Kabanata 18

Message



"Talaga po, Ate?!"

Labis ang sayang bumalatay sa mukha ni ko Coco ng sabihin kong hindi ako papasok sa trabaho kahit ngayong araw lang.

I already excuse to Clyde that I won't go to work today. He didn't reply but I hope he understand. Pagkatapos nang nangyari kagabi hindi pa ako handang harapin siya.

Hindi rin biro ang naging sagutan namin. Pero hindi ko inaasahan ang sinabi niya. He said before that he will never fall with me because I'm their enemy. We're enemies! Kaya hindi ko inaasahan ang lumabas sa bibig niya.

Malalim akong bumuntong hininga. Ilang araw na lang matatapos na ang lahat. Hindi ko naman hahabulin ang perang in-offer niya. Sapat na sa akin na nairaos ang isang buwan na gastusin.

"Ate, magbihis ka na po!"

Napailing-iling na lang ako dahil sa excited na si Coco. tumango-tango na lang ako at humakbang na patungo sa kwarto upang magbihis.

Nagsuot lang ako ng simpleng leggings with a simple navy blue tee shirt with a pair of black shoes, as I went out.

Napangiti ako dahil bihis na bihis na rin si mama at mukhang handa na. Patakbong lumapit sa akin si Coco at yumakap.

"Ate! Ate, gusto ko po manood tayo sine!" excited na aniya.

I tapped Coco's head as I nodded. "Ano pang gusto mo?"

"Hmm?" mabilis na dumako sa baba niya ang kanyang kamay na wari'y nag-iisip. "Manonood ng sine, maglalaro, kakain, ano pa ba?" bubulong-bulong na anito.

Mahina akong natawa at pinindot ang ilong niya. "Tara sa habang nag-iisip ka," sabi ko at lumingon kay mama.

Hindi rin nagpahuli sa pag-ayos si mama. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya, lalo na't hindi naman kami magkamukha. Siguro ang tanging nakuha ko lang sa kaniya ay ang makurbang labi. But the rest of my features came from my father. She's still pretty despite her getting older.

Binalik ko kay Coco ang tingin at hinawakan ang kamay niya. "Tara na," ulit ko at naglakad na palabas ng condo.

"Ate, pwedre po cartoons panoorin natin? Kaso baka hindi ninyo magustuhan ni mama..." lumungkot ang tinig niya kaya yumuko ako at hinawakan ang baba niya.

"Kahit anong gusto mo panoorin natin hah? Kaya huwag ka mag-alala, mag e-enjoy pa rin kami ni mama basta masaya ka, kuha mo?" nangiting sambit ko.

"Salamat, Ate. the best ka po talaga..."

Tumango ako at ngumiti bago tumingin sa pilahan ng ticket ng mga kids movie. Siguro pipila muna kami para sa ticket bago bumili ng pagkain. "Ako na ang pipila-"

"Francine, kami na. Baka may bibilhin ka?" sabat ni mama kaya lumingon ako sa kaniya.

Napalabi ako at tipid na tumango. "Sige po..."

"May sakit ka ba? Parang ang tamlay mo," puna ni Mama.

Mabilis kong iniling-iling ang ulo. "Okay lang ako, Ma."

I smiled widely just to ensure that I'm really fine. But deep inside of me, I felt weak and I don't know why. I am always energetic in anything but today I felt exhausted.

"Sigurado ka? Pwede naman natin ipagpaliban ang araw na 'to," si Mama.

"Naku, hindi na, Ma. Okay lang ako, bibili lang ako ng pagkain. Anong gusto ninyo?" tanong ko at palipat-lipat ang tingin sa dalawa.

"Popcorn, popcorn!" sigaw ni Coco.

I smiled lightly as I roamed around. Ang dami pa ring tao sa mall kahit tanghaling tapat.

Bumalik ang tingin ko kila Mama at bunso. "Pumila na kayo roon, bibili lang ako ng pagkain natin sa loob," nakangiting saad ko.

Tumango si Mama at hinila na si Coco kaya tumalikod na ako at diretsong nagtungo sa popcorn store. Mahaba rin ang pila kaya kinuha ko muna ang cellphone sa loob ng bag na dala ko upang maglibang, at saktong my unread message.

I licked my lips as I opened the message and it was from Clyde.

Clyde:

Ok.

Napabuntong hininga ako at binalik na lang ang cellphone sa loob ng bag bago mag-angat ng ulo at eksaktong dumako ang mata ko sa taong kakapasok lang sa entrance ng mall.

Lumabi ako at hindi maalis ang tingin sa kanila habang magkahawak-kamay. At this moment I should be happy because they are back on good terms. Gano'n naman talaga ang plano noong una pa lang. Pero bakit... ang sakit makitang magkasama silang dalawa?

Humugot ako nang hangin at binalik ang tingin sa pila. Malapit na ako kaya kahit paano ay makakaalis na ako rito ngunit parang sinasayda nga naman talaga ng panahon, dahil narinig ko bigla ang boses ni Christine mula sa pinakadulong pila.

"Hon, let's have our vacation in Palawan. I miss our bonding together," malambing ang boses na anito.

Mabilis na nagreak ang kilay ko sa narinig. "Natural lang naman siguro iyon sa magkasintahan, pero bakit naiinis ako!" nakagat ko ang labi dahil pagtatalo ng isipan.

Pinilig ko ang ulo at sa wakas ay ako na, mabilis akong bumili ng tatlong box ng popcorn with drinks na rin. Hindi ko maiwasang maging masaya sa araw na 'to dahil naka pasyal din kaming tatlo.

Mabilis akong naglakad paalis sa harap ng store dala-dala ang binili at halos mapayakap ang dalawang braso ko sa mga popcorn.

As I stepped forward, my head immediately darted to Clyde's direction. Nagulat pa ako dahil nakatingin siya sa akin diretso sa mata bago ilipat ang tingin sa dala kong popcorn.

Napalunok ako. Natural lang ang tingin niya at walang emosyon akong mabasa. Mabilis kong inalis ang tingin sa kaniya at muling humakbang palayo, ngunit agad ding napatigil dahil sa sumigaw ng pangalan ko.

"Cine, Cine!"

Namilog sa gulat ang mata ko dahil bansag na tawag iyon sa akin sa probinsya. Napangiti akong lumingon sa pinanggalingan ng boses.

"Evan?!" gulat kong sinabi.

Patakbo siyang naglakad palapit sa akin. Akala ko yayakapin niya ako ngunit kinuha niya ang isang box ng popcorn at agad dumukot at sinubo, kaya tumalim agad ang ko sa kaniya.

"Kapag pagkain talaga, handa mo akong balewalain!" asik ko sa kaniya at umismid.

Malakas siyang tumawa at inakbayan ako. "Sus, gumaganyan na siya, porket na Maynila lang," ani Evan kaya mahina ko siyang nasipa.

"Tumigil ka nga! Saan ba ang punta mo?" tanong ko.

Pinagmasdan ko pa ang suot niya. He's wearing faded jeans with a simple v-neck shirt in the upper part.

My brows furrowed. "Anong suot iyan?"

Natawa lang siya at umiling-iling bago pinisil-pisil ang ilong ko. "Evan-"

"Na miss kita, Sinta ko."

Nanlaki ang mata ko dahil sa lakas ng boses niya na paniguradong narinig iyon ng mga katabi namin. Umangat ang ulo ko sa kaniya at matalim na tumitig ngunit ngumisi lang siya.

"Anong ginagawa mo?!"

Napatikom ang bibig ko ng itakip niya ang hintuturo sa labi habang lumalapit ng husto ang mukha niya. "Ssh, don't move..." bulong niya.

Kumunot ang noo ko. "B-Bakit?"

Lumapad ang ngisi niya sa labi at dahan-dahang umangat ang kaniyang kamay pahaplos sa mukha ko kaya napaigtad ako sa gulat.

"Evan..."

He grinned. "Just a minute, Cine."

Napa facepalm ako at hinayaan siya sa gusto niyang mangyari. And after a couple of minutes we heard a cold and deep baritone voice speak.

"Kung maglalandian kayo, huwag naman dito sa loob ng mall. Maraming mga bata."

Namilog sa gulat ang mata ko ng mapatanto kung sino ang nagmamay-ari ng boses iyon. Agad akong napaatras palayo kay Evan ngunit mabilis na humawak ang kamay niya sa likod ko.

"Evan!" mariin na tawag ko.

Bumigat ang paghinga niya at luminga-linga kong saan.

Maya-maya lang ay umatras na siya palayo sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag. Umikot agad ang ulo at napadako ang tingin sa pwesto nina Clyde na nakapila pa rin.

Napalunok ako ng mapansin ang masamang titig niya sa akin.

He rolled his eyes as he avoided his gazed. Nanatili ang tingin ko sa kaniya kaya nakita ko pa ang paggalaw ng labi niya.

"Daming lalaki..." hindi ko alam kung tama ang nabasa konhg binigkas niya. Napailing nalang ako at binalik ang tingin kay Evan.

Nakaangat ang ulo niya at hindi siya nakatingin sa akin. Sinundan ko nang tingin ang mata niya nang mapansing nasa second floor ng mall ang tingin niya, sa bench. May nakaupo roon na dalawang babae at parehong hindi maipinta ang mukha. Pero parang pamilyar sila sa akin.

Hindi ko napigilan ang matawa ng tumingin kay Evan. "Babae mo?"

Lumabi siya bago inalis ang tingin sa mga babae at lumipat sa akin. "Hindi pa," aniya at muli akong inakbayan.

"Tara? saan ka ba?" tanong niya.

Nag-umpisa na kaming humakbang patungo sa pilahan ng ticket kung saan ko iniwan sila bunso.

"Gusto ni Coco manood ng sine, kaya pinagbigyan ko."

"Naks naman, yayamanin!" pang-alaska niya.

"Gago hindi, nagkasakit kasi siya kaya gusto ko sana maibigay lahat ng gusto niya," paliwanag ko.

"Ako rin, Cine, may sakit..." mahinang sinabi niya.

Huminto ako sa paglalakad at seryosong tumingin sa kaniya.

"Seryoso ka? Saan?" kunot noo kong tanong.

"Sa... puso," he laughed.

Tinalikuran ko agad siya pero muli niya kong hinabol. "Totoo nga, Cine. May sakit na ako sa puso. Patay na patay na ako sa babae," pagdadrama niya.

I sighed. "Wala kang sakit sa puso, saltik meron!"

Muli ko siyang tinalikuran. Napangiti ako ng makitang malapit na ako sa kinaroroonan nila mama na nakapila pa rin. Ang haba pala ng pila.

"Cine, aalis na ako," biglang ani Evan.

Napahinto ako sa paghakbang at tumingin sa likuran ko.

"Saan ka pupinta?" takang tanong ko at tinitigan siya ng seryoso.

"May trabaho ako rito, tapos aksidente lang kitang nakita kanina kaya naisipan kong pagselosin si Leil, pero wala yatang epekto..." nanghihinayang na wika niya.

Nagsalubong ang kilay ko na wari'y inaalala ang pangalan. Leil... "Leilani?" gulat kong tanong.

"Oo," he chuckled.

Napailing na lang ako at pinigilan ang sariling tuksuhin siya. "Well, goodluck."

Ang alam ko brat iyon eh. Mahirap makausap at makuha.

"Bahala na," anito at tuluyan ng nagpaalam.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang papalayo niyang bulto. Ang dami na ngang nagbago. Ilang buwan pa lang mula ng umalis kami ni Mama sa probinsya pero ang dami ng naganap.

"Kamusta na kaya ang probinsya? Sana makapag bakasyon din kami. Sana maging maayos na si Lola at Mama..." bulong ko sa sarili bago nagpatuloy sa paglapit sa pila nila Mama.

"Eto na ang popcorn!" bungad ko nang makalapit.

Malapad na ngumiti si Coco at lumapit agad sa akin. Napatingin ako sa pila at kahit paano ay malapit na sila.

"Ang haba ng pila," komento ni Mama.

Inabot ko sa kaniya ang isang box ng popcorn na agad niya namang tinanggap.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko at paisa-isang sumusubo ng popcorn nang biglang nag-vibrate ang phone ko sa loob ng bag.

Noong una hinahayaan ko na lang. Ngunit nasundan nang nasundan kaya napilitan akong tingnan iyon.

"Pahawak, bunso."

Pinahawak ko muna kay Coco ang popcorn ko at agad dinukot ang phone ko sa bag. Baka importante.

I was feeling at ease while getting my phone and immediately read the message but I was shocked by what the message wrote on it.


Clyde:

You have a lot of boys, huh.



Clyde:

The reason why you don't like me.



Clyde:

I am more handsome than that guy!


Clyde:

I'm more masculine!


Clyde:

Damn it, Francine. You make me insecure!


Clyde:

I want to talk with you.


Clyde:

Please?



Malakas na tumambol-tambol ang dibdib ko dahil sa mga sunod-sunod na nabasang mga mensahe. Nanlamig ako bigla at parang may kakaiba akong nararamdaman sa pinakaloob ko.

Dahan-dahan umangat ang ulo ko at lihim na pinaikot ang paningin sa loob ng mall hanggang sa mapansin ko si Clyde na naglalakad patungo sa pila ng mga ticket... sa amin.

Nakasimangot si Christine habang dala-dala ang popcorn sa kamay at si Clyde naman ay nagtitipa sa kanyang cellphone habang umiigting ang panga. At halatang nagpipigil ng galit.

Mabilis akong tumalikod ng akmang mag-aangat siya ng ulo, at saktong nag-vibrate ulit ang phone ko.

I closed my eyes tightly while biting my lips. My chest keeps pounding so loud. And my stomach is in rage for something that I didn't know. But only one thing I'm sure of, it was a text message again, from him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top