Kabanata 15
Sorry
Patakbo akong naglakad palabas ng building habang pinapalis ang luha sa mata. Napuno ng bulong-bulungan sa paligid ngunit hindi ko na ito pinansin at dire-diretso naglakad hanggang sa makarating sa paradahan ng mga sasakyan.
Alam kong mali ako. Pero hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Maingat ako sa bawat galaw ko kaya alam kong pinatid ako at wala naman ibang gagawa kundi si Christine.
Muling pumatak ang luha ko kaya napatingala ako hanggang sa makasakay ng jeep, at laking pasasalamat ko dahil paalis na rin ito.
Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag at in-off iyon. Kanina pa ring ng ring at alam kong si Clyde ang tumatawag.
Wala siyang kasalanan. Pinipigilan niya naman ang mama niya pero nasasaktan ako, nainsulto. Ayokong maging bastos at umalis bigla pero napahiya ako sa harap ni... Clyde.
Nakilala pa nga lang ako bilang secretary halos ipamukha na sa akin ang estado ko sa buhay. Paano pa kaya kapag nalaman niya na binayaran lang ako ni Clyde para magpanggap.
Inayos ko ang sarili dahil naramdaman kong pinagtitinginan ako sa loob ng jeep kaya niyuko ko ang ulo at pilit pinipigilan ang maluha.
Makalipas ang halos kalahating oras ay nakarating na ako sa JRS condo building kaya bago pa man ako umakyat ay dumaan muna ako sa donut store at bumili ng isang box.
"Matutuwa nito si Coco," bulong ko sa sarili.
Ilang linggo na rin ang lumipas kaya miss na miss ko na sila. Alam kong nagtataka si mama dahil wala pa isang buwan pero bahala na.
Hindi ko naman masikmura ang mga natanggap na salita mula sa ina ni Clyde. Lalo na kung doon ako uuwi sa bahay niya na paniguradong nandoon din ang Christine. At baka... mas lalo pa akong mainsulto.
***
Inayos ko ang sarili ko at nagpunas ng mukha gamit nag wipes upang mawala ang bakas na tuyong luha.
Hindi pwedeng mahalata ni mama ang nangyari at hangga't maaari, ayokong madamay sila sa pinasok kong gulo.
Ngumiti-ngiti ako bago kumatok sa pinto kung saan kasalukuyang tumutuloy sila mama.
Kumunot ang noo ko dahil nakailang katok na ako ay wala pa ring nagbubukas. Napayuko ako at dinukot ang duplicate key sa loob ng bag.
Sinutsot ko iyon at maingat na binuksan ang pinto at tahimik na sinara. Nilapag ko sa lamesa at dalang donut bago naglakad patungo sa nag-iisang kwarto.
"Mama? Coco?" tawag ko ngunit walang sumasagot.
Pinihit ko pabukas ang pinto at sumilip sa loob. Napangiti ako ng makitang pareho silang tulog, kahit na magtatanghali na.
Walang ingay kong sinara ang pinto at naglakad patungo sa sofa. Pabagsak akong naupo at diretsong humilata.
Pumatong ang braso ko sa noo at napapikit. Parang ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa katawan sa loob ng ilang linggo na pagtatrabaho. Hanggang sa unti-unting tumitiklop ang talukap ng mata ko at tuluyang hinila ng kadiliman.
_____
"Yehey! Donut!"
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na pag sigaw ang narinig ko. Dahan-dahan akong nagmulat at napaupo. Nabungaran ko si Coco na hawak-hawak ang isang pirasong donut.
Kusang hunulma ng ngiti ang labi ko at saktong dumako ang tingin sa akin na may ngiti sa kaniyang labi.
"Ate!"
Patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Parang may mainit na humaplos sa puso ko ng mahimigan ang saya sa boses niya.
"Na miss mo ako?" tanong ko habang hinahaplos ang kaniyang ulo.
Mabilis siyang tumango. "Miss na miss po, Ate. Tsaka magaling na po ako sabi ni mama..."
Nag-init ang bawat sulok ng mata ko nang mapansin kung gaano siya kasigla ngayon at tumaba rin siya kahit konti.
Kung ganito kaganda ang kalalabasan ng ginawa ko, hinding-hindi ko pagsisisihan ang mundong pinasok ko para lang mabigyan ng komportableng buhay ang nag-iisang kapatid ko.
Kumagat siya sa donut niya pagkuwa'y tinapat sa akin. "Ang sarap! Kagat ka po, Ate..."
Umiling ako kay Coco. "Busog pa ako, Coco..."
Tumawa lang siya at nagpatuloy sa pagkain ng donut hanggang sa mapansin kong hindi ko pa nakikita si mama, ngunit agad kong nalanghap ang mabangong ulam mula sa kusina.
Muli kong hinaplos-haplos ang ulo niya na maganang kumakain. "Nasaan si mama?" tanong ko.
Umangat ang tingin ni Coco sa akin bago tinuro ang kusina. "Nasa kusina po, nagluluto ng tanghalian."
Napalingon ako sa bandang kusina kung saan lumitaw din si mama na may hawak-hawak na sandok.
"Gising kana pala," anito na ikinatango ko.
***
"Nga pala Francine, kamusta naman kayo ni Lando?"
Napaubo ako sa tanong ni mama habang ngumunguya ng kanin. Mabilis niya akong inabutan ng isang baso ng tubig na agad ko namang kinuha at nilagok.
Kinalma ko muna ang sarili ko at pinunasan ang bibig bago nagsalita.
"Mama, kasi ano..."
"Hindi ba siya uuwi ng probinsya? Wala ba kayong balak magbakasyon?"
Sunod-sunod akong napalunok dahil sa tanong ni mama at parang umurong ang dila kong magsabi ng totoo. Napalabi ako at kumura-kurap.
"Teka, may problema ba kayo? Alam ba niyang lumipat na tayo rito?" napapatig ako sa mukha ni mama na kasalukuyang magka salubong ang kilay na wari'y hinihintay.
I don't know what to say to mama. Alam kong gustong-gusto niya si Lando para sa akin dahil bata pa lang kami ay magkaibigan na kami at kilala niya na ito. Hindi ko rin masisisi si mama kung bakit.
Mabait naman talaga si Lando, nirerespeto niya ako sobra, pero dahil na rin siguro sa paligid na ginagalawan niya o baka nga ako ang nagkulang kaya siguro nakagawa ng kasalanan.
"Magsabi ka nga ng totoo, Francine. Ilang linggo ko na rin hindi nakakausap si Lando. Abay hindi naman siya ganoon at laging nagpaparamdam," ani Mama.
Napaayos ako ng upo at bumuntong hininga. "Wala na kami ni Lando, Mama..." malungkot ang tinig ko.
Unti-unting nawala ang pagkulot ng noo niya at napalitan ng pag-aalala. "Kailan pa?"
I could feel how my mother seemed to have some compunction. Kahit ako ay nalulungkot at nanghihinayang sa pinagsamahan namin pero hindi ako ang tipo ng tao na kukuha ng bato upang ipukpok sa sariling ulo.
Mahal ko siya... noon. Pero hindi ako martyr.
Mas naiintindihan ko pa kung lasing siya o wala sa sariling isip, pero hindi eh, matinong matino siya nang mahuli ko. Tsaka, kung talagang mahal ka ng tao, kahit ano pang pang-aakit ang gawin sa'yo mas maninindigan ka sa kung ano ang tama. Kaya nga may choices eh, nasa sa'yo na lang kung anong pipiliin mo.
Pinilit kong ngumiti kay mama at nagkibit-balikat. "Mahabang kwento, Ma, eh."
Iniwas ko ang tingin kay mama at ibinalik ang atensyon sa pagkain. Hindi ko na rin siya narinig na nagsalita pa kaya nabalot kami ng nakakabinging katahimikan hanggang sa matapos kumain.
Siguro naiintindihan naman ni mama kung bakit ayoko magkwento. Si mama na ang nag presenta na magliligpit ng hugasan at magpahinga na lang ako dahil day off ko.
Napatitig ako sa likuran ni mama na nakatapat sa lababo. Hindi ko maiwasang isipin. Paano kaya kung lumaki ako sa puder niya? Magiging open kaya ako? Kung hindi niya kaya ako iniwan kina Lola Alla at Lolo Marlon, magiging close kaya kami? Payak akong natawan at nagsimulang humakbang patungo sa kwarto.
Isa-isa kong tiningnan ang laman ng drawer sa kwarto at mukhang araw-araw nag-aayos si mama. Bumuntong hininga ako at patihayang humiga sa malambot na kama.
There's only one week left before our deal ends. Anong kayang mangyayari pagkatapos ng lahat? Magkakabalikan kaya sila? Kamusta kaya ang mama ni Clyde? Sana okay na siya.
Hindi ko maiwasan ang halo-halong tanong na nabubuo sa isipan hanggang sa maalala kong buksan ang cellphone.
Lumabas ako ng kwarto at diretsong nagtungo sa sofa kung nasaan ang phone ko. Agad ko itong binuksan bago nilingon si Coco na masayang naglalaro ng kaniyang game boy.
Napablik tingin ako sa hawak na cellphone nang sunod-sunod ang pag-vibrate nito dahil sa mga kakapasok lang na mensahe. Mabilis kong binuksan iyon at hindi inaasahan ang mga nabasa.
Clyde:
Nasaan ka?
Clyde:
Mag-usap tayo, Francine.
Clyde:
Nasa bahay ako.
Clyde:
I'm sorry for what my mother had done to you.
Clyde:
Please, umuwi kana.
I swallowed hard in surprise while slowly reading all Clyde's messages. Iilan pa lang iyon sa mga mensahe niyang nabasa ko. Hindi ko inaasahan na hihingi sila ng tawad sa nangyari.
But reading his message that he was sorry, made me feel something warm in the deepest part of me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top