Kabanata 1

Rain


Napalayo ako sa kaniya at parang umurong ang luha ko sa pagbagsak. Sobrang kaba ang nararamdaman ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Bibigyan kita ng panahon para makapag-isip. Hmm, one week. I think that would be enough..." tumango-tango pa ito na para bang tama ang naisip, bago naglakad pabalik sa office chair niya.

Napalunok ako habang nakatitig sa kaniya. I could feel my body trembling because I was terrified of him. He wouldn't hesitate to do what he wants.

Ang hindi ko lang maintindihan bakit kailangan niya akong tanggalin, hindi ko maintindihan ang pinupunto niya.

I sighed slightly as I cleared my throat. "M-May I know the reason why sir?" I asked while trembling.

I could see how his lips formed a smirk as he glanced at my direction and he slowly watched me from head to foot. "Let's say... because we're enemies?" patanong na sinabi niya.

Nangunot ang noo kong nakatitig sa kaniya. "Empleyado lang po ako rito Sir. Baguhan lang din po kaya paano ko po kayo magiging kaaway?"

Dahan-dahan naging seryoso ang mukha niya kaya napayuko ako. Minsan talaga hindi ko mapigilan ang bunganga ko kaya madalas akong mapahamak eh.

His brows furrowed. "You don't know about our family's conflict?"

Umangat ang ulo ko sa kaniya na magka-salubong ang kilay. Napalabi ako at mabilis na umiling. "Ilang buwan pa lang po ako rito sa Maynila kaya hindi ko alam kung anong nangyari sa mga magulang ko. Lumaki po ako sa puder ng lola at lolo ko-"

Mabilis akong nagtakip ng bibig at napayuko. Gaga ka self! Ang daldal mo! Kastigo ko sa sarili.

Pinagdikit ko ang dalawang palad ng marinig ang tawa niya na parang musika sa pandinig ko. Bahagya pa akong natulala dahil sa tawa niya.

"How many months since you were hired in my company?" he suddenly asked, which made me glance at his direction.

Tumaas ang makapal niyang kilay sa akin kaya napaiwas ako ng tingin dahil sa hindi ko makayanan na salubungin iyon. Muli akong yumuko.

"Mga two months pa lang ho..." mahinang sinabi ko.

He sighed. "How old are you?"

Ngumiti ako ng tipid at muling umangat ang ulo ko sa kaniya. Nakatitig pa rin siya sa akin ng taimtim.

"Mag 23 na po at malapit na po ako mag-birthday," sabi ko at napakagat pa ng labi.

His jaw abruptly shrank. "I'm not asking, Miss Jacinto. And can you please drop that "po" word? I'm not that old!" malamig na sinabi niya.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin, gumalaw-galaw ang adam's apple niya pati na ang panga kaya bahagya kong napansin ang halos perpektong hugis ng panga niya.

"Ilang taon na po ba kayo, Sir?" nakagat ko muli ang labi dahil sa kadaldalan.

Umigting ang panga niya at dahan-dahang lumingon ang mukha sa akin. Parang may kakaiba akong nararamdaman ng magtagpo ang aming mata.

"I'm just turning 30, okay. So drop the po!" mariin na sinabi niya.

Tumango-tango ako at mabilis na umupo sa upuan sa harap ng lamesa niya. "Ang tanda niyo na pala, Sir, 'no?" mahinang sabi ko na ikinatalim lalo ng mga mata niya sa akin.

"What did you say?!"

"Sabi ko po ang tanda niyo na-"

"Get out!"

"S-Sir... kala ko po pinatawag n'yo ako?" ngumuso pa ako.

"I'm done talking to you! So now get out!"

Nagmamadali akong tumayo dahil sa pagtaas ng malamig niyang boses. Napakamot ako ng ulo at tumingin sa kaniya.

"Pero boss, just let me know naman po kung bakit gusto n'yo ako i-mine? M-May b-boyfriend po kasi ako eh..."

Nag-igting ang bagang niya at kumuyom ang kamao. Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko mula ulo hanggang paa bago muling ibinalik ang tingin sa mukha ko.

Umiling-iling ito at mabilis na pinaikot ang office chair patalikod. "I'll give you one week to decide, Miss Jacinto. Whether you like it or not you have to choose,"

Nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "Hindi ko po alam kung anong gusto n'yong mangyari. Kailangan na kailangan ko po ng pera ngayon pero... mahal ko po ang boyfriend ko at hindi ko po siya kayang lokohin..."

I heard him sighed. "Then out, we have nothing to talk about, it's already clear!"

Nag-init ang bawat sulok ng mga mata ko at marahan na niyuko ang ulo. "P-Pero pag-iisipan ko po. May oras pa naman ako. Mauna na ho ako..."

Mabilis akong tumalikod kasabay ng pagpatak ng butil ng luha sa mata. Nakagat ko labi at akmang pipihitin ko na pabukas ang pinto ng magsalita siya.

"I have another offer to you after a week, Miss Jacinto. But for now do your job in my company." he said.

Hindi na ako lumingon pa at tuluyan ng pinihit pabukas ang door knob at dire-diretsong lumabas ng opisina niya at maingat na sinarado ang pinto.

Napasandal ako sa pader at bumuntong hininga. Akala ko porket graduate na ako sa kolehiyo magiging maayos na ang buhay ko... hindi pa rin pala.

Napapikit ako at pilit kinakalma ang sarili nang biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong dinukot sa loob ng bag at sinagot ang tawag.

"Francine! Si Franco sinugod ko sa hospital!"

Namilog sa gulat ang mata ko at agad binaba ang tawag. Patakbo akong naglakad pasakay ng elevator habang kumakabog sa sobrang bilis ang dibdib ko.

____

"Mama!"

Patakbo akong lumapit sa kaniya na nakaupo sa waiting area sa emergency room. Bakas sa mga mata ang pamumugto at ang katawang nanginginig.

"Mama, anong nangyari?" niyakap ko siya ng tuluyang makalapit.

Mama cried. "Francine, si Franco..."

Nangingilid ang luha ko. "Ano pong nangyari"

"Hindi ko alam, France, bigla na lang siyang hindi makahinga kanina habang naglalaro. Buti na lang may napadaan na doctor at tinulungan kami."

Hinagod ko ang likod ni mama at tumango-tango. "Magiging maayos si Franco,"

Kumalas ako kay Mama at inalalayan siyang makaupo. Nabalot kami ng katahimikan hanggang sa bumuka ang pintuan sa emergency room kaya sabay kaming tumayo ni mama.

"Doc, kamusta ang anak ko?"

Napatitig ako sa doktora na kausap ni mama. Bumuka ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas, natulala pa ako ng ngumiti ang doktora sa amin.

"Mrs, maayos na ang bata. Nahihirapan siyang huminga kanina buti na lang naagapan at nadala agad dito,"

Napalabi ako at napalunok. "Ano pong-"

"The kid was diagnosed with pneumonia." Sabi ng doktora. "Ililipat namin ang bata sa isang kwarto, kailangan pa siyang ma-obserbahan kaya hindi pa pwedeng iuwi. Magbibigay rin ako ng reseta para sa kakailanganin niyang inumin."

"Doc, ano po bang causes? Masigla naman po siya-"

"Wala po ako sa posisyon, Mrs. pero sa tingin ko ho dahil sa paligid. Napansin ko ho na magulo, maingay at halo-halo ang usok sa lugar n'yo na nadaanan namin. Isa po 'yon sa mga posibleng dahilan, baka dahil sa environment ng lugar n'yo..."

Napahawak ako sa braso ni mama. Lumingon siya sa akin na namumula ang mga mata.

"I suggest, it's better to find some place where the environment is clean and maintainable. Any dirty smoke or air can affect the kids breathing. Mas magiging malala ang sakit ng bata kung magtatagal kayo sa lugar n'yo."

My eyes watered as I nodded to the doctor. "Gagawan po namin ng paraan, salamat po doktora."

"You're welcome. If you don't have any questions I excuse myself, we're going to transfer the kid in the other room."

Sabay kaming tumango ni mama bago tuluyang tumalikod ang doktora sa amin pabalik sa loob. Dahan-dahan lumingon si mama sa akin na muling nakahamba ang luha sa mga mata.

"Paano na tayo?"

I immediately smiled to her. "Ako ang bahala, Ma. pupuntahan ko po si Lando baka may alam siyang lugar na affordable o kahit rental na condo na lang basta kakayanin." Sabi ko.

"May pera ka pa ba? Kakabili mo lang ng gamot ko noong isang araw-"

I laughed softly. "Syempre naman, ako pa ba. Nagtatrabaho kaya ako sa malaking kumpanya!" pagmamalaki ko at malapad na ngumit. Pero sa loob loob ko gusto ko ng bumigay.

Mabilis akong niyakap ni mama. "Thank you, Anak..."

Pagkatapos mailipat ng kwarto si bunso. Nagpaalam ako kay mama na pupuntahan ang boyfriend ko upang magtanong ng lugar. Pero hindi ko alam kung nakauwi na ba siya galing trabaho.

Bumiyahe ako mahigit treinta minutos hanggang sa makarating sa apartment na inuupahan niya. Hindi naman siya mayaman, hindi rin mahirap. Sakto lang at sapat ang kinikita niya buwan-buwan para sa pamilya niya.

Breadwinner din siya sa kanilang pamilya kaya lahat ng tulong at suporta na gusto niyang ibigay ay tinanggihan ko, dahil kakailanganin niya rin naman.

Minsan din wala na kaming oras sa isa't-isa dahil sa hectic na schedule, pero sinusulit naman namin ang mga oras kapag magkasama kami. Legal kami both sides kaya walang problema sa amin.

Umakyat ako sa hagdan at naglakad patungo sa harap ng apartment niya. Umangat ang kamay ko at akmang kakattok na ng makarinig ng mahinang boses.

"Lando..."

Namilog sa gulat ang mga mata ko dahil sa boses babae na iyon. Imbis na kumatok ay dahan-dahan kong pinihit ang door knob at hindi ito naka lock.

Nag-init ang bawat sulok ng mga mata ko, dahil palakas ng palakas ang boses na naririnig ko. Nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba ngunit pinilit ko pa rin itong igalaw.

Bumuhos ang luha ko ng tuluyang mabuksan ang pinto at siyang malakas na pag-ungol ng babae. Para akong tinakasan ng lakas ng bumungad mismo sa harapan ko ang ginagawa nila.

Gusto kong tumakbo palayo ngunit ayaw gumalaw ng mga paa ko. Nakatitig lang ako sa kanila at pinapanood ang bawat pagtaas-baba ng boyfriend sa ibabaw ng babae. At sabay pa silang umungol.

Parang pinipiga ang puso ko sa sakit.

"M-Masarap ba?" tuluyan na akong napahikbi.

Sabay silang lumingon sa gawi ko at parehong namimilog sa gulat ang mga mata. Tinitigan ko si Lando ng dismayado at bumaling sa babaeng agad nagtakip ng mukha.

"Babe..." Lando uttered as he immediately stood up.

"S-Sorry... n-nakakaistorbo yata ako..."

Mabilis akong tumalikod sa kanila at pilit hinakbang paalis ang mga nanginginig na mga paa. My tears burst more and I tried to walk fast as I heard Lando calling my name.

"Babe! Babe! Let me explain..."

Umiling-iling ako at nagpatuloy sa paghakabang ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Francine-"

Mabilis na dumapo ang palad ko sa kanang pisngi niya. "Ano pang ipapaliwanag mo? Kitang-kita ko mismo Lando!"

"Babe, please... i love you-"

"Tanginang pagmamahal 'yan! Pagmamahal ba ang tawag diyan?!" tinitigan ko siya kahit na puno ng luha ang mga mata ko.

"Nagtiwala ako sa'yo Lando. Minahal kita sa kabila ng nakaraan mo, kahit ang dami kong naririnig. Alam kong may pagkukulang ako, pero tama bang magloko ka?" nanghihina sa sabi ko.

Umiling siya sa akin at sinubukang hawakan ang kamay ko pero umatras ako. "Babe, I'm sorry, sorry. Nadala lang ako. She seduced me..."

Malakas ko siyang naitulak palayo. "Inakit ka niya? Anong gusto mong gawin ko sugurin ko 'yong babae mo?"

"Francine, nadala lang talaga ako..."

Payak akong natawa. "Nasa sa'yo pa rin 'yan, Lando, kung mag papaakit ka. Cheating is not a mistake, it's a choice..."

He immediately shook his head. "No, it was not my choice-"

"Tama na Lando, sapat na lahat ng nakita at nasaksihan ko. Sarap na sarap ka pa nga eh."

Muling bumuhos ang luha ko at muling tumalikod sa kaniya. Naninikip ang dibdib ko dahil pinagkatiwalaan ko siya tapos...

"Babe, ayusin natin 'to..."

Napapikit ako ng bigla niya akong hinabol at hinawakan sa kamay. "Ayusin natin 'to, please. Mahal kita,"

Inagaw ko ang kamay ko at sa pangalawang pagkakataon dumapo muli ang palad ko sa mukha niya. "Ito na ang huling pag-uusap natin, Lando. Ayaw na kitang makita at huwag ka na rin magkakamali na magpakita pa kina Mama at Franco..."

Muli akong tumalikod at patakbong lumayo sa kaniya kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Dahan-dahan akong huminto sa paglalakad ng makalayo sa kaniya.

Napahagulgol ako, nangatog ang mga binti ko at unti-unting napaupo sa gitna ng kalsada habang patuloy na bumubuhos ang malakas na ulan.

"My long-time boyfriend cheated on me..."

I cried harder as I embraced myself. "I hate you!" I screamed so loud under the cold rain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top