Kabanata 4
Hopeless
SUMILONG ako at umupo sa harap ng saradong store. Nagpupunas ako ng basang ulo gamit ang labakara dahil sa pagkabasa mula sa ulan.
Ininda ko ang patak ng ulan kanina at nagpatuloy sa paghahanap ng trabaho kahit na masama pa ang pakiramdam.
Makikiusap pa sana ako kay Sir Clyde kung pwedeng huwag muna ako masesante kaya lang si Mama naman ang may ayaw at hindi ko alam kung bakit.
I stayed in the hospital until we received our bill and it made me want to cry.
Ngayon ko lang na realize na dapat hindi na kami nagtagal sa hospital dahil habang tumatagal lumalaki lalo ang bill namin, idagdag pa ang reseta ni bunso na hindi ko alam kung magkano ang aabutin.
Nag-init ang bawat sulok ng mga mata ko at napahilamos sa sariling mukha. 'This is not the life I've been wishing for since I was still studying! Pero bakit naman sa ganitong kalagayan kami napunta!' I keep on murmuring to myself until I remember Ashira. Maybe she can help me.
Dinukot ko ang cellphone sa loob ng bag at agad tinawagan ang numero ni Ash ngunit out of coverage ito.
Mas lalong bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagbagsak ng butil ng luha mula sa mata. Binalik ko ang cellphone sa loob ng bag at bahagyang napatulala.
I hugged myself because a massive coldness of air scourged my body. Tumingala ako at pinagmasdan ang buhos ng ulan hanggang sa may napansin ako.
"Bakit kapag umiiyak ako, lagi kang bumubuhos?!" parang tangang kausap ko sa ulan. "Ang galing ng timing mo!" dagdag ko pa.
Napabuga ako ng marahas na hangin dahil mas lalo pa itong bumuhos na para bang nakikiramay. "Jusko dayy! Tama na!"
Napasinghap ako at napatayo na upang umpisahan ang paglalakad ng biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko iyong kinuha mula sa bag sa pag-aakalang si Ash iyon, ngunit unregistered number ang lumitaw.
Nagsalubong ang kilay ko at nakatitig lang screen ng cellphone at bago pa man matigil ang tawag ay sinagot ko na ito.
"Hello?" nanginig ang labi ko dahil sa lamig na nanunuot sa balat ko.
"Where are you?"
Para akong natulos sa kinaroroonan ko ng marinig ang malamig niyang tinig. Bumilis ang tibok ng puso ko na wari'y nagwawala.
May parte sa akin na gustong magpasalamat sa kanya dahil sa tulong niya pero hindi rin maikakaila na galit ako sa kaniya dahil sa kawalan ng respeto sa pagtanggal sa'kin sa trabaho.
I ended the call 'cause I'm still thinking about my mother's words that she wants me to resign in Vandellor company. Pero buti na nga sigurong natanggal ako kaysa ako ang umalis.
"Pero paano na kami ngayon? Ilang kumpanya na ang pinuntahan ko pero walang hiring..." I kept on talking to myself until I received a message.
I sighed as I slowly checked the message. I quickly read it and it makes me a bit trembled.
From: 09*********
I have something to offer to you, Miss Jacinto. Just contact me if you're interested. —Clyde
Napalunok ako at napatitig sa laman ng mensahe. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.
"Pero pinaglalaruan niya ba ako? He fired me and then now, he has something offered to me?" I mumbled to myself as I shook my head.
Abnormal! I hissed my mind as I walked out.
Dumiretso ako sa sakayan ng jeep pabalik sa hospital na pinanggalingan. Hindi na rin kasi kakayanin kung mag ta-taxi pa ako, baka tuluyan maubos ng hawak na pera.
I still continued contacting Ash if she already talked to her friend about the rental condominium but still out of coverage. Napabuntong hininga na lang ako hanggang sa huminto ang jeep.
Napasilip ako sa labas at napansin kong malapit na ito sa hospital kaya bumaba na ako pagkatapos iabot ang bayad. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Mama kapag nagtanong pero bahala na!
Naabutan ko si Mama sa labas ng kwartong kinalalagyan ni Franco kausap nito ang magandang doktora.
"Mrs. Jacinto, I'm sorry to say this, pero kailangan na po ng bata ang gamot."
Napahinto ako sa paghakbang ng marinig ang sinabi ng doktora. Nanatili ako sa kinaroroonan ko habang nakikinig sa kanila.
"Opo, Doc, baka pagbalik ng anak ko may dala na 'yon..."
Ngumiti ang doktota kay mama at tumango-tango. "Kung hindi po kakayanin, My parents have-"
"Mama!"
Tinawag ko si mama upang mahinto ang sasabihin ng doktora. Dahil alam posibleng tulong iyon na kunwaring ginagawa nila. Pero namatay na lang noon si Tita ni isa sa mga nag-offer ng tulong ay wala. Kaya hindi naman siguro masama kung ayoko umasa sa tulong ng iba na hindi pinaghihirapan.
Sabay silang napalingon sa akin kaya malaki ang hakbang kong lumapit sa kanila na may ngiti sa labi.
"Nandito ka na pala, kumusta?" bungad na tanong ni mama.
Ngumiti ako kay Mama. "F-Final interview na lang po para bukas..." napalunok ako dahil sa sariling kasinungalingan. Dahan-dahan lumipat ang mga mata ko sa doktora at tipid na ngumiti.
"Bibilhin ko na po ngayong araw ang reseta, maraming salamat sa paalala, Doc..."
She smiled at me genuinely as she nodded. "I hope so, Miss Jacinto. But if you need help-"
"It's fine, Doc. I can handle this, and thank you for helping my mother that day. I heard you were the one who rescued my brother when he almost fainted." I said sincerely.
Miss Crimson chuckled. "It's my pleasure to save people's lives. By the way I have to go, if you guys need something you can go to the nurse station or you can directly go to my office..."
Tumango lang ako sa doktora hanggang sa tuluyan siyang nagpaalam umalis. Bumaling naman ako kay Mama na may ngiti sa labi at sabay na pumasok sa loob ng silid.
"Ma, hindi pa raw tayo makakalabas?" tanong ko habang pinagmamasdan si bunso na payapang natutulog.
"Hanggang bukas pa raw, dahil kailangan pang obserbahan si Coco bukas ng umaga," sabi ni mama. "Ay kumusta ang paghahanap ng trabaho? Mayroon na talaga? Dahil kung wala ay baka puwede kitang ipasok sa club bilang waitress o kaya sa bumalik ka sa dati mong pinagtatrabahuhan sa fast food..."
Napalabi ako at tumingin kay Mama na tumayo at nagtungo sa lamesa. Kumuha siya ng mansanas sa basket at mukhang babalatan ito.
I just silently stared at my mother while thinking about her past. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na dati siyang nagtatrabaho sa club bilang waitress, pero sa kalagayan ko na may natapos na degree isang malaking sampal siguro sa akin kung doon lang din ang bagsak ko.
Hindi ako katalinuhan pero kahit paano ay may ibubuga naman sa mga bagay-bagay. Isang dahilan din kaya biglaan akong umalis sa trabaho dahil sa kumakalat na issue tungkol sa akin sa manager namin.
Kaya kahit maganda ang sahod ko roon ay umiwas na rin ako at lumayo dahil na rin sa eskandalo na nangyari.
Pahirapan na rin mag-apply ngayon sa trabaho dahil madalas kong makasabayan na aplikante ay nanggaling sa mga matunog na paaralan, hindi kagaya sa akin na galing probinsya kaya halos o madalas ay hindi mapansin-pansin, swertihan na lang noong nakapasok ako VC dahil hiring talaga sila noon at tumugma pa sa course ko na Finance Management.
I sighed slightly as I looked at Coco. He was the reason why I am struggling right now, so no matter how cruel the world is I won't give up on this.
"Okay lang Mama, nakahanap na agad ako ng trabaho sa kilalang condominium building. B-Bukas na po ang final interview..." sabi ko.
Napapikit ako dahil sa pag-iinit ng mga mata. Patawarin nawa ako sa pagsisinungaling ko sa ina ko.
Narinig ko ang mahinang yabag ni Mama na papalapit sa akin kaya nagmulat ako ng mga mata at umangat ang tingin sa kanya at sakto nagtama ang mga mata namin. Tumabi siya sa akin sa upuan at inabot ang mansanan na agad ko namang tinanggap.
"Pasensya ka na anak, kung hindi lang sana tayo iniwan ng ama mo, baka hindi ganitong buhay mayroon tayo..." mahinang saad niya.
"Okay lang, Mama. Nandito naman po ako..."
Niyakap ako ni mama at nabalot ng katahimikan ang paligid sa pagitan namin hanggang sa nagpaalam siya na magtutungo sa banyo.
Hinintay ko siyang makapasok sa loob bago mabilis na tumayo at lumabas ng kuwarto dala-dala ang cellphone.
Alam kong ayaw ni mama ang gagawin ko pero wala na akong magagawa. Kung magtatagal kami sa hospital na 'to ay baka doble-doble na ang laki ng bill na babayaran namin.
I immediately turned on my phone and dialed Ash's number but she's still out of coverage.
I sighed deeply as I slowly dialed his number while a bit trembling. I don't have a choice anymore, kundi ang makausap siya.
I was feeling hopeless when he didn't answer his phone until the ring stopped. I tried again to dial his number for the second time and after a few rings he finally answered it, and it made me gasp.
"Francine..."
I swallowed so hard when I heard his husky voice. Wala ng atrasan 'to!
"S-Sir, Clyde..." I stuttered.
I heard him chuckling softly. "Yes, Francine?"
Napakurap-kurap ako at lihim na humuhugot ng hangin pampalakas ng loob bago muling nagsalita.
"Sir, pautang..." mahinang sabi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top