Kabanata 8
Kabanata 8
Offer
"A-Anna..."
I called her in the middle of our duty. Nilapag niya ang tray sa bakanteng lamesa at nilingon ako.
"Bakit?"
"M-May alam ka pa bang pagkakakitaan maliban dito sa club?" nagbabakasakaling tanong ko.
Agad naman siyang umiling sa akin at malungkot na ngumiti. "Wala na Krizza, ito na talaga ang naging trabaho ko magmula noon."
Tumango ako at ngumiti sa kaniya.
"Okay lang, salamat..."
She nodded back at me as she held the tray. I sighed heavily as we went back working.
Another day had passed and I decided to make a resume. Para makapag-apply sa mga company dahil habang tumatagal mas lalong nasasayang ang oras.
Matagal na akong nag-aapply sa ibang company pero walang tumatanggap sa akin karamihan kasi degree holder ang hinahanap. And this is my disadvantage as an applicant since I didn't finish my college degree. I'm just an undergraduate. Third year college lang ang natapos ko nang huminto ako sa pag-aaral.
Dahil day off ko naman ngayong araw kaya napagdesisyunan kong mag apply ulit sa mga company dito sa Makati. Kahit janitress lang sana sa umaga dahil waitress ako sa gabi.
Kailangan na kailangan ko lang talaga ng extra income para makaipon ng mas malaking halaga sa lalong madaling panahon.
Hanggang sa may aksidente akong napansin na job poster na nakadikit sa poste. Hindi na ako nag aksaya ng oras. I immediately went to the address that was written on the poster.
When I arrived to the Villaruz hotel. It sounds familiar though. Hindi ko matandaan kung saan ko narinig.
I suddenly entered the lobby hall but the guard blocked my way so I immediately showed the resume I was carrying.
“Mag a-apply po,” sabi ko.
He instantly nodded at me as he pointed out where I could wait.
I walked there and I sat down at the steel chair with the two girls beside me.
Siguro mag a-apply rin sila. A minute later one of the employees called us kaya sabay-sabay kaming pumasok na tatlo sa loob.
Isa-isa na kaming ini-interview. Sobrang kinakabahan ako habang naghihintay sa labas. Ano kayang itatanong? Siguro naman alam nilang hindi ako grumaduate ng college base sa pinasa kong resume.
I know my application does not have a higher chance of being hired, but my hope is still above my qualifications.
Hanggang sa lumabas na ang isang babae na kasama kong naghihintay kanina. Akala ko sunod na akong tatawagin pero sinara lang ng empleyado ang pinto.
Hanggang sa natapos na muli interview-hin ang isang aplikante ay hindi pa rin ako tinatawag upang interview-hin.
Lumabas na kanina ang dalawang nakasama ko pero nandito pa rin ako naghihintay. Nagpalinga-linga ako sa paligid at bigla kong napansin ang masamang tingin ng mga empleyado na napapadaan sa pwesto ko.
Muling lumabas ang isang empleyado kanina at agad ko itong hinarang.
"Ma'am, ma'am… hindi pa po ba ako i-interview-hin?" nagbabakasakaling tanong ko.
Tumaas ang kilay niya sa akin at nakita kong inirapan ako nito sabay mabilis na tinanggal ang kamay kong nakahawak sa braso niya. As soon as she slowly stared at me from head to foot like I'm… disgusting.
"Sorry, Miss! Pero wala na palang vacant job dito at panigurado na hindi ka tatanggapin ni Mr. Villaruz."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "P-Pero nakita ko po 'yong job poster sa mga vacant job position," paglalaban ko.
"Sorry, Miss, wala na talaga!" I could feel the annoyance of her voice. I even saw her rolling her eyes on me.
Napuno ng pagtataka ang mukha ko. Gusto ko sanang itanong kung may nagawa ba ako pero hindi na siguro mahalaga iyon. Ang gusto ko lang naman ay matanggap sa trabaho.
Napalabi ako at muling nakiusap.
"Ma'am please... kailangan ko lang po talaga ng trabaho ngayon, kahit ano na lang pong available—."
"Sorry po talaga, Miss. Subukan n'yong bumalik bukas kapag nandito na si Sir… mahirap na kasi eh," sabi niya.
Hindi nakawala sa paningin ko ang labis na inis sa mukha niya at hindi ko maintindihan kung bakit.
As an employer or employee you should always wear your nice facial manner, especially if you are talking with others. But this person in front of me… uh, nevermind.
Nakagat ko ang ibabang labi bago muling nagsalita.
"Nasaan ho ba ang sir n'yo? Pwede ko ba siyang makausap? Kahit ano na lang po talagang bakanteng trabaho tatanggapin ko."
"Nasa Cebu si sir at busy sa trabaho. Kaya huwag na kayong mag balak na kausapin at sundan siya, Miss!" she said irritatedly as she walked away from me.
Napatulala ako sa kawalan dahil sa inasal niya.
'What did I do? I'm just asking.' I mumbled to myself as I sighed lightly.
Lumabas ako ng lobby na lupaypay ang balikat. Pero ang mas nakakapagtaka ay ang mga masasamang tingin sa akin ng mga ibang empleyado sa hotel.
Wala naman akong ginawang masama kung makatingin sila parang gusto akong kakatayin ng buhay.
Hapon na kaya diretso na akong nagtungo sa club para magtrabaho hanggang sa nakauwi na ulit ng hating gabi.
———
Kinabukasan maaga muli akong bumalik sa Villaruz hotel at nagbabakasakali na matanggap na ako sa pagkakataong 'to... at sana rin makita ko na si Mr. Villaruz.
Kahit makiusap na ako sa kanya para lang matanggap ako sa trabaho.
Kung nagpapakita lang sana si Trevious… baka sakaling mag-offer pa ako ng masahe sa kaniya kapalit ng malaking halaga—
Mabilis kong iniling-iling ang ulo ng bigla siyang maalala. No, no! I shouldn't have been thinking about him anymore. He ghosted me after he took me twice.
He never showed up anymore and I felt a bit irritated about what he had done. I know I shouldn't expect anything from him but… I couldn't stop myself from not thinking of him and that things happened between us.
May nalalaman pa siyang chasing, chasing. Mang go-ghost lang din pala.
Dumating ako sa Villaruz hotel at saktong kakabukas lang nito ngunit hindi pa nagpapapasok ng tao dahil may naglilinis pa. Naghintay na lamang ako sa labas habang luminga-linga sa paligid.
Not until I saw the magtataho vendor. Ngunit medyo malayo ito sa akin dahil nasa kabilang kalsada ito nakapwesto.
"Mommy, mommy... I want taho please?" I even pouted my mouth to mommy.
"No baby, We don't know if it's clean or not…" she whispered to me.
"Mommy, I'm sure it's clean, there are also a lot of children buying taho," I pointed out those kids who were happily eating the taho .
"Mommy please... I want a taho..."
I even tried to cry a little to make my mom buy me a taho. Not until she pinched my nose while slowly nodding as we walked fast towards the taho vendor.
Yey!
"Here baby, but you have to brush your teeth after you eat that, alright?"
"Yes mommy, I will po."
"Good," she then tapped my head.
"Mommy, can we buy some for my—"
"No, he doesn't like the taste of taho right? Have you forgotten?"
Naputol ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan ng bigla akong sitahin ng guard.
"Ma'am gumilid po kayo, parating na po sila sir."
Mabilis akong gumilid at hindi ko napansin na medyo nasa gitna na pala ako ng entrance.
Maya maya lang ay kumalam ang sikmura ko at nakaramdam ng gutom kaya tumawid ako sa kabilang kalsada para bumili ng taho.
I miss my mom.
"Kuya pabili po," nagulat pa si Kuya sa'kin.
"M-Ma'am?"
“Pabili po, hehe,” ulit kong sinabi sabay abot ng barya sa kaniya.
"S-Sigurado po kayo, Ma'am?" napalunok pa ito habang nakatitig sa akin na para bang hindi makapaniwala.
Ngumiti ako at tumango. "Opo, bakit po?"
"Hmm w-wala po, Ma'am. S-Sa ganda n'yo po kasing iyan hindi halatang kumakain kayo nito..." takang sinabi niya.
"Naku kuya nambola ka pa, pabili na lang po nagugutom na kasi ako eh," ngumuso pa ako dahil naamoy ko na ang minatamis na sago.
Malapad akong ngumiti ng bigla niya akong tinakalan at dinamihan niya pa ang sago.
Yey!
"Ma'am… eto na po..."
Kumislap ang mga mata ko sa saya at agad ko itong inabot at diretsong tinikman medyo mainit pa kaya mas lalong nakakatakam.
"Ma'am. kayo pa lang po ang kauna-unahang bumiling dalaga sa akin," biglang sinabi niya. "Karamihan bata pero sa panahon ngayon... iilan na lang din ang may gusto nito," malungkot na sambit niya.
Napabaling ako sa kaniya na may pagtataka bago bumalik ang tingin sa taho.
"Bakit naman po?"
"Alam n'yo naman po ma'am, marami na ang bago sa panahon ngayon. Katulad ng mga iba't-ibang inumin at nangunguna na ang milk tea na patok sa mga kabataan sa panahon ngayon," wika nito.
Bigla naman akong napatingin kay manong habang nakatingin pala sa dalawang teenager na may hawak na milk tea.
Kay aga-aga milk tea.
"Oo nga po kuya. Pero mas the best pa rin po ang taho para sa akin. Naalala ko pa noon. Iniiyakan ko pa si mommy para lang bilhan ako nito," kwento ko pa at muling hinigop ang taho.
Nakita ko naman siyang ngumiti at tumango-tango sa akin.
"Sana ma'am lahat kagaya n'yo, 'yong hindi nakakalimot sa mga sinaunang bagay."
Natahimik ako bigla dahil sa sinabi niyang iyon na parang dumoble ang pagka-intindi ko sa sinabi niya.
Hanggang sa naglakbay ang mga mata ko sa kaharap na matayog na building at napatingin sa entrance ng lobby ng hotel na mapapansin ang mga pumasok na mga kalalakihan habang nakasuot ng formal suit.
Agad kong inubos ang taho at mabilis na nagpaalam kay kuyang vendor.
Pagkakataon ko na 'to!
Mabilis akong tumawid pabalik sa kabilang kalsada at dire-diretsong pumasok ng lobby.
"Ma'am, Ma'am! Saan po kayo pupunta?"
Hinarangan ako ng guard kaya agad kong pinakita ang hawak na resume, pero umiling-iling ang guard sa akin.
"Sorry po, Ma'am, pero sabi po ni miss Cristal wala na pong bakanteng trabaho—"
"Pero Kuya sabi niya po kahapon bumalik na lang ako kapag nandito na si Mr. Villaruz," nanlulumong sagot ko.
"Sorry po talaga."
"P-Please Kuya... Kailangan ko po talaga ng trabaho," pamimilit ko.
Imbis na pakinggang ako ay agad niya akong hinawakan sa braso at pilit pinapalabas ng gusali.
"Ma'am, umalis na po kayo… nag i-iskandalo na ho kayo rito."
Napatingin ako sa paligid at buti na lang ay wala pa masyadong tao. Bumalik ang tingin ko sa guard at muling nakiusap.
"Kuya please, kailangan ko po talaga ng trabaho—"
"What's happening here?!"
Napatigil si Kuyang guard sa pagpapalabas sa'kin. Nabalot kami ng saglit na katahimikan sa lobby dahil sa malalim at malamig na boses ang nagsalita na medyo pamilyar sa pandinig ko.
"S-Sir, nanggugulo po kasi, nagpupumilit na ma-interview para sa trabaho. Pero sabi ni miss Cristal wala ng bakante," paliwanag ng guard
Nakatitig lang ako sa guard at bagsak ang balikat.
"K-Kuya, kailangan ko po talaga ng trabaho… kahit janitress—"
"Krizza?"
Naputol ang pagsasalita ko at agad akong napatingin sa gilid ko dahil sa gulat habang nanlalaki ang mga mata.
"Alex?"
Malapad ang ngiting pinakawalan niya at tumango-tango.
"What a coincidence," he grinned. "Nice meeting you again, F—Krizza..." sabi niya at mabilis na bumaling sa guard.
"Don't touch her like that," malamig na sita nito sa guard.
"S-Sorry, Sir," anito sabah bitaw sa akin at agad bumalik sa pwesto niya.
"Wait me here Fi—Krizza, I will just get something in my car," si Alex.
Tumango lang ako sa kaniya at tipid na ngumiti. A few minutes later, nang nakabalik si Alex ay sinenysan niya akong sumunod sa kaniya at sabay na sumakay ng elevator.
"Saan tayo pupunta?"
Tumingin siya sa akin at bahagya akong tinaasan ng kilay.
"K-Kahapon kasi sa ibaba lang ako naghihintay para ma interview..." I added
"Oh, you came here yesterday?"
"Oo, nakita ko kasing may vacant job sa poster. Pero noong nandito na ako kahapon ang sasama ng tingin nila sa'kin… at wala na raw bakanteng trabaho."
"Like me..." he murmured
"What do you mean?"
"Nothing," he said while shrugging his shoulders.
Not until the elevator opens. I looked at what floor he pressed and it was on the 50th floor.
"A-Anong ginagawa natin dito?" untag ko nang nakalabas ng elevator.
Agad akong kinabahan.
Bigla niyang hinagilap ang kamay ko at hinawakan sa palapulsuhan bago kami pumasok sa isang pribadong silid.
Wait,conference room?
Nabasa ko lang sa labas ng pinto na may nakapaskil.
Pagpasok palang namin ay napansin ko agad ang mahabang lamesa sa gitna. May mga nagkukumpulang kalalakihan habang nakaupo sa mga silya at nagtatawanan kaya agad napatungo ang ulo ko.
"Hey dude, who's that chick?
"Bro, pakilala mo naman kami."
"Witwiw, sexy..."
Samu't saring mga komento ang naririnig ko at may iilan pang sumisipol.
"Shut up, assholes!" Alex's tone became serious and raised a bit.
"Woah, Alex is that you? So possessive man," natatawang sinabi sa kaniya
"Tsk!"
"Where's Ken?" Alex asked them.
"In his office, what do you expect from that man? Kulang na lang lunukin ang trabaho."
"Hey, sexy head up!"
Alam kong ako iyon dahil ako lang ang babae sa silid kaya dahan-dahan akong nag angat ng tingin sa kanila.
"H-Hi..."
Pero kagaya ng mga tao sa lobby. Gulat at pagkainis ang mababasa sa mga naggagandahan nilang mga mata. Mahigpit akong napahawak sa braso ni Alex.
"Hey, fuckers. Don't scare her."
"Is she F—"
"No! She's not her."
Nagulat ako ng tumayo si Luke at lumapit sa'kin.
"Hi, Krizza."
"H-Hello."
Mabilis naman akong hinawakan ni Luke sa kamay at hinila sabah hinarap sa mga lalaking naka formal suit.
"She's not her, okay? By the way. Her name is Krizza," pagpapakilala sa akin ni Luke.
"Are you sure buds—"
"Hey fuckers! Who's that sexy chick?" I think I know who owns that voice.
Mabilis naman akong tumingin sa likod ko at nahihiyang ngumiti.
"Krizza? What are you doing here?"
Si Zoren.
Agad ko namang tinuro si Alex. Pero nagkibit balikat lamang ito. Natigilan ako ng may pumasok muli sa pinto.
"What are you doing here?" he asked casually
Kahit bakas ng kaba sa dibdib ay mabilis kong inangat ang dala kong resume.
"D-Dito niya ko dinala."
Sabay turo kay Alex.
"Hey dude, sinama ko lang siya kasi pinagtabuyan siya kanina sa baba."
Mali yata itong pinasok ko.
"Hmm. Uuwi na lang ako. Wala na daw palang bakanteng trabaho rito."
Akmang aalis na ako ng magsalita siya.
"No, stay here."
Nanindig ang mga balahibo ko sa buong katawan at para akong naestatwa sa kinatatayuan nang narinig ang seryoso at baritono niyang tinig.
Alam na alam kong siya iyon kahit na hindi ko pa siya harap-harapan na nakikita.
Kaya agad akong napalingon sa kaniya upang kumpirmahin ang hula ko ngunit dumiretso lang siya ng lakad palapit sa mahabang lamesa.
"Let's postpone our meeting."
Pagkasabi niya ng salitang iyon ay tumalikod na siya agad at mabilis niya akong hinawakan sa palapulsuhan palabas ng pribadong silid.
"S-Sandali—"
"Let's talk!"
Shits! Ang lamig, parang siya.
Nagpatangay ako sa kaniya at pumasok kami sa isa pang silid agad kong pinaikot ang tingin ko sa paligid.
This must be his office.
Natuon ang atensyon ko sa mahabang pangalan niya na nakapatong sa office table niya.
'Trevious Ken Villaruz' - Chief Executive Officer.
'Ano?!' napanganga ako sa nalaman at hindi malaman ang gagawin.
Oh my gosh! Wrong place.
"A-Aalis na ako..."
"Where are you going?"
"U-uwi na—"
"I thought, you need a job?" sabi niya habang prenteng nakaupo at naka de kwatro.
Bakit ang gwapo niya ngayon?'
No! No! No!
"Ah, hindi na pala. Sige aalis—"
"Stay."
Malamig na boses ang pinakawalan niya dahilan kaya napaupo ako sa sofa.
"I have something to offer you, Krizza...." seryosong sambit niya.
"A-Ano iyon?"
"Work, right?"
Agad na nagdiwang ang kalooban ko sa narinig.
"Anong trabaho?" kaswal na tanong ko habang pilit pinipigilan ang mapangiti.
Bigla siyang tumayo mula sa kinauupuan at naglakad palapit sa akin.
Napaigtad ako ng bigla siyang umupo sa tabi ko at masuyong hinaplos ang braso ko na nagpanindig ng mga balahibo sa buong katawan.
“A—Anong trabaho?” utal kong tanong.
“What do you think?”
I don't know.
“Sabihin mo na lang—”
"Be my lady, Krizza...." he uttered huskily.
My eyes widened in surprise.
Ano?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top