Kabanata 5

Pretend

"Are you kidding me, Miss Jacinto?"

"Hindi po, Sir. Seryoso ako..." sabi ko.

"Ibang klase ako maningil, Francine..." I could feel something in his voice but I couldn't name it.

"I'm willing to know your offer, Sir..." I said sincerely.

Narinig ko pa ang ang tawa niya sa kabilang linya bago muling nagsalita. "Okay, let's meet tonight, 8:00 pm sharp at the club house..."

I gulped. "C-Club? Hindi pwede sa ibang lugar Sir? I mean... fine. Sa club house."

"See you, Miss Jscinto..."

Bumuka ang bibig ko bago tuluyang naputol na ang linya. Napabuntong hininga ako at iniisip ang mga posibleng mangyari mamaya. Bahala na talaga 'to...

Bumalik ako sa loob ng kwarto at saktong nandoon na si mama. Napalabi ako at tumabi sa kaniya hanggang sa naisipan kong magtanong.

"Ma?"

Lumingon si Mama saglit sa akin ngunit umiwas din. "Pwede ko ba malaman kung bakit galit kayo sa mga Vandellor? At paano ninyo sila nakilala eh, taga probinsya po tayo..." sambit ko.

I really wonder why would it happened. Both of my families know each other.

Mama glanced at me as she took a deep breath. "Malaki ang salo-salo noon sa Villa Alcatraz sa ating probinsya, kung saan nagkakilala ang Tita Elma mo at si Clint Vandellor."

"Nagkaroon po sila ng relasyon?" tanong ko at tumitig kay Mama.

"Oo-"

Naputol ang sinasabi ni Mama ng biglang may nahulog sa sahig kaya sabay kaming napalingon doon at laruan lang pala ni Coco. Dinampot ko iyon at bumaling kay mama na namumula na ang mga mata.

"Mama..." mahinang usal ko.

"Basta huwag na huwag ka lalapit sa mga Vandellor. Marami pang kumpanya diyan na mapapasukan o kahit simpleng trabaho lang..."

Naninikip ang dibdib ko sa sinabi ni mama dahil huli na. Lumapit na ako kay Sir Clyde.

"Mama bakit nga po-"

"Sila ang dahilan kung bakit namatay ang Tita at ang Papa mo, Francine. Kaya huwag na huwag kang magkakamali..."

Lumingon si mama sa akin na bakas ang senseridad sa mga sinabi. Tipid akong napangiti sa kaniya at tumango bago lumingon kay Coco.

I'm sorry, Mama. Nahihirapan na talaga ako kung saan lalapit.

Kinagabihan hindi ako maka alis-alis dahil inuubo ng inuubo si mama at doon ko lang napansin na wala na rin pala siyang gamot. Two times a day siyang umiinom at tatlong klase ng reseta Hindi rin biro ang presyo dahil pang maintenance niya sa sakit kaya hindi na rin nagtrabaho.

Nagmadali na akong sumakay ng taxi upang makarating ng mas mabilis sa club. Napatingin ako sa relo ko, 10 pm na kaya unti-unting nalukot ang mukha ko.

Pagpasok ko sa loob ng club bumungad sa akin ang maingay na paligid. Marami pang tao kaya nagbabakasakali akong nandito pa siya. Nag-text siya kanina na dumiretso nalang daw ako sa bar counter pero pagdating ko roon ay wala na.

Umupo ako sa bakanteng upuan at ininda and nakakabinging tugtugin at ang nakakahilong dami ng tao. I tried to call him but he's out of coverage.

Napakamot ako ng ulo dahil nasayang ang pamasahe ko. Nangalumbaba ako sa lamesa hanggang sa makakita ng taong naglalampungan sa sofa. Sofa!

Napairap ako sa kawalan dahil naalala ko bigla ang manloloko kong boyfriend. "Karmahin sana siya!" asik ko sa sarili.

Nawala na sa isipan ko ang totoong pakay. Nagtungo ako sa bar counter at nag-order ng alak. "Ma i-try nga kung talagang nakakalimot ang alak..."

Dumukdok ang ulo ko sa lamesa habang naghihintay ng inumin na inorder hanggang sa dumating na nga. Napangisi ako ng ilapag iyon ng waiter sa harap ko. "Thank you."

Luminga-linga pa ako sa paligid bago nilagok ang alak. Sa unang tikim ayos lang pero maya-maya ay doon ko lang naramdaman ang pait ang init na humagod sa lalamunan ko pero nawala rin agad.

"'Yon na 'yon?" bulong ko sa sarili at umorder ulit dahil wala naman palang epekto.

Bumagsak ang ulo ko sa lamesa dahil sa pag-ikot ng paningin. Mahina akong napadaing dahil para akong nasusuka, nahihilo at naiinitan na ewan. Hanggang sa makaramdam ng presensya ng tao na tumabi sa akin.

"Hi, Miss. Are you with someone?"

Dahan-dahan umangat ang ulo ko at tumambad sa akin ang nakangising lalaki. Pinagmasdan ko siya at parang pamilyar. Parang nakita ko na siya...

"Ikaw someone, but not my special someone..." napahagikgik ako dahil sa nasabi ko.

Narinig ko pa itong mahinang tumawa. "You're already drunk, Miss."

"Hindi ah! Hindi ako lasing. Ack..."

"Lasing ka na," pamimilit niya.

"Hindi pa, kaya ko pa." Nilakihan ko ang pagmulat sa mga mata. "P-Parang kilala kita..." sisinok-sinok na sambit ko.

He chuckled. "Of course, who wouldn't know me?"

I laughed. "Sino ka nga ulit?"

"I thought you knew me?" he then laughed.

Hindi ko matandaan, ha-ha..."

"Really?"

Ngumisi ako at pilit dinidilat ang mga pumikit na mata. "Oo, pero mas gwapo ka siguro kung bibilihan mo ako ng alak..."

"Hindi na, lasing ka na..." sambit niya kaya napanguso ako.

"Hindi pa," sinubukan ko pang tumayo sa harapan niya upang ipakita na hindi ako lasing ngunit muntik na akong matumba buti na lang ay hinawakan niya ako sa baywang at bahagyang tumama ang mukha ko sa matigas niyang dibdib.

"Hindi lasing ah," bulong niya.

Napapikit ako dahil sa nalanghap na pabango nanunuot sa ilong ko. "Sir ang bango ninyo, parang may kaamoy kayo..." sabi ko.

Narinig ko ang mahina niyang tawa hanggang sa dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at doon ko nasilayanan ng mas malapitan.

"Sir Luke?"

He chuckled as he nodded. "You finally-"

Naputol ang sinasabi ni Sir Luke dahil sa lumitaw na boses.

"Pre, pakitanggal ng kamay, sa'kin 'yan eh!"

Napasinghap ako nang may biglang humila sa akin palayo kay Luke.

"Hindi ka na nga marunong tumupad sa usapan, nan lalaki pa!"

Namilog sa gulat ang mga mata ko at doon ko lang mas malinaw na napagtanto ang lahat. "Sir Clyde!"

Napangiti ako at agad siyang sinunggaban ng yakap. "You're back," natutuwang sambit ko.

Narinig kong nagpaalam si Luke ngunit na kay Clyde na ang buong atensyon ko. "Sir ano 'yong offer mo?"

Pumiki-pikit pa ako dahil sa mga inaantok na mga mata.

"You're drunk, Miss Jacinto. We'll just talk tomorrow morning," napapaos ang boses niya.

Pinilit kong ibukas ng mga mata. "Hindi. Kailangan na kita makausap tungkol sa offer mo..." sambit ko.

"You're drunk, you might forget it tomorrow..."

"Hindi ako lasing, try me Sir."

Napabuntong hininga siya at hinila ako kung saan. "Saan tayo pupunta?" tanong habang nakatingin sa nakahawak niyang kamay sa akin.

Kumurap-kurap ako dahil sa kakaibang pakiramdam. Parang may kakaibang kuryenteng gumapang paakyat sa braso ko.

Dire-diretso lang siyang naglakad palabas ng club ngunit may nadaanan akong waiter na may dalang tray kaya huminto ako at kinuha ko ang baso na may lamang alak.

"M-Ma'am, order po iyon..." kakamot-kamot ng ulo na sabi ng waiter.

Humaba ang nguso ko dahil sa gumapang na pait sa lalamunan bago lumingon kay Clyde na madilim ang tingin sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mga mata at umangkla ang kamay sa braso niya. Napansin ko agad ang pag-igting ng kanyang bagang.

"Sir, ang gwapo mo pala..." I whispered as I chuckled.

"I know right." He agreed.

"Oo nga, sa sobrang gwapo mo babayaran mo iyong ininom ko." Hagikgik na sabi ko.

"What?"

Bumaling ako sa waiter na nakangisi.

"Sir, ininom ni Ma'am ang order na drinks," sabi nito.

Humiigpit ang kapit ko kay Clyde dahil sa pag-ikot ng paningin. "B-Bayaran mo na, wala na akong pera, eh. Naubos... tsaka, papautangin mo naman ako, ikaltas mo na lang.."

Napayuko ako ng ulo dahil sa parang nasusuka ako. "Damn woman! Let's go!"

"Saan tayo pupunta, Sir?"

"Quite," malamig na anas niya.

"Edi quite... kasalanan mo naman 'to! Kung hindi mo sana ako tinanggal sa trabaho edi sana hindi ako uminom..."

Napapikit ako at hinayaan siyang hilain ako palabas dahil dumodoble na ang paningin ko.

Napadilat lang ako ng huminto siya sa paglalakad. Umangat ang ulo ko sa kaniya at pilit inaanig ang malabong mukha.

"Anong offer mo, Sir? Tatanggapin ko na..." mahinang sambit ko.

"Work," tugon niya.

Malakas akong natawa dahil sa sinabi niya. "Bobo mo Sir!" sambit ko at naglakad palapit sa sasakyang nasa harap at sumandal doon at pumikit.

"How dare you say that to me?"

"Tuod man, Sir. Bobo ka timo..." bulong ko. (Translation: "Totoo naman, Sir. Bobo ka.")

"What did you say?"

Napangisi ako at umiling-iling. "Sabihin mo na ang offer mo, Sir. tatanggapin ko kahit ano pa 'yan..." ulit ko.

"What about your boyfriend?"

Humalakhak ako ng malakas at pilit iminulat ang mapungay na mga mata bago bumaling sa kaniya. "Wala na Sir..." sabi ko at parang lantang yumuko ang ulo.

Napatikhim siya bago nagsalita. "Why? I saw him outside the building yesterday..."

Payak akong natawa. "Cheater ang gago. Nahuli kong may kinakabayo..."

"Kinakabayo?"

"Oo, kinakabayo ng mabilis." Humalakhak ako ngunit hindi nakawala ng paninikip ng dibdib dahil sa mga nanumbalik na pangyayaring nasaksihan ko.

I heard him sighed heavily. "Okay, so what's your demand?"

"Demand?"

"What I mean, 'yong uutangin mo..."

Napangisi ako at dahan-dahang humakbang palapit sa kaniya. "Pautangin mo ako?"

"Say it, so I can go home now." Seryosong sinabi niya.

Pumikit ako saglit dahil sa parang nasusuka ako ngunit agad ding nagmulat at inaantok ang mga matang lumingon sa kaniya.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang nakapang krus ang dalawang braso. "Everything..."

Ngumisi ako at lumapit sa kaniya. "Pautang ako pambayad ng hospital, pambayad ng condo, pambili ng gamot ni mama..." sunod-sunod na sinabi ko.

Humaba ang nguso ko dahil sa ekspresyon ng mukha niya.

"You were the only one who will pay for those?"

Tumango-tango ako at mas lalong umikot ng paningin. "Kaya mo ba o hindi?"

He sighed. "Okay, but in condition..."

"Go on, basta trabaho iyan,"

"Not work, though... babayaran pa rin kita ng triple," aniya na kinagulat ko.

"We? Utot mo Sir, tinanggal mo nga ako sa trabaho eh," sabi ko.

He chuckled as he slowly grabbed my hand closer to him and I almost plunged into his chest.

"I fired you, just because I want you be my girlfriend..." napapaos na bulong niya sa tainga ko.

Napalunok ako at imbis na itulak siya palayo para akong naliliyo lalo dahil sa mainit niyang hininga na tumatama sa butas ng tainga ko.

"S-Sir... what do you mean?" halos hindi ko na makilala ang boses sa sobrang hina.

He chortled as he slowly caressed my back and it made me gasp because of a sudden strange sensation glimpse all over my body.

"I will give all you ever want, Francine. But... in exchange, you'll pretend to be my girlfriend."

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya habang magkasalubong ang kilay at may multong ngiti sa labi niya.

Pumungay ang mga mata ko at hindi napigilan ang sariling mapasubsob sa dibdib niya.

"Sir..."

"What the fuck, Francine!" anas niya at mabilis na lumayo sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top