Kabanata 12

Confused

NAGMAMADALI akong bumaba ng taxi dahil late na ako sa opisina. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako ginising ni Clyde kanina kahit na alam niyang maaga ang schedule niya ngayon.

Halos hindi na maipinta ang mukha ko dahil baka masermonan ako hanggang sa makapasok ako sa ng lobby ng building at dali-daling nagtungo pasakay sa elevator at akmang sasakay na ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Francine!"

Napahinto ako at mabilis na bumaling sa pinanggalingan ng pamilyar na boses at ganoon na lamang ang gulat ko ng makita si Ashira na kakapasok lang ng lobby, bitbit ang kanyang office bag.

Naglakad ako palapit sa kaniya at parang nakalimutan ang pagmamadali. Niyakap ko si Ashi at mabilis din na kumalas.

"Gaga ka, akala ko talaga nasesante ka na..." aniya.

Ngumiti lang ako at sa kaniya at pinakita ang dalang mga papel na kinailangang permahan ni Clyde kagabi sa bahay.

"Naging sekretarya ako ni Sir Clyde..." mahinag sabi ko.

"OO nga, kalat na sa opisina. Pero kamusta naman?" parang may lungkot sa tinig niya.

Ngumiti ako. "Okay lang naman, Ash-"

"Hindi ka ba napapagalitan o nasisigawan? Hindi ba laging galit?" tanong niya na ipinagtaka ko.

"Huh?"

She sighed deeply. "Narinig ko kasi noon sa sekretarya niya na malupit daw si Sir, eh. Konting pagkakamali lang sinisigawan na. Nakakatakot daw kasi kahit tapos na ang trabaho ay magkasalubong pa rin ang kilay na para bang galit sa mundo."

Kumunot ang noo ko dahil kabaligtaran naman ang nangyayari. Clyde never shouted at me during work, he stay calm and silent for the whole day, kaya hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko dahil na experience ko naman na pero-"

"Nga pala, totoo ba?"

Kumunot lalo ang noo ko sa sinabi ni Ash. "Na ano?"

"Ikaw ang girlfriend na ipinpakilala ni Sir sa mga party?"

Hilaw akong napangisi kay Ash habang nag-iisip ng sasabihin ngunit mabilis na tumunog ang phone ko. I secretly smiled 'cause the sudden call saved me.

"Mauna na ako, Ash. Sana next time makapag-usap tayo ng mahaba-haba," sabi ko sabay tingin sa caller bago ibinalik ang tingin kay Ash.

Ngumuso si Ash sa akin at tumango-tango. "Oo nga, ilang araw na rin tayong hindi nagkita.."

Tuluyan na kaming nagpaalam sa isa't-isa kaya mabilis kong bibalikan ng tingin ang tumatawag na si Clyde.

Tumikhim ako at sinagot ang tawag. "Sir?"

"Where are you now?" he calmly asked.

"Nasa elevator, pasakay na."

"Okay."

Napalabi ako. "May kai-"

Naputol sa ere ang sinasabi ko nang maputol ang linya. "Bastos!" anas ko at diretsong humakbang papasok sa elevator.



"We'll see each other tomorrow."

Napadiretso ako ng tayo ng marinig ang boses niya mula sa labas ng pinto at ng matahimik sa loob ay tsaka lang ako kumatok.

"Sir?"

"Come in," kaswal na aniya.

Pinihit ko pabukas ang pinto at diretsong tumingin sa kaniya na nakatutok na sa screen ng laptop at nakasuot ng reading glasses niya. He looks like a bookworm yet cool.

Tumaas ang kilay niya kaya nagsalita ko. "I'm sorry, S-Clyde, I'm late... hindi mo rin ako ginising."

Gumalaw ang ulo niya bago dahan-dahang lumipad ang tingin sa akin na kalmado lang ang ekspresyon. "It's fine, I cancelled my meeting last night."

Kumunot ang noo ko dahil bakit hindi ko alam, pero imbis na magtanong ay tumango lang ako.

"Bale, wala na po kayong meeting for the whole day," inporma ko.

Tumango lang siya at binalik ang atensyon sa screen ng laptop. "So how's your sleep?"

I licked my lips and instead of answering his questions, I asked. "Do you need anything, Sir?"

Muling lumihis ang ulo niya at inatras ang swivel chair at dahan-dahang sinara ang laptop. Tinanggal niya ang salamin sa mata bago umangat ang tingin sa akin na napanganga dahil sa swabeng galaw niya na nakakakuha pa rin ng atensyon.

Yumuko ang ulo niya at may dinukot sa kanyang bulsa at nilabas niya mula roon ang kaniyang wallet at dumukot ng papel. Nilapag niya sa sa lamesa ang isang lbong cash.

"Buy me a black hot coffee and one slice of cheesecake. And buy also yours," anito bago hinilot ang sentido.

"Noted, Sir..." sabi ko ay mabilis na tumalima.

Hindi ko na siya narinig magsalita kaya dire-diretso na akong lumabas ng opisina niya. Flexible at naka focus naman ako sa trabaho pero sa tuwing usapang relasyon natataranta ako sa tuwing sinasabing girlfriend niya ako.

Napalabi ako ng maalala na kadalasan sa mga nagiging karelasyon niya ay modelo o kaya ay kilala rin ang pangalan sa larangan ng industriya. Isa na rin sa mga dahilan kaya walang naniniwala na ako ang girlfriend niya, dahil imposiboe nga namang pumatol siya sa isang katulad ko.

Dumiretso ako palabas ng building patungo sa coffee shop sa kabilang side kaya tatawid pa ako sa kalsada.

Habang naglalakad nagulat ako ng may biglang hunawak sa braso ko.

"Francine..."

Namilog sa gulat ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Lando. Inagaw ko bigla ang braso sa kaniya bago lumingon sa kaniya.

He looks so mess. Magulo ang buhok niya at parang hindi rin nag-aayos. Ramdam ko pa rin ang galit sa kaniya pero hindi na ganoon kalalim jagaya ng una.

"Bakit?"

Pinilit kong ikaswal ang tono dahil kahit paano ay may pinagsamahan kami. Hindi lang bilang magkarelasyon kundi pati na rin bilang magkaibigan.

"Can we talk?"

Tumitig ako sa mga mata niya at makikitang punong-puno iyon ng pagsisisi.

"Nag-uusap na tayo," sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Hindi ko matagalan ang makita siyang gulo-gulo ang buhok at parang napabayaan ang sarili.

"What I mean, iyong masinsin sana at private..."

Kahit magulo ang ayos niya nandoon pa rin ang malinaw na pagsasalita niya. Pinakiramdam ko ang sarili at parang gusto ko na rin makipag-usap sa kaniya.

Gusto ko pa rin malaman kung bakit niya ginawa iyon kahit na alam ko naman na ang dahilan.

Tipid akong ngumiti. "Sige, pero—"

Naputol sa ere ang sinasabi ko ng biglang tumunog ang malakas ang cellphone ko. Agad kong tiningnan iyon at si Clyde na naman ang tumatawag..

Napalabi ako at tumingin pabalik kay Lando na nakatitig sa akin habang namumula ang kaniyang mga mata.

"Hindi ako pwede ngayon, pero baka sa susunod na araw. May trabaho pa kasi ako."

Nanatili ang titig niya sa akin kaya tinitigan ko siya pabalik. Ibang-iba na siya ngayon at pumayat din siya.

"You're still the same Francine. You still kind..."

Kung mayroon man akong ipinagpapasalamat sa kaniya ay iyon ay dahil kilala niya ako mula noon hanggang ngayon.

"Siguro next time na lang tayo mag-usap. I'm still using my old number, mag te-text na lang ako kung kailan at saan."

Malapad siyang ngumiti at mabilis na tumango. "S—Salamat, Cine..."

Nag-init ang bawat sulok ng mata ko dahil hindi maikakaila na namiss ko ang madalas niyang itawag sa akin. Pero hindi kagaya noong una, mas okay na ako ngayon.

"Sige Lando mauna na ako may bibilhin pa ako eh," paalam ko.

"Saan ka ba?"

"Diyan kang sa coffee shop," sabi ko sabay turo sa store.

Mahina siyang tumawa at tumango. "Sabay na tayo, doon din ang punta ko..."

Tumango na lang ako at nagpatiuna sa paglalakad. I don't feel anything awkward between us. Parang normal na lang ang lahat sa kabila ng mga nangyari sa amin.

---

Pabalik na ako sa opisina ni Clyde dala-dala ang inutos niya. Medyo natagalan ako dahil marami ang bumibili.

Hindi ko na rin nasagot ang tawag niya kaya sinubukan kong mag-text ngunit wala na rin akong load.

Mabilis akong nakarating sa harap ng opisina ni Clyde dahil wala naman sakay ang elevator.

Kumatok ako ng tatlong beses ngunit wala akong naririnig na boses niya mula sa loob kaya pinihit ko na lang ang pinto pabukas.

Ganoon na lamang ang gulat ko ng mabungaran ang matalim niyang tingin na ipinukol sa akin...

"S—Sir?"

Napatitig ako sa seryoso niyang mukha. Nagsalubong ang kilay niya at dahan-dahan tumayo.

Napalunok ako at pilit hinakbang ang paa upang ilapag ang pagkain sa table niya. Nagawa ko naman ng maayos ngunit pagkatapos kong mailapag ang order niya ay mabilis niyang hinaklit ang braso ko kaya napaharap ako sa kaniya.

Halos kapusin ako ng hangin dahil konti na lang ay magdidikit na ang labi namin. Napalunok ako dahil ito na naman ang kakaibang pakiramdam.

"Clyde..."

"Why'd you not answer my calls?" malamig niyang tanong.

Kumurap-kurap ako ngunit at pilit kinakalma ang nagwawalang tibok ng puso. Napansin ko ang pag-igting ng bagang niya kaya nataranta ako.

"Uh, m—maraming customer. Pumila pa ako kaya natagalan..." paliwanag ko.

Tumaas ang kilay niya at lalong dumilim ang mga mata. "With?"

Dahan-dahan kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Nalilito ako sa kung anong ibig niyang sabihin.

"What do you mean?"

Nagtiim-bagang siya habang nakatitig sa akin at nagulat ako ng bigla niyang kabigin ang ulo ko palapit ng husto sa kaniya. Napalunok ako at hindi alam ang gagawin hanggang sa dahan-dahang lumapat ang labi niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng halikan niya ako ng mapusok at biglang napanganga nang kagatin niya ang labi ko kaya naitulak ko siya palayo.

Pumungay ang mga mata niyang tumitig sa akin. Ngumisi siya at muling kinabig ang ulo ko palapit sa kaniya. At... para akong nahihipnostismo sa titig niya.

"Don't you ever forget our relationship status, Francine. Don't ruin my name... don't put dirt on it by talking with your ex-boyfriend!" mariin at puno ng awtoridad niyang sinabi bago binitawan ang ulo ko.

My both side-eyes heated as I slowly turned my back to him. I smiled bitterly as I opened the door.

Ang kaninang natutuliro kong isipan ay napalitan ng pait.

"Don't ruin his name, ah..." ulit na usal ko.

Bumalik ako sa lamesa ko at pilit nagpo-focus sa binabasa kahit na iba ang impact sa akin ng sinabi niya.

Pero tama nga naman siya. Masisira ko ang pangalan niya kapag lumabas ang totoo tungkol sa amin.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa bigat ng pakiramdam. Nang dahil sa pangangailangan ay hindi ako makapagreak.

__

Another day had passed and he became totally cold to me. Kahit sa bahay at opisina. Hindi na rin kami nagsasabay pumasok kay nag co-commute ako.

Hinayaan niya akong makialam sa loob ng bahay niya kaya kahit paano ay nalilibang ako magluto pero ako lang din ang kumakain dahil minsan late na siya umuuwi.

Okay lang naman pero minsan napapaisip ako kung anong plano niya. Kung tatapusin niya na ba ang lahat.

Mabilis akong bumaba ng taxi pagkarating sa village. "Salamat po," sabi ko pagkatapos iabot ang bayad.

Napabuntong hininga ako at inumpisahan ng ihakbang ang mga paa patungo sa bahay niya kaya hindi ko maiwasang maglikot ang paningin sa paligid.

Ang laki ng village na ito at talagang may kaya lang sa buhay ang may kakayahang bumili. Halos ilang metro lang ang layo ng mga bahay-bahay at mukhang magkakakilala pa ang nakatira.

Kumunot ang noo ko ng mapansin ang hindi pamilyar na sasakyan na nakaparada sa harapan ng bahay ni Clyde.

Bumagal ang hakbang ko dahil baka mga kaibigan niya iyon, hanggang sa tuluyang makalapit. Titnitigsn ko ang magarang kotse bago lumingon sa nakabukas na gate.

Humakabang ako palapit doon upang pumasok ngunit biglang lumabas sa garahe si Clyde na walang damit at pawisan. Napalunok ako parang nanuyot ang lalamunan na nakita ngunit agad napalitan ng kakaibang pakiramdam ng makita ang babaeng nakasunod sa kaniya.

"Clyde-"

"Umuwi ka na, Christine. Ihahatid na kita," mahinahong boses ni Clyde.

Mabilis akong nagtago sa gilid sa matayog na damong nakatayo at hindi inalis ang tingin sa kanila.

Tinitigan ko ang babae o ang ex-girlfriend ni Clyde at hindi ko maiwasang manliit. She was wearing a simple sleeveless dress yet she looks so stunning.

Gusto kong iiwas ang tingin sa kanila ngunit hindi ko magawa. Hanggang sa biglang yumakap ang babae sa likod ni Clyde.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Clyde na bahagyang nakaharap sa kinaroroonan ko, ngunit hindi ko mawari ang ekspresyon niya. But... he looks confused.

Dahan-dahan humarap si Clyde sa kaniyang ex-girlfriend at walang sabi-sabing hinalikan ito sa labi. Napanganga ako sa nakita ngunit nang matauhan ay mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanila.

Malakas ang pintig ng puso ko at sa sobrang lakas ay parang naririnig ko na, at hindi ko alam kung para saan ito...

Pero isa lang ang nasisiguro ko... posibleng matapos na ang lahat sa amin, pati na ang trabaho ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top