Kabanata 10

Drunk


NAPADAING ako at dahan-dahang nagmulat ng mga mata dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa binta at tumatama sa mukha ko. Pupunga-pungas ako ng mata at bumungad sa akin ang puting kisame.

Maliit na humulma ng ngiti ang labi ko ng maalala ang nangyari. I shouldn't be feeling this but when I felt his lips on me there's deep inside of me awakened.

Napabalikwas ako ng bangoN ng dahil sa pakiramdam ko ay nag-iinit ako dahil sa make out na nangyayari kagabi.

I never did those naughty things with my ex-boyfriend. Hindi kami lumalagpas sa kiss kahit na ang tagal na namin magkarelasyon, pero kay Clyde, mayroon sa kalooban-looban ko na ayaw kumalma lalo na kapag nagkakatitigan ang aming mata.

May pinukaw siya sa pagkatao ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mawari at parang may magneto siyang tinatago na kapag napapatingin ako ay ayaw ko ng siyang lubayan.

I sighed deeply again as I slowly stood up until my phone vibrated, nonstop. Lumihis ang ulo ko at napansin ko roon ang phone sa gilid ko. Mabilis kong hinablot iyon at sinagot ang tawag dahil pangalan ni ang lumitaw sa screen.

"Hello?" napahikab ako.

"Francine?"

"Mama, bakit po?"

"Nasaan ka ba? Hindi ka ba makakauwi?" tanong niya sa kabilang linya.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi kong one month akong mawawala dahil sa out of town na trabaho bilang sekretarya.

Tumayo ako at humkbang papasok ng banyo. "Hindi pa ako makauwi, Ma. Bakit po may problema?"

"Wala naman, Francine. Kaso si Coco kasi hinahanap ka. Ang laki nga raw ng nilipatan pero wala ka naman. Kailan ba ang balik n'yo ng amo mo?"

Nanikip ang dibdib ko dahil sa kasinungalingan. "Hindi ko pa po alam. Pero mag te-text po ako mamaya..."

Kumunot ang noo ko at umikot ang mata sa loob ng silid ng mapansin na wala si Clyde.

"Sige na po, may aasikasuhin lang ako. Pakisabi po kay Coco uuwi rin ako. Mag-ingat kayo, Mama..."

Bumuntong hininga si mama sa kabilang linya. "Ikaw rin, Francine..."

Napangiti na lang ako dahil kahit hindi pinapakita ni mama, sa loob ko ay alam kong concern siya sa akin sa kabila ng pagiging—

Nahinto ako sa pag-iisip ng muling nag-vibrate ang phone ko kaya agad kong sinilip iyon.

It was a text message from Clyde.


Clyde:

Good morning.


Clyde:

I went out.



Lumabi ako at malakas na tumambol ang dibdib. It was a simple message yet I feel something inside of me unknown.

I sighed deeply while thinking if I should reply or not. Hindi ko rin alam kung kasama iyon sa pagpapanggap kahit walang nakatingin.

Pinilig ko ang ulo at in-off ang cellphone at ipinatong sa gilid ng lababo sa loob ng CR at naisipang huwag na lang replyan.

Napatitig ako sa salamin dahil sa natural na mukha. Kumunot ang noo ko dahil ni katiting na kolorete sa mukha ay wala ako.

"Sino nagtanggal?" tanong ko sa sarili at dahan-dahang umangat ang kamay upang haplusin ang sariling mukha.

Nagsalubong ang kilay ko at pilit inaalala ang nangyari kagabi. The last time I remembered we were kissing intimately and we got inside the car while feeling each other's lips, as soon as I fell asleep.

Napakurap-kurap ako at naglakbay pababa ang paningin ko sa dibdib, pababa sa buong katawan. Namilog sa gulat ang mata ko ng mapansing iba na ang suot ko at... d-damit ito ni Clyde na plain white.

Shit! Napatampal ako sa sariling noo. "Siya ba ang nagbihis sa akin?"

Napalunok ako habang nag-iinit ang mukha. Mabilis kong hinablot ang cellphone at saktong nag-vibrate ito at lumitaw ang pangalan ni Clyde sa screen.

Mabilis ko itong sinagot.

"Clyde!"

Malakas siyang tumawa sa kabilang linya kaya hindi ko matuloy ang sasabihin. "Hmm, miss me?"

Napatingin ako sa harap ng salamin at sinusuri ang pisikal. "Hindi—"

"I miss you too, baby..."

Namula bigla ang mukha ko at parang may nagwawala sa kasu-kasuan ko ngunit agad ding kumalama dahil sa ibang boses na narinig.

"Hi, Clyde."

Nakagat ko ang labi ko ng at narealize ang nangyayari. He's with his ex-girlfriend.

"Hi, Tine..." said Clydes as I ended the call.

Binaba ko ang cellphone at binalik ang tingin sa salamin. Namumula pa rin ang mukha kaya mabilis akong naghilamos bago maisipang lumabas.

Kasalukuyan akong nasa kusina at naghahanap ng pagkain ngunit pagbukas ko ng ref walang laman iyon kaya lumipat ako sa ibang cabinet at nakita ko ang ilang bote ng alak.

Kinuha ko ang isa at binasa. "Black label scotch whiskey..." usal ko.

Nalukot ang noo ko at tinitigan ito. Hindi ako maalam sa mga ganitong bagay pero napangiti ako dahil mukhang iba na naman ang lasa neto.

Humagikgik ako at namalayan ko na lang sariling binubuksan ang bote habang humahakbang upang kumuha ng baso.

Lumabas ako ng kusina at doon ko lang napansin na ganito pala kalaki ang bahay niya. Kung hindi ako nagkakamali nabanggit niyang siya lang ang nandito nakatira dahil may ibang bahay ang magulang niya.

Napailing na lang ako. "Iba talaga kapag mayaman, kahit ilang bahay pa ang bilhin..."

Naglakad ako patungo sa malapad na sofa. At hindi nag-alsaya ng oras at nagpatalbog-talbog ang pang-upo.

"Ang lambot, mas malambot pa yata 'to sa bundok ko..." napahagikgik ako dahil sa lumabas sa bibig ko.

Umikot muli ang mata ko at doon dumako sa mamahaling lamesa na napapagitnaan ng dalawang single sofa. "Grabe! Lahat ng gamit mamahalin!"

Nilapag ko ang hawak na bote ng alak doon at hinablot ang nakitang magazine. Naglalaman iyon ng mga sikat na negosyante sa bansa, isa naroon ang Vandellor airlines.

"Ano kayang feeling makasay sa eroplano?" bulong ko sa sarili habang patuloy na sinisimsim ang alak na nasa baso.

Nagpatuloy ako sa paglipat at pagbabasa ng article sa magazine at doon ko rin nakita si Doctor Mayumi na kasama ang kanyang asawa na isa rin sa sikat na negosyante.

Nilipat ko muli ang pahina at napansin kong hindi nakangiti ang mga sikat na mga kaibigan ni Clyde, miskin siya ay walang kangiti-ngiti sa mukha.

"So totoo nga... they're scared on camera. They prepared to stay lowkey despite their fame. Napaka down to earth naman pala."

Mabiis kong sinarado ang magazine kahit na hindi pa iyon tapos dahil sa nararamdaman na pangingilo.

Tumingala ako bago tiningnan ang bote ng alak at ngayon ko lang naramdaman ang pait na humahagod sa lalamunan ko.

"Hala ka!" namilog sa gulat ang mga mata ko ng mapansing halos makalahati ko ang whiskey na hindi napapansin, kaya pala nakaramdam ako hilo.

"Shit! Simula ng makilala ko siya, natuto na akong uminom!" asik ko sa sarili.

Tumayo ako at nag-umpisang humakbang paakyat sana sa kwarto ngunit biglang umikot ang paningin ko.

"Ah!" pumikit ang mata ko at hinihintay ang pagbagsak sa sahig ngunit may biglang kumabig sa baywang ko at sa sofa ako natumpa. M—Matigas na sofa.

"Damn it, Francine. You're drunk again!"

Humagikgik ako at pumungay ang matang tumayo at humarap sa kaniya. "Clyde..."

I could clearly see his face but I knew his voice and his manly scent.

"Uminom ka na naman!" mariin niyang sinabi.

Ngumuso ako at dahan-dahang bmagsak pabalik sa ibabaw niya. "Wala kang pagkain, eh..."

Bumigat ang paghinga niya habang dahan-dahang akong tinatayo. "Stand up, I did buy groceries..."

Napahagikgik ako dahil sa nakakakiliti niya hininga na tumatama sa mukha ko. At nandoon na naman ang nakakapasong init na siya lang ang kayang magparamdam.

"Francine, s—stand up..." napapaos niyang bulong.

Pinilit kong imulat ang mga mata at inaaninag ang mukha niya. "Clyde..."

"Shit! Your drunk Francine!"

"Clyde—"

Bumagsak ang ulo lo sa kaniya at diretsong lumapat sa labi niya, ngunit pilit niyang iniiwas ang ulo sa akin.

"No, Francine! You're drunk for pete's sake! I don't want to repeat the same mistake!"

Parang may mabigat na bagay ang dumagan sa akin. Pinakiramdaman ko ang ang sarili ko ngunit gustong-gusto ko talaga at parang hinahanap ko.

"Clyde—"

"Shut up, Francine! You're just drunk! I won't take advantage of you..."

Pumungay ang mata kong pilit siyang inaaninag. "Ginawa na natin 'to, bakit ayaw mo?"

He sighed heavily as he immediately shifted our position. I was already in the bottom and he was on top but he quickly stood up.

"Clyde, please. I want to feel you again..." shit I feel so damn hot.

'This was really the one effect of liquor?' I asked my mind.

Muli kong narinig ang pagbuga niya ng marahas na hangin kaya bumaling ako sa kaniya, pumikit at kinusot-kusot ang mata.

"A—Ayaw mo?"

'I thought every man wants always to have a sex. Bakit ayaw niya?' takang tanong ko sa sarili.

"You're just drunk, Francine!" mariin niyang sinabi.

"Hindi ah..."

Sinubukan kong bumangon ngunit bumagsak lang ang ulo ko dahil sa kawalan ng balanse.

"Hindi ka dapat naiiwan mag-iisa. Inom ka ng inom!" matalim na aniya at base sa tono ng boses niya ay may halong pag-aalala.

"Naiinitan talaga ako—"

"Shut up, France... huwag mong ubusin ang pasensya ko!" agap niya.

Pumikit ako at parang hinahalukay ang loob ng tiyan ko. "Ayaw mo lang kasi nandiyan na ang ex mo..." bubulong na sinabi ko at ipinatong ang kamay sa noo.

Para akong biglang inaantok.

"Kung hindi ka lang lasing hindi ako magpipigil..." rinig kong sambit niya kaya natawa ako.

"Sinasabi mo bang mabait ka, Sir?"

"Hindi!"

I laughed loudly. "Good. Buti alam mo..."

Unti-unti ng bumibigat ang talukap ng mga mata ko dahil sa antok. Napangisi ako. Alak pala ang katapat kapag gustong makatulog.

"Matino pa ako, Francine, pero binabaliw mo..."

Naririnig ko pa siyang bumubulong pero tuluyan ng hinila ng kadiliman ang kamuwangan ko.

Napabalikwas akon ng bangon dahil sa pagbaliktad ng sikmura. Tumayo ako at pasuray-suray na naglakad at pilit inaanig ang daan habang nakahawak sa bibig.

Nahihilo ako at nasusuka kaya binilisan ko ang hakbang ng may biglang humawak sa sakin.

"Where are you going?"

"Hmm, n-nasusuka ako..." sabi ko.

Napahigpit ako ng hawak sa bibig dahil sa parang lalabas na.

"Wait," hinila niya ako kung saan. "There..."

Hindi ko man maintindihan ang sinabi niya kaya bigla na lang akong sumuka. Hinagod niya ang likod ko at sunod-sunod akong naduwal pero unti-unti rin nagiging maayos ang pakiramdam.

Naghugas ako ng mukha at para akong nagising sa pangyayari. Nawala na rin ang kalanguhan ko pero medyo masakit pa rin ang ulo.

Nawala ang kamay niya sa likod ko at bumaling ako sa kaniya na kumukuha ng tubig.

Malinaw na rin ang paningin ko kaya kitang-kita ko ang walang pang-itaas niyang katawan at pawisan.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin dahil sa pag-iinit ng mukha.

"Here, drink this water..."

Nakagat ko ang labi, lumingon ako sa kaniya at dahan-dahang tinanggap ang tubig. Nilagok ko iyon hanggang sa maubos.

"Salamat..."

"How's your feeling?"

"Medyo okay na, masakit lang ang ulo."

He sighed deeply as ke stared at me. "Stop drinking next time, Francine. You're low in tolerance to any kind of liquor. It will bring you to danger in the future," pangaral niya.

Lumabi ako dahan-dahang tumango. Nagulat ako sa naging reaksyon ko dahil hindi matabil ang dila ko ngayon, dahil maaaring sa kahihiyang dala-dala.

"I cook a hot soup to reduce hangover," kaswal na sinabi niya.

"Clyde—"

Napatigil ako sa pagsasalita ng tumitig siya sa akin ng seryoso. "Don't worry walang lason ang niluto..." aniya.

Napalunok ako.

"Minsan gusto kong nalalasing ka dahil mas madaldal ka. Unlike ngayon na parang hindi ka makabasag pinggan."

Mabilis ko siyang inirapan at tumalikod. "ang yabang ps rin!"

"What are you mumbling?" tanong niya.

"Wala! Sabi ko gwapo mo!" sambit lo habang nakatalikod sa kanya.

Narinig ko pa siyang humakhak. "I know."

"Tss," napairap ako sa kawalan at nagmartsa palabas ng kusina.

Napahilot ako sa sentido ko dahil sa parang pinipiga ito sa sakit. Naglakad ako pabalik sa sofa at saktong pag-upo ko ay nasa likod ko si Clyde. Sumunod pala.

"Higupin mo hangga't mainit pa, para mainitan ang sikmura mo..." mahinahon niyang sinabi.

Napatikom ang bibig ko habang nakatitig sa bowl na nilalapag niya sa maliit na lamesa. Hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit niya 'to ginagawa.

Napaiwas ako ng tingin nang tumayo siya at diretsong lumingon sa akin. Nakagat ko ang labi at rinig na rinig ko ang malakas na tambol ng dibdib ko. I could see him in the side of my gaze that he was staring at me.

"Next time don't you ever drink any kind of alcohol. Kahit ano na lang iniinom mo," paalala niya ulit.

Humaba ang nguso ko sa tumango na lang kahit hindi nakatingin sa kanya. Napayuko ako dahil sa pagkapahiya.

Bumuntong hininga siya at napansin ko ang paghakbang ng paa niya. "Go, finish your soup and fix yourself. Sabay tayong papasok sa opisina..."

Namilog ang mata ko sa gulat at mabilis na dumako ang tingin sa kaniya. "Pero-"

"No buts, Francine. Baka pag-iniwan kita maglasing ka na naman..."

"Hindi na Clyde mauna na kayo. Ako na magsasara ng bahay o..." tanggi ko.

"My decision is final. We'll go to work together."

Hindi na ako nagprotesta pa dahil sa muling nagseryoso ang mukha niya. "Okay..."

Lumipad ang tingin ko sa umuusok na sabaw at para akong natatakam sa amoy pa lang nito. Hinintay ko muna siyang maglakad paalis bago nilapitan ang bowl ng sabaw.

A small smile formed in my lips when I realized it was my favorite soup, sopas. Akmang hahawakan ko na ang kutsara ng marinig ang sunod niyang sinabi.

"And one more thing, as my girlfriend, dito ka titira sa bahay ko. Walang pero pero, at ako lang mag-isa rito." Pinal na aniya at malalaki ang hakbang na umalis ng sala.

Bumuka ang bibig ko at napatulala dahil sa narinig. "D-Dalawa lang kami rito?" mahinang bulong ko sa sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top