Kabanata 23
Pursue
Nakatanaw ako mula sa labas ng simbahan habang kasalukuyang ikinakasal si Christine at si Clyde. Bumaba ang tingin ko sa umbok niyang tiyan kaya hindi ko maiwasang masaktan.
Marahang humaplos ang palad ko sa tiyan na medyo umbok na rin. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha ni Clyde na masayang-masaya habang papalapit sa kaniya si Christine.
Mahina akong napahikbi habang pinapanood ang pangyayari. "Akala ko ba gusto mo ako? Bakit hindi ka gumawa ng paraan para magustuhan din kita?" bulong ko sa kawalan.
Nanatili ako sa kinaroroonan ko habang patuloy na bumabagsak ang luha mula sa mata. Yumuko ako at hindi mapigilan ang paninikip ng dibdib.
"Baby, paano kaya kung binigyan natin ng chance si daddy mo noon? Ikakasal pa rin kaya siya ngayon?" kausap ko sa batang sinapupunan ko.
Bumalik ang tingin ko sa harap ng simbahan. Muling bumuhos ang luha ko bago dahan-dahang tumalikod.
"B-Baka nga binigay ka lang talaga ni Lord, para may kasama ako sa buhay. Baby huwag mo na akong iiwan ha? Iniwan na ako ng lahat, sana ikaw... huwag mo rin akong iwanan..."
Biglang bumuhos ang malakas na ulan at hinayaan ko itong bumasa sa akin kaya lumakas pa lalo ang hagulgol ko. "Thank you, Rainy. Lagi ka talagang dumarating sa tuwing kailangan kita..."
"Francine, Francine., wake up..."
Mahina akong napadaing nang maramdaman ang magaspang na palad ang humahaplos sa mukha ko. I slowly opened my eyes but I quickly closed it 'cause I saw a blurb version.
Muling humaplos ang palad sa pisngi ko na para bang pinapahiran ang luha sa mata. Dumilat muli ako at sa pagkakataong 'to, malinaw na ang paningin ko kaya kitang-kita ko ang taong bumungad sa paningin ko.
Napabangon ako at diretsong tiningnan siya.
"Anong ginagawa mo rito?! 'Di ba kinakasal ka na?!" singhal ko sa kaniya.
Kumunot ang noon niya pero unti-unting napalitan nang pagngisi. "Umiiyak ka dahil ikakasal ako?"
Nagsalubong ang kilay ko nang hawakan ko ang pisngi ko. At bakas nga ang tuyong luha.
I heard him chuckling so I glanced back at him. "Don't tell me, you've dreamed of me about my wedding?" namamanghang anito.
Umismid ako sa kaniya at tumingin sa labas ng bintana kaya lalong lumakas ang tawa niya. "O baka naman gusto mong ikasal na tayo?"
Bumalik ang tingin ko sa kaniya at sinamaan ng tingin. "Nababaliw ka na!" asik ko.
"Yeah, baliw na baliw sa'yo..."
Biglang nag-init ang mukha ko kaya mabilis akong tumayo upang itago ang pamumula nito.
"Pwede ba umalis ka na! Ano bang ginagawa mo rito?!" inis na tanong ko.
"Eh, ikaw anong ginagawa mo rito?" tanong niya pabalik.
Napabuntong hininga ako at inis na kumuyom ang kamao. "Malamang nandito ako kasi bahay namin 'to!"
He laughed. "Malamang din nandito ako dahil sinusundo ko ang reyna ko," anito.
Mabilis akong bumaling sa kaniya at ngayon ko lang napansin na wala pala siyang pang-itaas na damit. Pawisan din ang kaniyang katawan na nagpapakintab sa magandang hubog ng kaniyang pangangatawan lalo na ang pumuputok na pandesal.
Napalunok ako habnag nakatitig doon. Para akong natutuyuan ng laway sa lalamunan.
"You can touch it, Francine. You can also taste it," he whispered in my ears sensually.
Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ang sinabi niya. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kwarto at akmang lalabas na nang hablutin niya ang kamay ko kaya napasubsob ako sa dibdib niya.
Nabasa ng konte ang mukha ko dahil sa pawisan niyang katawan.
"C-Clyde..."
"We'll talk, Francine..." mahinahon niyang bulong.
Sinubukan kong makawala sa kaniya ngunit yumakap siya sa baywang ko. Mahigpit.
"Wala tayong dapat pag-usapan," napapaos na sambit ko.
He sighed. "Marami, Francine. Dinadala mo ang anak ko. Kaya sa ayaw at sa gusto mo mag-uusap tayo," puno ng awtoridad na sambit niya.
Napalabi ako. "Paano mo nalaman?"
He grinned. "Dra. Mayumi told me about your pregnancy, once I visited you in the hospital."
I stared at him seriously. "Eh? Hindi naman sa'yo 'to-"
His brows furrowed and there's a ghost of a smile on his lips. "Hmm? Have you ever been sex with another man?"
Hindi ako nakasagot agad dahil sa pagkataranta. Sex na lang ba laman ng utak niya? Tss.
"See? You didn't. Sa akin ka lang bumigay, Francine. Sa akin ka lang bumibigay," kumpiyansa niyang sinabi.
"Ang kapal ng apog mo!"
"Syempre, gwapo eh," he laughed.
"Aba ang kapal ng mukha mo sobra!"
"Ganoon talaga, para sa'yo kakapalan ko."
"Abnormal ka na!" naiinis na singhal ko at pilit kumakawala.
"Abnormal sa'yo!"
"Pwede ba, tumigil ka kaka-dugtong sa mga sinasabi ko?!" anas ko.
"Titigil lang ako kung sasagutin mo ako," tumaas-taas pa ang kilay niya.
"Tumigil ka na, nakakainis ka na!"
He smirked again and it made me even more pissed. "Inis ba talaga o kinikilig ka lang?"
"Talaga ba, saan naman ako kikiligin, aber?"
"Malamang sa gwapong katulad ko," pagmamalaki niya.
"Baka gagong katulad mo?" napangisi ako ngunit agad ding napawi.
"Okay lang maging gago basta para sa mahal ko..."
Napabuntong hininga ako sa dahil sa sobrang inis.
"Wow! Bravo! Mahal agad? Ano iyon, pash pash?" sarkastikong sinabi ko.
He laughed so loud and it roamed inside the room. "Hindi, push push. 'Di ba, nag push push agad tayo? Kaya nakabuo?"
Nag-init ang mukha ang pakiramdam ko ay namumula na ako.
"Pwede ba Clyde, tumigil ka na! Para kang tanga!"
"Handang magpakatanga para sa matamis mong... Oo," muling dugtong niya.
"Manahimik ka nga sabi, eh!"
"Kiss mo kasi ako para mahaimik na ako," natatawa na naman ito na wari'y natutuwa sa kagaguhan niya.
"Aba ang swerte mo naman," pagtataray ko.
"Ikaw nga ang swerte, kanina mo pa hinahawakan ang expensive kong abs..."
Napaatras ako palayo sa kaniya at sobra-sobrang init ang lumulukob sa buong pagkatao ko dahil sa sinabi niya.
"Gago!"
He laughed. "Damn, I miss you..."
I pouted as I kept my mouth shut. Na miss ko rin siya.
"Let's go outside. Nandoon na ang Lolo mo. Nagluto ako ng pagkain," naging kaswal na ang tono ng boses niya kaya tinitigan ko sia.
"Marunong ka?" taas-kilay na tanong.
He licked his lips as he nodded. "Oo naman."
"Yabang..."
Akmang lalabas na ako nang pigilan niya ako sa pamamagitan nang paghawak sa kamay ko. Nagsalubong ang kilay kong tiningna siya.
"Bakit?"
"May dumi ka sa mukha," aniya.
"Saan?"
Lumapit siya sa akin at inangat ang ulo ko. Marahang humaplos ang kamay niya sa labi ko at maya-maya lang ay lumapat na roon ang labi niya.
Namilog ang mata ko sa gulat ngunit hindi magawang makapalag. Maya-maya lang ay kumalas na ito.
"I miss your lips," there's an unfamiliar emotion in his eyes.
Pinasadahan ko ng dila ang labi ko dahil sa ginawa niya. Para akong nag-init at... nabitin.
Paglabas namin ng kuwarto diretso kaming nagtungo sa kusina at hindi ko talaga inaasahan na nandito siya. Nandito talaga siya!
Hindi ko mapigilan ang mag-init dahil sa tagpo kanina. At parang ang saya ng pakiramdam ko nang makita siya.
Napatigil ako sa paghakbang ng makitang puno ng tao ang lamesa namin. Ngumuso ako at saktong nag-angat sila ng ulo sa kinaroroonan namin ni Clyde.
Hindi kami nakaligtas sa mapanukso nilang ngiti.
"Hi, Miss Francine."
"Hi, Miss..."
Sunod-sunod ang bati nila kaya alanganin akong ngumiti. Naglakas si Clyde at pumuwesto sa tabi ni Lolo na ikinagulat ko.
Nilagyan niya ito ng pagkain sa plato kaya sumenyas si Lolo na huwag na.
"Ginagawa mo mokong? Hindi kumakain si Lolo niyan!" sita ko sa kanya.
Agad nagtawanan ang mga kasamahan niya. "Mokong ka na pala Clyde?" komento ng mga kaibigan niya.
Umiling lang si Clyde bago tumingin sa akin. "Umupo ka na rito at kumain," supladong aniya.
Napatingin ako sa pagkain na nasa lamesa. Hindi ko alam kung binili ba niya o niluto talaga.
"Busog pa ako eh," sabi ko at lumabi.
"Naku, Miss. Kapag natikman mo ang luto ni pareng Clyde baka hanap-hanapin mo. Sana pala araw-araw manligaw si Clyde, para araw-araw may libreng pagkain."
Kung hindi ako nagkakamali si Jorus iyon. Lumingon sa akin si Clyde na naging seryoso ang mukha. Pero parang kanina lang ngumingiti pa. Abnormal!
Naglakad na ako palapit sa lamesa kahit busog talaga ako. At parang gusto ko ng mangga.
Bago pa man ako makalapit ay mabilis na nagtayuan ang mga kaibigan ni Clyde.
"B—Bakit?" takang tanong ko.
Sabay-sabay silang nagkakamot ng ulo. "Buntis ka 'di ba?"
Kumunot ang noo ko dahil sa tanong nila. Lumingon ako kay Clyde na sumipol-sipol lang.
"Hindi ko pa na confirm. Bakit?"
Gulong-gulo na ako sa inaakto nila. "Anong mayroon?"
Malakas na tumawa si Clyde kaya sumama ang tingin ko sa kaniya. I slowly pouted when I saw their plate. They are not yet finish eating. Mukhang nag e-enjoy pa naman sila kanina.
"May problema ba?" takang tanong ko.
"Uh, wala. Baka lang ano..."
Natawa si Luke kaya unti-unting nauubos ang pasensya ko.
"Ano, kasi France, baka magaya ang nangyari noong dalawin namin si Zoren. Buntis din ang asawa niya," ani Luks.
I sighed. "Anong connect?"
"Ano, naiinis si Mayumi sa ingay namin kaya hinagisan kami ng kaldero. H—Hindi mo naman gagawin iyon 'di ba?" alanganing tanong ni Jorus.
Natawa ako sa ekspresyon nila dahil sa takot. Nilingon ko si Clyde na nakatitig lang sa akin habang nakanganga. Inirapan ko siya kaya naaayos siya ng pagkakatayo.
"No, my baby will never do that, right—"
"Anong baby pinagsasabi mo, Clyde?!"
Napataas ang boses ko sa gulat kaya napaatras ang kaibigan niya.
"Sa labas muna kami. Baka magka-gera," paalam ni Luke.
"Iyong plato n'yo pakidala. Nagsasayang kayo ng pagkain!" anas ko at umismid.
Natataranta silang kinuha ang kani-kanilang plato at nag-unahan palabas ng kusina. Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa kanila.
Ang lalaki ng katawan pero takot naman pala sa babae!
"What's funny, Francine?" Clyde's voice interrupted.
Napalingon ako sa kaniya na maya alanganing ngiti sa labi.
"Ang duduwag ng kaibigan mo," sabi ko at umupo sa bakanteng upuan.
Pinasadahan ko lang ng tingin ang pagkain sa lamesa at agad sumimangot.
"Why? You don't like pasta?" tanong ni Clyde.
I sighed heavily as I slowly stood up. "Uh, g—gusto ko ng mangga na may bagoong..." nakangusong ani ko.
"Where are you going?"
"Sa labas lang Clyde. Nandoon ang mangga namin ni Angge," speaking of Angge. "Nakita mo ang pinsan ko?" tanong ko kay Clyde na ngayon ay lumalapit sa akin.
He smiled. "Iyong maganda at sexy na babae, tapos madaldal?"
Biglang nag-init ang ulo ko kaya tinalikuran ko siya at naglakad palayo ngunit mabilis niya akong hinabol at hinawakan sa kamay.
"Teka, ako na kukuha ng mangga—"
"Para makita mo ang pinsan kong maganda at sexy?!" pang-uuyam ko.
Napalunok siya bago umiling-iling. "Of course not, she's already left," aniya.
Napaismid ako. "Kaya ka nanghihinayang?"
Kumunot ang noo niya ngunit may multong ngiti sa labi. "Yeah, a bit. She's talkative too—"
"You like her?" I asked.
He chuckled. "A bit—"
"Lumayas ka na sa bahay namin! Hindi kita kailangan!" singhal ko at mabilis na nagtungo sa kwarto.
Gago ba siya? Lahat gusto niya! Pati pinsan ko!
Nagtungo ako sa kwarto pero sinundan niya pa rin ako kaya mas lalo akong naghihimutok.
"Ano ba! Umalis ka na—"
Napahinto ako sa pagsasalita nang humarap ako sa kaniya at saktong tumama ang mukha ko sa dibdib niya.
He was laughing softly as he gently caressed my back.
"Clyde..." napasinghap ako nang marahang humaplos ang palad niya sa likod ko na parang inaakit ako.
"Gan'yan na gan'yan magselos ang mga babae," he whispered.
Napakurap-kurap ako at hindi magawang lumayo. Shit namimiss ko ang amoy niya!
"H—Hindi ako nagseselos, 'no! Assuming ka!"
"Hmm, really?" he mumbles amusingly.
"Oo naman. Bakit ako magseselos, aber?"
Napapikit ako at nakagat ko ang ibabang labi ng muli niyang pinagapang ang kamay sa likod ko na nagdudulot ng nakakakiliting sensasyon.
"Hmm. Bakit ka nagagalit?"
"Hindi ako nagagalit! Naiinis ako!" mariin kong sinabi.
"Tell me why then?" he smiled playfully.
"Kasi Malandi ka! Nilalandi mo pati pinsan ko!" malamig kong sinabi ko.
Tumawa lang siya lalo at dahan-dahang yumakap ang braso sa balakang ko. Para akong nanlalambot na ewan.
"Ikaw lang naman ang nilalandi ko, Francine..." napapaos niyang bulong.
Napalunok ako at unti-unting nangangatog ang mga tuhod. "S—Sinungaling..."
Naramdaman kong binuhat niya ako bago siya naglakad patungo sa malambot na kama. Napapikit ako dahil sa maninit niya hininga na tumatama sa leeg ko.
"France?"
"B—Bakit?" dumilat ako at pumungay ang mga mata.
Maingat niya akong hininga sa kama bago siya lumipat sa tabi ko at muling yumakap sa baywang.
"Do you believe in me?" tanong niya.
"Para saan? Hindi kita maintindihan."
He chuckled. "When I told you that I like you, did you believe in it?"
I pouted. "Hindi."
"I understand. But can you give me a chance?"
"Chance para saan?"
"To prove myself to you. I will work—"
"Baka nakakalimutan mo Clyde kung anong mayroon sa pamilya natin? Mas lalo lang madadagdagan ang gulo," sabi ko.
He sighed. "I know, Francine. But we are not them. We are not like our parents. Siguro naman labas tayo sa gulong nangyari sa kanila."
"Baliw ka na nga! Damay tayo sa gulo ng magulang natin 'no! Kaya tigilan mo iyang kabaliwan mo!" pangangatwiran ko.
His face immediately turned serious. "Kung kabaliwan ang tawag sa nararamdaman ko, it's fine with me. But I will never stop pursuing you."
Napabuntong hininga ako at tumayo ngunit agad niya akong pinigilan.
"Clyde ano ba!"
Tumawa lang siya at mabilis akong kinubabawan. "Patawarin ako ng magulang ko, pero handa akong iwanan ang lahat na mayroon ako para sa'yo!" seryosong sambit niya.
Pinaningkitan ko siya ng mata at umiling-iling. "Huwag ka magsalita ng tapos—"
"I am not."
My eyes widened in shock when he suddenly pecked a kiss on my lips.
"Dito na ako titira," anito sabay halakhak.
Sinubukan kong tumayo pero hindi ako makawala sa kaniya.
"Umalis ka na Clyde. Umuwi ka na!" singhal ko.
Ngumuso siya at naging seryoso ang mukha kaya agad ko siyang pinagmasdan. Mukha naman siyang seryoso pero natatakot ako sa posibleng mangyari.
"You don't want me here?" tanong niya.
"Yes."
His brow furrowed. "You don't want to see me?"
No. "Yes,"
He sighed. "You want me to go home?"
"Yes," I nodded.
Lumamlam ang mga mata niyang tumitig sa akin. "You hate me?"
"Oo," sabi ko kahit hindi naman.
He sughed as he likck his lips. Tumitig siya sa akin na parang balewala sa kaniya ang mga sagot ko. Naiinis na rin ako dahil sa paulit-ulit niyang tanong.
"You like me?"
"Oo nga e kulit— teka! Hindi!"
He suddenly laughed so loud and made me gasp. "I like you, too..." natatawa niyang bulong.
Sinamaan ko siya nang tingin ngunit bago pa man ako makapagsalita ay lumapat na ang labi niya sa labi ko.
"I will pursue you no matter how much you hate me, Francine..." he whispered in between our kisses.
Bahala nga siya! Basta baby papahirapan natin si daddy mo, ah? Sa isip-isip ko. At namalayan ko na lamang ang sariling tumutugon sa halik niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top