Kabanata 3

Vandellor


MAHINA akong napadaing ng maramdaman ang magaspang na palad ang marahang humahaplos sa mukha ko. Ramdam ko rin ang pagpintig ng ulo ko sa sakit.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata kasabay nang pagkawala ng kamay na nakahawak sa mukha ko at bumungad sa akin ang puting kisame na medyo malabo.

Kinusot-kusot ko ang mga mata bago unti-unting bumangon. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng buong katawan ko at ang pag-ikot ng paningin kaya napasapo ako sa ulo. 

“Nasaan ako?” mahinang sambit ko habang hinihilot ang sentido.

“You’re finally awake now,”

Napamulagat ako lalo at mabilis na nag-angat ng ulo ng sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. Napalunok ako ng makita siya sa harapan ko na seryoso ang mukha at naka pang-krus ang dalawang braso. 

Nagbaba ako ng tingin at dahan-dahan bumangon ngunit napapikit ako ng umikot ang paningin. Ramdam ko rin na tagaktak ang pawis na nagmumula sa noo ko kaya dahan-dahan ko itong pinunasan. 

I felt so weak but I shouldn't be there. Hindi ko alam ang nangyari pagkatapos ko mawalan ng malay pero hindi pa rin tama na nandito ako.

Napasinghap ako dahil sobrang init ko pagkapa sa noo. Pinilit kong gumalaw at bumangon ng makarinig ng malakas na malakas na pagtikhim. 

"Stay there," aniya sa kalmadong boses. 

Umangat ang mukha ko sa kaniya at umiling. "U—Uuwi na ho ako…" 

His jaw abruptly moved. "I said, stay there." 

Napaigtad ako sa malamig niyang tinig ngunit. Bumaba ang tingin ko sa kamay at sinubukang itukod upang tumayo kahit masakit ang katawan. "Kailangan ko nang umuwi—"

"Damn it, Miss Jacinto! Ang tigas ng ulo mo!" 

Kumunot ang noo ko at binalik ang tingin sa kaniya. "Uuwi na ako, Sir…" sabi ko.

Umiling lang siya at inirapan ako ng kanyang mga it n mata bago tumalikod at dire-diretsong lumabas ng kuwarto.

Napakamot ako ng ulo at luminga-linga ng mapansing nasa malambot na kama ako sa loob ng hindi pamilyar na silid. Sinubukan ko muling tumayo at bumaba ng kama ngunit malakas na bumukas ang pinto kaya sa sobrang gulat ko ay, nahulog ako sa sahig at napaupo. "Aray…" daing ko at napapikit.

"What the hell!"

Nakagat ko ang labi dahil sa lakas ng sigaw ni Sir Clyde. Narinig ko ang yabag niyang papalapit sa akin kaya nagmulat ako ng mata at agad niya akong inalalayan makatayo. 

Bumuka ang bibig ko at parang may kakaibang sensasyon gumapang sa sistema ko ng hawakan niya ako sa baywang at mabilis ngunit maingat na pinaupo sa kama. 

I heard him sighed heavily like I made him pissed. I pursed my lips together and I bowed my head. I played with my fingers 'cause I felt embarrassed right now.

"Why so hard headed, Miss Jacinto? Kung hindi nakabalik kaagad baka nakahandusay kana sa sahig," seryosong aniya pero… may bakas ng pag-aalala sa tinig. 

Iniling-iling ko ang ulo dahil naiisip. No, hindi siya 'yong tipo ng tao na may pakialam sa kapwa niya, dahil kung mayroon, hindi niya sana ako sinesante sa mababaw na dahilan.

Bumuntong hininga ako at lumingon sa kaniya. "Uuwi na ako, Sir. May pupuntahan pa ako..." kailangan ko makahanap ng trabaho.

His jaw tightened while breathing heavily as he slowly glanced at me, and I could feel something strange inside of me when our eyes met.

His eyes narrowed. "And do you think you can walk? You can't even stand straight." 

Nakatitig lamang ako sa mga mata niyang malamig ngunit, may tinatagong iba't-ibang emosyon at… sakit? What was that? I'm not a mind reader but I know how to look at the person's eyes.

I closed my eyes and sighed as I shook my head. I tried to stand up but his voice thundered.

"Stay there, Miss Jacinto and rest!"

I blinked. "Pero, kailangan ko na po makauwi—"

"No buts!"

Nangunot ang noo ko at napaiwas ng tingin sa kanya dahil sa seryoso niyang boses. Nakaka-intimidate talaga siya kahit simpleng salita lang. 

Pumikit ako at nag-iisip ng gagawin kung paano makaalis dito ng bigla kong narinig ang yabag niyang papalapit.

Dahan-dshan akong nagmulat at bumungad sa harapan ko ang tray ng pagkain, may nakalagay na gamot at tubig.

I licked my lips when I smell the dish. Napalunok pa ako at parang natatakam dahil sa pagkaing nasa harapan. Dahan-dahan niyang nilapag sa ibabaw ng kama ang tray bago umayos ng tayo. 

"Eat first, then we'll talk…" mahinahong saad niya.

Napanganga ako sa sinabi niya at hindi agad nakaimik. He was about to go out when I suddenly called his name 

"Clyde…"

Shit! Lihim kong kinastigo ang sarili dahil sa kawalan ng respeto. Sandal siya sa hamba ng pintuan ng kwarto bago lumingon sa gawi ko na nakataas ang isang kilay. "Yes?" 

"Uuwi na ako…" I swallowed again when his jaw clenching and look mad.

"No,"

"Kailangan po ako nina mama. Baka h-hindi pa sila kumakain…" napayuko ako dahil sa pag-iinit ng sulok ng mga mata.

"Why?" he asked instead.

"Uh, nasa hospital po sila, b-baka hinihintay na nila ako…" I bit my lower lip when chest suddenly tightened. Iniwas ko ang tingin sa kanya at tumingin sa pagkain

"What hospital?"

"Crimson Medical Hospital, Sir..."

"Room?"

"2-105," tugon ko.

"Name of Patient?"

Napaangat ulit ang ulo ko sa kanya dahil sa mga tanong niya. Tinaasan niya lang ako ng kilay habang gumagapang ang kamay patungo sa bulsa ng suot na pantalon.

"Franco Jacinto…" lumunok ako at yumuko, para akong natutuyuan ng laway sa lalamunan.

"Okay," tipid na aniya  

I raised my face to him because of his response. He just turned his back on me again and started stepping away.

"Sir—"

"They will be fine, eat your food and rest. I'm not going to babysit you for the whole night."

Hindi ko mapigilan ang mapanguso dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman hinihingi ang tulong niya ah! 

I sighed as I stared at him. "Wala naman akong sinabing tulungan mo ako..."

He blew out a loud breath as he stared at me intently. "Eat, Francine! I'll be back later."  

Lukot na lukot ang noo ko ng bigla niyang sinarado ang pinto. "Sir 'yong bag ko?!" pahabol na sigaw ko. 

"No phone!"

Humaba ang nguso ko at bumusangot na tumingin sa pagkain. Gumalaw ang kamay ko upang hawakan ang kutsara ngunit nanginig ito. 

Shit. I felt weak. 

I sighed as I went back to lie down in bed 'cause I'm feeling dizzy agan. Dahan-dahan pumikit ang talukap ng mga mata ko dahil sa panghihina ngunit napaigtas ako ng marinig ang malakas na sigaw. 

"Damn it, Francine! I said, eat!"

Bumukas ang mata ko at hilaw na ngumisi kay Sir Clyde na nagpupuyos sa galit ang mukha. "I'm sleepy…" I uttered.

"Kailangan mo kumain para makainom ng gamot," seryosong sambit niya at umupo sa tabi ng kama malapit sa tray ng pagkain sa harapan ko. 

Kahit na hinang-hina pinilit ko pa rin umupo at inabot ang kutsa na nasa tray. Umiikot ang paningin ko kaya ng hawakan ko ang kutsara ay nabitawan ko ito dahil sa panginginig.

"Sorry… mamaya na ako kakain, Sir…" mahinang sabi ko at tumitig sa kaniya.

"Hindi pwede,"

I pouted. "W-Wala akong lakas—"

He sighed. "I'll feed you."

My eyes widened a bit in shock. "Hindi na Sir…"

"I insist, Miss Jacinto…" pinal na sambit niya.

Napalunok ako ng bigla niyang hawakan ang kutsara at inangat ang soup bowl. Nilagyan ng sabaw ang kutsara na medyo umuusok pa bago ito tinapat sa bibig ko.

"Open your mouth, don't make me wait."

Mas lalong nag-init ang pakiramdam ko lalo na ang mukha. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya unti-unti kong binuksan ang bibig sa harapan niya at dahan-dahang sinubo ang sabaw na nsa kutsara.

Pumikit ako dahil ang awkward ng ganito. Sinusubuan ako ng boss ko para lang makakain.

"What does it taste like?" he suddenly asked.

I stared at him a bit wondering 'cause there's something on him. "Okay lang—"

"Okay lang?" 

I nodded. "Masarap ang sabaw ng sopas..."

Napakurap-kurap ako at hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o talagang ngumiti siya. Muli niyang nilagyan ng sabaw ang kutsara at muling tinapat sa bibig ko. 

"No," pinigilan ko siya ng lagyan nkya ng kanin ang kutsara. "Busog na ako…"

"It's just soup, Francine..." he said in a low tone.

This is damn awkward. "Okay lang ako, Sir. Thank you." 

Tamango siya at nagpatuloy sa pagsubo ng sayaw sa akin hanggang sa tuluyang maubos. "Want more?"

Mabilis akong umiling kahit na nagtataka sa ginagawa niya.

"Okay, here drink this," anito at inabot sa akin ang tubig at inalalayan akong uminom bago sinunod ang tableta. 

Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kaniya habang umiinom ng tubig ngunit mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin ng magtapo ang mga mata namin. 

"T—Thank you, Sir…" 

Tipid siyang tumango at tumayo na. "Magpahinga ka na para mabawi mo ang lakas mo." 

"Nasaan ako?" tanong ko. "Pwede na ako umuwi? Baka nag-aalala na si mama…"

"I called them already, and it's fine…"

"Anong sinabi n'yo? Tsaka 'yong bag ko?"

Nagpalinga-linga ako sa buong apat na sulok ng silid ngunit wala akong ibang makita kundi ang gamit na panlalaki.

He sighed. "Stop asking. And I have your bag, but I won't let you use your phone. All you have to do is to rest, Miss Jacinto." 

"Why are you doing this Sir? You fired me, didn't you?" 

I blinked twice and I stared at him intently. I couldn't stop myself from noticing every part of his appearance. He has a good look that everyone's standard, but his attitude… nevermind.

He blew a loud breath again and shook his head. "I have to go, rest Francine..."

Hindi na ako nakapagsalita pa ng dire-diretso siyang lumabas ng kuwarto. Humiga na ulit ako at napatitig sa kisame hanggang sa unti-unting hinila ang kamuwangan at tuluyang nakatulog dahil sa masamang pakiramdam.




Nagising ako dahil sa lamig na nanunuot sa balat ko. Nilalamig ako at hindi sapat ang blanket na nakapatong sa akin upang maibsan ang lamig sa katawan. 

Tagaktak ang pawis sa noo ko pero lamang pa rin ang lamig. Pumulupot ang katawan ko at hindi mapigilan ang mangatog. "A—Ang lamig…" 

"Hey what happened?" Clyde's husky voice appeared.

"Ang lamig…" muli akong nanginig nang maramdaman ang kamay na humaplos sa mukha ko. 

"You're trembling."

"A—Aircon… off please…" I pleaded weakingly.

"Walang aircon, shit!" 

"Ang lamig Sir, please no aircon…"

"Shit I don't want to do!" he murmured. "There's no open aircon, Francine…"

Naramdaman ko ang dumagdag na bigat ang pumatong sa katawan ko. "Still cold? I added two blanket,"

"Ang lamig pa rin…" nanginig na rin ang labi ko at mas lalong niyakap ang sarili.

"Wait, I'll call Mayumi… oh shit it's already 1 am in the morning. Zoren might kill me." I heard him uttering.

"Francine…" he called.

"I'm cold…" muli akong nanginig at pinulupot ang braso paikot sa katawan.

Naramdaman ko ang palad niyang lumalapat sa noo ko. "Shit inaapoy ka ng lagnat," natatarantang sambit niya.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil hinatak na ako ng sobrang panghihina ng katawan sa kabila ng panginginig.






***





NAGISING ako dahil sa mabigat na bagay ang nakapatong sa ibabaw ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at tumambad sa akin ang mukha ni Sir Clyde na malalim ang paghinga, habang nakayakap sa akin.  

Napalunok ako at nag-init ang mukha. Dikit na dikit ang katawan niya sa akin at para akong kakapusin ng hangin lalo na ang naghuhurementado na tibok ng puso.

Sinalat ko ang sariling noo at medyo mainit pa rin pero nabawasan na. Dahan-dahan akong gumalaw at maingat na tinanggal ang braso niyang nakayakap sa akin. Walang ingay akong tumayo ngunit gusto kong mapasigaw ng mapansing iba na ang suot na damit. 

Lumingon ako kay Sir Clyde na mahimbing ang tulog. "Don't tell me, s-siya ang nagbihis sa akin?" napalunok ako dahil sa kahihiyan kaya mabilis kong hinagilap ang gamit. 

Nakita ko ang bag kong nakapatong sa side table kaya mabilis ko itong hinablot at nilisan ang silid ng walang ingay. 

Ininda ko ang pag-ikot ng paningin. Kaya ko naman na kahit paano, kaya itinuloy-tuloy ko na ang hakbang hanggang sa tuluyang makalabas. 

"Shit! What I've done!"




Napangiti ako dahil maliwanag na. Nag-abang agad ako ng taxi at nagpahatid sa hospital. 

Dinukot ko ang cellphone sa bag ngunit lowbat ito. Lumingon ako sa relo ko sa palapulsuhan ng napansin na alas-nuwebe na pala ng umaga at… hindi man lang ako nagising.



"Mama..." 

Nag-aalala ako ng buksan ko ang pintuan ng kwartong kinaroroonan ng kapatid ko at bumungad sa akin si Mama at si Franco na nagtatawanan.

"Nandito ka na pala, kumusta?"

Naglakad ako palapit sa kanila na may ngiti sa labi. "Okay lang po, Ma. Pasensya na po hindi ako nakauwi kagabi…"

Nagmano ako sa kaniya bago tiningnan si Franco na malapad ang ngiting nakaukit sa labi.

"Ayos lang Francine. Tumawag ang manager n'yo at kailangan mo raw mag overtime. Abay okay ka na ba? Sinisinit ka kahapon ah?"

Napalabi ako dahil sa naging dahilan na sinabi kay Mama. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano, pero siguro nga iyon ang sinabing dahilan upang hindi mag-alala si Mama.

"Ate? Ang sarap po ng pagkain namin kagabi. Ngayon lang po ako nakakain ng ganoon kasarap. Ang dami ko pong nakain..."

Nangingilid ang luha ko at tumitig sa kapatid kong masayang nakangiti. He looks better now. "Nabusog ka ba?"

"Opo, Ate. Ayon po oh, tinira namin para sa'yo..."

Dahan-dahan akong lumingon sa tinuro niyang lamesa na puno pa rin ng pagkain. May basket din doon ng mga prutas at mga gamot. 

Binalik ko ang tingin kay Mama na nakatingin sa akin kaya ngumiti ako.

"Saan ka ba nagtatrabaho Francine? Sobra-sobra naman yata ang tulong na binigay nila..."

I smiled and slightly nodded. "Malaking kumpanya po ksi, Ma. Kaya alaga po kaming mga empleyado..." 

Pinipigilan kong huwag maluha sa harap ni mama. Hindi ko alam kung paano ko sasabihing wala na akong trabaho. 

Binalik ko ang tingin kay Franco na may nilalaro kaya nangunot ang noo ko. "Ano iyan?"

"Game boy, Ate..." aniya at malapad na ngumiti. 

Lumapit ako sa kaniya at tiningnan iyon. "Saan galing?"

Napansin ko sa sulok ng mata ko ang pagtayo ni Mama kaya bumaling ako sa kaniya. 

"Kasama rin iyan sa pinadala kagabi, Francine. Kaya sabi ko, sobra naman yata ang binigay. Saang kumpanya ka ba nagtatrabaho? Kakapasok mo lang doon noong nakaraang buwan 'di ba? Pagkatapos sa past food?"

Tumango ako kay Mama. Naging crew muna ako sa kilalang pampublikong past food at nag-ipon para sa mga pang requirements. Kaya maliit lang din na apartment ang nakuha ko noon para sa amin dahil sapat lang ang kita ko.

Lumapit ako kay Franco at hinaplos-haplos ang noo niya. "Maayos ka na ba?" 

"Opo, Ate. Malakas na ako. Pwede na nga tayo umuwi eh,"

Tumango lang ako at mabilis na umiwas ng tingin dahil hanggang ngayon wala pa akong lugar na nahahanap para sa amin. 

Magkano na lang din ang natira sa pera ko at baka hindi pa kumasya sa kukunin na uupahan, dahil may bibilhin pang gamit at… paubos na rin ang gamot ni mama. 

"Francine? Mukhang matamlay ka?" 

"Okay lang po ako, Ma. Pero aalis po ulit ako ng maaga. Pupunta po ako sa kumpanya."

Baka sakaling pakiusapan ko si Sir Clyde na huwag muna akong tanggalin sa trabaho hanggang sa makahanap ng bago.

"Kakauwi mo lang, kaya ba malaki ang tulong nila dahil binabanat kayo sa trabaho? Anong kumpanya ba iyan?" kunot ang noo ni mama na tumitig sa akin.

"Vandellor group of company po, kilala rin silang airlines—"

"V-Vandellor?!"

Tumango ako kay mama kahit na nagtataka sa biglaang pagtaas ng boses niya. Napatitig ako sa kaniya na naging seryoso ang mukha niya dahil sa narinig. Lumapit siya sa akin at hinila ako palabas ng kuwarto.

"Mama..." sambit ko.

"Umalis ka sa kumpanyang iyan!" ansa niya na ikinataka ko.

"Mama, bakit po?"

"Basta umalis ka ngayon mismo! Tutulungan kita maghanap ng trabaho basta mag resign ka diyan!"

"Mama..."

"Sundin mo ako, Francine Jane! Aalis ka sa kumpanya na iyon, naintindihan mo?!"

Kahit naguguluhan ay tumango-tango na lang ako sa kaniy. "O—Opo..."

Bumuntong hininga si mama at hindi nakawala sa paningin ko ang biglaang pamamasa ng mga mata niya. 

Pinasadahan niya ako ng tingin bago humakbang. "Walang maidudulot ang Vandellor iyan sa pamilya natin!" malamig na sinabi niya at tuluyang naglakad papasok. 

Mabilis na kumakabog ang dibdib ko at unti-unting bumalik sa isip ko ang dahilan ni Sir Clyde. 

"Anong mayroon na hindi ko alam?" takang tanong ko sa sarili bago humakbang papasok ng silid.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top