Kabanata 2

  Smitten


Basang-basa ako ng ulan ng makauwi sa apartment na inuupahan. Mabilis akong naligo at nagbihis upang hindi magkasakit. Muling umamba ang butil ng luha sa mga mata ko habang nakatitig sa bintana at patuloy na bumubuhos ang malakas na ulan.

Binilisan ko ang pagtuyo sa buhok ko bago inayos ang mga gamit na dadalhin sa hospital. Inayos ko na rin ang gamot ni mama dahil kailangan niyang mag maintenance para sa sakit.

Lumabas ako ng kwarto at diretsong nagtungo sa kusina. Napangiti ako at sumubo muna ng kanin kahit konti.

Halos hindi ko malulon ang kinakain dahil naalala muli ang nangyari. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko na agad kong pinalis. Mabilis kong tinapos ang pagkain at naghanda na para sa makaalis.




Dumaan ako at bumili ng lutong pagkain sa karinderya na malapit lang sa hospital. Hindi na kasya ang tirang pagkain sa apartment kanina kaya hindi ako nakapag-dala.

Pagkatapos, diretso akong nagtungo sa kwarto na tinext ni mama. Lumibot ang paningin ko habang naglalakad. Napalabi ako dahil ngayon ko lang napansin na private hospital pala 'to, at hindi ko alam kung magkano ang bill na aabutin namin.

Bumuntong hininga ako hanggang sa tumapat sa harap ng kwartong kinaroroonan nina mama. Kumatok muna ako bago ito pinihit pabukas.

Bumungad sa akin ang payapang natutulog na kapatid. Nakaupo si mama at nakapatong ang ulo sa kama habang nakahawak sa kamay ni Franco.

Napangiti ako ng makita sila ngunit biglang gumalaw si mama at nag-angat ng ulo. "Nandiyan ka na pala..."

Tumango ako maingat na sinara ang pinto. "Maghapunan na kayo, Ma. Kailangan n'yo pa uminom ng gamot."

Nilapag ko sa ibabaw ng maliit na lamesa ang nabiling pagkain. Ngumiti si mama at tumango bago tumayo. "Salamat, Anak..."

Napakamot ako ng ulo ng mapansing wala ako tubig na dala. "Wait lang, Ma. May bibilin lang ako sa labas."

"Abay, gabi na France. Ano bang nakalimutan mo?" usisa ni Mama habang binubuksan ang supot ng pagkain.

Ngumiti ako sa kaniya. "Nakalimutan ko bumili ng tubig."

"Ganoon ba, sige basta bumalik ka agad dahil gabi na. Dito na tayo magpalipas ng oras hanggang bukas."

Tumango ako kay mama at naglakad na palabas ng pinto.

Dumiretso ako sa labas ng hospital. Mahal kasi sa loob ang bilihin kaya mas mabuting sa labas na ako bumili para makatipid.

Napabuntong hininga ako dahil tatawagan ko pa si Ashira kung may alam siyang affordable na condo, mas mabuti na sigurong doon tumuloy hanggang sa gumaling si bunso.

Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa pabalik na ako. Bigla akong napahinto sa paglalakad dahil parang nakaramdam ako ng hilo. Umupo ako sa bakanteng upuan sa gilid kasabay ng pagbahing ko.

Napatakip ako ng bibig at sunod-sunod na umubo. Huminga ako ng malalim bago inumpisahan ang maglakad ngunit napahinto ako ng makarinig ng mga boses na nag-uusap.

"He will get better day by day, Clyde. But he still needs to continue the treatment."

Mabilis akong bumalik sa pagkakaupo at yumuko. Lihim kong tinatakpan ang mukha ko dahil sa mga naglalakihang boses na dumadagundong sa paligid.

"Thanks, Doc. I owe this to you..."

Palapit nang palapit ang boses nila sa akin kaya nakaramdam ako ng kaba. "No, problem. If you need anything you can call us anytime," I heard old man said.

Sumilip ang mata ko sa butas ng kamay ko sa bawat pagitan ng mga daliri at napansin kong nagpaalam na sila sa bawat isa. Hindi nga ako nagkamali.

Naglalakad na si Sir Clyde palabas ng hospital. Tatayo na sana ako ngunit bigla siyang huminto sa harapan ko.

"Miss?"

I pursed my lips together not to make a sound.

"Hey, Miss, are you sleeping?"

Still silent.

"Oh, I'm sorry. But it's cold here. You can go to the waiting area facility or to the chapel. You can rest there..."

Napakagat ako ng labi dahil sa narinig. Letche 'to! Kunwaring concern. Pero kapag nakita ako, eh, baka nga tinawanan na ako.

I heard him sighed heavily as he spoke again. "I think you're asleep now, I will just call Tito to help you here."

Mariin akong napapikit ng marinig na nag-ring ang phone niya. Tahimik akong sumilip sa butas ng mga daliri at nakita kong medyo nakatalikod na siya sa akin.

"Tito? There's a girl here sleeping—"

"Sorry," I said as I ran away so fast.

"Wait, Miss!"

Hindi ko na siya nilingon pa at tuloy-tuloy na tumakbo palayo sa kaniya. Lumiko ako sa kuwartong kinaroroonan nila mama at huminto lamang ako at nakahinga ng maayos ng makarating sa harap ng pinto.

Napabuntong hininga ako. "Ho! Muntik na ako dun ah!" tuluyan na akong pumasok at nagpakawala ng malapad na ngiti sa labi.

Diretsong nakatingin si mama sa akin na wari'y inaabanga talaga ako.

"Tapos ka na, Ma Uminom ka na po ng gamot mo," sabi ko sabay abot ng tubig.

Tumango lang si mama kaya dumiretso ako sa maliit na sopa at doon umupo. Nakatingala ako sa kisame at nakahawak sa noo. "Mukhang magkakasakit pa yata ako, ah..." bulong ko sa sarili hanggang sa unti-unting hinatak ng dilim ang kamuwangan.

"France, gising na. May pasok ka pa yata sa trabaho. Kanina pa ring ng ring ang cellphone mo."

Kinusot-kusot ko ang dalawang mata ng marinig ang boses ni mama. Ramdam ko ang pananakit ng katawan at pananamlay. Napatingin ako sa relo na nasa palapulsuhan.

Namilog sa gulat ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon. "Shit! Late na ako!"

Tayo na sana ko ng biglang kapain ni mama ang noo ko. "Francine! Ang init mo! Huwag ka na muna pumasok sa trabaho!"

Nagulat ako sa pagtaas ng boses ni mama. Nangunot ang noo kong tumingin sa kaniya. Dahan-dahan kong kinapa ang noo at leeg ko, ang init ko nga.

Napanguso ako at umiling ako kay mama at agad tumayo. "Hindi po pwede, Ma, may kailangan pa akong tapusin sa trabaho. Day off ko bukas kaya kailangan ko ma-submit ang weekly records.

"Mag excuse ka muna. Valid naman siguro iyan, ang init-init mo, Francine..."

"Okay lang ako ma. Uuwi muna ako at magbibihis. Hindi ko nadala ang pang-trabaho kong damit dahil nagmamadali na ako kagabi."

"Francine..."

"Okay lang ako, Ma. Kailangan ko rin tanungin si Ash kung may alam siyang lugar na pwede natin lipatan."

Napabuntong hininga si Mama. "Pasensya na anak—"

"Okay lang, Ma. Ako na ang bahala sa lahat."

Nag-iwas ako ng tingin kay mama dahil ayoko siya nakikitang sinisisi ang sarili kung bakit ganito ang buhay namin. Hindi naman lingid sa kaalaman ko pero, madalas kong marinig na umiiyak si mama sa hatinggabi.

Lumingon ako kay Franco na nanatiling nakapikit. Lumapit ako sa kaniya at maingat na pinatakan ng halik ang kanyang noo. "Pagaling ka bunso ah? Miss ka na ni Ate..."

Nangilid ang luha ko habag nakatitig sa walang malay na kapatid, pero tumayo na ako bago pa man tuluyang kumawala ang luha sa mga mata.

"Mauna na ako, Ma. Kapag may problema po, tawagan n'yo lang ako..."

Lumabas na ko ng kwarto at nagmamadaling umuwi sa apartment na tinutuluyan. "Hay, late na talaga ako. Deduction na naman ito sa sahod..."

———

"France! Bakit ka late? Galit na galit si Sir Clyde kanina!" bungad ni Ashi ng pagkarating ko.

Npalabi ako. "Bakit?"

"Hindi namin alam. Grabe talaga kanina. First time maging ganoon ang reaksyon ni Sir Clyde, habang hinahanap ka. May nagawa ka ba kahapon?"

Umiling-iling ako at nagsalubong ang kilay. "Wala naman..."

Tumango siya kaya umupo na ako sa upuan ko at binuksan ang computer. "Bakit ka pala late? Deduction iyan sa sahod mo, sayang..." aniya sa mababang tinig.

I sighed. "Oo nga eh. Dinala kasi sa hospital ang kapatid ko kahapon. Doon na kami nagpalipas ng gabi kaya lang hindi ako nagising kaninang umaga..." Idagdag pa ang ginawa sa'kin ni Lando.

Lumingon siya sa akin. "Kumusta ang kapatid mo? Anong nangyari?"

Nag-init ang bawat sulok ng mata ko dahil sa tanong niya. "Kailangan namin lumipat ng lugar. Na diagnose si Coco ng pneumonia..."

"Hala, wait. Saan kayo lilipat?"

"Wala pa akong nahahanap na affordable na condo," sabi ko at inumpisahan ng i-open ang files sa computer.

"Wait, baka sa JRS condo building—"

"Baliw. Ang mahal doon hindi ko afford." Agap ko.

"Ano ka te, hindi naman. May single bedroom naman sila. Afford na fford mo iyon, kasya na kayong pamilya sa isang room dahil malaki talaga ang space."

"Talaga?"

"Oo, kontakin ko mamaya si Thea," aniya at ngumiti pa.

Tipid akong ngumiti sa kaniya. "Salamat talaga, Ash-"

"Oras ng trabaho hindi daldalan. Late na nga uunahin pa ang walang kabuluhang bagay!"

Napayuko ako at nag-focus sa harap ng computer ng masita kami ng department manager namin. Pinilit kong matapos ang gagawin ngunit biglang sumasakit ang ulo ko at sunod-sunod na inubo.

"France, okay ka lang ba?"

Nilingon ko si Ashi na nasa akin na naman ang atensyon.

"Oo, pasensya na."

"May sakit ka ba? Namumutla ka, Francine," komento niya at sinubukang hawakan ako ngunit umiwas lang ako.

"Ano ka ba, ayos lang ako. Medyo inaantok lang," sabi ko at nagpatuloy sa ginagawa.

Narinig ko na lamang ang buntong hininga niya at muling ibinalik ang atensyon sa trabaho. Ngunit hindi ko na mapigilan ang pagkipot ng talukap ng mga mata ko. Hinang-hina na talaga ako.

Dahan-dahan akong tumayo ngunit umikot na ang paningin ko at napahawak sa sariling upuan. "A-Ash..."

"Oh my goodness! Francine!" Ashi burst into shock when she saw me almost fainting.

"O-Okay lang ako pupunta lang ako ng CR," sabi ko.

Tumayo si Ash at inalalayan ako makapunta sa CR ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ng bigla may tumawag sa pangalan ko.

"Miss Jacinto, pinapatawag ka ni Sir Clyde."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at napansin ko agad ang sekretarya ng boss namin. "Ngayon na ho ba?"

The secretary nodded. "Yes, Miss and he's mad."

My body suddenly trembled but I still managed to smile. "S-Sige, susunod ako-"

"Ma'am, hindi po ba pwedeng mamaya? Hmm, masama po kasi ang pakiramdam ni Francine," Ashi interrupted.

"Ashi!" pigil ko sa kaniya bago tumingin sa sekretarya. "Okay lang po, susunod na lang po ako, comfort room lang."

Tumango lang ang sekretarya bago ito umalis sa harapan namin. Binalingan ko si Ash. "Dapat hindi ka na sumagot. Mamaya magsumbong pa iyon kay Sir Clyde, at malagot ka pa..." sabi ko.

"Totoo naman ang sinabi ko Francine, putlang-putla ka na. Mag excuse kana lang kaya o half day?" aniya at pinagmasdan akong maigi.

I shook my head. "Mas lalong hindi pwede, Ash. Kailangan ko magtrabaho ng maigi para hindi ako masisante, lalo na't kailangan na kailangan ko ng pera."

"Hindi ka naman masesesante, maganda naman ang performance mo," kumpyansa na sinabi niya. Kung alam mo lang talaga Ash.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango bago tuluyang humakbang papasok sa CR. Pagkatapos ng ilang minuto ay naghugas muna ako ng mukha upang matabunan ang pamumutla. Naglagay na rin ako ng light make up at lip tint, bago diretsong naglakad patungo sa opisina ni Sir Clyde.

Habang nasa loob ng elevator papikit-pikit ang mga mata ko kaya napasandal ako sa gilid. Biglang nag-init ang bawat sulok ng mga mata ko ng maalala ang nangyari kagabi at sina mama. Tumingala ako upang pigilan ang nakaambang luha sa mga mata at saktong bumukas ang elevator kaya tuluyang umatras ng luha ko.

Napabuntong hininga ako at inayos ang sarili bago humakbang patungo sa pakay. Magkahawak ang kamay ko at sobra ang panginginig ng katawan dagdagan pa na masama ang pakiramdam ko.

Parang gusto kong umatras ng tumapat ako sa pintuan ng opisina ng boss namin. I inhaled and exhaled just to calm myself but I couldn't. Mas lalo akong nanginig lalo na ng makarinig ng maingay na boses mula sa loob ng silid.

Umangat ang kamay ko at kumatok. "Come in," malamig na boses ang nagsalita mula sa loob.

Dahan-dahan kong pinihit pabukas ang pinto habang nakayuko, pumasok ako at maingat na sinarado ang pinto bago humarap at nag-angat ng tingin kay Sir Clyde na prenteng nakaupo sa silya niya habang naka dekwatro ang paa at malamig na nakatingin.

"Good morning, Sir..." mahinang bati ko. Tumitig ako sa kaniya sa kabila ng takot na nararamdaman sa dibdib.

He smirked. "So, how are you?"

Nagulat ako sa naging bungad niya ngunit nagawa ko pang sumagot ng diretso. "Okay lang po..."

He stared at me for a while before he shook his head. "Yeah, you look well, Miss Jacinto..."

I swallow hard when I can sense something. "W-What can I do for you, Sir Clyde?"

Kung tungkol ito sa naging usapan kahapon may isang linggo pa ako. Pampalubag loob na sai ko sa sarili. Yumuko ulit ako dahil sa biglaang pagkirot ng ulo.

"Nothing," he then paused. "But, I want you gone today in my company!"

"Sir?!" I immediately looked at him as my eyes widened in shock.

"Are you deaf?" he mocked, "Get out and fix your things! I don't want to see you anymore in my company!"

My tears hastily fell as I stared at him. As much as I want to contradict myself, I still have my rights as an employee, but I don't have enough energy to argue with him. He's still the boss after all.

I bit my lower lip as I slowly nodded. "O-Okay, Sir... thank you..."

Mabilis akong tumalikod sa kaniya at lumabas ng silid. Sunod sunod na bumuhos ang luha ko at mahinang napahikbi. Mabilis ang bawat hakbang ko patungo sa elevator. Habang naghihintay bumukas ay mabilis kong inilabas ang cellphone at pinagmasdan ang wallpaper na litrato.

"Gagawa ng paraan si Ate, hindi ko kayo pababayaan ni mama..."

Mabilis kong pinalis ang luha sa mga mata at saktong bumukas ang elevator. Napaayos ako ng tayo dahil may nakasakay sa loob. Mabilis siyang lumabas kaya pumasok na ako. Napatingin pa ako sa kaniya na nakangunot ang noo.

Tipid akong ngumiti. "G-Good morning, Sir..."

"Morning, are you okay? You look pale," tanong niya.

Tumago-tango lang ako at bago paman ako makasagot ay sumara na ang elevator. Kung hindi ako nagkakamali isa iyon sa mga kaibigan ni Sir Clyde.

Napabuntong hininga ako at mabilis na bumalik sa office table ko. Kinuha ko lang ang shoulder bag ko at sinukbit sa kaliwang balikat pero bago pa man makaalis ay hinawakan ni Ashi ang kamay ko kaya napatigil ako. "Saan ka pupunta?"

Ngumiti ako. "Uuwi, at maghahanap ng trabaho..."

"Bakit?"

"Hindi ko alam. Mauna na ako Ash-"

Napapikit ako ng malakas na tumunog ang tiyan ko. Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nag almusal. "Francine..." mahinang sambit niya.

Tumitig ako pabalik sa kaniya at mababasa ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala.

"Okay lang ako," binawi ko ang kamay kay Ashi at dire-diretsong naglakad palabas ng building.

Pagtitinginan na ako ng ibang empleyado. Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng butil-butil na luha mula sa mga mata. Gusto kong magalit, gusto kong sumigaw sa inis, pero kahit ano ang gawin ko ay wala pa rin mangyayari, mag-eesakandalo lang ako sa gagawin ko.

Tuluyan na akong nakalabas ng building ng muling pumatak ang ulan. Napatampal ako sa mukha at nagpatuloy sa paghakbang, ininda ang patak ng ulan sa ulo. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay parang bibigay ako. Mas lalong umiikot ang paningin ko.

Pinilit kong labanan ang panghihina nang may humawak sa kamay ko. "Babe..."

Muling tumulo ang luha ko ng marinig ang boses niya. Hanggang dito ba naman! Mabilis akong lumingon sa kaniy at inagaw ang kamay "Anong ginagaw mo rito?"

"Babe, mag-usap tayo..." he tried to hold my hand but I immediately slapped him. I could see how his face looked messy. Pero kahit anong gawin niya hindi matatanggal ng sorry ang panloloko na ginawa niya.

"Go away, cheater! I hate you!" I hissed at him and my tears burst more.

Mabilis akong tumalikod at hindi na tiningnan ang mukha niya. Lumakas ang buhos ng ulan kasabay ng dahan-dahang pagdilim ng paningin ko.

Nanghihina na ako lalo. Napapikit ako at parang babagsak na. Naramdaman ko na lamang ang kamay na umalalay payakap sa baywang ko. "Help!" I heard a familiar voice loudly screaming.

My eyes shut but I'm trying to open but I felt dizzy. "Ashi..."

"Help!" she screamed again, and it made me feel warm inside. She followed me in the middle of her work.

"Francine, wake up..." she whispered while hugging me tighter.

"Hmm..." dumaing ako ng mahina at sinubukang buksan ang mga mata ngunit hindi ko na kaya.

"What's happening here?"

Another baritone deep voice appeared and that was the last words I heard as I was finally smitten by the darkness.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top