ng manikyurista. Tumayo ako at nag-unat ng mga kamay bago tiningnan si Clyde na nakakrus ang dalawang braso.

"Uuwi na tayo?" nasisiyahang tanong niya.

Lumabi siya at bahagyang kinagat ang ibabang labi. Agad akong napalunok dahil para akong natutuyuan ng laway sa ginawa niya. Tumayo siya at pinasadaan ako mula ulo hanggang paa.

"Not yet, Francine."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakatitig lang ako sa kaniya at hinihintay ang susunod na sasabihin.

"Give her a makeover."

"No way, Clyde!" agap ko at masamang tumingin sa kaniya gamit ang namimilog na mga mata.

Nandoon na naman ang mapaglaro niyang ngisi sa labi. "You have to do it, we'll need to attend some birthday party."

"P-Party?" taas kilay na tanong ko.

"Yes," tipid niyang sinabi at dahan-dahang tumalikod.

Magpoprotesta pa sana ako ngunit may humawak na sa kamay ko at inalalayan ako makaupo sa bakanteng upuan na nakaharap sa salamin habang nakabusangot ang mukha.



"Birthday party," I murmured as I was handling his coffee.

Dahan-dahan kong ibinaba ang kape niya sa gilid ng lamesa na walang kangiti-ngiti sa labi. Tumingin ako sa kaniya na seryosong nakatingin sa screen ng kaniyang laptop.

"Your coffee, Sir," sabi ko.

Umangat ang ulo niya sa akin na unti-unti na namang ngumingisi. "What's with that face, Francine?'

"Wala po, Sir," mabilis na sagot ko at tumalikod pero agad ding napaharap. "May iuutos pa po kayo?" tanong ko.

Lumihis ang ulo niya, yumuko at tiningnan ang kape na tinimpla ko bago ibinalik ang tingin sa pwesto ko. Naging seryoso ang mukha niya kaya napatayo ako ng diretso.

"Nothing, but check your email. I forwarded my schedule sent by my former secretary. Check it and take note," inporma niya.

Tumango-tango ako sa kaniya. "Noted po."

Dahan-dahan akong tumalikod at humakbang palabas ngunit napahinto ako ng bigla niyang tawagin ang pangalan ko. Napalabi ako at mabilis na lumingon sa kaniya.

"Sir?"

He sighed. "Don't call me sir whenever we're alone, and prepare yourself for tonight we'll attend a party," sabi niya at ibinalik na ang atensyon sa screen ng laptop.

Ngumuso ako at napatango na lang kahit na hindi niya nakikita. "Okay."

Tuluyan na akong humakbang palabas habang mahinang bumubulong. "Patay, wala akong matinong damit..."

The whole day went well. Maayos naman ang naging unang trabaho ko. Hindi rin palautos si sir Clyde kagaya ng iniisip ko.

Pinaaral niya lang sa akin ang mga schedule niya na naka align sa buong linggo at pinahanda ang mga papeles na kailangan niyang permahan.

Akala ko madali lang ang ginagawa niya pero hindi rin pala. Maghapon siyang nakatutuok sa screen ng laptop niya pagkatapos ay may pepermahan pa na sandamakmak na papeles.

Nag-unat ako ng mga braso dahil sa pangangawit. Kanina ko pa pala inaayos ang pinapagawa niya kaya hindi ako nakakain ng tanghalian, buti na lang natapos ko kaagad.

Napatingin ako sa relo ko ng mapansin uwian na pala. Inayos ko na ang office table ko at hiniwalay ang kailangan niyang permahan.

"Francine?"

"Sir?" agad akong napatayo nang lumabas siya mula sa opisina niya.

"Did you take your lunch? I fell asleep, you didn't knock..." aniya at pumungay pa ang mga mata.

"Sorry sir... uhm, narinig ko po kasi kayong sumisigaw kanina..."

Bumaba ang tingin ko sa mga paa ko dahil narinig ko siya kaninang sumigaw at parang may pinasinabak siya sa trabaho kaya hindi ako naglakas loob na kumatok at baka ako na naman ang mapag-initan niya.

He sighed. "It was nothing, have you eaten?"

Napalabi ako at alanganing tumango ngunit malakas na tumunog ang sikmura ko. Hilaw akong napangisi kay sir Clyde.

"Liar," he said as he grabbed my hand and pulled it.

"S- Clyde..."

"Shut up, we'll eat," seryosong sinabi niya at dire-diretsong humakbang pasakay ng elevator habang hawak-hawak ang kamay ko.

"Ma'am, ang ganda n'yo po!"

Alanganin akong ngumiti sa bakla at dahan-dahang pinasadahan ng tingin ang suot na casual split neckline black dress with a pair of deep thoughts silver strap stilettos heels.

"Baka matapilok ako nito," bulong ko sa sarili.

"Ma'am?"

"Ewan ko ba diyan kay Clyde. Kaka manicure ko lang kanina. Pinaayos niya rin ang buhok ko pati mukha na rin tapos ngayon another make up na naman. Punong-puno na ng kolorete ang mukha ko," walang preno na sabi ko.

Ngumiti lang sa akin ang bakla. "Light makeup lang iyan, Madam. Natural beauty ka naman na kasi mas pinalitaw lang natin ang ganda mo."

"Naku, ikaw rin bolero-"

Nahinto sa ere ang sinasabi ko dahil sa biglaang pagsulpot niya sa likuran ko.

"What's happening here?"

Napabusangot ang mukha ko nang lumingon kay Clyde na humahakbang palapit sa akin.

"Puro kolorete na ang mukha ko. Wala naman sa usapan ito!" mariin na bulong ko.

Tumitig ako sa kaniya at napansin kong napaka formal ng bihis niya. He's tall and masculine, wearing his black colored suit with a white inner bolder shirt. His hair is in a high faded haircut, his features look a bit hard yet handsome.

I chewed my lower lip when I saw him grinning with his glossy eyes. "Done eye raping me?"

Umiwas lang ako ng tingin at hindi na nagsalita. Nangangati ang mukha ko pero pinipigilan ko ang magkamot. Lumingon ulit ako sa kaniya ng bigla siyang tumikhim.

I immediately noticed the sudden glimpses in his eyes while staring at me. Sumeryoso ang mukha at tumikhim.

"You shouldn't put on makeup next time..." seryosong aniya.

Nalukot ang mukha ko at dahan-dahang yumuko.

"Ikaw lang naman nasusunod. Nangangati na nga ang mukha ko..." mahinang sambit ko.

Siguro, kahit mamahalin make up ang ilagay sa mukha ko hindi siya nagagandahan.

Sabagay... 'What? Wait, what did I say? Oh shit. Of course! Hindi talaga siya magagandahan sa akin, we're enemies! Remember that self! Pangaral ko sa sarili.

"What are you mumbling?"

Lumabi ako at umangat ang ulo sa kaniya. "W-Wala, magtatagal ba tayo?"

Biglang kumabog ang dibdib ko ng mapansin na titig na titig siya sa akin mula ulo hanggang paa kaya bumalik sa pagkakayuko ang ulo ko.

"W-Wala. Hindi pa ba tayo aalis?"

He sighed. "It's like, I don't want to leave anymore..."

Kumunot ang noo ko at nag-angat ng tingin sa kaniya. Nandoon pa rin ang titig na parang tumatagos sa kalooban ko. Napalunok ako at parang nag-iinit ang mukha ko sa paraan ng titig niya.

He stepped forward to me as I stepped backward. Rinig ko ang malakas na pagtampol ng dibdib habang patuloy na umaatras hanggang sa bigla niyang kinabig ang likod ko palapit sa kaniya at napidikit sa didbib niya.

"Don't step more," para akong naliliyo sa init ng hininga niyang tumama sa mukha ko.

"Sir..."

"Clyde!"

Napabalik ako sa reyalidad ng may malakas na tumawag sa pangalan ni Clyde kaya naitulak ko siya at napadiretso ng tayo. Tumikhim si Clyde at inayos ang kanyang suit bago bumaling sa kaniyang likuran.

"Tita," he uttered.

"Ikaw nga! I thought I was just mistaken for you," said a female yet a bit old voice. "What brought you here?"

Nilihis ko ang ulo at doon ko nakita ang magandang ginang, napaka elegante ng suot niya, miskin ang kanyang postura ay sumisigaw ng karangyaan na mahahalata sa sopistikadang awra. Maganda kahit may edad na.

Clyde chuckled as he glanced at my direction. "I'm with my girlfriend, Tita Luz."

Humakbang ng kaonti palapit sa akin si Clyde na may ngiti sa labi. Napakurap-kurap ako at kinain ng kaba ang dibdib ng marahang pumulupot ang braso niya sa baywang ko at hinarap sa ginang.

"Oh, who is she?" tanong nito.

"Meet my girlfriend, Tita. Francince Jane," Clyde said.

"Good evening, M-Ma'am..." magalang na bati ko.

Nanikip ang dibdib ko sa kadahilanang hindi niya binanggit ang surname ko. Alam ko naman kung anong mayroon sa amin pero sana sinabi niya lang din para kasing kinalabasan ay kinakahiya niya ang apelyido ko.

Ngumiti ang ginang ngunit namataan kong peke iyon. "Good evening, hiya. I didn't know that Clyde already had a girl, after Cristine..."

Bumuka ang bibig ko ngnit bago pa man ako makapagsalita ay sumabat si Clyde.

"Oh, Tita, we have to go. We might be late to the party, we'll just talk some other time," Clyde said politely but there's something in them.

Kumunot ang noo ko dahil kung Tita niya ang ginang bakit parang nagmamadali siyang umalis at parang ayaw niya na itong kausapin.

Hindi na nagsalita ang ginang at ngumiti na lamang. Humigpit ang pagkakahawak ni Clyde sa baywang ko at nag simula ng humakbang.

"Sino iyon? Parang naging bastos tayo?"

"Don't mind it," tipid na aniya.

Umiikot lang ang paningin ko sa loob ng party na may malakas na tugtugin sabayan pa ng halo-halong kulay ng ilaw na sumasayaw-sayaw kaya parang nahihilo ako sa likot nito.

Napalabi ako at tumingin sa hawak na baso na may lamang wine. Nakatitig lamang ako roon habang inaalala ang nangyari kanina pagpasok naming dito sa venue.

Hindi nga lang basta-basta ang mga bisita, dahil halatang mga matutunog ang mga pangalan nila sa industriya.

Nakita ko rin kanina si Luke Manzano ang isa sa mga sikat na photographer sa bansa na minsan ko na ring nakausap kaso lutang ako noon kaya hindi ko man lang natagalan.

Bumuntong hininga ako dahil pagpasok naming kanina ay naghanap lang bakanteng lamesa si Clyde na inupuan namin, ngunit nang sunod-sunod ang mga lumapit sa kaniyang mga kakilala sa negosyo ay nagpaalam siyang may pupuntahan ngunit hindi pa rin bumabalik.

Pinagtitinginan na rin ako sa pwesto ng mga naglalakihang tao at para akong nanlilit. Kahit ano pang mamahaling gamit ang isusuot ko hindi mababago ng katotohanan ang lahat, na hinding-hindi ako nababagay sa ganitong lugar.

Nilagok ko ang wine na nasa bago at nilunok ito bago inangat ang mukha at saktong pabalik na si Clyde sa kinaroroonan ko. Napairap ako sa kawalan at tumalikod ngunit napasinghap ako ng biglang pumalibot ang kanyang kamay sa baywang ko.

"How are you here? Did you get your food?" bulong niya.

Umiling-iling ako at dahan-dahang humarap sa kaniya ngunit napapikit ako dahil sa biglaang pagkahilo.

"Are you okay?"

"Yeah-"

"You drink a lot again, Francine," he noticed.

Payak akong natawa dahil doon ko lang napansin na ilang baso na ang nainom ko. Akala ko walang epekto ang wine pero nagkamali yata ako. Kinalas ko ang kamay niya sa akin at lumayo.

"France-"

"Dinala-dala mo ako rito tapos iiwan mo lang sa sulok. Sana hindi mo na lang ako sinama Clyde. Pagtitinginan nila ako na parang hindi bagay dito!" hindi ko mapigilan ang isumbat sa kaniya.

Pumungay ang mga mata niya at lumabi. "Im so-"

"Hey, Clyde. Thank you for accompanying me..." an angelic female voice interrupted.

Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at para akong nanliit lalo sa sarili ko ng makita ang magandang babae na kutis porselana habang nakangiti kay Clyde.

Now, I know...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top