Kabanata 28

Leaving

Nakaharap ako sa salamin sa loob ng kuwarto habang pinagmamasdan ang kabuuang sarili.

"Ang taba ko na..." nakangusong sambit ko. 

hinaplos -haplos ko ang tiyan ko at hindi mapigilang mapangiti. Ngayon namin pinag-usapan ni Clyde na magpapa check up. Pero umuwi muna siya dahil sa ama niya.

Hindi ko rin siya matanong kung makakabalik siya agad dahil naiwan ang cellphone niya sa kwarto dahil sa kakamadaling umalis kanina.

"Sana pala sinabi niya kung aabot siya. Para ako na lang magpapa check up mag-isa. Kaya ko naman na eh." Bulong ko sa sarili.

I sighed as I continued watching myself.

"Baby, excited na akong maisilang ka. Ikaw ang kumumpleto sa buhay ko..."

Napabuntong hininga ako at napaupo sa kama. Naiinip na ako kakahintay kay Clyde. Nagpalinga-linga ako sa buong kwarto at hindi ko mapigilan ang mapangiti. He always cleans this room kaya malinis na malinis.

Pagbagsak akong humiga sa kama at napatitig sa kisame. "Bakit ba ang tagal niya? Kanina pa siyang umaga umalis, magtatanghali na. Baka hindi kami umabot sa oras..." bulong ko sa kawalan.

Napaupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko na nasa gilid ng kama. Kinalikot ko iyon hanggang sa napadpad ako sa inbox. Kumunot ang noo ko dahil may mensahe pa lang dumating at hindi ko man lang nakita kaagad.

Binuksan ko iyon at binasa. Pero hindi ko kilala ang numero.

09**********

Love, I'm sorry I won't be with you today. There's an emergency here. I will send my friend to guard you for your check up. - Clyde

Bagsak ang balikat ko dahil sa nabasa. Limang minuto ang lumipas nang dumating ang mensahe. "Excited pa naman akong makasama siya dahil sabay namin malalaman ang gender ni baby, tapos..."

Bumuntong hininga ako at dahan-dahang tumayo. Sabagay emergency nga naman. Binulsa ko ang hawak na cellphone at naglakad palabas ng kuwarto. Sinarado ko ito at siguradong nakakandado ngunit nakalimutan kong dalhin ang wallet ko kaya bumalik ako sa loob at saktong may tumutunog na cellphone. At pakiwari ko'y kay Clyde iyon.

Nilapitan ko ang maliit na lamesita kung nasaan ang cellphone niya nakapatong at may tumatawag nga. Hindi ko mapigilan ang magreak dahil si Christine iyon.

Nanginig ang mga kamay kong dinampot ang cellphone. Naninikip ang dibdib ko dahil sa mga negatibong naiisip. "Nag-uusap pa ba sila?" tanong ko sa sarili.

Hindi ko naman pinagdadamot si Clyde. Pero naiinis ako dahil sa babaeng 'to muntik na akong mapahamak noon.

Nilakasan ko ang loob ko at sinagot ang tawag. Nanatili akong tahimik at tanging hikbi ang bumungad sa akin sa kabilang linya.

Umiiyak si Christine.

"Clyde..."

Nakakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang magsalita. Mas lalong lumalakas ang iyak niya kaya mas lalo akong nagtaka.

"Hon, nasaan ka? Mag-usap tayo..." anito sa kabilang linya.

Gusto kong sabihing wala na si Clyde sa kaniya. Gusto ko siyang sigawan at sabihing ako na ang mahal ni Clyde pero hindi ko magawa.

"Please, honey. Mag-usap tayo. Hindi ko 'to kaya mag-isa..."

Mabilis na kumabog ang dibdib ko. Pinigilan ko ang sariling magsalita at putulin ang linya. Hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak hanggang sa muli siyang magsalita.

"Clyde, alam mong buntis ako at ikaw ang ama. Please naman mag-usap tayo. Hindi ko 'to kaya mag-isa Clyde..." pagmamakaawa niya.

Hindi ako makapaniwala sa narinig kaya hindi ko namalayan na nabagsak ko ang cellphone sa sahig. Para akong namanhid at nawalan ng lakas.

Sunod-sunod na bumuhos ang butil ng luha sa mata ko at dahan-dahang napaupo. "B-Buntis din si Christine? Kailan pa? Kung ganoon..."

Mahina akong napahikbi dahil sa nalaman. "Akala ko ba, ako lang? Nasaksihan ko lahat ng effort niya para sa'kin. Saksi ako sa hirap na tiniis niya manatili lang sa tabi ko pero patikim lang pala lahat ng iyon..."

"Kaya ba siya umalis kaninang umaga dahil pupuntahan niya si Christine? Niloko niya lang ba ako dahil hanggang ngayon galit parin sila kay Mama sa lahat nang nangyari? Pinaglaruan niya lang ba ako?"

Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa halo-halong tanong sa isipan. "Anong laban ko? 'Di hamak na mas mayaman, maganda, at maimpluwensyang tao si Christine. Ito rin ang una niyang minahal kaya saan ako lulugar?!"

Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Clyde. Kung sana hindi na lang niya ako ginulo. Kung sana hinayaan niya na lang ako, sana tahimik ang buhay ko!

"Bakit ngayon pa Clyde? Bakit ngayon ko lang nalaman kung kailan mahal ko na siya..."

Napahagulgol ako ngunit pinilit ko parin tumayo. Kotang-kota na ako masaktan. Akala ko siya na. Napahawak ako sa tiyan ko at hinahaplos ito.

"Mukhang naloko tayo ng daddy mo, Anak. pinaglaruan niya lang tayo..."

Mabilis akong nagtungo sa drawer at walang sabi-sabing pinagkukuha ang gamit sa loob. Mabilis ko iyong ipinasok sa malaking bag.

"Patawad, Anak. Pero ayokong maging pangalawa. Hindi ko hahayaang makihati tayo sa kaniya. Kaya kitang buhayin kahit mag-isa."

Patuloy na umaagos ang luha ko hanggang sa matapos sa pagliligpit. Iniwan ko ang ibang gamit ni Clyde.

"Paulit-ulit na lang ba akong maiiwanan? Nakakapagod ng umiyak..."

Napabuntong hininga ako at pinalis ang luha sa mata. Tumayo ako ng diretso at hinawakan ang bag na maya lamang gamit.

"Kaya ko ito. Kakayanin ko ito..." bulong ko sa sarili.

Lumabas na ako ng kwarto at hinayaang bukas iyon. Bahala na kung babalik siya. Pero pagbalik niya sisiguraduhin kong wala na siyang babalikan.

Maingat akong bumaba ng hagdan kahit na dama ko parin ang pagsikip ng dibdib. Mas masakit pa yata 'tong nararamdaman ko ngayon kaysa noong mahuli ko si Lando na nagloko.

Napailing-iling na lang ako hanggang sa makababa. "Wala na talagang totoo sa mundo..."

Palabas na ako ng pinto nang may biglang kumatok sa pinto. Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan iyon. Pero kalaunan ay binuksan ko rin. Bahala na.

Kung siya man, 'edi maganda para magkalinawan na kami. Kung hindi naman edi man maayos dahil hindi ako mahihirapan umalis.

Habang naglalakad patungo sa pintuan iniisip ko kung saan ako tutungo. Hindi naman pwedeng nandito lang kami sa Alcatraz. At mas lalong hindi pwede kung babalik ako ng Manila.

I sighed heavily in so much frustration. "Paano kaya kung magtungo ako sa Cebu? Para makahanap na rin ng trabaho. Baka sa lugar na iyon swertehin na ako..." usal ko.

Naptigil ako sa pag-iisip nang mahawakan ang door knob ng pinto at dahan-dahan itong binuksan. Bumungad sa akin ang taong hindi ko inaasahan.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko.

Tumaas ang kilay niya at dahan-dahan bumaba ang tingin sa dala kong bag. Umangat muli ang mata niya sa akin at naging seryoso ang mukha.

"You're leaving?" tanong niya.

Tumango at hindi nagsalita "Why?"

Napapikit ako at muling dumilat. "Ayoko na rito. Gusto ko rin ang tahimik na buhay."

Nagsalubong ang kilay niya na parang nagtataka. Napabuntong hininga ako at umiling-iling.

"Hayaan mo na lang ako umalis. Kaya ko na man ang sarili ko," buong tapang kong sinabi.

"Saan ka pupunta?" kunot noong tanong niya.

I sighed. "Magpapakalayo."

"IIwan mo si Clyde? Bakit?"

"Huwag mo na lang sabihin sa kaniya. Hayaan mo na siya. Panigurado na busy na iyon ngayon-"

"Yeah, he's busy and in pain..." anito.

I smiled bitterly. Ako rin nasasaktan dahil sa mga nalaman. Kung nasasaktan man si Clyde ngayon dahil mas inuna niya kami kaysa kay Christine, 'di pasensya na. Malaya na siya ngayon.

"Aalis na ako, Luke. pakisabi na lang sa kaniya na gawin niya kung anong tama," habilin ko.

"Ginagawa niya nga ang tama, Francine-"

I nodded. "Good for them."

Tumalikod ako at sinarado ang pinto. Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko nang magsalita si Luke.

"Did you two fight?" tanong nito.

Natawa ako. "Hindi."

He sighed. "Then, why are you leaving him?"

"To set him free," sambit ko.

"For what reason?"

Hindi ko na siya pinansin at inumpisahan ang paglalakad, ngunit napahinto ako sa paghakbang ng magtanong siya ulit.

"Kung aalis ka, saan ka pupunta?"

Nagkibit-balikat ako. "Bahala na. Pero siguro magtutungo ako sa Cebu para maghanap na rin ng trabaho..."

Nilingon ko pa siya na nakakunot pa rin ang noo. Dumako ang tingin siya sa akin at tumango-tango.

"Isasabay na kita. Pupunta rin ako sa Cebu," ani Luke.

Gusto kong mag-usisia kung bakit pero hindi ko na ginagawa. Parang pagod na pagod ang katawan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top