Kabanata 1

Kabanata 1

Fight


"I hate you, Florentino! I despise you so much!" I heard Mommy fuming mad at Daddy as I entered the house.

I lazily breathed out as I rolled my eyes. Heto na naman sila sa tuwing umuuwi ako ng bahay. Kung hindi makalat na bahay ang bubungad, sigawan naman.

Kailan ba matatapos ito? Nakakasawa na paulit-ulit na lang.

"Will you please shut up your noisy mouth, Cheva! It's irritating," Daddy's cold voice boomed around the house.

And like everyday, I will just cover my ears and pretend that I'm not hearing them. Kahit na sinasakop na nila ang buong bahay dahil sa mga sigawan.

Diretso ako nagtungo sa kusina at naabutan ko roon si Manang Belen na nagluluto. Napalingon ito sa akin at malungkot na ngumiti.

"Kanina pa po ba iyan?" tanong ko at binuksan ang ref at kumuha ng tubig.

"Oo, mabuti na lang at wala na si Daday."

"Umalis na po?" tanong ko.

Mabilis na lumipad pabalik ng tingin ko kay Manang na nakatingin sa niluluto niya. Saglit niya lang akong nilingon at tumango.

"Kanina pang umaga. Isang buwan lang din ang tinagal at umalis na. Natatakot sa mga magulang mo," anito.

Ano pa bang aasahan ko. E, lahat naman ng mga nakukuha namin na kasambahay ay umaalis din dahil sa araw-araw na pag-aaway ng mga magulang ko.

"Sige po sa kuwarto na ako. Pakidala na lang po ng pagkain ko sa taas doon na lang ako kakain," habilin ko.

Tumango si Manang sa akin dahil ganoon naman palagi ang eksena. Mabuti na nga lang ay hindi niya pa naisipan na umalis kahit medyo may edad na rin.

At maiintindihan ko naman kung sakali man na aalis na siya lalo na at walang pagbabago sa mga magulang ko.

"Okay ka lang ba? Parang matamlay ka?" puna niya sa akin at mabilis na pinatay ang kalan bago ibinigay sa akin ang buong atensiyon.

Ngumiti ako sa kaniya at umiling ang ulo. "Maayos naman po ako, Manang."

"Sigurado ka?"

Tumango ako sa kaniya.

"Opo."

"Oh sige na magpahinga kana sa kuwarto mo. Dadalhin ko na lang ang pagkain mo mamaya."

"Salamat po."

Tumalikod na si Manang sa akin at nilapitan ang lababo. Napalingon ako roon at may mga rekado pang nakakalat kaya hinayaan ko na siya.

I slowly turned my back and decided to go into my room and smiled a little. Simula noong bata pa ako si Manang na iyong palagi kong nakakasama at naging tagapayo ko na rin sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob.

Kung tutuusin parang mas tumayo pa siyang magulang ko dahil halos lahat nang nangyayayri sa buhay ko ay nakukuwento ko sa kaniya kapag maaga akong umuuwi.

Kaya kahit paano nakakalimutan ko kung anong magulong buhay ang mayroon ako.

Habang naglalakad patungo sa silid ko ay hindi pa rin nawawala ang ingay ng mga magulang ko.

I don't really know if Mommy is accusing the truth or if she's just being paranoid about Daddy.

"Cheva, if you keep insisting that I have another woman even though I don't have one. Maybe we should get separated. I'm tired of you..." Daddy's casual voice made me quiver.

Alam kong araw-araw silang nag-aaway pero hindi ko narinig mula sa kanila ang paghihiwalay. Kaya kahit paano natitiis ko lahat ng mga iyon pero sa pagkakataon na ito? Hindi ko na alam.

Dahan-dahan akong napalingon sa pinto ng kuwarto nila nang sumarado ito. Napahinto ako sa kalagitnaan ng baitang ng hagdan at napaupo roon.

Tumulo ang butil ng luha sa aking mata at napatakip ako ng bibig upang hindi maglikha ng ingay.

I could still hear their argument and listen to them even if it shattered my heart into small pieces.

"Tired?" Mommy laughed loudly but even though I don't see her, I knew she was crying. "Sa tingin mo ikaw lang ang pagod? Pagod na pagod na rin ako sa'yo Florentino."

"Then it's time for us to separate. Our marriage is not working anymore. Our relationship is getting worse day by day. Hindi ka ba naaawa sa anak mo?"

Tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ko at hindi napigilan ang sarili na tumayo at lumapit sa pintuan ng kuwarto nila.

Tumahimik sa loob kaya halos idikit ko na ang sariling tainga para marinig lamang sila.

"Anak ko?" Mommy spatted. "O anak mo?"

Naguluhan ako sa narinig kaya hinintay ko pa ang susunod na sasabihin ni Mommy kaya nanatili ako sa labas.

"Alam mong hindi ko anak si Cheska, Florentino! Pero sinubukan kong magpakaina sa kaniya at tinuring na parang tunay na anak dahil anak mo siya!"

Parang gumuho ang mundo ko dahil sa narinig na iyon. Hindi ko alam kung nabibingi lang ba ako. Pero iyong puso ko at utak ay para na akong sasabog.

"Cheva."

"Kaya patuloy kang nambababae 'di ba? Dahil hindi kita mabigyan ng anak hanggang ngayon. At alam kong pinakasalan mo lang ako dahil—"

"Stop it, Cheva. That was all in the past. And you know how much I tried to work on our marriage. Pero ikaw ang nagbibigay ng dahilan para masira tayo!"

"Ako? Ginawa ko ang lahat para sa'yo Florentino!"

"This is nonsense talk anymore. Hindi na tayo nagkakaintindihan Cheva. I will file an annulment for us. This is the best way—"

"Fine. Gusto mong makipaghiwalay? Then do it! Pero sa akin si Cheska!"

"No, I know you won't treat her like your real daughter. Sasaktan mo lang ang anak ko."

"Do not blame me, Florentino. Don't act like you did not abandon her mother just like trash!"

"Say whatever you want but I Cheska will stay on me!" mariin na sinabi ni Daddy.

After many years of fighting, ngayon lang nila ako iisipin? Great.

"No, Cheska will be on me. At ilalaban ko siya kung kinakailangan," si Mommy.

Daddy laughed mockingly as if mommy were joking. "Wala kang karapatan."

"I have the rights to her Florentino. I'm her mother!"

"But she's not your blood—"

Hindi ko na natiis ang mga naririnig kaya agad kong binuksan ng pintuan ng kuwarto nila habang rumaragasang bumabagsak ang mga luha.

"Ano pa bang hindi ko alam?" singit ko kaya sabay silang napalingon sa akin na nanalalaki ang mga mata nang nakita ako.

"Cheska..."

I glanced in mommy's direction while her eyes were swollen. I then slowly gaze at Daddy who was looking at me surprised.

"Great," I spatted. "Maghihiwalay kayo? Then do it Mommy and Daddy. Pero huwag ninyo asahan na sasama ako sa inyo. Because for all the years living with you, hindi ko naramdaman na naging magulang ko kayo," kalmado kong sinabi kahit para na akong sasabog sa sakit.

Mabilis akong tumalikod at patakbong nagtungo sa kuwarto ko.

Pagbagsak kong sinarado ang pintuan at ni-lock iyon. Naririnig ko ang boses nila sa labas na tinatawaga ako pero hindi ko na pinansin pa.

"Just leave me alone!"

Tinakbo ko ang kama at sumubsob sa unan ang mukha. Lalo akong napahagulgol sa mga nalaman.

I want to ask more about myself. Pero hindi ko kaya. Ang malaman na hindi ako tunay na anak ni Mommy ay parang binibiyak sa sakit ang puso ko.

I want to know how it happens but I don't think I can accept the truth. Ang sakit sakit.

Sana panaginip na lang ito. Sana... sana panaginip na lang ang nangyayari sa buhay ko.

Kinabukasan maaga akong nagising kahit late na ako nakatulog. Hindi ko rin nagalaw ang pagkain na hinatid kagabi ni Manang.

I slowly glanced at my table desk but there's no tray of food there. Tumayo ako at pinusod ang buhok at naisipan na magtungo sa kusina.

Habang naglalakad, I could feel my eyes swollen as my whole body felt weak. Dumiretso ako sa kusina at bahagyang nagtaka dahil malinis ang bahay at tahimik hindi kagaya nang nakagisnan ko.

Ngunit hindi pa man ako nakakapasok sa kusina nang narinig ko si Manang at si Mommy na nag-uusap.

"How is she?"

"Hindi niya ginalaw ang pagkain kagabi at nakatulog na lang."

I heard mommy sighed heavily. Nakatago lamang ako sa likod ng dingding ng kusina at walang balak magpakita. After realizing what I discovered yesterday I felt like I don't have rights to demand of her as my mother.

"I have not talked to her yet, Manang. She already knew..." my mother's voice shook but I remained silent.

"Sabihin mo ang totoo, Cheva. Maintindihan niya ang lahat."

"I will but for now I think she needs time for herself. Hindi madali para sa kaniya na malaman ang katotohanan."

"Eh, si Florentino? Anong balak ninyo? Sigurado na ba kayo diyan?"

"Manang pagod na rin ako sa kaniya. Ilang beses na akong lumaban at nagsakripisyo. I am done enough now. And if ever my father still alive, alam kong maiintindihan niya ako."

"Pero sa tingin mo ba may babae talaga si Florentino?"

Dahil sa narinig ko ay tahimik akong sumilip sa kanila. Magkatapat si mommy at manang habang nag-uusap. Lumipad ang mata ko sa ibabaw ng lamesa at may nakahanda ng pagkain doon.

"Manang I won't act like a bitch, act like a crazy dog if I don't catch him with another woman. I just want him to tell the truth. Dahil alam kong masasaktan Cheska kapag nalaman niya. Kaya nga mas pinipili kong maging masama sa mata niya dahil ayaw kong mag-iba ang tingin niya sa Daddy niya."

"Mahal mo na si Florentino, hindi ba?"

Nagtaka ako sa tanong ni Manang. Hindi naman siguro sila magpapakasal kung hindi. Pero iba ang sagot ni Mommy.

"Mahal ko si Cheska kahit hindi siya nanggaling sa akin. Kaya ayaw kong mawala sa amin si Florentino—"

"Mawala kay Cheska o sa'yo?"

"Manang..."

"Cheva bata ka palang ako na ang nag-aalaga sa'yo kaya kilala kita. Alam kong kahit hindi mo sagutin ay mahal mo na si Tino. Nagseselos ka."

Dumako ang tingin ko kay Mommy na tipid lamang na ngumiti.

"Manang sa mundo namin hindi uso ang pagmamahal. It's all about business. I just want Florentino to stay with us because my father trusts him with our business. At alam mo naman na hindi ko kayang hawakan ang kumpanya namin at bata pa si Cheska para i-pressure."

"Cheva..." sa tono ng boses ni Manang para itong naaawa kay Mommy.

"I want Cheska to enjoy her life without thinking of anything. Kahit sa ganoong bagay man lang ay makabawi ako sa kaniya. I want her to experience a life that I have never experienced."

Mabilis kong pinalis ang luha sa mga mata at muling tinago ang sarili sa dingding. Lalo akong naguguluhan dahil sa nga narinig ko.

"Sigurado na bang maghihiwalayan kayo ni Florentino? Paano si Cheska?"

"Alam kong may mas karapatan sa kaniya si Tino. Pero lalaban ako para sa akin mapunta si Cheska."

"Pero na kay Cheska pa rin ang desisyon Cheva. Tahimik man ang batang iyon pero alam kung nag-iisip na iyon sa mga nalaman niya."

"Panahon na para bumawi ako sa anak ko Manang. All my life, kay Florentino umiikot ang atensiyon ko dahil sa takot na mawala siya. Pero mas nakakatakot pala kapag si Cheska na ang pinag-uusapan."

"Mahal mo talaga ang batang iyon."

"Hindi man ako ang nagluwal sa kaniya, pero sa puso ko ay totoong anak ko siya."

Patakbo akong umalis sa pinagtataguan ko at dire-diretsong bumalik ng kuwarto. Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari pero ang marinig na mahal ako ni Mommy ay napakasarap sana sa pakiramdam... kung totoong anak niya ako.

Mabilis kong pinalis ang luha sa mga mata nang narinig ang tunog ng cellphone ko. Nilingon ko iyon na nasa ibabaw ng kama at agad na nilapitan.

Nang nakita na si Mayumi ang tumatawag ay humugot ako ng hangin at sinagot iyon.

"Hello, Mayumi?" pilit kong pinasigla ang boses kahit alam kong basag iyon.

"Cheska, I have something to tell you!" bungad niya.

"What is it?" pilit akong ngumiti kahit nangingibabaw ang sakit ng puso ko.

"Do you know Zoren the dark aura guy we met in the coffee shop?"

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya dahil iyon yata ang lalaki na na-dare ko sa kaniya noong naglaro kami nila Kim.

"What about him?"

"My gosh, Cheska! He kept following me after that day I sipped on his coffee. Palagi ko siyang nahuhuli na nakasunod sa akin."

"And?"

"I confronted him and then he said, he likes me and he was going to court me!" sigaw niya sa kabilang linya kaya halos ilayo ko ang phone sa tainga ko.

I let her finish her scream before I commented.

"Anong sinabi mo?"

"I'm surprised of course. But I was more shocked when I found out that he was planning to enter the military."

"Don't tell me you like him too? He's old na Mayumi. We are just Senior High School. And he's a college student already."

"Age is just a number... wait— I didn't say that I like him, duh!"

"Ha-ha, you're too obvious Mayumi. Don't deny it."

"No, I don't like him, don't jump to conclusions, alright? See you later, bye!"

"In denial—" I couldn't continue my words anymore when she suddenly ended the call.

Napailing na lamang ang ulo at natawa dahil sa reaksyon ni Mayumi. This is the first time she told me about the guy despite other men who's into her.

I took a deep breath as I remembered what was happening in my life.

My parents are planning to separate and I don't know what will happen next. Hindi ko pa sila kayang harapin at kausapin.

After all, they never think of me. Hindi nila inisip kung anong magiging epekto sa akin nang gagawin nilang paghihiwalay.

I lifted my gaze to our family picture in my room. We look so happy, a perfect family on the frame. Parehong nakangiti si mommy at daddy habang nakapisil sa magkabilaan kong pisngi.

Tinitigan ko iyon lalo na ang mukha ni mommy. Doon ko lamang siya nakikitang nakangiti dahil madalas ko siyang naririnig na umiiyak.

And if separation is the only way to make them stop fighting each other... Maybe I should accept it and start to live alone.

Napaigtad ako sa gulat nang mag-ring muli ang phone ko kaya agad ko iyong nilingon at nakita kong si Kim naman ang tumatawag.

Agad kong sinagot iyon.

"Hello, Cheska?"

"Yes, Kim?"

"Nasa school na ako at may good news ako sa'yo!" kinikilig na sambit nito kaya nagtaka ako.

"Ano na naman iyon? Don't tell me iyong lalaki sa coffee shop din ay sinusundan ka?"

"H—Huh?"

I suddenly laughed. "Just kidding, ano ba ang sasabihin mo?"

"Para kang manghuhula," aniya. "Anyway, nakita ko iyong pangalan mo sa mga top students! Kasama ka sa top, Cheska!"

I was speechless for a moment about Kim's news. I was not expecting it because I didn't take my school seriously because of my chaotic life every day. However, I still always passed on my quizzes, activities, and exams.

"Cheska?"

"Thank you, Kim. Maliligo na rin ako at papasok."

"See you and congratulations, best!"

Hindi ko na nagawang sumagot dahil naputol na ang linya. I am happy knowing that I still did it despite everyday struggles. Maybe I could ask my parents to celebrate this one even just for the last time.

Tumayo ako upang mag-ayos na ngunit may kumatok sa labas ng kuwarto ko. Nang lumingon ako roon at akmang bubuksan ang pinto ay nakita ko si Daddy, nakabihis at may dala-dala na itong bag.

"Dad?"

Humapdi ang bawat sulok ng mga mata ko.

"I'm leaving now, Cheska."

Naninikip ang dibdib ko na para bang tinutusok ito. Nabitawan ko ang hawak na cellphone dahil sa masakit na narinig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top