Kabanata 14

Mother

Nabalot ng kaba ang dibdib ko habang nakatitig sa kaniya. Hanggang sa maramdaman ko ang pagpulupot ng braso sa balakang ko. 

"Who knocked?" tanong ni Clyde ngunit nasa bisita niya ang atensyon ko. 

Naramdaman kong lumingon si Clyde sa pintuan kasabay ng dahan-dahang pagluwag ng hawak niya sa akin.

"Mom, what are you doing here?"

Namilog sa agulat ang mata ko sa gulat at agad napayuko. "G—Good morning, Madam..." 

Malakas na tumili si Christine at walang sabi-sabing pumasok sa loob at bahagya pang binangga ang balikat ko. 

Nakarinig ako ng pagtikhim ng ginang kaya gumilid ako at yumuko. Nakita ko na lamang ang pares na sandals ng ina ni Clyde na pumasok sa loob.

Nanatili ako sa pwesto ko at nag-iisip kung aalis ba ako o hindi. Ngunit naputol ang pag-iisip ko ng marinig ang maarteng boses ni Christine. 

"O hi, Miss... kala ko talaga totoong girlfriend ka ni Clyde, secretary lang pala," sabi niya. 

Napalabi ako at lumingon sa gawi niya."Oo—"

"Whatever. Bilhan mo kami ni Tita ng maiinom, coffee will do..."

"Christine!" mariin na sambit ni Clyde. 

Nagkasalubong ang kilay ko dahil kakagaling lang nila sa labas tapos mag-uutos pa siya? Ingrata nga talaga.

Kung hindi lang 'to ex-girlfriend ni Clyde nasupalpal ko na 'to.

Nilingon ko si Clyde na ngayon ay nakatingin sa pwesto ko. Lumabi ako at naghihintay lang ng sasabihin ngunit nadismaya ako.  

He sighed. "Please, buy them a coffee, Francine," anito na parang walang nangyari sa amin. 

Tipid akong tumango at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kaniya. Sana pinaalis niya na lang ako dahil day off ko naman.

Akmang lalabas na ako ng maalala ang cellphone at ang bag. Yumuko ako at dali-dali itong kinuha na nakapatong sa lamesa ni Clyde. 

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagreak ni Christine ngunit hindi ko na lang siya pinansin. 

"Kindly excuse myself," magalang na sambit ko bago tumalikod at naglakad palabas ng opisina.

"Mom, what brought you here?" si Clyde. 

"Who's that girl, Clyde? She looks familiar," kaswal na tanong ng ina ni Clyde.

Hindi maikakaila na maamo ang tinig nito. At mukhang hindi naman matapobre.

Umalis na ako bago pa man marinig ang boses ni Clyde. Diretso akong nagtungo sa elevator habang dinudukot ang credit card pag-aari ni Clyde. 

He handed me this last yesterday so just in case he wants something I can use it.

Nakasakay na ako ng elevator ngunit hindi mawala sa akin ang boses ng ina Clyde. Mukha namang mabait kaya paanong nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng pamilya namin.

"Damn!" napamura ako dahil hindi ko natanong ang flavor ng kape. 

Kagat-kagat ko ang labi ng tawagan ko ang numero ni Clyde. Ngunit ring lang ito ng ring at walang sumasagot. Baka busy kay Christine.

Akmang lalabas na ako upang bumalik sa opisina ni Clyde ng binati ako ng cashier na kasalukuyang kumukuha ng order. 

Umikot ang paningin ko buong coffee shop at iilan lang ang nakaduty. Napangisi ako ng may biglang makaisip ng binabalak ngunit naputol ang iniisip ko ng marinig muli ang maamong boses ng babae.

"What's your order, Miss?"

Napalabi ako at nagkakamot ng ulo. "Uh, hindi ko kasi naitanong kung anong kape kaya babalik muna ako sa Vandellor building. Malapit lang naman—"

"Clyde Vandellor, Miss?"

Napatango-tango ako. Hindi na rin ako nagulat lang kilala man nila. Kilala naman kasi talaga ang pamilya nila sa larangan ng industriya. 

Tumawa ang babae. "Black coffee si sir Clyde—"

"Ano kasi, 'yong mama niya at si Christine ang nag-uutos. Hindi ko na itanong..." agap ko. 

Unti-unting nawala ng ngiti niya sa labi at agad napalitan ng pagiging seryoso. May tinype siya sa screen ng computer at may na print na resibo. 

"They mostly order iced coffee, lalo na ngayon na sobrang init ng araw," kaswal na sinabi niya. "Wait for a minute for your order, Miss..."

Tumalikod na ang babae sa akin ngunit nanatili akong nakatayo. Hindi ko alam kung bakit naging ganoon ang reaksyon niya. 

Bumuntong hininga ako bago humakbang paupo sa bakanteng upuan. Gusto ko mang mag-usisa pero nakakahiya, kaya huwag na lang. Ang mahalaga nalaman ko ang order ng inggratang Christine na iyon. 

"Ano kayang ginagawa nila ngayon? Magbabalikan na ba sila kaya kasama ang nanay ni Clyde?" litong tanong ko sa isipan. 

Bumusangot ang mukha ko. "Kung ganoon... paano na ako?" hindi ko namalayan na naisaboses ko pala ang katagang iyon.

"Nandito ako."

"Ay kurimaw!" sa sobrang gulat ko ay napatayo ako sa upuan at sapo-sapo ang dibdib na kumakabog ng malakas. 

Mabilis kong nilingon ang pamilyar na may-ari ng boses na narinig ko. Agad ko siyang sinamaan ng tingin ng makita ang natatawa niyang mukha. 

"Magugulatin ka pa rin," aniya. "Pero nag-improve ka na. Hindi na kambing, kurimaw na," natatawang anito. 

Humaba ang nguso ko at inirapan siya. "Hindi ka pa rin nagbabago, malakas ka pa rin mang-asar," sabi ko. 

Tumawa ulit siys kaya binalik ko ang tingin sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang suriin ang pisikal na ayos niya.

Tumikhin siya kaya napatingin ako sa mukha niya at nandoon pa rin ang ngiti sa labi. "A—Anong ginagawa mo rito?" tanong ko at nilingon ang counter bago ulit siya binalingan. 

May pinakita siyang ID sa akin kaya bahagya akong nagulat.

"I'm the manager here, na transfer ako simula ng mag AWOL ako sa trabaho. Mas maliit itong store compare sa previous na workplace ko pero okay na rin, basta hindi ako natanggal," paliwansg niya. 

Napakunot ang noo ko at ngayon ko lang naalala na sa coffee shop pala siya nagtatrabaho. At hindi ko alam na branch din pala ito ng RAM coffee shop. 

Nakatitig lang ako kay Lando na ngayon ay maayos na ang damit at ang buhok. Kaya lalong lumitaw ang taglay niyang kagwapuhan. 

Oo, gwapo naman talaga siya. Moreno, matangos ilong, makapal ang kilay, bilugan ang itim na mga mata. Kaya hindi na bago sa akin kung maraming nagkakagusto sa kaniya kahit noong kami pa. 

Tumikhim siya kaya nakabalik ako sa sariling huwisyo.

"So what's your order?" nakangiting tanong niya.

Natawa ako dahil sa pormal niyang tanong. Nilihis ko ang ulo at sumilip sa counter at saktong nandoon na ang babae. 

Binalikan ko nang tingin si Lando na ngayon ay nakaayos na rin ng pagkakatayo.

"Inutusan lang ako umorder ng amo ko. So paano, mauna na ako..." sabi ko.

Tumingin si Lando sa counter kung nasaan inaayos ang order ko bago siya dahan-dahang tumango at lumingon sa akin.

Bumuntong hininga siya at inayos ang suot na polo uniform bago muling tumingin sa akin. 

He then smirked. "Sige, kunin mo na baka mapagalitan ka pa sa trabaho mo," kaswal na sambit niya.

Napangiti ako dahil parang natural na lang talaga ang pag-uusap namin. Walang ilangan na nangyayari. 

"Sige. Nga pala... dito na lang tayo magkita kapag may free time ako."

Nagliwanag ang mukha niya at sunod-sunod na tumango. "It's good to hear that, Cine..."

Tumango na lang din ako sa kaniya at tinalikuran na siya upang kunin ang order na ngayon ay nakahanda na.

Inabot ko ang credit card sa babae upang magbayad bago dire-diretsong lumabas ng coffee shop.

Ngunit napahinto ako sa paglalakad ng tinawag ako ng babae. "Miss!"

Napalingon ako sa kaniya na may pagtataka sa mukha. "Ingat," aniya at mabilis na tumalikod.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya, pagkuwa'y nagkibit balikat na lang din ako at lumabas na ng shop.

Bumalik na naman ang kabang nararamdaman ko habang nasa elevator. Kanina ay komportable na ako pero ngayon parang hinahabol ang paghinga ko. 

Bumukas ang elevator at nanginig ang mga tuhod ko nang ihakbang ko ito palabas.

"Shit!" 

Hindi ko mapigilan ang sariling magreak dahil sa nerbyos na nararamdaman. Halos marinig ko na ang malakas na tambol ng dibdib ko. 

Nagpatuloy ako sa paghakbang kahit nangangatog ang binti hanggang sa tuluyan kong maabot ang pintuan ng opisina ni Clyde. 

Humugot ako ng malalim na hangin bago kumatok at saktong bumukas ito. Tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Clyde na dahan-dahang bumababa ang tingin sa dala kong kape. 

Lumabi siya at para bang nagpipigil magbigay ng komento. "Come in."

Nilakihan niya ang bukas ng pinto kaya napayuko ako upang dumaan sa gilid niya at nalanghap ko pa ang mabango niyang amoy. 

The ambiance inside this room is a bit intense. Para bang nagkaroon ng komisyon ng mawala ako. 

Umangat ang tingin ko sa ginang na prenteng nakaupo sa sofa kung saan kami nakapwesto kanina ni Clyde. Hindi ko tuloy maiwasang mamula ng maalala ang nangyari sa amin. 

Lumipad ang tingin ko kay Christine na nakaupo sa upuan at may hawak din na magazine. 

Nakatikom lang ang bibig ko at dahan nilabas ang coffee. Nilapag ko iyon sa ibabaw ng lamesa malapit kay Christine. 

"Here's your coffee, Miss..." sabi ko. 

Pinasadahan niya lang iyon ng tingin at binalik din ang mata sa magazine. 

Hinawakan ko ang isa pang cup ng coffee at humakbang malapit sa ina ni Clyde, hindi kalayuan sa akin. 

Pinilit kong ngumiti habang maingat na humahakbang ngunit nanlaki ang mata ko ng sa kaba ng biglang may pumatid sa akin. 

"No!"

Huli na bago ako makapagreak dahil nabitawan ko na ang hawak na kape bago ako bumagsak sa sahig.

"Aw!" napadaing ako dahil sa sakit ng tuhod. 

"Shit, Francine!" 

Narinig ko ang malakas na boses ni Clyde kaya pinilit kong makatayo at agad naman humawak ang malamig na kamay ni Clyde sa akin at tinulungan akong makatayo. 

Nag-init ang bawat sulok ng mata ko dahil sa kahihiyan. Ngunit para akong tinakasan ng lakas ng umangat ang tingin ko sa pwesto ng mama ni Clyde.

"... M—Madam... I'm sorry..." halos walang lumabas na boses sa bibig ko ng makita ang lagay ng ginang. 

Ang dumi niya at kitang-kitang pagkakasaboy ng kape sa hawak niyang magazine, sa mukha niya at suot na mamahaling damit. 

Nanginig ako at naramdaman kong binitawan ako ni Clyde at mabilis na nilapitan ng ina. 

"Mom," si Clyde na mabilis na kumuha ng tissue. 

Natulala ako at hindi malaman ang gagawin. Hindi ko alam kung anong mangyayari pero nang umangat ang mukha ng ginang sa akin... parang gusto kong magtago at kumaripas ng takbo palabas. 

Inalalayan ni Clyde ang ginang upang tumayo ngunit iwinaksi lang nito ang kamay ng anak at masamang tumingin sa akin habang tumatayo. 

Nangatog ang binti ko ng umabante siya patungo sa akin.

"I'm sorry, Madam..." nanginig ang boses ko. May pumatid sa akin. Hindi ko na nagawang isa boses dahil sa kawalan ng lakas ng loob. 

Nakagat ko ang labi at napayuko dahil hindi ko kayang salubungin ang titig ng ina ni Clyde na parang pinapatay na ako sa isipan niya. 

"Mom!" si Clyde na parang pinipigilan ang ina. 

Pinagdikit ko ang dalawang palad ng makita ang pares na sandals ang huminto sa harapan ko. 

Nagilid ang luha ko sa takot ng unti-unting umangat ang tingin ko sa ginang na ngayon ay nagpupuyos sa galit ang mukha. 

"I'm... I'm very sorry—"

"How dare you pour that coffee on me?!" singhal na ikinaigtad ko. 

"I—It was an accident po. I'm sorry, Madam..." 

"What's the use of your sorry? You stupid!" 

"Mom, stop!" si Clyde.

"Do you know how much this dress cost? Kulang pa ang buhay mo sa halagang ito. Napakatanga mo!" singhal niya sa akin.

Napayuko ako sa takot. Sa gulong nangyari at sa insultong natanggap mula sa ginang. 

"H—Hindi ko po sinasadya... pasensya n..." mas lalo akong nangatog sa kaba.

"You get out!"

Napatigalgal ako ng malakas na lumapat ang kaniyang palad sa kaliwang pisngi ko na parang humiwalay ang mukha ko sa akin. 

"Mom, what did you do?!" Clyde cold voiced thunder inside his office. 

"Dapat lang iyan sa mga tanga at gusgusing empleyado. Mga ingrata at malalandi!" mariin niyang sinabi.

"Mom—"

"Find some decent secretary, not this slut!" Clyde's mother's words made me more insulted.

Sunod-sunod na bumagsak ang luha ko at patakbong lumabas ng opisina habang sapo-sapo ang namamanhid na pisngi. 

"Hindi ako nasaktan ni mama kailanman, pero sa isang pagkakamali parang... buong pagkatao ko tinapakan..."

Walang tigil na bumubuhos ang luha ko hanggang sa tuluyang makasakay ng elevator.

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, umuwi na lang sana ako. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top