Kabanata 20
Dugo
"How dare you work in our company? After what your relatives did to us?!" Mrs. Vandellor shrieked.
"M-Ma'am..."
"Alam mo ba kung bakit nasa hospital ang asawa ko?!" galit niyang sigaw ulit sa akin.
Napayuko na lang ako at hindi makasagot dahil alam ko naman ang dahilan.
"Dahil sa malandi mong Tita!" singhal niya.
Napayuko ako habang magkahawak ng mga kamay. Hindi ako makasagot dahil alam kong mas lalaki ang gulo. Kahit ipagtanggol ko pa ang sarili ko wala ring mangyayari.
Wala na rin ngayon si Clyde dahil nagkaroon ng maliit na gulo sa lobby kaya at kailangan niyang tingnan kaya naiwan kaming dalawa ng ina niya.
"Kung hindi ko pa nalaman na isa kang Jacinto na pamangkin ng malanding kabit ng asawa ko ay baka pati ang anak ko ay nakuha mo!" galit na galit ang tinig niya.
"Ma'am, trabaho lang po ang gusto ko-"
Napakagat ako ng labi nang maputol ang sinasabi ko.
"Ganyan din ang sinabi ng Tita mo noon! Pero ano? Nilandi niya pa rin ang asawa ko!" nabasag ang boses ng ginang kaya dahan-dahan akong nag-angat ng ulo. And she's crying... so hard.
Sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Hindi ko masisisi ang ina ni Clyde kung bakit galit na galit siya. Walang magulang ang gugustuhin na magulo ang pamilya.
"Hindi n'yo alam kung paano ko iningatan ang pamilya namin! Pero dahil sa inyo..." pahina nang pahina ang boses ng ginang.
Lumipas ang minuto. Nabalot kami ng katahimikan sa loob ng silid nang biglang bumukas ang pinto. Akala ko si Clyde iyon ngunit nagulat ako nang may biglang humablot ng buhok ko.
"Ah!" napasigaw ako dahil sa sakit.
Sinubukan kong tanggalin ang kamay na iyon pero mas lalo niya akong sinabunutan ng mahigpit kaya halos mapaluhod na ako sa sahig.
"How dare you to go back in here?! Wala ka na talagang kahihiyan sa sarili mo?!" It was Christine mad voice.
Nanatili akong tahimik dahil hinang-hina ako. Hindi ko alam kung bakit. Kaya kong lumaban pero hindi ko alam kung bakit hindi ko ginawa dahil sa kahihiyan sa ina ni Clyde.
Ininda ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Christine sa buhok ko dahil sa biglaang pag-ikot ng paningin. Pumikit ako nang bigla niyang iangat ang ulo ko na puno at luha ang mukha.
"Slut-"
"Christine, remove you hands to her," boses mula sa ginang, mahinahon.
"But Tita, this slut is flirting with my Clyde!" sigaw ni Christine.
Narinig ko ang mahinang yabag ang papalapit sa akin kasabay nang pagkawala ng kamay sa ulo ko.
Dahan-dahan akong nagmulat at bumungad sa akin ang matalim na titig ni Christine. Pinilit kong tumayo kahit sumasakit ang katawan ko.
Lumingon ako sa ina ni Clyde. Kalmado na ang mukha niya pero bakas pa rin ang galit sa mga mata.
"S-Sorry po, Madam... hindi ko-"
"Tita look at this," Christine interrupted.
Napatingin ako sa kaniyang may hawak na mga litrato. Kinuha iyon ng ginang at isa-isang tiningnan kasabay ng pamimilog ng mata ko. Dahil malinaw ko ring nakikita ang mga ito.
Napakurap-kurap ako at agad lumapit sa ginang ngunit agad lumapat ang kamay niya sa kaliwang pisngi ko dahilan upang mapatigalgal ako sa sobrang lakas.
"Wala kang pinagkaiba sa kamag-anak n'yo! Magkano ba ang kailangan mo? Layuan mo lang ang anak ko!" galit na sigaw nito.
Umiling-iling ang ulo ko habang nakatitig sa larawan. Mga litrato iyon na kayakap ko si Lando noong araw na nag-usap kami. Ang isa ay ang nangyari sa mall na kasama Evan na hawak-hawak ang mukha ko. At ang iba ay kuha kung saan nakita akong labas-masok sa bahay ni Clyde.
Napaluha ako. Na misinterpret lang ng ginang ang mga larawan. "Ma'am, mali po ang iniisip n'yo..."
Sinubukan kong magpaliwanag ngunit napailing ang ginang sa akin na wari'y nandidiri.
"Pagkatapos n'yo sa asawa ko, sa anak ko naman?! Ang kapal talaga ng mukha n'yo! Saan kayo kumukuha ng kakapalan ng mukha?!" sigaw niya at muling umusbong ang galit.
I tried my very best to explain but Christine pushed me so hard and it made me fall on the floor. Napaigik ako sa sakit nang bagsak ko sa sahig at ang dahan-dahang pagdilim ng paningin ko.
Sinubukan ko pang tingnan ang ginang ngunit miskin ang ulo ko ay hindi ko maiangat.
Namamanhid ang buong katawan ko at hinang-hina. Dahan-dahan kong tiningnan ang masakit na hita at ganun na lamang ang gulat ko ng may makita akong lumalabas na dugo.
"A-Ano 'to..." lalo akong naluha sa nakita kasabay nang pagbukas ng pintuan.
"Francine!" it was Clyde voice thundered. Pero bago pa ako makareak ay tuluyan na akong tinakasan ng kamuwangan.
***
"Ate, gising ka na po..."
"Gising na..."
Mahina akong napadaing ng mahimigan ang maliit na boses ni Coco. Ramdam ko rin ang marahan niyang paghaplos sa mukha ko.
"Ate, gising na. Uuwi na tayo..." paulit-ulit niyang bulong.
Dahan-dahan akong nagmulat at agad humulma ang ngiti sa labi ko ng makita siyang nakatitig sa akin at maingat na hinahaplos ang mukha ko.
"B-Bunso..." nanhihinayang sambit ko.
"Ate! Gising kana!" he exclaimed.
Mabilis siyang umalis sa tabi ko at naglakad patungo kung saan.
"Mama! Mama! Gising na si Ate!" narinig kong ani Coco.
Lumapad ang ngiti ko at diretsong napatingin sa kisame. Kumunot ang noo ko ng mapansin ang hindi pamilyar na silid.
Puro puti at... teka. Bakit ako nandito? Takang tanong ko sa isipan.
Napabangon ako sa gulat ngunit agad sumakit ang balakang ko. Napaaray ako at saktong lumitaw si Mama sa harapan ko na bakas ang pa-aalala.
"Huwag ka muna gumalaw-galaw!" ani Mama na napataas ang tono.
Lumapit siya sa akin at inalalayan akong bumalik sa pagkakahiga. Maingat iyon na para bang natatakot akong masaktan.
Nabalot kami ng katahimikan sa loob ng kuwarto at walang nagtangkang magsalita. Lumapit sa akin si Coco at yumakap.
"Coco, baka masaktan ang Ate mo," sambit ni Mama.
Napakunot ang noo ko dahil sa salitang lumabas kay Mama. balewala lang naman sa kaniya kapag niyayakap ako ni Coco ah...
Iniling ko na lang ang ulo ko at hinaplos-haplos ang ulo ni bunso.
Luminga-linga ulit ako sa paligid bago binalikan ng tingin si Mama na mugto ang mga mata.
"Ano pong nangyari? Bakit ako nandito"
"Kamusta ang pakiramdam mo?" naging seryoso ang tinig ni Mama.
Napapikit ako at doon nanumbalik ang mga pangyayaring hindi ko inaasahan lalo na ang...
"D-Dinugo ako, Mama. anong ibig sabihin no'n?" kinakabahang tanong ko.
Tinitigan ko si Mama na namumula ang kanyang mga mata. "H-Hindi mo sinabing sa Vandellor ka pa rin nagtatrabaho!" mariin niyang sinabi.
"Mama-"
Napatiim-bagang ito. "Sinabihan na kita lumayo ka sa kanila!"
Umiling-iling ako at walang ibang iniisip kundi ang dugo na nakita ko. Kitang-kita ko ang lumabas na dugo mula sa akin nang itulak ako at mapaupo sa sahig.
"Mama ano iyong dugo?"
"Sinabihan na kita, Francine..." sabi pa nito at sunod-sunod na pumatak ang luha.
Nakatitig lang ako sa kaniya habang dahan-dahang tumingin sa katawan ko. Ayokong isipin. Hindi ako inosente sa ganoong bagay pero paano kung...
"M-Mama ano iyong dugo?" paulit-ulit na tanong ko.
Hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng luha sa mata. Nanatiling tikom ang bibig ni Mama na para bang walang balak magsalita.
"Mama... iyong dugo anong..." napakurap-kurap ako dahil hindi ko magawang ituloy ang sasabihin. Imposible kayang...
Mahinang napahikbi si Mama bago tumitig sa akin. "K-Kailan ka ulit nagtrabaho sa Vandellor?" nanghihina ang boses na tanong ni Mama.
Napalunok ako dahil para akong natutuyuan ng laway. Nanginig ang buong katawan ko at bahagyang bumuka ang bibig.
"Kailan pa Francine?" ulit ni Mama.
Napasinghap ako. "Noong nagkasakit si bunso, M-Mama..."
Biglang napahagulgol si Mama at agad tumalikod. Hindi ko na rin mapigilan nag mapahikbi dahil hindi ko na maitatago ang lahat.
Sunod-sunod na inubo-ubo si Mama kaya sinubukan kong tumayo upang aluin siya ngunit hindi ko magawa dahil hinang-hina ang katawan ko.
Makalipas ang ilang minuto. Muling bumaling sa akin si Mama. Seryoso ang mukha niya, bakas ang galit pero nandoon pa rin ang pag-aalala.
"Babalik tayo ng Alaraza. At walang dapat makaalam nito." Puno ng senseridad niyang sinabi.
I just remained silent while staring at her. Hindi ko mahanap ang tamang emosyong lumalabas sa mga mata niya pero may isang nangingibabaw sa mga iyon. Takot. Takot na takot ang kaniyang mata na pilit niyang nilalabanan.
"Putulin mo ang lahat ng koneksyon mo sa mga Vandellor. Pagkabalik natin ng Altaraza kakalimutan mo ang lahat nang nangyari at wala kang pagsasabihan. Ibabalik mo lahat ng nakuha mo sa pamilyang iyon!"
Nagulat ako sa sinabi ni Mama. 'Paano ko maibabalik ang libo-libong pera na nanggaling kay Clyde?' hindi ko na lalo maintindihan si Mama.
"Naiintindihan mo ba, Francine?!"
Napaigtad ako sa gulat ng sumigaw si Mama.
"O-Opo..." utal kong sagot.
Bumuntong hininga si Mama at dahan-dahang tumingin sa tiyan ko. "Walang dapat makaalam nito..." bulong pa nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top