Kabanata 16
Tears
I am fixing my office attire in front of the bathroom mirror. I know this day will not be easy after what happened yesterday. But I should haven't neglected my work. I sighed heavily as I went out.
"Ate mag wow-work ka na?" bungad ni Coco sa akin.
Ngumiti ako at tinapik ang kanyang ulo. "Oo, bunso. Kailangan ko magtrabaho," sabi ko.
Lumungkot bigla ang mukha niya. "Kailan ka po ulit uuwi? Matagal po ba ulit? Kailan tayo mag bo-bonding?"
Napakamot ako ng kilay at saktong lumitaw si mama sa likuran ni Coco. "Kapag hindi na busy si Ate Francine mo, mamamasyal tayo, 'di ba, Ate?"
Napangiti ako sa sinabi ni mama at tumango. I know there's a sudden changed in us since the day I had accepted the deal. Madalang ko na makasama sila mama at bunso.
"Sige na mag-ayos ka na. Ako na bahala kay Coco." si Mama.
Tumango na lang ako at muling hinaplos ang ulo ni Coco. "Babawi si Ate, pangako..." marahan kong sinabi sa kaniya.
Malapit na rin matapos ang lahat.
Naglakad ako patungo sa loob ng kuwarto at mabilis na hinablot ang bag ko bago nagpaalam na aalis na. Hindi nakawala sa paningin ko ang sobrang lungkot na mukha ni Coco.
"Papasyal tayo sa mall at manonood ng sine kapag wala na akong trabaho," pampalubag-loob ko sa kaniya.
Agad nagliwanag ang mukha niya na napalitan ng ngiti at sunod-sunod na tumango. "Maghihintay po ako, Ate Francine..."
Kung pwede lang na umabsent hindi na ako papasok sa trabaho.
***
I was feeling apprehensive while entering the Vandellor building. At dahil na rin sa mga nangyari kahapon alam kong nakita nila ang pagpatak ng luha ko habang naglalakad palabas.
Nilabanan ko ang kabang nararamdaman hanggang sa may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko, si Ash pala.
Ngumiti siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Halika na, huwag ka mahiya sa nangyari. Hindi man namin alam ang dahilan naniniwala kaming hindi ikaw ang nag-umpisa," ani Ash.
Kumunot ang noo sa kaniya dahil sa mga sinabi niya. "Anong-"
She sighed. "Don't worry about it, okay? Noon pa man madalas nang may gulong nangyayari kapag nand'yan ang ex-girlfriend ni sir Clyde. Lalo na at madalas niyang inaaway ang mga naging secretary ni sir. Kaya pala umalis bigla si Aida dahil bumalik ang ex," kuwento pa nito.
Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya kaya napatingin ako sa relo ko nang mapansin na maaga pa.
I immediately roamed the surrounding area as I pulled Ash's hands to sit down in the lobby waiting sofa.
"Kwentuhan mo muna ako, maaga pa naman," sabi ko at umupo sa sofa.
Wala pa naman masyadong dumarating na empleyado kaya walang makakarinig sa amin. I looked back to Ash and she was grinning.
"Tsismosa ka na?" anito na ikinatawa ko at natawa lang din siya.
"Hindi, gusto ko lang malaman ano ang mayroon sa ex-girlfriend ni Clyde- I mean ni Sir Clyde," ngumuso ako dahil sa mapanukso niyang ngiti.
"Clyde huh?"
Tumawa lang ako at umiling. "Sige na magkuwento kana," pamimilit ko.
Bumuntong hininga siya bago tumitig sa akin.
"Matagal ng magkasintahan si sir Clyde at Ma'am Christine. Okay naman sila at mukhang masaya. Legal din sila both sides. Kasal na lang talaga ang kulang. Pero nang makuha si ma'am Christine bilang model sa ibang bansa, iniwan niya si sir Clyde," may halong inis at panghihinayang sa tinig ni Ash.
"Iniwan talaga?" gulat kong tanong.
Tumango siya. "Oo, iniwan. And you know what is worse? Before she left the country there's a photo of Christine dating another guy, at isa ring modelo," kuwento pa ni Ash.
"Nag cheat ba siya?" takang tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam eh, pero simula nang umalis si ma'am Christine. Nagbago raw si sir Clyde. Naging malamig ang pakikitungo sa lahat at madalas mainitin ang ulo kaya maraming natatanggal na empleyado kahit maliit na kasalanan."
Hindi ko maiwasang mapa-isip. Oo cold madalas si Clyde, at madalas ko rin marinig noon ang pagtanggal niya ng mga empleyado. Pero... nakasama ko siya ng ilang linggo at hindi naman na siya basta nagtatanggal ng empleyado.
"Basta lang ang alam ko-"
"Bakit hindi hinabol ni sir Clyde si ma'am Christine?" takang tanong ko ulit.
She smiled sadly. "Balak naman talagang sundan ni sir Clyde si ma'am Christine. Iyon ang usap-usapan. Kaya lang nagkaroon ng aksidente sa pamilya nila."
Namilog sa gulat ang mga mata ko.
"Aksidente?"
She nodded. "Yes, naaksidente ang daddy ni sir Clyde at kung hindi ako nagkakamali ay nalumpo."
"Huh?!" sa gulat ko ay napataas ang boses ko kaya mabilis iyong tinakpan ni Ash.
"Iyon ang alam namin. Naaksidente yata dahil sa kabit," sabi ni Ash.
"Kab-"
Naputol ang sinasabi ko ng biglang hawakaan ni Ash ang kamay ko at pinatayo. Mabilis siyang yumuko kaya nagtaka ako.
"Good morning, Sir.."
Ngunit ng marinig ang pagbati niya ay namimilog ang mata kong lumingon sa gilid ko.
Agad akong yumuko at parang napaniya. "G-Good morning, Sir..."
We heard him sighed deeply. "Morning," he greeted back. "We have to talked Francine," anito at nagpatuloy sa paglalakad.
Mabilis kaming nagkatinginan ni Ash at nagpaalam sa isa't-isa kahit parang ayaw pa namin maghiwalay. But at least I have a chance to talk to her, kahit na nabitin.
Mabilis akong naglakad at tumingin sa elevator ng makita na kakapasok lang ni Clyde. Hindi iyon sumara kaya binilisan ko ang lakad at hindi nga ako nagkamali, dahil hinintay niya ako.
Napabuntong hininga ako at nakayuko ang ulo nang pumasok sa loob bago mag close ang elevator.
Silence enveloped us and we only heard our deep breathing. But after a couple of minutes, he broke the serene.
"How are you?"
I immediately bit my lower lip hearing his worried tone.
"I'm fine, Sir..." I responded casually.
He sighed. "I'm sorry-"
"Okay lang, Sir. Wala naman nangyaring masama," sambit ko. Pasalamat na lang dahil nasa unahan ako at hindi niya nakikita ang ekspresyon ng mukha ko.
"But my mom hurt you. I'm sorry, Francine..."
I gasped when I felt him trying to touch my arms and I felt relieved when the elevator finally opened. Mabilis akong humakbang palabas bago pa man makahawak ang kamay niya sa akin.
Hindi ko na siya pinansin at dire-diretsong naglakad patungo sa office niya ngunit napakunot ang noo ko ng makitang wala sa labas ng opisina niya ang office table ko.
Lumingon ako kaliwa't kanan habang magkasalubong ang kilay. "Nasaan na 'yon?" bulong ko sa sarili hanggang sa marinig ang baritono niyang tinig.
"I moved your table inside my office," he said.
My eyes wided and my head immediately darted to him. But he just continued walking to go inside his office. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya.
I saw my table there and all the documents that I am currently reviewing from last yesterday.
"Ilalabas ko ang table-"
"No. From now on you'll be placed there, no buts." He said with full authority.
Hindi na ako nakipagtalo pa at inayos na lang ang gamit sa ibabaw ng lamesa.
Habang inaayos ang ibang nagkagulong mga dokumento, nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi ko alam ang ginagawa niya, ngunit napasinghap ako ng maramdaman ang pagpulupot ng braso niya sa baywang ko.
Para akong napapaso sa yakap niya. Napadiretso ako ng tayo ngunit mali yata ang gumalaw pa ako dahil kinabig niya ang balakang ko kaya napasandal ako sa matigas niyang dibdib at mas lalo pang humagupit ang yakap niya.
"S-Sir..." namamalat na usal ko.
"You mad?" his voice was husky.
"H-Hindi..."
"Then why didn't you reply to my message. You didn't go home last night," bulong niya sa tainga ko at para akong naliliyo dahil sa mainit niyang hininga.
"Ano kasi... dinalaw ko sila mama sa condo," tugon ko.
He chortled. "I know, I followed you..."
Mabilis na bumalatay ang gulat sa mukha ko ngunit pinilit kong huwag magtanong. I tried to remove his embrace but I failed.
"Shit!" I gasped again when he immediately buried his head on my neck and this is not a joke anymore. There's something inside of me slowly burning...
"I miss-"
"Sir, teka po may gagawin ako..." muli kong sinubukan tanggalin ang kamay niya ngunit hindi niya ako hinayaang makawala.
"Hmm.."
"Clyde, ano ba!" asik ko.
"Why? You're my girlfriend." He pointed out.
"Stop joking, Clyde. We're just pretending. At ngayong bumalik na si Christine kailangan na nating tapusin... lahat," pahina nang pahina ang tinig ko.
"I don't want to," paos niyang sinabi.
Napapikit ako dahil para akong nawala ng lakas. Pero hindi naman pwedeng ganito.
"Clyde, baka nakakalimutan mo kung anong hidwaan sa pamilya natin," paalala ko.
"And so?" balewalang aniya.
"Clyde-"
"Hindi tayo sila, Francine."
Pwersahan kong tinanggal ang kamay niya sa akin at matapang siyang hinarap.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Clyde?! Baka nakakalimutan mong ginagamit lang natin ang bawat isa?!" hindi ko na napigilang magtaas ng boses.
Tumitig ako sa kaniya ngunit nakatitig lang din siya sa akin na parang wala lang sa kaniya ang lahat.
Nakaramdam ako ng inis ng makita ang pagngisi ng labi niya. "Pwede mag seryoso ka naman Clyde!"
"Seryoso ako," sagot niya.
I sighed. "Edi naintindihan mo na? Kailangan na natin 'tong tapusin. Ngayon! Mismo!" bulalas ko.
Tuluyan nang kumawala ang malapad niyang ngisi sa labi kaya mas lalo akong nainis at tinalikuran siya. Nangingilid ang luha ko sa hindi malamang dahilan.
I tried to go back to fixing all the papers but again, I felt him hugging me from behind.
He then chuckled. "Ang cute mong magalit," marahan niyang bulong.
Parang biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Sa lahat ng sinabi ko iyong walang kwentang bagay pa ang isasagot niya.
Napaismid ako sa kawalan at iniling-iling ang ulo. Humakbang ako palayo sa kaniya pero hindi na naman ako nagtagumpay. Naramdaman kong maingat niyang hinaplos ang pisngi ko kung saan ako nasampal ng ina niya kahapon.
"Wala tayong tatapusin, Francine," aniya na ikinasinghap ko.
I sighed. "Ewan ko sa'yo! Hindi ka marunong tumupad ng usapan."
Mahina lang siyang tumawa ngunit naputol iyon ng malakas na tumunog ang cellphone niya. He was distracted by it so I took that chance to get away from him.
Mabilis akong umikot sa kabilang side ng table bago siya nilingon na humakbang patungo sa phone niya na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Sinagot niya iyon at namaywang ang isang kamay.
I was just secretly watching him until I noticed his side feature slowly became serious as his jaw tightened.
"Okay, I'll be there..." sagot niya sa kausap bago binaba ang cellphone.
Mabilis niyang pinasok sa bulsa ang cellphone bago ako nilingon. "I'll go out. Stay here," seryosong aniya at humakbang patungo sa pintuan.
"Saan ka pupunta?" kakapasok lang namin eh, aalis na agad!
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at may multong ngiti sa labi. "Why so curious, Francine?"
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. "Wala. sige umalis ka na!"
He let out a soft chuckle. "I'll be back."
"Kahit huwag na!" natigilan ako dahil sa katagang iyon.
"You can come with me if you want," mahinang sinabi niya at may multong ngiti sa labi.
"Sige na umalis ka na, marami pa akong gagawin..." sabi ko.
Bumuntong hininga lang siya at tuluyan ng lumabas ng silid at parang nagmamadali kaya naiwan akong mag-isa sa loob.
"Baka pupuntahan ang lukaret niyang ex-girlfriend," usal ko.
***
"Ha-ha! Oo naalala ko iyon. Lalo na iyong habulan ng baboy!" natatawang sabi ko at bahagya pa siyang dinuro-duro.
Umismid lang siya sa akin dahil sa pagkapikon. "Hindi ko naman talaga gusto ang larong iyon. Pero kung kapalit naman ay ang maka-date ka, why not, 'di ba?"
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang sumsimsim ng kape.
"Wala kasi talagang gustong sumali sa laro. Eh saktong napansin nila na panay ang lapit sa akin ng mga kabaryo natin na mga binatilyo, kaya kinausap nila ako kung pwedeng i-prize ang ilabas ako l]kung sino man ang mananalo," sabi ko pa.
I stared at him and he was just grinning. "Tapos pumayag ka?" taas kilay na tanong niya.
Napanguso ako at tumango. "Syempre naman 'no, kung kapalit ay limang kilong bigas," sagot ko habang tumatawa.
He sighed. "I do have lots of what-ifs that day. What if I didn't win? Who'll be your first date?"
Nag-init ang mukha ko dahil sa tanong niya kaya sumimsim ako ng kape. Ang kaninag tawanan ay unti-unting napawi at napalitan ng katahimikan ngunit ilang segundo lang ang lumipas nang basagin niya ito.
"I'm really sorry, Cine, for what I've done. Alam kong hindi ko na maibabalik ang lahat sa atin pero sobrang nagsisisi talaga ako. Nagpatukso ako-"
"Tanggap ko na Lando. May kasalanan din naman ako dahil nagkulang ako bilang girlfriend mo noon. Siguro sa sobrang pangarap ko na mabigyan ng magandang buhay sila mama, nakalimutan kita. Nakalimutan kong may pananagutan din ako sa'yo," sensirong sinabi ko.
Nagilid ang luha sa mata ko habang magkatitig kami. Namula rin ang kaniyang mga mata at dahan-dahang kinuha ang kamay. Tinapat niya iyon sa bibig niya at marahang dinampian ng halik. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko dahil sa eksenang nangyayari sa amin.
Pareho kaming nagkamali, pareho kaming nagkulang. Kung tatanungin kung galit pa ako sa kaniya? Siguro hindi na. Dahil nakkaya ko na siyang harapin, kausapin at makipag tawanan ulit.
Pero baka totoo nga ang nasabasa ko sa isang libro. Baka dahil sa, hindi ganoon kalalim ang pagmamahal ko para sa kaniya.
Hinayaan kong nakalapat ang labi niya sa kamay ko hanggang sa tumulo na rin ang butil ng luha niya. Muli kaming nagkakatitigan at sabay na tumayo at niyakap ang bawat isa.
"Cine, I'm sorry. I'm sorry..." paulit-ulit niyang bulong na puno ng senseridad ang boses.
Niyakap ko siya pabalik at patuloy na pumapatak ang luha. I finally now felt a piece inside of me. And maybe, this was tears of joy. At siguro ang luha niya ngayon ay dahil sa napatawad ko na siya.
My boy best friend became my ex-lover.
We stayed hugging each other for a couple of minutes without talking and just hugged. Not until a baritone cold voice interfered.
"So, this was the reason why'd not you answering my call."
Namilog sa gulat ang mga mata ko at mabilis na kumalas kay Lando at dahan-dahang nilingon ang pinanggalingan ng boses sa likuran ko.
I swallowed hard while watching him look furious. "Clyde..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top